PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 4: Bahagi ng PananaliksikINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10
INTEGRATED SCHOOLBAHAGIBAHAGI NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIK BAHAGI NG PANANALIKSIK
INTEGRATED SCHOOLBAHAGIBAHAGI NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKBAHAGI NG PANANALIKSIK1. Introduksyon sumasaklaw sa kaligiran (background) at mga layunin ng pananaliksik. Saklaw naman ng kaligiran ng pag- aaral ang batayang teoretikal, rasyunale ng pananaliksik (mga dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik). Ang mga layunin ng pananaliksik ay maaari ring ipresenta sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga tanong na gustong sagutin ng artikulo/saliksik na isinusulat. Mga tanong na sinasagot sa bahagi ng Introduksyon: 1. Ano ang nag-udyok sa mananaliksik na saliksikin ang paksa ng kanyang saliksik? 2. Ano-ano ang kakulangan sa mga umiiral sa mga umiiral na literatura/mga pananaliksik, na maaaring punan/tugunan ng isasagawang pananaliksik? 3. Anong mga teorya at konsepto ang gagamitin ng mananaliksik upang unawain, suriin, at ipaliwanag ang mga datos kaugnayan ng kanyang paksa? 4. Bakit isinagawa ang pananaliksik? Ano ang bagong kaalaman o pagsusuring maiaambag nito? Bakit mahalaga ang paksang tatalakayin nito?
INTEGRATED SCHOOLBAHAGIBAHAGI NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKBAHAGI NG PANANALIKSIK2. Mga Rebyu ng Kaugnay na Literatura rebyu ng mga aklat, nalathalang iskolarling artikulo (gaya ng mga akademikong journal) at iba pang mga sanggunian na kaugnay ng paksang sinasaliksik, o teoryang gagamitin sa pag-unawa nito. Ito ang magiging batayan ng pagsipat sa naabot na ng mga naunang pananaliksik at sa pagtukoy sa mga puwang o gap (mga bagay na hindi tinalakay o hindi masyadong tinalakay) sa mga umiiral na pananaliksik na maaaring punan ng bagong pananaliksik. Iba pang gamit ng Rebyu ng Kaugnay na Literatura sa pagrerebyu ng mga kaugnay na literatura, karaniwang saklaw rin ang mga teoryang magagmit sa pag-unawa sa paksang sinasaliksik kung gayon, ang rebyu ng kaugnay na literatura ay makatutulong din sa mananaliksik na patatagin ang batayang teoretikal ng kanyang artikulo batay sa mga umiiral na sangguniang teoretikal. Kaugnay nito, karaniwan ding may pahapyaw na rebyu ng kaugnay na literatura sa bahaging metodolohiya/o batayang teoretikal ng papel. sa bahaging diskusyon/pagtalakay, karaniwang muling binabalikan din ang ilang piling kaugnay na literatura upang magsilbing pantulong sa pagtalakay ng mga pangunahing punto ng artikulo.
INTEGRATED SCHOOLBAHAGIBAHAGI NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKBAHAGI NG PANANALIKSIKPagsusuri sa Katotohanan at Opinyon Ang katotohanan o mapatutunayang pahayag ay maaaring suriin sa pamamagitan ng datos, dokumento, o ebidensiya. Ang opinyon ay nagpapahayag ng paniniwala, paghatol, o pagpapahalaga. Pamantayan sa Pagtataya ng Kredibilidad ng Sanggunian Awtoridad: Sino ang may-akda? May sapat ba siyang kaalaman o kwalipikasyon sa paksa? Katumpakan: May datos, ebidensiya, at malinaw na batayan ba ang impormasyon? Kasalukuyan: Napapanahon ba ang impormasyon para sa layunin ng pananaliksik Layunin: Nagbibigay-kaalaman ba ang sanggunian o may layuning manghikayat, magbenta, o magpalaganap ng partikular na panana Kaugnayan: Direktang nakatutulong ba ang impormasyon sa paksa at suliranin ng pananaliksik? Pagpapatunay: May iba bang mapagkakatiwalaang sangguniang sumusuporta sa impormasyon?
INTEGRATED SCHOOLBAHAGIBAHAGI NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKBAHAGI NG PANANALIKSIK3. Metodolohiya inilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon. may iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon. Ang pinakakaraniwang paraan ai tinatawag na literature search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa internet. Kapag hindi sapat ang impormasyon na makukuha sa literature search, kinakailangang isagawa ng mananaliksik ang ibang paraan ng pangangalap ng datos katulad ng mga sumusunod: obserbasyon dokumentasyon sarbey pakikipanayam talatanungan pinatnubayang talakayan o focus group discussion Mga tanong na sinasagot sa bahagi ng Metodolohiya 1. Anong disenyo at pamamaraan ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral? 2. Sino-sino ang mga kalahok o ano-ano ang mga batis ng impormasyon at datos sa pananaliksik? 3. Paano at sa anong mga hakbang nangalap ng datos ang mananaliksik? 4. Anong instrument o kagamitan at paraan ng pagsusuri ang ginamit upang suriin ang mga nakalap na datos?
INTEGRATED SCHOOLBAHAGIBAHAGI NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKBAHAGI NG PANANALIKSIK4. Resulta dito inilalahad ang kinalabasan o resulta ng pananaliksik. Ito ang nagpapakita ng kontribusyon ng mananaliksik sa pag-unlad ng kaalaman sapagkat binigyan niya ng panibagong pagsusuri ang mga orihinal na datos na nalikom sa pananaliksik. ang bahaging ito ay halos magmumula lahat sa mananaliksik. Ito ang pinakaubod ng kanyang ambag at dito ipinapaliwanag ang mga sagot sa mga tanong na inilahad sa introduksyon. Sa bahaging ito, itinatampok ang sariling diskurso/paliwanag ng mananaliksik hinggil sa paksang tinalakay. Ang mga kaugnay na literatura ay maaari pa rin namang maging bahagi nito ngunit hindi sentral na bahagi sa halip ay pansuporta lamang sa sariling diskurso. 5. Kongklusyon at Rekomendasyon dito ibinubuod ang sagot sa mga tanong na inilahad sa unang bahagi ng saliksik. sa bahagi naman ng rekomendasyon, binibigyang-diin ang mga bagay na inirerekomenda ng mananaliksik batay sa kanyang isinagawang saliksik. Karaniwang ding inilalagay rito ang mga suhestyong paksa para sa mga susunod na mananaliksik. 6. Sanggunian ito ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin at kahit ang mga hindi nakalimbag na batis ng impormasyon katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo at maging ang mga social media networking site na pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.
PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 4: Bahagi ng PananaliksikINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10
