ANG PAGSULAT NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMOPHILIPPINESJOSE RIZAL NOLI ME TANGERE1887GROUP 5 Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng Noli Me Tangere noong 1887 habang siya ay nasa Madrid, Espanya. Ang nobelang ito ay naglalayong ipakita ang kalupitan at pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sa paggawa nito ang naging inspirasyon niya ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe, na tumalakay sa buhay ng mga inaaping tao sa Amerika. Isa pa dito ang malaking tulong ni Maximo Viola, na nagsilbing tagapagligtas sa pagpapalimbag ng Noli Me Tangere. Nagpahiram siya ng P300 kay Rizal upang matustusan ang gastos sa pagpapalimbag. Noong Pebrero 21, 1887, nakahanap ng palimbagan sa Berlin na pumayag na ilathala ang nobela sa halagang P300 para sa humigit-kumulang 2,000 kopya. ISANG MAHALAGANG DESISYON Bago pa man mailathala, binago ni Rizal ang pamagat ng nobela, na nagmula sa Ebanghelyo ni San Juan — “Touch Me Not” (John 20:17). Inihandog niya ang nobela sa “Inang Bayan” bilang pagpapahayag ng kanyang pagmamalasakit sa Pilipinas. MARSO 21, 1887 — NAILATHALA Sa wakas, noong Marso 21, 1887, lumabas ang unang edisyon ng Noli Me Tangere. Kabilang sa mga unang pinadalhan ni Rizal ng kopya sina Ferdinand Blumentritt, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano López Jaena, Mariano Ponce, at Félix Resurrección Hidalgo. “Isang nobelang isinulat para ilantad ang kalagayan ng bayan at gisingin ang kamalayan ng mga Pilipino.”www.bafm3f.group5Page 01 Madrid, Spain (1887)

Naantala ang padalang pera kaya halos hindi makakain at naghirap si Rizal sa Europa Isinanla ni Rizal ang kaniyang mga alahas para sa pagpapalimbag. Pinahirapan at pinalayas ang pamilya ni Rizal at mga taga-Calamba dahil sa usapin sa lupa. Binawasan ang manuskrito dahil sa kakulangan ng pondo. Valentin Ventura – Nagpahiram ng pera kay Rizal upang matapos at mailimbag ang nobela. PAGSULAT NG IKLAWANG NOBELAPHILIPPINESJOSE RIZALGROUP 5www.bafm3f.group5Page 02 Si Dr. Jose Rizal sa bansang Ghent, Belgium (1891) EL FILIBUSTERISMO1891 Matapos ang Noli Me Tangere, ipinagpatuloy ni Dr. Jose Rizal ang pagsulat ng kanyang ikalawang nobela, ang El Filibusterismo. Isinulat ito sa wikang Espanyol at higit na tumalakay sa pang-aabuso ng kapangyarihan, kawalan ng katarungan, at paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan. Nailathala ang nobela sa Ghent, Belgium noong 1891 sa tulong ni Valentín Ventura. LAYUNIN NG AKLAT Ilantad ang mga suliranin sa lipunan. Ipakita ang pang-aabuso ng kapangyarihan. Ilarawan ang kawalan ng katarungan. Gisingin ang kamalayan ng mga Pilipino. Ipakita ang hangarin para sa pagbabago at kalayaan. ISYUNG KINAHARAP MATAPOS MABASA NG MGA KAAWAY AT MAMAMAYAN ANG MGA NOBELA; Galit ng mga Prayle at Pamahalaang Espanyol Itinuring itong paghihimagsik Ipinagbawal ang pagpasok ng nobela sa Pilipinas Pagkumpiska sa mga kopya ng aklat na ipinapasok sa bansa Ang mga nahuling bumasa/nagmamay ari ng aklat ay maaaring parusahan, ikulong, o ipatapon Pagbabago mula Reporma tungo sa Rebolusyon ng mga Pilipino Ang El Filibusterismo ay ikalawang nobela ni Dr. José Rizal at karugtong ng Noli Me Tangere. Tinalakay nito ang pang-aabuso, katiwalian, kawalan ng katarungan, at paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan. Mas madilim ito at nagpapakita ng galit, paghihiganti, at pagnanais ng pagbabago. “Walang mga maniniil kung walang mga nagpapaalipin.” — Dr. José Rizal, El Filibusterismo