PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 6: Pagpili ng PaksaINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10

INTEGRATED SCHOOLPAGPILIPAGPILI NGNG PAKSAPAKSAPAGPILI NG PAKSA

INTEGRATED SCHOOLPAGPILIPAGPILI NGNG PAKSAPAKSAPAGPILI NG PAKSAPagpili ng Paksa Ang paksa ay pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na pinag- isipang paksa. Mahabang panahon ang ginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman, makabubuting napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon ng pinal na desisyon. Narito ang ilang mahahalagang gabay sa pagpili ng pinakaangkop na paksa: 1.Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo 2.Bago o naiiba (unique) 3.May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon 4.Makapag-aambag ng bagong kaalaman 5.Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan

INTEGRATED SCHOOLPAGPILIPAGPILI NGNG PAKSAPAKSAPAGPILI NG PAKSAMga Hakbang sa Pagpili ng Paksa para sa Papel Pananaliksik Sinisimulan ang anumang pananaliksik sa pagpili at paglimita ng paksa. Ang nalimitahang paksa ay isinasalin sa tanong na magsisilbing gabay sa buong pananaliksik. Bukod sa pamimili ng paksa, pinauunlad ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kaugnay ng literatura at pag-aaral. Makabubuti kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay may malawak nang pagkaunawa sa paksa upang maging madali sa kaniya ang susunod na mga bahagi. Kung minsan, kapag masyado pang malawak ang paksang nais saliksikin, nakatutulong ang pagbabasa ng mga literatura at pag-aaral tungkol sa paksa upang mahanap ang espesipikong anggulo ng pag-aaral.

INTEGRATED SCHOOLPAGPILIPAGPILI NGNG PAKSAPAKSAPAGPILI NG PAKSAMakatutulong sa bahaging ito ang pagbabasa ng mga artikulo mula sa online journals sa internet o kaya ay pananaliksik sa mga silid-aklatan. Mahalaga rin ang masinop na pagtatala ng makabuluhang impormasyon, konsepto, at teorya na magiging gabay sa pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon ng datos. 1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin 2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik 3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya 4. Pagbuo ng Tentatibong Paksa 5. Paglilimita sa Paksa malawak o pangkalahatang paksa nilimitahang paksa lalo pang nilimitahang paksa 6. Pagbuo ng paglalahad ng suliranin (patanong)

PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 6: Pagpili ng PaksaINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10

Flipso

Aralin 6: Pagpili ng Paksa

Erdy Freian Falcutila