PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 2: Etika ng PananaliksikINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10

INTEGRATED SCHOOLETIKAETIKA NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIK ETIKA NG PANANALIKSIK

INTEGRATED SCHOOLETIKAETIKA NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKETIKA NG PANANALIKSIKAng pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga ng isang indibidwal sa kaniyang kapwa. Kung ilalapat ito sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa. Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik Ang mga gabay sa etikal na pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba’t ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2013) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan. 1. Pagkilala sa pinagmula ng mga ideya sa pananaliksik 2. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok 3. Pagiging kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok 4. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik

INTEGRATED SCHOOLETIKAETIKA NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKETIKA NG PANANALIKSIKPamamalahiyo at ang mga Responsibilidad ng Mananaliksik Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism o pamamalahiyo ay tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng plagiarism.org (2014) ang iba pang anyo ng pamamalahiyo gaya ng: - pag-angkin sa gawa, produkto, o ideya ng iba; - hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag; - pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag; - pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala; at - ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito.

INTEGRATED SCHOOLETIKAETIKA NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKETIKA NG PANANALIKSIKResponsibilidad ng Mananaliksik 1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan. 2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin. 3. Maingat sa pagpili ng datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan; sa pagsisiguro sa lahat ng panig ng pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng mga kongklusyon, interpretasyon, komento, at rekomendasyon. 4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito. 5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa. 6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral tungkol sa paksang pinag-aralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang pagkilala at permiso kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik. 7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan.

PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 2: Etika ng PananaliksikINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10

Flipso

Aralin 2: Etika ng Pananaliksik

Erdy Freian Falcutila