PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 1: Kahulugan at KatangianINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10
INTEGRATED SCHOOLKAHULUGANKAHULUGAN ATAT KATANGIANKATANGIAN KAHULUGAN AT KATANGIAN
INTEGRATED SCHOOLKAHULUGANKAHULUGAN NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKKAHULUGAN NG PANANALIKSIKIsang katutubo at sinaunang salita ang “saliksik.” Sa Vocabulario nina Noceda at Sanlucar, nangangahulugan itong “buscar por todos los rincones” o “hanapin sa lahat ng sulok.” Ibig sabihin, taglay na ng kahulugan ng “saliksik” noon pa man ang masalimuot, masinsinan, at masiyasat na paghahanap ng kasagutan, karunungan, at solusyon. Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta pagsasama- sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong nakalap. Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik (Spalding, 2005). Ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasabulian (Constantino at Zafra, 2010). Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong upang makapagdagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.
INTEGRATED SCHOOLKATANGIANKATANGIAN NGNG PANANALIKSIKPANANALIKSIKKATANGIAN NG PANANALIKSIK1. Obhetibo - naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri. 2. Sistematiko - ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap- tanggap na kongklusyon. 3. Napapanahon - nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan. 4. Empirikal - ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik. 5. Kritikal - maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik. 6. Masinop, Malinis at Tumutugon sa Pamantayan - nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuuan. 7. Dokumentado - nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 1: Kahulugan at KatangianINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10
