KabilaKabilaKabila PagsubokPagsubokPagsubokKabila PagsubokPangarapPangarapPangarapPangarapsasasasan g
Ang Pangarap ni MelodyAng Pangarap ni MelodyAng Pangarap ni MelodyAng Pangarap ni MelodyDahil sa kahirapan, wala siyang sapat na pera para makapag- record ng kaniyang mga kanta o makabili ng maayos na kagamitan. Lumang cellphone lamang ang ginagamit niya sa paggawa ng musika. Kahit limitado ang kaniyang mga gamit, hindi niya hinayaang maging hadlang ito sa kaniyang pangarap.Ang Kahirapan sa PagsisimulaAng Kahirapan sa PagsisimulaAng Kahirapan sa PagsisimulaAng Kahirapan sa PagsisimulaNoong unang panahon ay may isang babaeng naninirahan sa probinsya ng Batangas kasama ang kaniyang magulang. Siya ay nagngangalang Melody. Si Melody ay isang simpleng dalagang lumaki sa isang mahirap na pamilya sa probinsya. Ang kaniyang ama ay isang mangingisda, habang ang kaniyang ina ay isang labandera. Bata pa lamang siya ay mahilig na siyang kumanta at gumawa ng sariling mga kanta. Pangarap niyang maging isang propesyonal na mang-aawit upang matulungan ang kaniyang pamilya at maiahon sila sa kahirapan. Kilala rin siya sa kaniyang palayaw na Melodia, na sumisimbolo sa kaniyang pagmamahal sa musika.
Ang Hirap Makahanap ngAng Hirap Makahanap ngAng Hirap Makahanap ng PagkakataonPagkakataonPagkakataon Ang Hirap Makahanap ng PagkakataonAng Kantang Inangkin ng IbaAng Kantang Inangkin ng IbaAng Kantang Inangkin ng IbaAng Kantang Inangkin ng IbaIsang araw, nakilala niya ang isang producer na nangakong tutulungan siyang makilala. Ngunit sa halip na tulungan siya, kinuha nito ang kaniyang orihinal na kanta at ibinigay sa ibang mang-aawit nang walang pahintulot. Sinubukan niyang ipaglaban ang kaniyang karapatan sa social media, ngunit marami ang hindi naniwalang siya ang tunay na gumawa nito. Dahil dito, nakatanggap siya ng masasakit na komento at nawalan ng tiwala sa sarili.Sa kabila ng nangyari, hindi tuluyang sumuko si Melody. Nakita niya ang sakripisyo ng kaniyang mga magulang at naisip niyang kailangan niyang ipagpatuloy ang kaniyang pangarap. Nagdasal siya at nagpasiyang magsimula muli. Gumawa siya ng mga bagong kanta at nag-upload sa TikTok at Facebook kahit kakaunti lamang ang nanonood. Sumali rin siya sa mga lokal na paligsahan upang magkaroon ng pagkakataong maipakita ang kaniyang talento. Hindi naging madali ang makilala dahil limitado ang kaniyang koneksiyon at oportunidad.
Ang Pagsubok sa InternationalAng Pagsubok sa InternationalAng Pagsubok sa International StageStageStage Ang Pagsubok sa International StagePagkalipas ng limang taon, nakilala na si Melody bilang isang propesyonal na mang-aawit sa buong bansa sa kaniyang stage name na Melodia. Dahil sa kaniyang talento at pagsisikap, napili siyang kumatawan sa Pilipinas sa isang international singing competition. Pagdating niya sa entablado, nakaramdam siya ng kaba nang makita ang mahuhusay na mang-aawit mula sa ibang bansa. Naisip niyang baka hindi sapat ang kaniyang talento upang manalo. Naalala niya ang lahat ng pinagdaanan niya-ang kahirapan, ang kantang inangkin ng iba, ang masasakit na komento, at ang sakripisyo ng kaniyang mga magulang.Nagdasal siya at nagkaroon muli ng lakas ng loob. Buong tapang niyang ipinakita ang kaniyang talento. Pagkatapos ng pagtatanghal, inanunsyo ng host ang nanalo."And the winner is... THE PHILIPPINES!"Hindi makapaniwala si Melody nang marinig ang pangalan ng kaniyang bansa. Napaluha siya sa tuwa dahil ang dating simpleng dalagang nangangarap lamang ay nakapagbigay na ng karangalan sa Pilipinas.
Ang Aral ng Kaniyang PangarapAng Aral ng Kaniyang PangarapAng Aral ng Kaniyang PangarapAng Aral ng Kaniyang PangarapSa huli, napagtanto ni Melody na hindi hadlang ang kahirapan, paglabag sa kaniyang karapatan, kakulangan sa oportunidad, at matinding kompetisyon upang maabot ang isang pangarap. Sa tulong ng pananampalataya sa Diyos, pagmamahal ng pamilya, tiwala sa sarili, at walang sawang pagsisikap, nagawa niyang malampasan ang lahat ng pagsubok. Aral:Aral:Aral:Aral:Huwag agad sumuko sa kabila ng mga pagsubok. Maaaring mabagal ang pag-abot sa pangarap, ngunit sa pamamagitan ng pananampalataya, tiyaga, at tiwala sa sarili, posible itong makamit.
KabilaKabilaKabila PagsubokPagsubokPagsubokKabila PagsubokPangarapPangarapPangarapPangarapsasasasan g
pangarap sa kabila ng pagsubok
this book is written by raermntll and liasbnnra.
