Pamana Portfoio Teacher: Tey Rodil Grade 7 Claude Levigne A. Molina
SALAWIKAIN Mga Halimbawa: 1.“Kapag may tiyage, may nilaga” 2.“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” 3.“Pag may isinuksok, may madudukot” Paliwanag ng Kahulugan • Ang mga salawikain na ito ay nagtuturo ng sipag, paggalang sa nakaraan, at kahalagahan ng pag-iimpok. • Ipinapakita na ang mga Pilipino ay may matibay na pagpapahalaga sa tiyaga, respeto, at paghahanda sa kinabukasan. Personal na Repleksiyon: Bilang estudyante, natutunan ko na ang tiyaga sa pag-aaral ay nagbubunga ng tagumpay. Ang paggalang sa pinagmulan ay nagbibigay ng direksiyon, at ang pag-iimpok ay tumutulong sa paghahanda para sa hinaharap.
