ppINIHANDA NINAKHYLENE BASCOSJENINA PEREDOIVY RABBONFREDMAR REBOLDELABENEDICT SOY

Ano angpananaliksik?Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagsisiyasat gamit ang iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan ng pantukoy na suliranin tungo sa klasipikasyon o resolusyon nito (Good, 1963). Ito rin ay isang maingat, sistematiko, at obhetibong imbestigasyon upang makakuha ng mga balidong katotohanan at makabuo ng konklusyon (Clarke & Clarke, 2005). Sa lipunang Pilipino, ito ay tinitingnan bilang isang matiyaga at mapanuring pagsisiyasat tungkol sa isang problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan (Atienza et al., 1996).Kahalagahan ng pananaliksikPAGTUGON SA PANDEMYA AT ISYUNG PANGKALUSUGANNagbibigay-daan sa pagtuklas ng mga bakuna at mabisang gamot upang masugpo ang mga nakakahawang sakit. PAGPAPAUNLAD NG AGRIKULTURA AT TEKNOLOHIYA Nagbubunga ng mga makabagong kagamitan (tulad ng traktora) na nagpadali sa pagtatrabaho ng mga magsasaka PAGHAHANAP NG SOLUSYON Paghahanap ng Solusyon: Naglalayong makakuha ng mga direktang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.pananaliksikpagbabago

K R I T I K A L K R I T I K A Li t o n g k a t a n g i a ni t o n g k a t a n g i a np a n a n a l i k s i k p a n a n a l i k s i kAyon kay Chan (2008), ang isang makabuluhang pananaliksik ay nagtataglay ng pitong pangunahing katangian na naipakita sa itaas.E M P I R I K A LE M P I R I K A LL O H I K A L L O H I K A LS I K L I K A L S I K L I K A LM E T O D I K A L M E T O D I K A LR E P L I K A B I L I T IR E P L I K A B I L I T IA N A L I T I K A LA N A L I T I K A L May wastong batayan May wastong batayan Maingat na paghusga Maingat na paghusgaBatay sa obserbasyon Batay sa obserbasyon Sinusuri ang datos Sinusuri ang datos Maaaring ulitin Maaaring ulitin May sistematikong paraan May sistematikong paraan Paulit-ulit na proseso Paulit-ulit na proseso

PAGIGING RESPONSABLETama at patas gumamit at magbahagi ng impormasyon Hindi sumusuko sa paghahanapAno ang nasa likod ngmabuting mananaliksik?PAGKAMATIYAGAPAGKAMAPARAAN May alternatibong paraanPAGKAMASISTEMA May malinaw na planoPAGKAMAINGAT Sinusuri muna ang impormasyonPAGKAMAPANURI Hindi agad naniniwalaPAGKAMATAPAT Kinikilala ang mga pinagmulan

Ang maasahang impormasyon ay simula ng tamang pagbabago.Mahalaga ang mananaliksik sa lipunan dahil nagbibigay siya ng makatotohanan at mapagkakatiwalaang impormasyon na makatutulong sa paglutas ng mga suliranin. Ayon kay Chan (2008), ang mabuting mananaliksik ay mapanuri, maingat at tumpak, marunong pumuna, tapat, at malikhain. Mahalaga ang mga katangiang ito upang maging wasto ang pangangalap at pagsusuri ng datos. Sa kabila ng mga hamon tulad ng kakulangan sa oras, pondo, at kagamitan, dapat itong harapin nang may tiyaga at pananagutan. Sa pamamagitan ng mahusay at tapat na pananaliksik, nagiging mahalagang katuwang ng mananaliksik sa pagbuo ng mga solusyong makatutulong sa komunidad at lipunan.kahalagahan ngmananaliksik sa lipunan

Nakumpirma na walang face-to-face classes, ngunit magpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng alternative mode of learning. Matapos makumpirma ang impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang sources, ibinahagi niya ang opisyal na anunsyo sa kaniyang mga kaibigan at iba pang maaaring makinabang dito. May nakita ang isang mag-aaral sa kanyang Facebook feed na post mula sa hindi tiyak na source na nagsasabing suspendido ang klase sa Ilocos Sur. Sa halip na agad paniwalaan at ibahagi ang impormasyon, nagpasya siyang beripikahin muna ito. Sitwasyong Pang-araw-arawSinuri niya ang post ng PCO tungkol sa memorandum na nagsasaad na dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ipatutupad ang alternative work arrangements at alternative learning modes, depende sa direktiba ng LGU..Upang matiyak ang pagpapatupad nito sa kanilang paaralan, hinintay niya ang opisyal na anunsyo sa Facebook page ng paaralan.Pagkatapos, sinuri rin niya ang opisyal na anunsyo ng PGIS at nakumpirmang ipatutupad ang alternative work arrangements.

Bilang mga mag-aaral, maisasabuhay namin ang mga katangian ng isang mabuting mananaliksik sa hindi agad paniniwala sa impormasyon, pagsusuri sa mga sanggunian, at paghahanap ng sapat na ebidensya bago gumawa ng konklusyon. Magiging matiyaga at maparaan kami sa paghahanap ng impormasyon, sistematiko at maingat sa aming mga gawain, at mapanuri sa mga impormasyong aming nakikita, nababasa, o naririnig. Higit sa lahat, magiging matapat at responsable kami sa paggamit at pagbabahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pinagkukunan at pag-iwas sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon.MGA SANGGUNIANREPLEKSIYONPaano namin maisasabuhay ang mga katangian ng isang mabuting mananaliksik bilang mga mag-aaral?Aming Panata Bilang mga Mananaliksikmagtanong – magsaliksik – susuriin – patutunayanAt responsable naming ibabahagi ang aming nalalaman at malalaman