S A L A M I S I MS A L A M I S I MN O V E M B E R 2 0 2 6V O L U M E 0 2T A G L I N EL o r e m I p s u m

KUNG SAAN NAIWAN ANG ARAW NG NAKARAAN b y J h e o H e r n a n d e z "Hindi nakakulong sa lumang album ang ating kabataan; bitbit natin ito sa bawat desisyon, pagod, at pag-asa natin sa kasalukuyan." ay kakaibang bigat ang katahimikan ng tanghaling tapat sa isang lumang bahay na may bintanang kahoy at salamin. Dito, kung saan dumadampi ang init ng araw sa nakataas na paa at sa mga bubong sa labas, nagsisimula ang pagbabalik-tanaw. Hindi lamang ito simpleng paggunita sa mga lumipas na taon; isa itong pagtatangka na unawain kung paano hinubog ng mga tila pangkaraniwang sandali ang ating pagkatao bilang mga Pilipino. Sa edisyong ito, binalikan namin ang mga espasyong nagpalaki sa atin. Mula sa pagtambay sa labas ng tindahan habang ninanamnam ang tigpipisong tsitsirya sa ilalim ng malabong ilaw ng poste, hanggang sa siksikang sala kung saan naghahalo ang tawanan, kuwentuhan, at ang maingat na pagbabantay sa mga lumang litrato at santo sa altar, naroon ang tunay na pulso ng ating kultura. Ipinagdiriwang namin ang mga alaalang ito hindi dahil perpekto ang nakaraan, kundi dahil dito natin unang natutunan ang sining ng pakikipagkapwa, pagtitiis, at paghahanap ng ligaya sa pinakasimpleng bagay. Ngunit sa gitna ng mabilis na pagbabago ng panahon at ng kulturang laging nagmamadali, nais din naming mag-iwan ng isang hamon. Madalas nating ginagamit ang nostalgia bilang takas sa bigat ng pagtanda, subalit hindi sapat na hangaan lamang ang nakaraan mula sa malayo. Sa paglipat natin sa mga modernong espasyo at mas indibidwalistikong pamumuhay, ano na ang natitira sa diwa ng komunidad na minsang nagbigkis sa atin sa loob ng masisikip na sala at sa mga kanto ng barangay? Inaanyayahan namin kayong buklatin ang mga susunod na pahina hindi lamang upang mangulila, kundi upang magtanong. Sa bawat larawan at kuwentong aming inihanda, nawa ay makita ninyo ang sariling repleksyon: ang batang minsan nang nangarap sa tabi ng bintana, at ang nakatatandang ngayon ay may kapangyarihang lumikha ng mga bagong alaalang karapat-dapat ding balikan. M 2 S A L A M I S I M

S A L A M I S I M3

S A L A M I S I M 4

5

Ang Bahay na Walang Nagbago Pero Binago ng Panahon anda ko pa kung paano ako matulog sa sofa tapos gigising na nasa kama na. Sana ganoon din ang mga prolema, ‘Yong tipong pagkurap mo ng mata, mawawala na. O kaya naman yung mga panahon na mabigyan ka lang ng limang piso pambili ng mga chichirya tulad ng kiss o bangus tapos lalagyan mo lang ng suka e masaya ka na. Dati kinaiinisan ko ang sigaw at pangaral ni mama, ngayon mas nanaisin mo pala dahil ramdam mo ang pag-aalala at pag aaruga niya lalo na pag nakita mo‘ng isa-isang nagpuputian ang mga itim na hibla ng buhok niya. Habang binibilang natin kung ilang beses na tayong napagalitan..binibilang naman nila ang oras na natitira nila para tayo ay magabayan. Akala ko nagbago na ang pasko, pero napagtanto ko na tayo lang pala ang nagbago. Hindi na ganoon kasaya tulad dati dahil ang dami ng nawala sa atin, Nawalan tayo ng mga mahal sa buhay na kumokompleto ng pasko natin. Nawala na ang saya dahil marami nang pagsubok ang binigay ng buhay. Hindi lang pala tayo ang tumatanda kundi pati rin ang ating paniniwala. Nawalan na ng kulay ang pasko “Sa isang pirasong litrato may ilang daang kwento” Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat. Marahil, habang abala tayo sa paglaki, hindi natin napapansin na unti-unti na ring nagbabago ang mga bagay sa paligid natin. Ang dating maingay na bahay ay nagiging tahimik, ang mga dating nakasanayang mukha ay hindi na palaging nakikita, at ang mga simpleng sandali na dati'y hindi natin pinapansin ay siya palang mga alaalang gugustuhin nating balikan. T F E A T U R E S T O R Y 6

pariatur exercitation irure ex id sunt ipsum excepteur Lorem proident exercitation labore aliqua culpa veniam nostrud aliquip ullamco nulla ipsum esse velit consectetur ut anim minim voluptate culpa labore ullamco veniam qui exercitation aliquip nisi adipisicing sint pariatur nulla enim cupidatat eu culpa est non anim culpa ex officia incididunt in non occaecat dolor eu id Lorem voluptate adipisicing commodo eiusmod nisi enim id dolore aute quis excepteur officia reprehenderit voluptate eu irure ullamco dolore dolore occaecat cillum amet officia officia sit quis magna et reprehenderit veniam pariatur exercitation irure ex id sunt ipsum excepteur Lorem proident exercitation labore aliqua culpa veniam nostrud aliquip ullamco nulla ipsum esse velit consectetur ut anim minim voluptate culpa labore ullamco veniam qui exercitation aliquip nisi adipisicing sint pariatur nulla enim cupidatat eu culpa est non anim culpa ex officia incididunt in non occaecat dolor eu id Lorem voluptate adipisicing commodo eiusmod nisi enim id dolore aute quis excepteur officia reprehenderit voluptate eu irure ullamco dolore dolore occaecat cillum amet officia officia sit quis magna et reprehenderit veniam F E A T U R E S T O R Y 7

S A L A M I S I M8

S A L A M I S I M9

10

11

ay mga larawang hindi lamang basta kinukunan, kundi may dalang damdaming nais nating balikan. Sa likod ng bawat pitik ay may kwentong nabubuo mula sa mga tao, lugar, at sandaling nagbibigay-kahulugan sa ating mga alaala. Sa pamamagitan ng potograpiya, ipinapakita nina Geloy Concepcion, Shaira Luna, at Dennese Victoria ang iba't ibang paraan ng pagtingin at pagdama sa mundong kanilang ginagalawan.S A L I K O D N G M G A L E N T E b y A n d r e a R a d a “Pagkilala sa mga artistang nagbibigay-buhay sa mga kuwentong nakatago sa bawat larawan.” Geloy Concepcion, Shaira Luna, at Dennese VictoriaM Shaira Isa sa mga photographer na nagbibigay-buhay sa mga ganitong sandali si Shaira Luna. Dinadala niya ang mga manonood sa isang mundong puno ng estilong hango sa nakaraan, malumanay na kulay, at mga larawang nagpapakita ng pagiging malaya at payak. Geloy Mula sa mga lansangan ng Maynila hanggang sa tahimik na buhay-pamilya sa ibang bansa, ginagamit ni Geloy Concepcion ang kaniyang kamera upang idokumento ang mga personal na karanasan, ugnayan, at pang-araw-araw na buhay. Ang kaniyang mga larawang may malalambot na kulay at bahagyang malabong dating ay tila nagbabalik sa mga manonood sa mga alaalang minsang naging bahagi ng kanilang buhay. Dennese Sa kabilang banda, binibigyang-pansin ni Dennese Victoria ang katahimikan at lungkot ng isang sandali, kung saan nagtatagpo ang alaala at damdamin sa bawat kuhang larawan. Magkakaiba man ang kanilang estilo, iisa ang ipinapaalala ng kanilang mga likha: may mga sandaling higit pa sa isang larawan ang maaaring maging alaala. Minsan, sapat na ang isang kuha upang muling maramdaman ang isang lugar, maalala ang isang tao, o balikan ang panahong minsan nating naging bahagi. Sapagkat hindi lahat ng sandali ay maaaring manatili, ngunit sa pamamagitan ng sining, maaari nating bigyan ng puwang ang mga alaalang ayaw nating tuluyang mawala.source: spot | www.spot.phsource: instagram | @geloyconceptionsource: offsetprojects | offsetprojects.in 12 D E S I G N E R ’ S P R O F I L E

13S A L A M I S I M

S A L A M I S I MS A L A M I S I MELLA TIMBUGANANDREA RADAJHEO HERNANDEZDAN GUEVARRAJUDE VALENCIAFLORIELLY MACMACC R E A T I V E SV O L U M E 0 2 N O V E M B E R 2 0 2 6