Kaunti Lang ang Tulog ni Nanay

Created in Canva

Kuwento ni IRISH C. DE GUZMAN Igunihit ni ANDREW V. CRUZR e a d i t R i g h t

This Book Belongs to This Book Belongs to

Copyright © 2025 by BLOOMBOOKS INC. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means—electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise— without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations used in reviews or scholarly works. Written by: Irish C. De Guzman Illustrated by: Andrew V. Cruz Lay out Artist: Percival S. Vite Published by: BLOOMBOOKS INC. 5020 Sulok St., Ugong, Valenzuela City / Unit A 5218 Que Grande Sulok St., Ugong, Valenzuela City Email: sales@bloom-books.net ISBN - 978-971-0574-58-2 First Edition: 2025 Printed in the Philippines

Learning Competencies: 1.Naisasakilos ang mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya na nagpapanatili ng masaya at matatag na samahan. 2. Naipaliliwanag na ang pagtupad sa mga gawain ay nakapagpapa-unlad ng sarili at ugnayan sa pamilya. 3. Nakapagaangkop ng mga kilos na nagpapakita ng kakayahang mag-isip at magmahal ng tao bilang bahagi ng kanyang pagkabukod-tangi. 1

2

Bago pa man sumikat ang araw, ang dami nang nagawa ni Nanay sa bahay. Nagwalis at naglampaso ng sahig, nagplantsa ng mga uniporme, nagluto ng almusal, nakuha at natiklop na rin ang mga sampay na damit. Nagawa na niya ang dapat gawin. Naiayos na niya ang mga dapat ayusin. Naihanda ang dapat ihanda. Nailigpit na rin ang mga dapat ligpitin. 3

natapos ang isa, mayroon ulit itong kasunod. Tila nagbabagong-anyo ang aming bahay kapag Napaisip ako, paano kaya nagawa ni Nanay ang lahat habang tulog kami? umaga. Malinis at maayos na ito. Walang patid ang pagkilos ni Nanay, kapag Tila nagbabagong-anyo ang aming bahay kapag umaga. Malinis at maayos na ito. Walang patid ang pagkilos ni Nanay,ulit itong kasunod. Napaisip ako, paano kaya nagawa ni Nanay ang lahat habang tulog kami? kapag natapos na ang isa, mayroon 4

5 Isang umaga paggising ko, tinanong ko si Nanay habang nakatingin sa kaniyang likuran. Nakaharap kasi siya sa kalan at nagluluto. Alam kong naramdaman niya ang pagkilos ko, kaya alam niya na gising na ako. “Nay,” tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin habang naghahalo ng niluluto niyang sinangag. “O, bakit, anak?” tanong niya. “Kaunti lang po ang tulog mo, ‘Nay?” agad kong tanong.

Pagkarinig noon, huminto siya sa kaniyang ginagawa. Binitawan ang sandok at lumapit sa akin. Tumingin siya sa mga mata ko at saka ngumiti. “Medyo lang, anak. Nanay kasi ako,” malumanay niyang sagot at para bang ayos lang ito sa kanya. “Natulog ako, anak, maaga lang gumising ang Nanay, marami kasing dapat gawin.” paliwanag niya. Tumingin lang ako sa kaniya. “Kapag Nanay, kaunti lang po ba ang tulog? Bakit paggising ko hindi ka na natutulog kasama namin ni Tatay?” sunod-sunod na tanong ko. Binalikan na niya ang kaniyang niluluto. “Sige na, maligo ka na anak, si Tatay gising na ba?” tanong niya. 6

Anong oras kaya nagsimula ang totoong tulog niya? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, kaunti lang ang tulog ni Nanay. Pagkagaling sa trabaho ay hindi rin sanay magpahinga si Nanay, magpapalit lang siya ng damit at diretso na naman sa paggawa. Kadalasan, naiidlip si Tatay habang nagpapahinga galing trabaho, pero si Nanay ay parang may superpowers. Linis nang linis. Akala yata ni Nanay, hindi ko alam na kapag tulog na ako ay bumabangon pa siya sa gabi. Minsan kasi nararamdaman ko ang unti- unti niyang pag-angat sa aking ulo para maialis ang pagkakadagan nito sa kanyang braso. Pagkatapos noon, dahan-dahan siyang lumalabas sa kulambo para hindi ako magising. Pinatulog lang niya ako. Kunwari lang ang tulog ni Nanay dahil bumabangon pa siya ulit sa gabi para gawin ang iba pa niyang dapat gawin. Ligpit nang ligpit. Walis nang walis. Punas nang punas. 7

8

Maya-maya, hahawakan na ang kaldero para magsaing ng panghapunan. Habang nakasalang ang sinaning, titser naman si Nanay. “O anak, kumusta ang iyong pag-aaral?” tanong niya lagi sa akin. “Ayos lang po, ‘Nay,” ang madalas kong tugon. “Mabuti anak, may takdang-aralin ba? Kunin mo na ang iyong bag.” utos ni Nanay. 9

Si Nanay ang titser ko sa bahay. Pagkatapos mag- titser, babalikan na ni Nanay ang iba pa niyang dapat gawin. Hanggang sa oras na ulit para matulog, pero si Nanay, kaunti lang ang kaniyang tulog. Maagang gumigising at huling natutulog sa gabi. Kahit araw ng Sabado at Linggo, marami pa rin siyang kailangang gawin. Kumikilos siya habang tulog kami. Gumagawa siya hanggang magising kami. 10

Isang hindi karaniwang araw. Nakapaninibago dahil nasa tabi ko pa si Nanay nang magising ako. Isang hindi karaniwang araw. Hindi rin ako nagising dahil naamoy ko lang sinangag at narinig ang paghalo-halo nito ni Nanay sa kawali. Narinig ko ang boses ni Tatay. “Anak, gumising ka na at may pasok ka. Dahan-dahan ka sa iyong pagbangon, baka magising ang iyong Nanay.” sambit ni Tatay sa mahinang boses. “Bakit po, ‘Tay?” naguluhan pa ako. 11

“May sakit ang iyong Nanay, kailangan niyang matulog,” paliwanag ni Tatay. Pagkarinig nito ay nalungkot ako. “Ganoon po ba? May sakit pala si Nanay.” Kaya pala napansin ko ang pagbagal ng kilos niyakagabi, mabigat din ang kaniyang mga paghakbang at madalas ang paghawak niya sa kaniyang ulo. Mayroon pala siyang iniinda pero patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa dahil tinapos pa rin niya ang mga dapat gawin kagabi. Nag-aalala ako para sa kaniya. 12

Pagbangon ko, nakita kong hindi nagbagong- anyo ang aming bahay. Kanina pa gising si Tatay. Abalang-abala siya. Marami ang dapat gawin, ayusin, ligpitin at ihanda pero hindi ito magagawa ni Nanay dahil mayroon siyang sakit. “Anak, madali ka at baka mahuli ka sa iyong klase.” wika pa nito. Nagluto, naghugas ng pinggan, nagplantsa ng uniporme, at naghanda ng aking babaunin si Tatay. 13

14 Malakas ang tunog npaghalo-halo ni Tatay sa kawali, halatang nagmamadali siya. “Hindi ka papasok sa trabaho, ‘Tay?” tanong ko. “Anak, madali ka at baka mahuli ka sa iyong klase.” wika pa nito.

15 Oo, anak hindi muna, kailangan kong alagaan ang iyong Nanay, liliban ako sa trabaho ngayong araw.” sagot ni Tatay. Pansin ko rin na ang ibang parte ng polong uniporme ko ay lukot, nagmamadali si Tatay.

Marami pala ang nagbabago kapag may sakit si Nanay. Hindi nagbagong-anyo ang bahay sa umaga. Iba rin ang timpla ng sinangag at ang pritong itlog ay tila ba nakalimutang langyan ng asin ni Tatay. 16

Bago ako umalis, pinuntahan ko si Nanay. Tulog pa rin siya. “Nay, aalis na ako. Magpagaling ka. Magpahinga at matulog ka, ‘Nay.” Hinalikan ko ang noo ni Nanay. Tulad ng ginagawa niya sa akin kapag natutulog ako. Naramdaman ito ni Nanay. Ngumiti siya. “Mag-ingat ka, Anak, magpapagaling ang Nanay.” Bakas sa mukha niya ang pagod at panghihina. Sana gumaling na agad si Nanay. 17

Pagdating ko sa paaralan, namalayan ko na naiwan ko pala ang baunan ko ng tubig. “Naku, paano na iyan? Hay.” 18

Buti na lang at may baon ako, bibili na lang ako ng tubig sa kantina. Ngayon ko lang naiwan ang baunan ko ng tubig. Araw-araw kasing inihahanda at pinapaalala ni Nanay ang mga dapat kong dalhin. Araw-araw kasing inihahanda ni Nanay ang lahat ng aking kailangan. Ang dami talagang nababago kapag may sakit si Nanay. Napaisip ako. Ang simpleng bagay tulad ng paghahanda ng aking gamit sa paaralan at mga babaunin ko ay kaya ko namang gawin. bakit ko pa ito iniaasa kay Nanay? Ang dami nang ginagawa ni Nanay sa araw-araw. 19

Pag-uwi galing sa paaralan, nadatnan ko si Tatay na naglilinis ng bahay. Nagbagong-anyo na ang aming tahanan. “Tay, narito na po ako,” bati ko kay Tatay. “Kumusta ang iyong pag’aaral?” tanong niya. “Ayos naman po, ‘Tay. Sumabay muli ako kay Mang Victor pauwi. Si Nanay, kumusta na po, ‘Tay?” agad kong tanong. “Sinamahan ko ang iyong Nanay sa health center para magpa-check up.”Sabi ng doktor, maputla at nanghihina ang iyong Nanay. Nagreseta ng gamot at bitamina na kaniyang iinumin para gumaling at bumalik ang kaniyang lakas.” Paliwanag ni Tatay. 20

“Ganoon po pala, ‘Tay, kulang sa tulog si Nanay kaya siya nagkasakit.” “Oo, anak. Mahalaga na mabawi niya ang kaniyang lakas para maiwasan na niya ang magkasakit. Kailangan ng iyong Nanay ang sapat natulog at pahinga,” dagdag pa ni Tatay tutulong na ako kay Nanay araw-araw.” Sandali akong tumahimik at nag-isip. “Tay, simula po ngayon ako na lang ang maghahanda ng aking mga gamit at babaunin sa paaralan araw-araw para mabawasan ang dapat ihanda ni Nanay sa umaga.” masiglang sabi ko kay Tatay. “Salamat, anak, Tulungan mo ang iyong Nanay. Gawin mo na ang mga bagay na sa tingin mo, kaya mo nang gawin.” Sabi ni Tatay. “Maaasahan po ninyo, ‘Tay! Mula ngayon, 21

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para masilip si Nanay. Mahimbing ang kaniyang tulog. Hindi na muna ako papasok para hindi maistorbo ang kaniyang pagpapahinga. 22

Nagtungo na ako sa aking kuwarto. Nagpalit ng aking damit pambahay at pagkatapos, ginawa ko na ang mga aking takdang aralin. Kaya ko naman pala ito nang mag-isa. Magtatanong na lang ako kay Tatay kapag mayroon akong hindi maintindihan. 23

24 Sa sumunod na tatlong araw, ganoon nga ang aming ginawa. Nagtulungan kami ni Tatay para. Ayusin ang mga dapat ayusin, ligpitin ang mga dapat ligpitin. Ihanda ang mga dapat ihanda. Ilang araw pa ang lumipas at sa wakas magaling na si Nanay! Wala na ang bakas ng pagod at puyat sa kaniyang mukha.

Gawin ang mga dapat gawin, ayusin ang mga dapat ayusin, linisin ang mga dapat linisin, ligpitin ang mga dapat ligpitin, at ihanda ang mga dapat ihanda. Kasabay na ding bumabangon si Tatay sa umaga. Nagtutulungan kami sa mga gawain para matapos sa oras. Si Nanay, hindi na kailangan pang gumising nang mas maaga. Naamoy ko ulit ang sinangag sa umaga. Narinig ang paghalo-halo nito ni Nanay sa kawali pero hindi na ito ang gumising sa akin. Kusa na akong gumigising nang maaga para matulungan si Nanay na: . 25

Isang umaga.... “Anak, maraming salamat!” bungad ni Nanay sa akin pagkagising ko. “Hmm, bakit po, ‘Nay?” takang tanong ko. “Maraming salamat, anak, dahil ngayon hindi na kaunti lang ang tulog ni Nanay.” sabay yakap sa akin ni Nanay. 26

Glossary Naglampaso - nagbunot Walang patid - walang tigil Sinangag - kanin na pinainit sa mantika Maputla - namumuti ang kulay Reseta - preskripsiyon ng doktor

Ito ay kuwento ng isang bata naoobserbahan ang araw-araw na gawain ng kaniyang ina. Mula dito, napagtanto niya na kulang ang tulog o pahinga ng kaniyang ina dahil sa maraming gawain na kailangang tapusin sa araw-araw. Ang pagkakasa- kit ng kaniyang ina ay naging daan upang maunawaan ng bata ang kahalagahan ng pag- tulong sa mga gawaing-bahay. Napagtanto din niya na ang pagtutulungan ay nagiging-daan upang magkaroon ng maayos na samahan ang pamilya. ISBN - 978-971-0574-58-2

25