Untitled design

View Untitled design flipbook.

Hindi minamadali ang tadhana, ngunit madalas itong dumarating nang walang pasubali. Sa bawat gabing pinagpupuyatan, pahinang paulit-ulit na binabalikan, at pagdududang iyong nilabanan, unti-unti kang pinanday ng pagpupursigi para sa sandaling ito. Ngayon, narito ka na, sa bingit ng katuparang magiging sukatan ng lahat ng iyong pinagdaanan. Bago mo buksan ang pahina at harapin ang hamon, sandaling lumugar sa katahimikan. Sa iyong malalim na pagbuntong-hininga, sa patuloy na pagdaloy ng dugo sa iyong katawan, nawa’y magsilbing paalala ang mga ito na sa isang marubdob na kurap, ang iyong mahabang paghihintay ay bubuwagin ng tagumpay. Mulat sa ninanais, nakapikit nangangarap. Tatlong letra sa isang iglap. Sa isang kisapmata.

i NILALAMAN1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. Kisapmata Night Shift Differential Nu Mamati Ka Tatlong Letra ang lapis at ang mga sampung daliri Kabig ng Isip On Coffee, Vicks, and Regrets Tick Tock said the Clock Ad Astra Per Aspera Metamorphosis Ikot Pasulong - Kalakbay sa Kalawakan Kendi The difference we make