View Reviewer Filipino 6 flipbook.
Reviewer Filipino 6 Unang Paksa: Nauunawaan ang tekstong impormatibo. Tekstong Impormatibo- pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao, grupo, o tauhan, na nagaganap sa isang tiyak na lugar at panahon, at may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula, gitna, hanggang wakas (simula, gitna, wakas). Mga Elemento ng tekstong Impormatibo 1. Tauhan – Ang mga gumaganap sa kuwento, maaaring tao, hayop, o bagay. 2. Tagpuan – Lugar at panahon kung saan naganap ang kuwento. 3. Banghay – Serye ng mga pangyayari na may simula, gitna, at wakas. 4. Tema – Pangunahing mensahe o aral ng kuwento. 5. Suliranin/Tunggalian – Problema o hamon na kinakaharap ng tauhan Halimbawa: Sa bawat baryo, may mga batang lumalaki na hindi lamang sa paaralan natututo kundi pati na rin sa bukid. Isa na rito si Juan, isang batang magsasaka na nagpakita ng tapang at sipag sa kabila ng mga hamon ng buhay. Tuwing umaga, bago pumasok sa paaralan, tumutulong si Juan sa kanyang ama sa pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng gulay. Hindi siya nagrereklamo, bagkus ay masaya siyang nakikita ang unti-unting paglago ng kanilang tanim. Ngunit dumating ang isang malakas na bagyo na sumira sa kanilang ani. Maraming batang magsasaka ang nawalan ng pag-asa, subalit si Juan ay hindi sumuko. Sa halip, ginamit niya ang pagkakataon upang ipakita ang kanyang katatagan. Muli siyang nagtanim, nag-aral ng mas maayos na paraan ng pagsasaka, at tinulungan ang kanyang ama na muling bumangon. Sa kalaunan, nagbunga ang kanilang tiyaga at muling nagkaroon ng masaganang ani. Ang kwento ni Juan ay sumasalamin sa kahalagahan ng sipag, tiyaga, at tapang. Ipinapakita nito na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng ani, kundi sa kakayahang bumangon sa bawat pagkatalo. Pamagat: Ang Matapang na Batang Magsasaka Tauhan: • Juan – isang batang magsasaka, masipag at matapang • Mang Pedro – ama ni Juan • Kalabaw – alagang hayop na tumulong sa bukid Tagpuan: • Sa bukid ng baryo, kung saan nagtatanim si Juan at ang kanyang ama Banghay: • Isang araw, dumating ang malakas na bagyo na winasak ang kanilang taniman. Natakot si Juan na wala silang makakain at maibebenta. • Sa halip na sumuko, nagpasya si Juan na muling magtanim kasama ang kanyang ama. Tinulungan sila ng kalabaw sa pagbubungkal ng lupa. • Sa kabila ng hirap, hindi sila nawalan ng pag-asa. Unti-unting lumago muli ang kanilang pananim. • Sa kalaunan, nagbunga ang kanilang tiyaga at muling nagkaroon ng masaganang ani. Resolusyon: • Napatunayan ni Juan na ang sipag at tapang ay susi upang malampasan ang anumang pagsubok. Tema: • Pagpupunyagi at katatagan sa harap ng mga hamon sa buhay. Ikalawang Paksa: Nauunawaan ang tekstong impormatibo: A) Natutukoy ang pangunahing diwa/ideya/kaisipan at mga sumusuportang detalye Pangunahing ideya: ay nagsasaad ng pinakamahalagang bahagi ng kuwento. Ito ang pinag-uusapan sa isang teksto. Kadalasang nakikita sa unahan o hulihan ng talata.
Sumusuportang detalye: mga tiyak na impormasyon o halimbawa na nagbibigay-linaw at nagpapalawak sa pangunahing ideya. Sila ang bumubuo sa katawan ng talata at nag- aambag sa pagbuo ng kabuuang mensahe ng teksto. Halimbawa: Ang pagtutulungan ay isang mahalagang ugali na dapat taglayin ng bawat isa sapagkat ito ay nagdudulot ng pagkakaisa, tagumpay, at malasakit sa kapwa. Kapag nagtutulungan ang mga mag-aaral sa paglilinis ng silid-aralan, mas mabilis nilang natatapos ang gawain at nagiging mas maayos ang kanilang kapaligiran. Sa tahanan, ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya ay nagpapagaan ng mga gawain at nagpapalakas ng samahan. Sa komunidad naman, ang pagtutulungan ay nakikita sa mga proyekto gaya ng bayanihan, kung saan ang lahat ay nag-aambag ng lakas at oras upang makamit ang isang layunin. Bukod dito, ang pagtutulungan ay nagpapakita ng malasakit at kabutihang-loob, na siyang nagiging daan upang mas tumibay ang ugnayan ng bawat isa. Sa kabuuan, ang pagtutulungan ay hindi lamang nakakatulong sa mabilis na pagtapos ng gawain kundi ito rin ay nagdudulot ng pagkakaibigan, pagkakaisa, at tagumpay sa anumang larangan. Halimbawa: Pangunahing Ideya: Ang pagtutulungan ay isang mahalagang ugali na dapat taglayin ng bawat isa/ Ang kahalagahan ng pagtutulungan. Sumusuportang Detalye: a) Ang pagtutulungan ay nagdudulot ng pagkakaisa, tagumpay at malasakit sa kapwa. b) Mas mabilis ang gawain kung lahat ay magtutulungan. c) Ang pagtutulungan ay nagpapatibay ng Samahan. d) Ito rin ay nagdudulot ng pagkakaibigan. B) Naibibigay ang sariling ideya o opinion Ang opinyon ay ang personal na pananaw, paniwala, o saloobin ng isang tao hinggil sa isang partikular na bagay, isyu, o pangyayari. • Halimbawang pangungusap ng matatag na opinyon: a) Buong igting kong sinusuportahan ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa ating bansa. b) Lubos akong naniniwala na hindi dapat ginagawang alipin ang mga kababaihan.
• Halimbawang pangungusap ng neutral na opinyon: a) Sa tingin ko, ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral. b) Sa aking palagay, ang pagbabalik-eskwela sa pamamagitan ng online classes ay mas ligtas sa mga estudyante sa panahon ng pandemya. • Iba pang halimbawa ng salita o pariralang nagsaad ng opinyon: Sa aking pagsusuri… batay sa aking paniniwala … Sa aking pananaw… maaaring… Ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi… baka …. Siguro… *Mahalagang igalang ang opinion ng bawat isa. Marunong makinig dapat sa opinion at iba at maging malumanay sa pakikipag-usap kung hindi sumasang-ayon sa opinion ng iba. Ikatlong paksa: Nakikilala ang realidad at pantasya Realidad: tumutukoy sa mga pangyayaring totoo at may batayan sa aktwal na karanasan. Pantasya: Ito ay mga pangyayaring kathang-isip, kadalasan ay may elemento ng mahiwaga o imposible sa totoong buhay. Halimbawa: Si Ana ay isang batang masipag na tumutulong sa kanyang ina sa pagtatanim ng gulay sa bakuran. Tuwing hapon, siya ay nagdidilig ng mga halaman at nag-aalaga ng kanilang mga manok. Isang araw, habang siya ay nagdidilig, biglang nagsalita ang isang rosas at sinabing, “Salamat sa iyong pag-aalaga, Ana, dahil sa iyo ay mas lalo akong gumaganda.” Nagulat si Ana ngunit natuwa, at mula noon ay tila nakikipagkaibigan na siya sa mga bulaklak na marunong magsalita. Realidad Pantasya 1. Tuwing hapon ay nagdidilig ng halaman Ana at nag-aalaga ng manok sa kanilang bakuran. 1. Biglang nagsalita ang isang rosas. 2. Tumutulong si Ana sa kanyang ina sa pagtatanim ng gulay sa kanilang bakuran. 2. Nagpasalamat ang mga bulaklak sap ag- aalaga ni Ana sa kanila. 3. Nakipagkaibigan si Ana sa mga bulaklak na nagsasalita. Ikaapat na paksa: Nagagamit ang mga bahagi ng panalita sa pagpapahayag (a)Pandiwa ● kaganapan (tagaganap/actor at tagatanggap/benepaktibo) Pandiwa-ay isang bahagi ng pananalita sa Filipino na nagsasaad ng kilos, galaw, o estado ng isang paksa. Pokus ng Pandiwa: a) Tagaganap- Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang nagsasagawa ng kilos. Sinasagot nito ang tanong na “sino?”. Halimbawa: a) Maglilinis ng bahay si Camille sa linggo. b) Nagsaing ng kanin si Tatay Emilio para sa hapunan. Pandiwa Tagaganap Pandiwa Tagaganap
Ikalimang Paksa: Nasusuri ang layon ng teksto * Layon ng teksto- tumutukoy sa pinakapangunahing dahilan o intensyon kung bakit isinulat ang isang teksto. 1. Magsalaysay- isang uri ng teksto na nagkukuwento ng mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Layunin nitong magbigay ng karanasan, maglibang, o magturo ng aral sa pamamagitan ng kuwento. Mga halimbawa ng tekstong nagsasalaysay: Maikling Kuwento, talambuhay, Alamat, anekdota at epiko Halimbawa: Ang Masayang Pista sa Baryo Noong nakaraang Linggo, nagdaos ng pista ang baryo ni Liza. Maagang gumising ang buong pamilya upang maghanda ng pagkain para sa mga bisita. Sa plaza, nagsimula ang paligsahan ng sayawan at kantahan. Masayang nakisali si Liza at ang kanyang mga kaibigan sa mga laro tulad ng patintero at luksong tinik. Sa hapon, nagparada ang mga kabataan na may makukulay na kasuotan. Ang buong baryo ay nagtipon-tipon upang manood at magdiwang. Sa pagtatapos ng pista, nagpasalamat ang lahat sa masayang araw na nagbigay ng alaala ng pagkakaisa at kasiyahan. 2. Magpaliwanag- layunin nitong ipakita ang sanhi at bunga o proseso ng isang bagay. Uri ng tekstong nagpapaliwanag: Sanhi at bunga, proseso o hakbang, pag-uuri, paghahambing at pagkokontrast, at pagbibigay-kahulugan Halimbawa: Paano Nagaganap ang Photosynthesis Ang photosynthesis ay proseso kung saan ang mga halaman ay gumagawa ng sarili nilang pagkain. Una, ginagamit ng halaman ang enerhiya mula sa araw. Ang liwanag na ito ay tinatanggap ng chlorophyll, ang berdeng bahagi ng dahon. Kasabay nito, sumisipsip ang halaman ng tubig mula sa lupa sa pamamagitan ng ugat at carbon dioxide mula sa hangin sa pamamagitan ng dahon. Kapag pinagsama ang liwanag ng araw, tubig, at carbon dioxide, nagiging glucose o asukal ito na nagsisilbing pagkain ng halaman. Bilang resulta, naglalabas din ang halaman ng oxygen na mahalaga para sa tao at hayop.