WOMEN LEADERS’ PERSPECTIVE

View WOMEN LEADERS’ PERSPECTIVE flipbook.

WOMEN LEADERS’ PERSPECTIVE SAFETY, SECURITY AND WELL-BEING OF WOMEN LEADERS WITH DISABILITIES 1ST ONLINE SESSION –TRAINERS TRAINING Women with Disabilities Leap to Social and Economic Progress (WOWLEAP) Inc

BILANG ISANG LEADER Para sa akin kinikilala ko ang sarili ko bilang isang leader kung nakikinig ako sa mga mungkahi ng karamihan. At ako bilang isang leader ay tinatanggap ko ang aking pagkakamali sapagkat alam ko ang pamumuno ay hindi sa lahat ng oras ay perpekto. At bilang isang leader ako ang nangunguna at nagbibigay halimbawa sa iba. At nakikinig ng problema at suhestiyon ng aking nasasakupan. CHALLENGES Isang challenge para sa akin bilang isang babaeng leader na mamuno sa 48 barangays ng aming bayan lalo na’t ang aking napalitan ay isang napakatalinong tao sa sektor. Hindi maiwasan na kami ay maikumpara sa isa’t isa at napakalaking challenge na mamuno sa malaking bayan kung ika’y isang ina, dahil mahirap pagsabayin ito. Isa pang nagiging hadlang sa akin ang pagbabago ng mga namumuno sa barangay man o sa munisipyo sapagkat parang nararamdaman ko na laging magsisimula muli ako sa umpisa. Jhoanie Olleta President, Calabanga Persons with Disability Inc

Catherine Abrantes Women with Disabilities Calabanga ANG PAGIGING LEADER Bilang isang presidente ng aking barangay. Ako ay isang sandigan ng aking miyembro, tagapagsalita sa ngalan nila, tagapagtanggol at higit sa lahat maging isang mabuting ehemplo para sa iba. Isang babae na namumuno para sa kapakanan ng taong may kapansanan na kayang makipagsabayan sa hamon ng komunidad. CHALLENGES Para saakin ang hadlang sa aking pagiging leader ay ang conflict sa pagpapalit ng opisyal ng barangay na humahawak sa PWD. Dahil hindi nya kami pinaglalaanan ng pansin. May mga miyembro akong walang pakialam pag may mga patawag na meeting pero pag may ayuda lahat sila nandyan. At may mga nagagalit pag sila ay hindi kasali. Kawalan ng budget para sa programa o aktibidad na nais kong ibigay sa aking miyembro na para sila ay matulungan.

Domie Borja, Project Area Coordinator, Barangay Leader BILANG ISANG PINUNO. Kinikilala ko ang aking sarili bilang isang lider na humihikayat sa aktibong partisipasyon ng lahat ng kasapi sa aming organisasyon sa barangay. May pangarap na sa hinaharap ay kilalanin ang aming samahan bilang isa sa mga nagungunang organisasyon na sumusulong sa mga karapatan at pangangailangan ng mga may kapansanan sa aming barangay ANG MGA HAMON. Malaking hamon para saakin ang kakulangan ng enthusiasmo ng ilan sa mga miembro dahilan upang maging mahina ang partisipasyon nila sa mga gawain ng samahan. Malaking hamon din ang kakulangan ng sapat na kaalaman ng mga namumuno sa barangay ukol sa mga polisiyang may kinalaman sa taong may kapansanan sa kabila ng mga pag-aaral na ibinigay sa kanila, dahilan ng kawalan ng maayos at sustenableng programa na makaka tulong sa mga taong may kapansanan ng barangay.

RONILYN J. MAHINAY, Project Area Coordinator Member, Compostela Persons With Disability Worker’s Association Bilang isang lider hindi ito madali para sa akin dahil una kulang ako sa karanasan kung papaano dalhin ang mahigit isang daang myembro ganun paman humingi ako nang payo sa mga naunang mga leader.Naging responsable ako sa mga gawain ko sa grupo,ako yong naging boses nila sa aming barangay,tumutulong ako sa abot nang aking makakaya at higit sa lahat nakikinig ako sa kanilang mga hinaing… Ang karanasan ko bilang isang leader ay hindi madali sapagkat pumagitna sa akin ang politikal dynamics,kung saan sa harap ng mga kapwa ko may kapansanan ay inanunsyo sa ginagawang activity ang pagtanggal ko sa aking posisyon bilang isang pangulo sa aming samahan. Ganun paman hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ko ang aking advokasiya na makatulong sa kapwa ko may kapansanan mas naging aktibo ako sa aking coordination sa ibang mga barangay dito sa compostela,lalo na sa kanilang mga chair committee nang mga taong may kapansanan. Anong statement ang tumatak sa iyo? Ang tumatak sa akin na statement ang yong ky mam onie,kung saan takot siyang ikumpara sa naunang leader at pagdadalawang isip kung kaya ba niyang gampanan ang nga gawain lalo na babae siya.

JONALYN A. CHICANO Project Area Coordinator PRESIDENT, Taft Alliance Of Women With Disabilities MY SELF RECOGNITION AS A LEADER I always keep in mind that Leadership is not a noun, it is a verb. I have to understand people with disability and to make solution. I have to be resilient and everyday is a lesson to be learned. I have to build a bridge to face hindrances for new inclusive change for women with disabilities and Inspires action not pity na “ kaawaan mo ako” or we are OBJECT OF Charity Kundi “ Be with me, let's change this together” Barrier as a Leader One of my biggest barrier for persons with disabilities is working under existing leaders who refuse to listen or adapt. Change is hard when the people in power don’t want change or doesn’t want to be overshadowed in leadership.

MERLY MARSABA PRESIDENT BINALOAN ASSOCIATION OF PERSONS WITH DISABILITIES As a Leader: Para po sa akin ako ay may respeto sa sarili at kailangan mahaba ang pasensya, dahil hindi pare-pareho ang mga disability ng aking mga meyembro, noon una nahihirapan ako pamonuan sila bilang isdang leader pero kailangan kong maging malakas dahil isa rin akong ina na may anak na may kapansanan. Kaya nagging porsigido ako na maayaos ang aming asosasyon at pinakikinggan ko sila kung anu ang kanilang sinasabi ant kung anu ang maganada at sa gayun pinagmamalaki ko ang aming asosasyon dahil sa lahat ng barangay ng Taft kami palang ang rehistrado sa DOLE. Sa ngayon maayos na an aming asosasyon. Barrier as a Leader: Para sa akin ang hadlang ay yung financial. Dahil bago ako naging presidente ng aming asosasyon dalawa na ang na una, yun po ang naging problema dahil kung may patawag na meeting sa munisipyo minsan hindi ako nakaka attend dahil walang pamasahe hindi naman ako humihingi sa mga members ko dahil nahihiya ako o naaawa sa kanila dahil wala naman silang mga trabaho. Kaya ng dumating ang Wowleap ay malaking pasaslamat ko dahil tinuturan kami kung paano gumawa ng fundraising, kaya maraming salamat sa wowleap dahil nandiyan kayo at sa ngayon mayroon na kaming pondo kung may patawag okailangan na pipelay meron na ako pinagkukunan ng pamasahe.