EDITORYAL

Created in Canva

sundan sa pahina 2MicroScoop 2․0‚ muling nagbigay ng kaalaman sa Clinical Pathology sa mga estudyante ng VetMed Muling nagbalik ang MicroScoop 2․0 upang palawakin ang kaalaman kasabay ng kasanayan ng mga mag-aaral ng Veterinary Medicine sa larangan ng Clinical Pathology noong Setyembre 22, taong kasalukuyan sa Central Luzon State University. Layunin ng programa na higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng wastong pangangalap ng mga sample at gamitin ang mga kagamitang panglaboratoryo sa pagtukoy ng mga sakit ng hayop․ Kaugnay nito‚ natutuhan ng mga kalahok ang mas malalim na pag- unawa sa wastong pangangalap pati na rin sa paghawak ng mga sample at mga teknik na ginagamit sa laboratoryo․ Matapos ang teoretikal na talakayan‚ ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng mga praktikal na kasama ang mga hayop sa ilalim ng paggabay ng mga resident Circlers․ HUNYO-OKTUBRE 2026 | TOMO 1 BLG 12 BALITAPPPPAAAANGNG ANDAYANANDAYANO P I S Y A L N A P A H A Y A G A N N G B S E d F I L I P I N OO P I S Y A L N A P A H A Y A G A N N G B S E d F I L I P I N O Sa unang sesyon ng programa‚ lumahok ang mga mag-aaral na nasa ikalawang taon, samantalang ang mga ikatlong taon ng Veterinary Medicine ay nasa diskusyong pinangunahan ni Circler Doctor Patrick Marmol kung saan tinalakay ang mga pangunahing kaalaman hinggil sa microscopy‚ koleksyon ng dugo‚ pagsasagawa ng skin scraping‚ at cervical cytology․ Sa kabilang banda, binigyang-diin ng programa ang kahalagahan ng aktuwal na pagsasanay sa paghubog sa kakayahan at kumpiyansa ng mga mag-aaral sa larangan ng beterinarya․ Dagdag pa rito, mas nahahasa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagsuri at pagtukoy ng mga posibleng karamdaman ng hayop․ Samantala, sa pagpapatuloy ng MicroScoop 2․0‚ inaasahang mas marami pang kaalaman at karanasan ang matututuhan ng mga kalahok bilang paghahanda sa kanilang magiging tungkulin sa pangangalaga ng kalusugan ng mga hayop․ Impormatibong kaalaman laban sa rabies, Ibinahagi ng VC10 sa CLSU Nagbahagi ng impormasyon tungkol sa rabies ang Veterinary Circle for 10 (VC10) sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga polyeto sa loob ng Central Luzon State University (CLSU) bilang pagdiriwang sa World Rabies Day, noong Oktubre 5, 2026. Isinagawa ito habang nasa ilalim ng The KAP360 Project ng CVSM upang maiabot sa komunidad ng CLSU ang prebensyon at impormatibong kaalaman sa pag-iwas sa rabies nang maprotektahan ang buhay ng tao at hayop. Iba't ibang tao kabilang ang mga mag-aaral na sielesyuans, maging ang naka-dormitoryo, UTS drayber, at ibang mga kawani ang nakausap sa kahalagahan ng responsableng pag-aalaga ng mga hayop, mga dapat gawin matapos makagat, at ang paghingi agad ng medikal na atensyon. Hindi lamang ito isang simpleng pamamahagi ng mga babasahin, kundi ipinakita nitong aktibidad na mahalagang bahagi ng propesyon ng beterinaryo ang edukasyon tungkol rito at paglilingkod sa publiko. Kaugnay ng proyektong ito ng KAP360 Project, CVSM, GAD at VC10 ang pandaigdigang layuning Zero by 30 na patuloy isinusulong ang sama- samang pagkilos upang maiwasan ang pagkamatay ng isang tao dahil sa rabies hanggang taong 2030.Circlers, Sinalubong ang SIKAD 2026 sa diwa ng Pagkakaisa at Dibersidad Makulay at masiglang nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Central Luzon State University ang pagsisimula ng Taong panuruan 2026-2027 sa pamamagitan ng Sinag ng Kalinangan, Agapay, at Dalubhasaan (SIKAD) 2026 Pride March noong Hunyo, 8 2026. Napuno ng ngiti at sigawan ng mga mag-aaral ang loob ng pamantasan habang nagsasama-sama ang iba't ibang kolehiyo at organisasyon. Kabilang sa mga nakiisa sa programa ang mga miyembro ng Veterinary Circle for 10 (VC10), na nakibahagi kasama ang Student Organizational Unit (SOU). Higit sa pagbubukas ng panibagong semestre, nagsisilbing pagkakataon ang SIKAD 2026 upang makabuo ng pagkakaibigan, at makahubog ng samahang puno ng pagkakaisa, at pagmamalasakit. Para naman sa mga mag-aaral ng beterinaryo, ito ay panibagong simula upang magpatuloy sa paglalakbay tungo sa pagiging propesyonal sa larangan ng pangangalaga sa kalusugan ng hayop. Kasabay ng pagbabalik nila sa loob ng silid-aralan at laboratoryo ang mga pagkakataong palawakin ang kanilang kaalaman, gayon na din ang paglinang sa kanilang kakayahan. Sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan, naging makulay na pagbubukas ang SIKAD 2026, tanda na bagama't magkakaiba-iba ang landas at pinagmulan ng bawat mag- aaral sila ay bahagi ng iisang komunidad—ang CLSU.K U H A N G L A R AWA N N G VC 1 0 K U H A N G L A R AWA N N G VC 1 0K U H A N G L A R AWA N N G VC 1 0 K U H A N G L A R AWA N N G VC 1 0 Ni Micka Ella Nacino Ni Jennalyn Dela Cruz Ni Renz John Bert Rambaud