Kung Ang Bukas Ay Hindi Na Darating

Title: Kung Ang Bukas Ay Hindi Na Darating Genre: Drama/Mystery Total Running Time: 10 minutes Characters: Elena - Kapitbahay na naghahanap ng kasagutan sa mga katanungan Antonio - Ama ng magkapatid na Sally at Sofia.Tahimik, pero mapagmasid Sally - Nakatatandang kapatid ni Sofia. Isa sa mga nakakaalam ng sikreto ni Sofia. Victoria - Lola ng magkapatid na Sally at Sophia. Ina ni Antonio. Delia - Amiga ni Victoria. Nang dahil sa magiging usapan nila ni Victoria ay mapapaisip lalo si Elena sa misteryong nangyayari sa lamay. Cestine - Matalik na kaibigan ni Sofia. Isa sa mga nakakaalam ng sikreto ni Sofia. Javier - Kaisa-isahang kaibigang lalaki ni Sofia. Ang lihim nitong pagtingin kay cestine ang naging dahilan ng pagiging malapit nilang dalawa sa isat-isa. Adie - Misteryoso,ngunit sa kabila ng special nyang katangian ay taglay niyang magpalabas ng katotohanan sa mga larawang kanyang nililikha. INT. FUNERAL PARLOR - Gabi Ang bahay nina Sofia ay puno ng mga taong nakaputi. Sa loob ng tanggapan ng bahay ay naroroon ang urna na pinaglalagyan ng abo ng katawan ng namatay. Ang urna ay napapalibutan ng mga puting bulaklak at ilang puting kandila. *Playing: soft and somber music* Si Elena, isa sa mga nakikiramay, kapitbahay nina Sofia, hindi lalagpas sa bente-singko(25) ang edad. Sa unahang upuan naka-puwesto ang pamilya ni Sofia. Makikitang bakas sa mukha ng lahat ang kalungkutan higi’t sa lola nitong labis ang pagluha habang kinakausap ang babago niyang dating na amigang si Delia. VICTORIA: Oh, Mabuti at nakarating ka. DELIA: Ako’y nakikiramay sa inyong pamilya.*malungkot na usal nito* Uupo sila nang magkaharap at hahawakan ni

Delia ang mga kamay ni Victoria upang iparamdam dito ang kanyang pakikisimpatya. DELIA: Nagulat ako nang mabalitaan ko ang nangyari kay Sofia. VICTORIA: Kahit ako'y hindi makapaniwala, higit lalo't isa syang mananampalataya. Wala man lang akong nagawa para sa aking apo *Titingin sa urna ni Sofia* Nakakalungkot isipin, napakabuti nyang bata, Wala syang ginawa kundi sundin at irespeto ako *Tumungo at umiyak* DELIA: May mga bagay talaga na kailangan nating tanggapin.. Pero Victoria, ano ba ang nangyari sa bata? Bakit biglaan ang kanyang pagkawala? SALLY: La, may naghahanap po sa inyo. Sa kanyang loob-loob laking pasasalamat ni Victoria ang pagdating ni Sally na syang nakatatanda nyang apo sa anak nyang si Antonio. VICTORIA: Pa'no.. Maiwan muna kita DELIA: *tatango habang naka-ngiti* VICTORIA: Elena, Elena, bigyan mo ng kape. ELENA: Opo. DELIA: Sige iha *sabay kuha nito sa isang basong may kape* salamat. Nang makatalikod ay napaisip ito sa narinig niyang usapan at nahihiwagaan sa kung ano ang sasabihin ni Victoria na sa huli ay ipinagkibit-balikat na lamang nito. EXT. FUNERAL PARLOR - COURTYARD - NIGHT

Lumabas muna si Elena para magpahangin, dinala siya ng kaniyang mga paa sa hardin na may upuan at doon ay makikita niya ang isang lalaki - hindi nagsasalita (may ekspresibong mga mata). May hawak na sketchbook at lapis. ELENA: *mapapaisip dahil hindi pamilyar dito ang misteryosong lalaki* Nilapitan ito ni Elena na siya namang agad na tinunghayan ng ulo ng lalaking taglay ang inosenteng mukha. Umupo si Elena sa tabi nito at tiningnan ang hawak na lumang sketchpad. ELENA: Utoy, matun-og na! Ano gang iyong ginagawa riyan? Ay napakaganda ng iyong mga ginuguhit. Ano gang pangalan mo? MAN: Ngingitian ito ni Adie, at biglang mag-iikot ang mga mata, hinahanap ang isang malakas na iyak. Nagtatakang si Elena ay susundan ang mga mata ng bata. Bigla ay gumuhit si Adie sa kanyang sketchpad. Namangha pa lalo si Elena sa kung paano naiguhit ng bata ang dal'wang taong nagyayakapan, nagtatawanan at nag-iiyakan ng magkasama. ELENA: Hintayin mo ako rine, ha? Nang makatango si Adie ay saka naman umalis si Elena para tingnan ang bagong dating. JAVIER: Cestine, kailangan mong kumalma. CESTINE: I am. Nagdadal'wang isip sa pagpasok ng silid si Cestine. At nang makatuloy nga ay hindi na nito napigilan pa ang sariling umiyak. Cestine: Sofia! Bakit ang daya daya mo? Bakit ang hina hina mo?

VICTORIA: Elena! Elena! Pahingi nga ng tubig! Iha, huminahon ka muna. Ayusin mo ang iyong sarili. JAVIER: Cestine… Makalipas ang ilang oras… patuloy parin sa pagpupunas ng luha at paghabol ng hininga si Cestine. At nang makakalma ay nagpakilala na ang dal'wa sa pamilya. JAVIER: Pasensya na ho, la. Mga kaibigan po kami ni Sofia. At ito po si Cestine, best friend po nya. INT. Sa labas ng bahay. NIGHT Nakaramdam ng uhaw si Adie sa gitna ng kaniyang pagdo-drawing kaya't ibinaba niya muna ang kaniyang mga gamit at naghanap ng tubig. Nang makaalis ay siya namang dating ni Sally — nakatatandang kapatid ni Sofia. Nakita nito ang mukha ng kaniyang kapatid sa sketchpad na siyang kumuha ng kaniyang atensyon upang galugadin ang laman ng sketchpad. Matapos makita ang mga nakaguhit ay hinanap ng mga mata nito ang may-ari nang biglang… ADIE: *hic hic* SALLY: A-anong nangyari?? Itinuro ni Adie ang kaniyang sketchpad. SALLY: Sa'yo ito? Tumango ang bata habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. SALLY: Bakit… Y-yung kapatid ko… ELENA: Sally? Anong ginagawa mo??

SALLY: W-wala akong ginawa, swear. Y-yung.. *tumingin ito sa drawing ni Adie* nothing. Umalis si Sally na may guilt na nararamdaman, na siya namang nabasa o nakita ni Elena sa mukha nito. INT. FUNERAL PARLOR - NIGHT (CONTINUED) Nagdiretso sa isang silid si Sally nang umiiyak, na agad namang napansin at sinundan ng kaniyang lola. VICTORIA: Sally? Anong nangyari? *agad na lalapit si Victoria sa apo at marahang hahawakan sa mukha upang patahanin* SALLY: La… VICTORIA: Ano iyon, apo ko? SALLY: La… hindi ko na po kaya… *lalo itong naiyak* VICTORIA: Anong sinasabi mo? SALLY: La, nahihirapan na po akong itago 'to. Hindi po ba dapat na sabihin natin sa kanila ang nangyari? Kay Papa? VICTORIA: *mapapa-hinga ng malalim at lalapit at titingnan ang apo nang may awa at pagka-dismaya* Sally, napag-usapan na natin ito hindi ba? SALLY: Alam ko la, pero…

VICTORIA: At naiintindihan mo ako hindi ba? SALLY: Opo la, pero… VICTORIA: Kung gayon ay pahirin mo ang iyong luha at tapos na ang usapang ito. Ayoko na muling pag-usapan ito, maliwanag ba? Hindi makasagot si Sally at nakatungo lamang itong nakatingin sa paahan. Lumapit si Victoria sa apo upang iangat ang tingin sa kaniya. VICTORIA: Maliwanag ba, Sally? Tumango na lamang ito kahit napipilitan. Sa paglalim ng gabi ay sa pag-unti rin ng mga tao sa lamay. Naisip nitong magpahangin sa labas ngunit isang papel ang nahulog sa paanan nito dulot ng hangin. Tiningnan nito ang papel at mula dito ay napansin niya rin ang marami pang papel sa tabing upuan na kaniyang inupuan. Pinulot niya ang papel at naguluhan sa nakita nito, kaya't kinuha niya pa ang ibang papel. At doon niya makikita ang mukha ng kaniyang anak, kasunod ang leeg na may bakas pa ng pinagtalian. Agad na nangunot ang noo nito. Sakto namang pasok ni Elena galing sa labas at may mga dala pang mga tasa't baso, si Cestine kasama si Javier, si Sally kasama ang kaniyang lola. Lahat ay napahinto at napatingin sa nakayukong si Antonio na hawak parin ang mga papel na kulang na lang ay gusutin dahil sa matinding emosyon. Ibinaba ni Elena ang dala-dala at lumapit kay Antonio, marahang kinuha ang hawak na papel at tiningnan, na agad namang napatakip ng bibig. ANTONIO: Sinong may gawa nito? Mula sa pagkakabanggit ng bawat salita ay mararamdamang ito ay galit.

VICTORIA: Ano iyan, Antonio? Lumapit si Sally sa ama at tiningnan rin ang mga papel. Katulad ni Elena ay napatakip din ito ng bibig. ANTONIO: Bakit… Sinong may gawa nito?! VICTORIA: Kumalma ka Antonio. *lumapit ito sa anak at tiningnan din ang mga papel* Anong… *nanlaki ang mata nito at napahawak sa dibdib* SALLY: La… VICTORIA: Sinong may gawa nito??! *galit na sigaw nito* Hindi makapagsalita si Elena, sa kadahilanang alam niya kung sino ang gumuhit ng mga larawan at ayaw niyang kagalitan ng mga ito ang bata. Pero higit pa ro'n ay hindi niya alam ang mga larawang ito. SALLY: La, kumalma po kayo… VICTORIA: Hindi!! Sabihin niyo kung sino ang may gawa nito!! ANTONIO: Ma… VICTORIA: Bakit… paanong… ANTONIO: Ayokong pag-isipan ka ng masama, Ma… pero… gusto kong malaman kung anong nangyari sa anak ko…? Alam kong alam mo ang nangyari no'ng araw na iyon. VICTORIA:

Sinabi ko na sa iyo Antonio na hindi ko alam, dumating ako ay nakahiga na siya sa higaan niya at wala nang hininga. ANTONIO: Walang lead ang mga pulis sa kung sino ang p'wedeng gumawa nito sa anak ko. Hindi narin nila na-examine ang katawan kasi ayaw mo ipagalaw.Bakit? VICTORIA: … ANTONIO: Pag-uwi ko galing trabaho, abo na ang katawan ng anak ko, ni hindi niyo man lang ako tinanong o kahit pa opinyon. Anak ko 'yon, Ma! Anak ko 'yon! *sabay turo sa anak niyang nasa urna* VICTORIA: Anak– SALLY: Nagpakamatay po si Sofia. Biglang sabi ni Sally na ikinagulat ng lahat. Galit na galit ay lumapit si Victoria sa apo at sinampal ito. Gulantang ang lahat sa mga kaganapan. Ang ilang mga bisita sa burol ay nagtatanong na rin. ANTONIO: MA!! VICTORIA: Paano mo nakakayang sabihin ang mga salitang iyan, Sally?!! SALLY: Dahil totoo naman La. Aktong sasampalin ulit nito si Sally ngunit pinigilan siya ni Antonio. ANTONIO: Tama na, Ma. Minsan mo ng diniktahan ang buhay ko, ang pamilya ko, hindi ka pa nakuntento at inulit mo pa kay Sofia hanggang sa pagkamatay niya… VICTORIA:

Hindi yan totoo, Antonio! Galit na galit si Victoria kay Sally kaya't muling aambahan ngunit pumagitna na si Antonio. ANTONIO: TAMA NA, MA!! Pati anak ko dinamay mo sa kasakiman mo!! Hindi ka pa ba masaya na nagamit mo ang anak ko?!! VICTORIA: Sinasabi ko sa'yo Antonio hindi 'yon gano'n. Ayoko lang na isipin ng mga tao na nagkasala si Sofia sa pangi– ANTONIO: Wala akong pakialam, Ma!! Anak ko 'yon!! Karapatan kong malaman ang totoo!! ANAK KO SI SOFIA, MA!! VICTORIA: Ayoko lang naman na may masasabi ang iba sa pananampala– ANTONIO: TAMA NA, MA!! HINDI NGA IYON ANG PROBLEMA! ANG PROBLEMA, HINDI MO SINABI SA AKIN NA NAGPAKAMATAY ANG ANAK KO! DAHIL GUSTO MONG PROTEKTAHAN ANG LINTEK NA PANANAMPALATAYA NG ANAK KO! NA WALA NAMAN SI SOFIA DAHIL HINDI SIYA NANINIWALA SA DIYOS MO! HINDI SIYA NANINIWALA NA MAY DIYOS MAGMULA NANG MAGKAISIP SIYA AT LUMAKING WALA NA ANG INA NIYA!! Gulat ang lahat sa sinabi ni Antonio. VICTORIA: Paano mo nasasabi ang mga salitang iyan sa harap ng anak mo, Antonio? ANTONIO: Eh kayo, Ma. Bakit hindi niyo alam na babae ang gusto ang apo niyo? Victoria: Ano?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Babae ang apo ko! Isang kasalanan sa panginoon ang sinasabi mo! Antonio: Paano niyo naatim na itago sa'kin ang pagkamatay ng ANAK KO? Ng apo nyo? *Nanghihinang usal nito habang nakaluhod at patuloy na tumatangis*

VICTORIA: Hindi iyan totoo, masaya siyang Kasama Ako, hindi sya kailanman nagreklamo sa'kin. CESTINE: Dahil mahal niya po kayo. *nabaling lahat ng atensyon kay Cestine* Sa sobrang pag mamahal nya, tinigil nya ang relasyon namin. Para sa inyo. Pinili nya kayo kesa sa kasiyahan nya. Lagi pa nga siyang nagke- kwento sa'kin tungkol sa pagpunta niyo sa church. Hindi man nya sabihin ay alam Kong tutol sya sa gusto nyo, mahirap para Kay Sophia na gawin ang bagay na yun pero sinubukan nya para sa'yo. Matapos ang pag-amin ay umiyak ito na agad namang niyakap ni Javier. Inalalayan ni Sally ang lola niya dahil sa panghihina sa mga narinig. SALLY: Mahal na mahal po ni Sophia si Cestine La,at alam kong sinubukan niyang gawin ang lahat para itago to. Pero ang hirap para sa kanya. I've seen her crying and cutting her wrist… Ate nya ako pero wala akong nagawa, Wala akong silbi ng mga panahong kailangan nya ng kasama.I'm begging, hoping that you'll let me do the thing right for her,lola. *Dahan-dahan siyang lumuhod na agad namang dinaluhan ni Elena* Lahat ay umiiyak. Kinuha ni Antonio ang anak kay Elena at nagpasalamat ng mahina na siyang tinanguan lamang nito. Halos lahat ng nasa burol ay nahabagat tila nakisimpatya Kay Sally. Sa kabilang banda, Napansin naman ni Elena ang bulto ng isang lalaking nakamasid at nagtatago sa labas ng pinto. ELENA: Sandali! Pasaan ka? Lumingon ang lalaki at tila nahihiyang tumunghay Kay Elena. Lumapit si Elena at manghang nakatunghay sa maamong mukha ng lalaki. Hindi lingid sa kaalaman ni Elena na isa itong special, isang lalaking may kapansanan sa pagsasalita at pag-iisip ngunit taliwas sa kanyang natatanging talentong gumuhit ng katotohanan. Makalipas ang mga Oras ay naging payapa ang paligid, kaya minabuti ni Elena na kausapin muli si Adie.

ELENA: Hindi ko alam kung saan ka nakatira, gusto mo bang ihatid kita? Umiling lamang ito at itinuro lamang ang labas. Kumunot ang noo ni Elena. Nang mapansin ng bata ang reaksyon ni Elena ay nagsimula na itong maglakad palabas. Nag-aalalang sinundan ni Elena ang lalaki ngunit pinigilan siya nang makalabas sila ng gate. ELENA: P-pero… Umiling ang lalaki at ngumiti. Muling naglakad ang bata sa madilim na kalsada at pinanood lamang ni Elena ang paglamon sa bata ng kadiliman. At sa huli nga ay nasiwalat ang katotohanan patungkol sa pagkamatay ni Sofia, ngunit iniwan si Elena ng misteryosong bata ng isipin. Mababatid na hindi kilala ni Elena ang bata, ngunit napaisip ito sa kakayahan na meron ang bata. Sa huli ay nasagot ang mga katanungan, at naisiwalat ang katotohanan. Ngunit sa isipan ni Elena'y mananatili ang isang katanungan. ELENA: Sandali! Ang iyong pangalan? “Anong pangalan mo?" FADE OUT. THE END