Created in Canva
two years with youraven & le
two years with youDear Le, Happy Second Anniversary, Baby! After years knowing each other, who knew we’d find our way back to eath other. you’ve became my comfort, my laughter, my best friend and the one who makes everything feel a little lighter, brighter and better. This little book is just a glimpse of how much I’ve loved this year with you. These memories will stay with my forever and I can’t wait to make a million more with you. So thank you for choosing me, for growing with me and for being everything I never knew I needed. I love you !Love,Raven
UGUSTA03.24Finally we’re officialSimula nung nakilala kita, ito yung pianakamasayang araw ko kasi tayo na… kinikilig pa rin ako kapag naaalala or nakikita ko yung mga panahon na bago pa lang tayong nag uusap, ang saya lang makita yung panahong hindi ko inaakalang mapapasakin ka at ngayong 2 year na tayo, akalain mo yun ang tagal na natin, babyy. I’m so proud of us dahil nalampasan natin lahat ng pinagdaanan nating challenges. I love you!FirstchatFirst Meet11/24/2024Parang ibang tao tayo dyan kapag nababasa ko convo natin. Ngayon kasi sobrang comfy na natin sa isa't isa
11/24/2024First MeetFirstlibrarydate07/05/2026
First monthsary gifts
2025.01.29 First photo booth01/2 9/2025
Food trips
Outfic check
Pwede bang pakinggan mo ‘yung kantang “Tahanan” by El Manu habang binabasa ‘to? Wala lang. Pakinggan mo lang, pinapakinggan ko kasi ngayon, eh. Naiiyak ako habang tina- type ko ‘to haha ikaw kasi. Gustong-gusto kong iparanas sa‘yo ‘yung buhay na gusto mo— just think of it, baby, ‘yung tayong dalawa lang at ‘yung cats and dogs natin. Bahay na walang sigawan, bahay na ayos lang magkamali, ayos lang na magpakita nang kahinaan, hindi rin kasalanan kung magpapahinga man, at gust o ko sa bawat sulok ng bahay natin ay puno nang pagmamahalan. Tapos ipagluluto mo ako palagi kasi chef ka na. Ayos lang din naman na ako ang magluto pero bawal magreklamo sa lasa, ha? Grabeng fantasy ko talaga ‘to. Corny ko ba? Ayos lang, sabi naman nila kapag mahal mo ‘yung isang tao ay nagiging corny talaga, at isa na ako ro’n! I love you, hon.. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin at pipiliin ko. Pakasal na tayo please. May 200 na ako rito pang live in HAHAHAHAHAHA I LOVE YOU ALWAYS IN ALL WAYS .
First Overnight07/05/2026
Ayos lang kung hindi mo pa alam, ayos lang na maging mahina, ayos lang kung gusto mong umiyak. Hindi mo na kailangang itago ang sakit at bigat na mararamdaman mo, hindi mo na rin kailangang pigilan ang bawat paghikbi mo kasi nandito ako. Kung masaya ka, malungkot, galit, at kahit ano pang emosyon ang ipakita mo ay tatanggapin ko. Hinding-hindi kita huhugashan. Kung hindi mo na kaya, hayaan mo sanang ako muna ang bahala sa lahat, sasamahan kita pati na rin sa katahimikan mo. Basta pangako mo sa akin na aalagaan mo rin ang sarili mo, ha? You don’t need to face all your problems alone, baby, dahil meron ka ng ako, na kakampi mo sa lahat.
Baby, as you can see, I don’t have much to offer. I have so many failures, flaws, and problems. I know I may not be a perfect girlfriend, but I love you completely, with everything I have. And as long as I exist, I will do anything and everything to be a person that deserves you. I promise I will make bawi to you when I get the life that I want. Kakainin natin lahat ng cravings mo. Baguio, Switzerland, at kahit anong lugar pa ang gusto mo ay pupuntahan natin. Bibilhin natin lahat ng shoes, bag, at damit na gusto mo. Syempre, hindi mawawala ang EXO pupuntahan natin ‘yan. Eh, ano bang laban ko kay D.O ? Gwapo, magaling sumayaw, at maganda pa boses—ako kasi maganda lang : (( hehe joke lang. Kahit anong mga bagay pa yan ay ibibigay ko sayo. Sa ngayon, pangarap lang muna hehe. Pinky promise, baby magagawa natin yan. I always dream of building a life with you. Gusto kong tumanda kasama ka. Siguro kung paghihiwalayin tayo ni Lord, eh, bakit naman? Hindi ako papayag! if it’s not you, I don’t want to be with anybody else. I can’t imagine my life without you : ((
Kapag pakiramdam mo ay gusto mo nang sumuko, hon, tingnan mo lang kung gaano kalayo na ang narating at nalampasan mo. Lahat ng sakit na dinanas mo, lahat ng sitwasyon na hinarap mo, at lahat ng problemang nasolusyunan mo—patunay lamang yan na matibay ka at hindi ka sumusuko basta-basta. Kapag pakiramdam mo ay nauubos ka na, tandaan mo na ang pahinga ay hindi pagsuko, ha? Take care of yourself. Don’t be stubborn. It’s okay if magcoke and coffee ikaw, basta don’t forget to drink water, okay? Stay hydrated. Always remember how important the breakfast is, and please, don’t skip meals na. I made this booklet as a promise that I'm always be by your side, cheering you on, and loving every part of you, even the parts that you feel weak sometimes. I love you so much, Baby !Our home town
two years with youI'm so glad I found you