Created in Canva
REPUBLIKA NG PILIPINAS KAGAWARAN NG EDUKASYON REHIYON I SANGAY NG PANGASINAN I PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG PARAYAO PAPAGUEYAN BINMALEY, PANGASINANGINTONGGINTONGGINTONGGINTONGPALAYOKPALAYOKPALAYOKPALAYOK
TAHANAN, PUSO, ATTAHANAN, PUSO, AT MISYON NI MA'AM SOLMISYON NI MA'AM SOL TAHANAN, PUSO, AT MISYON NI MA'AM SOLPulang sapatos ang pumasok sa tarangkahan ng paaralan, Isang pagkakataong magbukas ng panibagong kabanata tungo sa mas mataas na antas ng pagkatuto, pamumuno, at paglilingkod. Sa pagdating ni Madam Sol Prado bilang bagong punongguro ng PMPP, kasabay nitong sumisibol ang panibagong pag-asa at inspirasyon para sa buong pamayanan ng paaralan. Siya ay tubong Lingayen, Pangasinan, 29 taon sa paglilingkod sa Kagawaran ng Edukasyon hanggang sa kasalukuyan. Pitumpu’t tatlong kilometro ang binabaybay nito mula sa kanilang tahanan sa Tonton, Lingayen hanggang sa dati niyang pinaglingkurang paaralan (Balangay NHS) , sa Urbiztondo. Binigyang- diin nito sa kaniyang unang yapak sa PMPP ang pagtutulungan dahil kapag sama-sama, Aangat ang lahat. ‘Basta Parayao, Wow!’ ika nito. Malugod na tinatanggap ng buong pamayanan ng PMPP si Mam Sol Prado. Kasama ang bawat guro, mag-aaral, magulang, at stakeholder, inaasahan ang isang mas maliwanag, mas maunlad, at mas matagumpay na kinabukasan para sa paaralan. SIMOY NG PAGBABAGO— LATHALAIN ISYU 2.OISYU 2.O