FINAL MEDALYON ITO NA TALAGA

EL NINODE PELIGRO153 libong sambahayan sa San Jose, apektado ng tag-init; LGU, pinaigting ang paghahanap ng karagdagang suplay ng tubig SJNHS Faculty: Lapel Mics, hindi sapat na solusyon sa mga suliranin sa pagtuturo Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), higit na malala ang posibleng maging epekto ng Super El Niño sa bayan ng San Jose kumpara noong mga nakaraang taon. “Ang tinitignan natin sa forecast ngayon ay mas mataas ang antas ng mararanasan natin ngayong El Niño,” wika ni MDRRMO Division Chief of Research and Planning Marie Joy C. Domingo. Babala pa ng ahensya, kinakailangang bigyang- pansin ng mga mamamayan ang mga epekto ng Super El Niño, lalo’t higit ang posibleng tuluyang pagkatuyo ng pinagkukunan ng malinis na tubig ng San Jose. “Imagine, mayroon tayong 153,000 households dito na sinusuplayan ng tubig, hindi pa kasama ung mga lumipat galing ibang lugar. Hindi naman sa tinatakot naming kayo, pero dapat talagang matakot ang tao sa Super El Niño,” giit ni Domingo. DAGOK NG TAGTUYOT Ayon naman sa Municipal Agriculture Office (MAO), isa sa mga pangunahing suliraning maaaring kaharapin ng bayan ng San Jose ay ang pagbaba o tuluyang pagkawala ng ani ng palay na ikapapahamak ng kabuhayan ng mga lokal na magsasaka ng bayan. “Malaki yung epekto ng pabago-bagong klima sa produksyon ng pananim, halimbawa sa palay, maagang natutuyo ‘yung mga pananim kaya nagkakaroon ng mababang kita,” ani Municipal Agricultural Officer Fernando G. Leoncito. Ibinunyag ng MAO na mas maraming mga sakahan sa San Jose ang walang irigasyon na higit na magpapalala sa kalagayan ng mga magsasaka pagdating ng El Niño. “Magiging pinakaapektado niyan ay yung mga wala sa irrigated areas at umaasa lang sa sahod ng ulan tulad ng baranggay Mapaya at Bubog. Sa Mapaya may mga balon pero mahina ang patubig,” hayag ni Leoncito. Dagdag pa ng ahensya na ang agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng kita at pagkain ng San Jose, inaasahang ito rin ang pinakaapektado ng tagtuyot. “Pinakaapektado ang sektor ng palay, kasi palay ang may pinakamalawak na taniman dito sa bayan ng San Jose,” sambit ni Leocinto. Ibinahagi naman ng MDRRMO na kabilang sa mga pinakamaapektuhang sektor sa panahon ng tagtuyot ang pangingisda na maaaring magkaroon ng coral bleaching na magdudulot ng pagkamatay ng mga lamang dagat. “Imaginin ninyo, ang San Jose ay may 11 island barangays and 16 coastal areas, all of them rely on fishing. Isipin niyo ang mga mangyayari kapag lahat ng corals ay nagkandamatay,” paglalahad ni Domingo. Lahad naman ng MAO, bukod sa mga mangingisda, nanganganib din ang kabuhayan ng 884 mga magsi-seeweeds sa San Jose... Inamin ng mga kaguruan sa San Jose National High School (SJNHS) na hindi sapat ang mga ipinamahaging mga lapel microphones ng Department of Education (DepEd) bilang tugon sa pangangailangan ng mga guro sa pagtuturo sa loob ng puno at maingay na klase. Binigyang-diin ng mga guro ng SJNHS na maraming salik ang dapat konsiderahin bago magpaabot ng tulong at magbigay ng solusyon sa pangangailangan ng mga guro. “Hindi pa sapat ang tulong, especially ’yung pagbibigay ng lapel sa teachers, kasi alam naman natin na marami tayong mga internal and external factors na kinokonsidera pagdating sa tulong na maibibigay ng DepEd,” lahad ni BJay Villaram, guro mula sa SJNHS. Inihayag pa ng mga kaguruan ng SJNHS na bagama’t nakatutulong sa kanilang pang- araw-araw na pagtuturo ang lapel microphones, nananatiling higit nilang kinakailangan ang pagkakaroon ng maayos na laptops at teaching references upang lubos na makapagturo nang may kaayusan. “Sana i-provide ‘yung mga gamit na makatutulong sa aming mga guro tulad ng laptops, books, and teaching references na talagang akma sa competencies na ituturo namin,” ani Jomer Bermundo, isa pang guro. Ayon kay Mirasol DC Nonong, guro, kadalasang nanggagaling pa sa kanilang sariling bulsa ang perang ipinambibili ng learning materials upang tugunan ang kakulangan sa mga ito. “Books talaga, kulang naman talaga tayo sa aklat. Ang mga teachers, bumibili pa online kung ano ang pwedeng gamitin. Sa halip na walang gastos ang teachers sa teaching materials, kami ang nagpoprovide,” sambit niya. Kabilang sa mga panawagan ng mga guro ang pagkakaroon ng karagdagan at maayos na mga silid-aralan upang lubos na makapag-aral ang mga estudyante, gayundin upang makapagturo nang maayos ang mga guro. “Magdagdag talaga ng classrooms, kasi isa sa mga nagiging problema talaga ay ang kakulangan ng classrooms. ‘Yung mga estudyante ay hindi nakakapagpokus,” hayag naman ni Nonong. Inilahad din ng mga guro ang kanilang pasasalamat sa pamamahagi ng lapel microphones sapagkat natulungan sila sa hirap ng pagpapalakas ng boses sa gitna ng klase. “Pagdating sa classroom managaement na nahihirapan ang mga guro sa pagsasaway, itong lapel ang nagiging tulong upang mabawasan ang mga ingay na ginagawa ng estudyante,” pahayag ni Bermudo. kinabahala ng 153,000 sambahayan sa San Jose ang ang peligrong dala ng Super

BALITA TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 20260022 lumulobong komersyoInamin ng humigit kumulang kalahati ng mga mag-aaral ng San Jose National High School (SJNHS) na hindi epektibo para sa kanila ang safety drills na isinagawa sa paaralan. Batay sa isang sarbey na isinagawa ng Ang Medalyon, 45.5% mag estudyante ang nagsasabing hindi sila handa sa posibleng pagkakaroon ng sakuna. “Hindi ako handa kung magkakaroon ng sakuna dahil madalas, kapag nagkakaroon ng kaguluhan, nawawala na sa isip ko kung paano poprotektahan ang aking sarili,” hayag ni Yzra Ezekiel M. Sorisantos, mag-aaral ng SJNHS. Karamihan sa mga mag-aaral na tumugon sa sarbey ang umaming naging isang malaking salik ang kawalan ng disiplina ng kanilang mga kapwa mag-aaral sa panahon ng pagsasagawa ng drills. “Para sa akin, hindi siya effective, lalo na’t ang ibang mga estudyante ay hindi sineseryoso ang drills kaya ginagawa na lang itong laro ng karamihan,” giit ni Hannah Lea M. Manzano, mag-aaral ng nasabing paaralan. Ibinahagi naman ng mga mag- aaral ang kanilang mga suhestiyon sa pamunuan ng paaralan bilang kabahagi ng komunidad sa loob ng SJNHS. “Siguro dapat na magdagdag pa ng equipment ang paaralan para sa karagdagang seguridad bukod sa pagsasagawa ng drills regularly,” ani Kurt Allen Salor, estudyante ng SJNHS. Nananawagan naman ang mga mag-aaral na nawa ay matugunan ang mga problemang humahadlang sa kanilang kahandaan at kaligtasan sapagkat naniniwala ang mga ito na daan ang safety drills upang mailigtas ang buhay ng bawat isa. 45.5% ng mga mag-aaral ng SJNHS, hindi handa sa posibleng sakuna San Jose, kabahagi sa paglago ng ekonomiya ng OKSI Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng San Jose ang kanilang suporta sa mga negosyo na nagbukas ng maraming oportunidad sa mga mamamayan ng Occidental Mindoro. Ayon kay San Jose Mayor Rey C. Ladaga, sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) MIMAROPA noong 2025, naitala ng Occidental Mindoro ang pinakamalaking bahagdan ng paglago ng ekonomiya sa buong bansa, kung saan kabilang ang naturang bayan sa paglagong ito. “Sa survey na ginawa noong nakaraang taon ang ating probinsya ang may pinakamalaking paglago sa ekonomiya, which is 11.2% at dito kabilang ang ating bayan sa nag-contribute sa paglagong ito, dahil sa dami ng mga infrastructure at negosyo na meron tayo,” ani ni Ladaga. Binigyang-diin ni Ladaga na ang pangunahing layunin ng administrasyon ay makapagbigay ng tulong sa mga Small and Medium Enterprises (SMEs) katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI). “Isa sa concentration natin ay ang maliliit na negosyo. In fact, lagi kaming nagkakaroon ng collaboration sa DTI para matulungan sila. Best example ay ang night market kung saan libo-libo na ang nakikinabang,” dagdag pa ni Ladaga. Ayon sa kanya isang patunay ng malaking pag-unlad ng ekonomiya ng San Jose ay ang mga programang naisakatuparan at mga paaralang nagawa sa iba’t ibang barangay ng lokal na pamahalaan. “Makikita ang pag-unlad ng San Jose sa mga naipatayong paaralan sa Buri, Bangkal, Catayungan at Naibuan. Nagkaroon din ng high school, barangay hall, kalsada at kuryente sa Naibuan na dati ay wala,” paglalahad ni Ladaga. Inihayag din ni Ladaga ang development plan ng pamahalaan na gawing grand termal ang temporary market upang maging economic enterprise na makatutulong sa transportasyon at kalakalan. “Ang plano ay kapag natapos ang palengke gagawing Grand terminal ang temporary market, dahil yung sa Bagong Sikat ay private, kailangang maging public siya para maging economic enterprise,” ani Ladaga. Ibinahagi rin ni Ladaga na debt-free na ang San Jose mula sa pagkakautang ng nagdaang administrasyon na nakapagbigay ng mas maraming oportunidad para sa mga proyekto at serbisyong panlipunan. “Nagbayad na po tayo ng utang ng nakaraang administrasyon, na fully pay namin nitong March 2026. Kaya wala na tayong utang,” aniya. Dagdag pa niya, ang paglagong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa 157 pamilya na magkaroon ng negosyo at trabaho sa San Jose Night Market. “Dati po, hirap kami sa pang-araw-araw. Pero dahil sa night market, nakapagpaaral kami ng anak at nakapagpundar ng maliit na tindahan,” pahayag ni Evenlyn Mapalo, tindera sa night market. Sa kabila nito, mayroon pa ring taliwas na opinyon ang mga residente tungkol sa paglago ng ekonomiya sa naturang bayan. “May paglago sa ating ekonomiya, ngunit hindi lahat ay ramdam ito. Kahit madami ang hanapbuhay at negosyo, mahirap pa rin dahil sa mahal ng bilihin,” ayon kay Princess Tividad isang residente. Nagbigay ng pahayag si Ladaga, na magtiwala sa kanyang pamumuno sa bayan ng San Jose. “Sa ating mga kababayan, nangangako akong hindi kayo magsisi sa pamumuno ni Rey Ladaga,” pahayag pa ni Ladaga. “Kapag sobrang init kasi ng panahon, natutunaw yung mga seaweeds,” paliwanag ni Leocinto. Ikinababahala rin ng MDRRMO ang kalusugan ng mga mamamayan ng San Jose sapagkat ayon sa kanila, mas mabilis lumaganap ang iba’t iban

BALITATOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 2026 Hindi pagpapasuri ng reproductive health, dahilan ng paglobo ng HIV cases sa San Jose Posibleng pagiging siyudad ng San Jose, magpapalago sa ekonomiya ng bayan Bahagyang nakatipid ng puhunan ang mga magsasaka ng San Jose dahil sa maagang pamamahagi ng ng mga libreng binhi ng lokal na pamahalaan. Ayon sa 3266 mga magsasakang nakatanggap ng libreng binhi ng sibuyas, humigit kumulang Php 3,000 ang halaga ng kanilang natipid na nagbigay daan upang kanila pang matustusan ang ibang pangangailangan sa pagsasaka. “Malaking bagay din para sa magsasaka na may makuhang libreng buto ng sibuyas, mailalaan pa namin ang pera sa ibang pangangailangan,” ani Oligario Habos Jr., magsasaka ng sibuyas. Ibinahagi rin ng magsasakang si Ronaldo Robles ang kaniyang damdamin nang makatanggap ng libreng binhi mula sa lokal na pamahalaan. “Syempre nagagalak dahil unang- una ‘yung perang dapat na ilalaan namin sa pagbili ng binhing sibuyas ay magagamit na namin sa pagbili ng ibang kailangan sa pagtatanim ng sibuyas,” hayag niya. Inilahad naman ng ibang magsasaka ang kanilang panawagan para sa maayos na presyo ng sibuyas kaugnay ang ilan pang mahahalagang pangangailangan sa pagsasaka. “Sana magkaroon naman sila ng matatag na desisyon para suportahan ang mga magsasaka lalo na sa presyo ng mga produktong itinatanim naming lalo na ung iba, utang pa ang puhunan,” panawagan ng magsasakang si Yolanda Clemente. Dagdag pa ni Clemente, kanila ring hinihiling sa gobyerno ang pagkakaroon ng maayos na farm-to- market road at farming equipments upang mapadali ang proseso ng kanilang pagsasaka. Bagama’t aminado ang mga magsasakang marami pang ilang pangangailangan nila ang hinihiling na matugunan, malaki ang kanilang pasasalamat sa pamamahagi ng libreng binhi ng lokal na pamahalaan ng San Jose. “Nagpapasalamat ako sa ating lokal na pamahalaan sa binhing ipinagkaloob nila. Sana ipagpatuloy nila ang ganitong programa at palawakin pa,” sambit ni Robles. Naniniwala ang mga nagtitinda sa Temporary Public Market na bumaba ang kanilang kita dahil mas tinatangkilik ng mga mamimili ang malapit at madaling ma-access na alternatibong pamilihan. Ikinabahala rin nila ang kapansin-pansing paghina ng kanilang negosyo ngayon kumpara noong sila ay nasa San Jose Public Market. “Limang taon na akong nagtitinda at simula nung lumipat kami dito, humina talaga ang aming kita kasi hindi ganun karami yung taong pumupunta,” paglalahad ni Libay S. Dela Cruz, tindera sa public market. Dagdag pa ni Dela Cruz, isa rin sa mga salik na nakaapekto sa kanilang kita ay ang presyo ng pamasahe patungong palengke. “Napakamahal ng pamasahe dito sa Labangan lalo na kung papunta sa bayan, paano pa pupunta dito ang mga mamimili kung marami namang talipapa sa paligid,” aniya. Binigyang-diin naman ng mga nagtitinda sa talipapa na hindi sila ang dahilan ng paghina ng kita sa temporary market sapagkat hindi nila kontrolado ang desisyon ng mga mamimili. “Wala naman talaga sa amin iyon, kung hindi sa pagpili ng mga tao kung saan sila bibili. Kung may mas malapit na tindahan, doon na sila pupunta dahil mas makakatipid at mas malapit,” paliwanag ni Renz D. Agyapas, nagtitinda sa talipapa ng Bagong Sikat. Iginiit naman ni San Jose Mayor Rey C. Ladaga na hindi problema ang lokasyon, bagkus ay dapat na sumabay ang mga nagtitinda sa palengke sa pagyabong ng teknolohiya. “Hindi mo pwedeng tanggapin na lugi ka lang nang lugi. You have to innovate, and that’s the strategy in business,” hayag ni Ladaga. Lahad ni Ladaga, kinakailangang maabayan ang mabilis na pagbabago ng teknolohiya upang hindi mahuli sa pag-unlad ng kabagong panahon. “Nagbago na ang technology, anong dapat nating gawin? Baguhin din natin ang style natin,” diin niya. Hinimok pa ni Ladaga ang mga nagtitinda na subukang gamiting instrumento ang online platforms upang maiwasan ang pagkalugi. “Ang sinusuggest namin sa kanila ay subukan din nilang mag-online selling. Kasi diba, bakit pa lalabas ang tao kung dinideliver na sakanila ang mga produkto,” saad niya. Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng San Jose ang programang Bigas- Kalinga bilang bahagi ng inisyatibo ni Mayor Rey C. Ladaga sa ialalim ng Bawat Bayan Makikinabang Program ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng bigas sa mga mamamayan, lalo na sa mga sektor na hindi nakatatanggap ng regular na ayuda mula sa gobyerno. Ayon kay Ladaga, ang programang ito pinondohan ng Local Government Support Fund na naglalayong matulungan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng 10 kg bigas. “Ang Bigas Kalinga ay bahagi ng programang ibinaba ng pangulo mula sa national budget. Ibinigay ito sa amin upang ipamahagi, at mas pinili naming unahin ang mga hindi nakakatanggap ng benepisyo mula sa pamahalaan,” paliwanag ni Ladaga. Ayon sa pamahalaang lokal, layunin ng programa na makapagbigay ng 40 kilo ng bigas sa bawat benepisyaryo, na ipinamimigay ng tig-10 kilo kada distribusyon.

OPINYON TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 20260044 angmedalyon Maraming San Joseños ang nangangamba sa paparating na Super El Niño. Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mas kritikal ang magiging epekto nito ngayong taon. Nakayayamot ito sapagkat taon-taon na itong nararanasan subalit wala pa ring mailatag na angkop na solusyon at lunas ang lokal na pamahalaan na makatutulong sa mga mamamayan. Matatandaan noong 2023, isa ang bayan ng San Jose sa may pinakamataas na heat index na umabot ng 53 degrees Celcius. Tila niluluto sa apoy ang sambayanan sa epekto ng init na ito, mayroong mga nagkaroon ng sunburn, heatstroke, at mga komplikasyong may kaugnayan sa matinding init. Hindi lamang ang mga tao ang naaapektuhan, maging ang hanapbuhay, araw-araw na gawain, at ang ating kapaligiran ay siningil nito. Sa kabila ng kaalaman patungkol sa hagupit ng pangyayaring ito, isang sampal para sa bawat mamamayan ang kawalan ng paglalatag ng mga kasagutan sa peligrong maaari nating kaharapin dulot ng matinding init. Nakadidismaya na ang inaasahan makatutulong sa kanila sa ganitong sitwasyon ay tila bulag at bingi sa maaring mangyari sa hinaharap. Marapat na matuldukan ang mentalidad na ‘prepare for the worst’ lamang. Ang karaniwang punto nito ay ang kawalan ng aksiyon kung kaya’t ang pagtugon ay walang kaisahan at nagmimistulang kanya- kanya na lamang. Nakalulungkot lamang isiping hindi sentralisado ang solusyon lalo pa’t mayroong mga residenteng nananatiling walang ideya sa mga maaaring mangyari sa hinaharap. Isa ang sektor ng agrikultura na pangunahing hanapbuhay sa ating bayan ang maaapektuhan sa nasabing penomenang ito. Ayon kay Fernando G. Leoncito, Municipal Agricultural Officer, mas malaki ang bilang ng mga non-irrigated na lugar o iyong mga umaasa lamang sa tubig-ulan kaysa sa mga mayroong maayos na irigasyon. Isang malungkot na katotohanan ito para sa mga magsasaka sapagkat sa kabila ng nakaambang panganib, tanging ang solusyong hatid lamang sa kasalukuyan ay ang maagang pagbibigay ng mga buto ng mga produkto upang maaga ring makapaghanda ng taniman upang hindi maapektuhan ng nasabing tagtuyot. Isa pa, ang sistema ng malinis na tubig sa ating bayan ay wala sa kaayusan. Matatandaan din sa lumipas na mga taon, walang tulo ang bawat gripo sa mga kabahayan. Napipilitan pa ang Prime Water Occidental Mindoro na pumunta sa bawat barangay upang mamahagi ng balde- baldeng tubig sa bawat isang bubong. Ito na lamang ang kanilang huling hantungan bagaman alam ng karamihang hindi ito sasapat. Ang tubig ang isa sa pinakapangunahing pangangailangan ng ating katawan. Subalit, ibinunyag ni MDRRMO Division Chief of Research and Planning Marie Joy C. Domingo, hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang karagdagang mapagkukunan ng groundwater. Nakapanlulumo malamang hindi sasapat ang suplay ng tubig na mayroon tayo ngayon para sa 153 libong mga kabahayan umaasa mula sa lokal na mga residente ng San Jose, hindi pa kabilang ang mga migranteng naninirahan dito. Sa El Niño, lahat ay apektado. Bawat sektor ay kahaharapin ang hamon ng matinding init at kakulangan ng tubig, subalit ang ating pamahalaan ay walang kibo at pakialam sa kung ano ang maaari nating kahinatnan. Dagdag pa rito, maging ang ating kalamnan ay walang takas. Ang bawat butil ng kanin na ating kinakain ay hindi maihahain sa ating hapag kung hindi nito maranasang maitanim nang may masaganang patubig. Katunayan, inihayag ni Assistant Branch Manager of NFA Occidental Mindoro Llewellyn D. A. Villamar, hindi lamang ang quantity ang mababawasan kundi pati na rin ang kalidad ng bigas. Kung susumahin, hindi lamang dapat sa panahon ng kagipitan magkaroon ng lunas. Maging ang karaniwang mga araw, naaayon lamang na gabayan ng lokal at nasyonal na pamahalaan ang mga mamamayan upang malaman nila ang nararapat gawin, angkop na aksiyon at solusyong tutugon sa kanilang pangangailangan. Marapat na harapin at panagutan ng namamahala ang responsibilidad at kasiguraduhan ng bawat mamamayang nasasakupan. Hindi lahat ay may kakayahang mailigtas ang sarili sa oras ng unos. Ang paglalatag ng mga kilusang magpapabuti ng kalagayan ay isang suntok sa buwan na lamang sa panahon ngayon. Subalit kung tunay na sisiyasatin at susuriin ang mga bitak at puwang, tunay ding nangangailangan ng tamang pamamahalang nagmumula sa pamahalaan. Hindi lamang sariling kapakanan ang marapat paigtingin, gayundin ang pagkakaisa sa pagharap sa pangyayaring maituturing na isang pandemya. LIHAM PUNONG PATNUGOT Mark Arthur D. Juliano KATULONG NA PATNUGOT Alyssa Rose L. Limos Alexa Fye S. De Leon TAGAPAMANIHALANG PATNUGOT Princess Anne D. Ovalles PATNUGOT SA BALITA Alleina Rixe A. Robles Jhobel C. Aguila PATNUGOT SA LATHALAIN Azrel Martius G. Osano PATNUGOT SA AGHAM Sammea Joy Colyn M. Mondigo PATNUGOT SA ISPORTS Francine Kaye F. Alfaro DIBUHISTA Anika Azure A. Liaban PUNONG TAGA-ANYO Mhyco R. Bago PUNONG TAGAKUHA NG LARAWAN J

OPINYONTOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 2026 angmedalyon Kailanman ay hindi magiging sapat ang pagrerebisa ng Student Handbook bilang solusyon sa problema sa pamamalakad ng Kaawaran ng Edukasyon. Pinaninindigan ko ang hayag na pakitang-tao lamang ang anumang pagbabago sa papel kung nananatiling kulang at bulok ang mismong sistema ng pagpapatupad at patuloy na isinasantabi ang boses ng mga mag-aaral. Unang una, isang malaking kataksilan sa disiplina ang pagpapatupad ng mga bagong alituntunin habang tahasang napababayaan ang kakulangan ng propesyunal na tutugon sa mga suliranin ng mga mag-aaral. Batay sa Republic Act No. 9258 o ang Guidance and Counseling Act of 2004, ang probisyon ng batas ay nag-aatas ng isang guidance counselor sa bawat 500 na mag-aaral. Subalit kung sisilipin ang San Jose National High School, isang guidance counselor lamang ang mayroon ang paaralan para sa libu-libong estudyanteng pumapasok araw- araw. Dahil sa kakulangan sa tao, ang bigat ng pagpapatupad ng mga regulasyon sa DepEd ay naipapasa lamang bilang karagdagang pasanin sa mga gurong overloaded na sa pagtuturo. Pangalawa, isinasaad sa United Nations Convention of Rights of the Child (Article 12) at ng ilan pang pag-aaral na ang tunay na reporma ay nangangailangan ng direktang konsultasyon o survey sa mga mag-aaral. Isang tuwirang pagmamataas ang pagbabago ng mga patakaran nang hindi man lamang kinokonsulta ang mga estudyante ukol sa mga totoong suliraning pumipilas sa kanilang araw-araw na pag- aaral. Ipinakikita sa pag-aaral ng institutional governance na ang mga patakarang binuo nang walang partisipasyon ng mga kabahagi ng isang komunidad ay nagiging sanhi lamang ng selektibo at hindi pantay na pagpapatupad. Hindi maikakailang nagdudulot lamang ng paimbabaw na pagsunod ang pagbabalangkas ng patakaran ng walang epektibong pagsangguni kung saan lubos na bumababa ang respeto ng mga mag-aaral sa mismong alituntunin. Naniniwala ako na ang kailangan ng SJNHS ay hindi panibagong talaan ng mga limitasyon, sa halip isang malinaw, inklusibo, at maayos na sistema. Hinihimok ko ang Pamunuan ng Edukasyon sa Pilipinas na magkaroon ng tapat na ebalwasyon sa kasalukuyang sistema, kasama ang mga mag- aaral, bago magpatupad ng mga panibagong patakaran. Oras na upang wakasan ang palamuting pagbabagong ito. Dapat na magkaisa ang lahat sa komunidad ng SJNHS at mapagtuonan ng atensyon ang mga kakulangang dumadaloy sa sistema nito upang makamit ang isang tunay at makabuluhang reporma. Marapat na palakasin at paigtingin ang kahigpitan sa pagbabantay ng mga proyektong isinasagawa sa ating bansa. Ang Pilipinas ay tunay na lumalangoy sa kasakimang dulot ng mga nakaupo. Maraming buhay ang nawala, inanod ng mga kabahayan, at ang mga kasinungalingang nagsilabasan matapos ang hagupit ng sakunang ang puno’t dulo’y ang kanilang kagagawan. Sa kasalukuyang panahon, hindi pa napapasakamay ng bawat mamamayan ang hustisyang dapat nating makamtan. Binaboy at winalang- hiya ng mga namamahala ang ating lipunang minamahal. Matagal nang dapat may alternatibo sa mga naibasurang proyekto ng flood control. Ngunit kung ito’y sisiyasatin, nananatili itong walang progreso. Kung susuriin, tila isang orkestrang walang konduktor ang ating bansa sa lumalabas na mga pangyayari ngayon. Sa pag-usbong ng proyektong National Operational Assessment of Hazards (NOAH), tuluyang matutuldukan ang suliranin ng Pilipinas. Makalalaya tayo sa pagpapaikot sa atin ng mga nakaupo at giginhawa ang kalagayan ng sangkatauhan. Ang proyektong katulad ng NOAH ay pinapatakbo ng Artificial Intelligence (AI) na pinangunguhan ng Unibersidad ng Pilipinas, kaya hindi dapat mangamba at ipag-alala ang kahusayan at katapatan. Binigyan rin ito ng isang bilyong pondo ng Department of Budget and Management (DBM) upang ito’y mapatakbo. Kung tutuosin, tunay na makatutulong ang layunin nitong gamitin ang makabagong teknolohiya upang bigyang babala ang paparating na sakuna. Sa pamamagitan nito, malinis at de-kalidad na datos patungkol sa pagbaha ang matatamasa. Bagaman, mayroong mga nagsasabing nanganganib ang ating kalikasan sa ating pagyakap sa sistema ng AI, subalit isang malaking kabalintunaan ang pagtitipid sa kaalaman lalo pa’t ang kapalit nito ay ang pagkalumos sa malakulay tsokolateng tubig na ipinahihiwatig ang kahinaan ng lipunan. Palawakin natin ang ating isip upang makahanap ng angkop na aksiyong naaayon sa ating pangangailangan. Hindi lahat ng artipisyal ay masama, minsan ay ito pa ang nagdudulot ng repormang ninanais at inaasam ng taumbayan. Isa itong malaking hakbang upang mapunan ang lubos na kakulangan. Nawa’y paigtingin pa itong lubos ng gobyerno at pamahalaang ating kinatatayuan. Mapagaganda nito ang buhay at kinabukasan ng bawat Pilipino Pagbabalat-kayong reporma Sa bagong trimester system ng Department of Education (DepEd), nakatutuwang may pagtuon sa edukasyon. Subalit, naisasantabi nito ang kahalagahan ng mga co-curricular at extr

86Panahon na upang baguhin ang pananaw patungkol sa pinansyal na ayuda. Tunay na ito ang nagsisilbing panlaman sa tiyan, panustos ng mga bayarin, at alalay sa mga kapos. Subalit, paano aasahang kikilos ang mga mamamayan kung walang humpay ang mapagbalatkayong saklolong siya mismong humahasa sa katamaran? Isang tinik sa lalamunan ang malamang sa kalinga ng gobyerno umaasa ang taumbayan upang manatili sa mundong ating tinatapakan. Unang-una, nagsisilbing mitsa ang kahirapan sa patuloy na pag-usbong ng ganitong kalagayan. Hindi lahat ay kayang matustusan ang karaniwang pangangailangan, nakararanas sila ng gutom at kakapusan kung kaya’t ninanais nilang umunlad sa pagkapit sa mga tulong pinansyal. Ngunit, nagsisilbing panggatong lamang ito sa pagsibol ng katamaran. Dagdag pa rito, ang kakulangan sa permanenteng trabaho ang isa rin sa napakalaking punto. Ang pagiging construction worker, labandera, at trabahador ay hindi sapat ang kita kung kaya’t hindi maiiwasang umasa sa mga ayudang inihahain ng lokal na pamahalaan. Nakakaawa lamang dahil sa halip na gawing motibasyon ang suporta, itinuturing itong obligasyon sa mata ng madla. Pangalawa, kulang na kulang ang pagpapahalaga sa family planning. Anak dito, anak doon— ang ganitong mentalidad ay marapat nang masugpo bago pa tuluyang mapuno ng mga batang nagugutom at naghihikahos ang ating komunidad. Naaayon lamang na palawakin ang isip sa pagluluwal ng bata at ang pagpaparami ng anak, sapagkat ito ay tuwirang nakaaapekto sa magiging estado at kalagayan ng buhay mag-asawa at ng kanilang magiging pamilya. Isa pa, nakadidismayang lubos ang katamarang pinaiiral ng mga Pilipino. Tinataguriang ‘Easy Money’ ang pinansyal na tulong. Inaasahan nila ang ayudang lakas-loob nilang winawaldas sapagkat hindi sila ang kumayod at naghirap upang kitain ang salaping kanilang napapasakamay. Bunga nito, ang buwis na ipinapataw sa mamamayan ay nasasayang at napupunta lamang sa wala. Walang puwang sa lipunan ang mentalidad na nagsasabing ang tulong pinansyal ay dapat nilang makamit, ngunit walang ginagawang kaakibat na aksiyon upang sila’y tuluyang makaahon. Hindi dapat tulong at suporta ang tingin ng mag benepisyaryo. Kung susuriin, marapat na maging pahiwatig ito upang mas kumayod pa at hikayatin ang bawat isang sumabay sa agos ng buhay. Sa kabilang banda, hindi rin marapat turuan ng gobyerno ang mga mamamayang maging tamad. Sa halip, marapat lamang maging gabay at alalay ang ganitong uri ng saklolo tungo sa matiwasay at marangyang pamumuhay. Sa kaunlaran ng isang bayan, ang komersyal na paglago ang unang tinitingnan, dito sa kompetisyong ito nag-uunahan ang mga bayan sa Occidental Mindoro. Subalit, bakit mistulang isang mukha lamang ang basehan, ang pataasan ng mga gusali, paramihan ng mga establisyimento, at pagandahan ng mga daan. Karamihan sa mga mamamayan ay sobrang tinatangkilik ang kaunlaran, ngunit nakakaligtaan nating bigyang-pansin ang kalidad ng buhay ng mga residente. Sila’y naiiwan, naisasantabi, at inaalis sa paningin upang hindi madungisan ang reputasyon ng ating bayan. Katunayan, hindi lahat ng pamilya ay nakikinabang sa pagyabong, minsan sila ang lumalasap ng negatibong epekto na hindi naman nila ginusto. Ang urbanisasyon ng isang bayan ay tuwirang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan. Tumataas ang presyo ng mga bilihin na gumigipit sa bulsa ng mamimili. Maging ang pinakamahirap na tao ay walang takas dito, napakataas ng singil sa buwis na lalong nagpapahirap sa mga mamamayang mababa ang kinikita. Dagdag pa sa paglago ng isang lungsod, hindi rin sigurado ang kaligtasan ng mga mamamayan. Dumarami ang bilang ng mga tao, kung kaya’t kadalasang tumataas din ang kaso ng krimen. Ito’y nakapanghihilakbot sapagkat ang seguridad ng taumbayan ay nanganganib hindi lamang minsan, kundi pati na rin sa kadalasan ng panahon. Lantad din ang pagkasira ng ating kalikasan sa kabila ng umuunlad na bayan. Hindi maikakailang dulot ito ng malawakang pagsira ng lupa upang mabigyang-daan ang pagpapagawa ng mga gusali, naisasakripisyo natin ang tunay na kahalagahan ng kalikasan kapalit ng mga lupaing magbibigay ng panimulang plano sa tuluyang pagkasira ng ating kapaligiran. Isa pa ang hindi tamang pagtatapon ng basura. Hindi maiwasang magtapon dito, magtapon doon—ito ang nagdudulot ng pagbaha at polusyon na apektado ang lahat ng tao, lalo pa’t lumalaki ang ekonomiyang kanilang tinitirhan. Hindi masamang yakapin ang pag-unlad at pagbabago, subalit marapat na bigyan ng malawak na pagtingin at isaalang-alang ang estado ng mamamayan sa pagyabong ng bayang tinatapakan. May mga nagsasabi ring ang mga residente ay negatibong naaapektuhan dahil lamang hindi nila makisabay sa pagbabago ng panahon. Ngunit naaayon lamang na iukit sa bawat isipan na ang antas sa lipunan ng bawat isa ay iba-iba, mayroong nakaangat at mayroon ding kapos at naghihikahos kung kaya’t marapat natin silang mapagkaiba. Sa aking nakikitang pag-unlad ng aking bayang sinilangan—ang bayang angat na, aangat pa, ang bayan ng San Jos

LATHALAINangmedalyon TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 2026 0077 Tamang timpla sa ibabaw ng tabla GULONG NG PAGPUPUNYAGI: Matitingkad na ilaw, magagandang dekorasyon, at malinis na kapaligiran—ito ang karaniwang ipinagmamalaki ng bayan sa mga mamamayan at turista. Ngunit sa kabilang dako ng tulay, may pamayanang tila naiwan sa pag-unlad, kung saan ang mga panawagan ay matagal nang umaalingawngaw ngunit bihirang marinig. Sa riles, maging ang simpleng pagtawid ay nagiging panganib dahil sa tulay na matagal nang nangangailangan ng pagkukumpuni. Sa likod nito ay mga residenteng kailangang makipagsapalaran upang marating ang kanilang hanapbuhay at pang-araw-araw na pangangailangan. “Problema ang tulay, hindi maasikaso ng mayor,” sambit ni Anicieta Mendoza, 73, na apatnapung taon nang naninirahan sa riles. Para sa kaniya, ang pagkakaroon ng ligtas na tulay ang pinakamahalagang pagbabagong hinihintay ng kanilang komunidad. BUHAY SA ILALIM NG MAHABANG PAGHIHINTAY Bukod sa mapanganib na daanan, hinahamon din ang mga residente ng pabago- bagong panahon. Sa tag-init, natutuyo ang lupa; sa tag-ulan, bumabaha at lalong nagiging mahirap ang paglalakbay. Makipot din ang daan kaya hindi makapasok ang malalaking sasakyan. “Mahirap ang hanapbuhay kasi ang layo pa ng dadaanan para lang makarating doon, kasi delikado ang tulay,” kuwento ni Anicieta. Para kay Anicieta, mahalagang magkaroon ng maayos na daluyan ng tubig upang maiwasan ang patuloy na pagbaha. “Kalagayan ang dapat unahin. Bahaain dito sa baba. Dapat irrigation ang gawin, daanan ng tubig,” panawagan niya. TINIG NA UMAASANG MARINIG Sa kabila ng mga suliranin, nananatiling sandigan ng mga taga-Riles ang kanilang bayanihan. “Dito samin ang mga tao nagkakaisa sa riles. Hindi madaldal. Hindi tsismosa. Nakakayanan. Bayanihan,” kuwento niya. Kapag nasisira ang tulay, sama-sama nilang hinahanap ang paraan upang pansamantalang maayos ito. Maging ang mga poste ng kuryente na yari sa kawayan ay inilalagay ng mga residente sa sariling pagkukusa. Gayunpaman, hindi sapat ang pagtutulungan upang palitan ang pangmatagalang solusyong nararapat para sa kanilang kaligtasan. Sa edad na 73, patuloy pa ring nananawagan si Anicieta para sa isang ligtas na daanan. May pangakong pagkukumpuni sa tulay sa darating na Nobyembre, at umaasa ang mga residente na sa pagkakataong ito ay matutuloy na. Patuloy ang sigaw ng Riles. Sa bawat pag-ulan, pagtawid, at kawayang muling itinatayo, nananatili ang kanilang pag- asa. Sapagkat hindi lamang tulay ang nais nilang maitayo, kundi isang kinabukasang hindi na kailangang tawirin nang may pangamba. Kasabay ng bawat paglalako ng taho ay ang hangaring makatulong sa pamilya at ang pangarap na patuloy na gumugulong sa kabila ng mga responsibilidad, ang skateboarding. Sa pagitan ng pagtitinda at paghabol sa kaniyang hilig, hinaharap ni John Michael Padilla ang hamong pagsabayin ang pangangailangan ng pamilya at ang bagay na nagbibigay sa kaniya ng saya. Para sa kaniya, hindi kailangang talikuran ang isang pangarap upang maisakatuparan ang isa pa. HILIG NA HINDI BINITAWAN Matagal nang bahagi ng buhay ni Padilla ang skateboarding. Higit pa sa libangan, nagsisilbi itong pahinga mula sa pagod at mga responsibilidad na kaakibat ng kaniyang paghahanapbuhay. Sa bawat pag-usad ng kaniyang skateboard, pansamantala niyang naiiwan ang mga alalahanin at napapalitan ang bigat ng katawan ng gaan ng pakiramdam. “Ang pakiramdam ko kapag nag-i-skate ako ay relaxed, nakatatanggal ng stress at pagod sa aking katawan, tsaka nagkakaroon ako ng peace of mind,” pagbabahagi niya. Para kay Padilla, hindi lamang tungkol sa paggalaw at pagpapanatili ng balanse ang skateboarding. Isa rin itong paraan upang muling makahanap ng sigla sa gitna ng araw-araw na pakikibaka. KAYOD MUNA, SKATE MAMAYA Hindi laging nabibigyan ng puwang sa kaniyang iskedyul ang skateboarding. May mga araw na kailangang ilaan ni Padilla ang buong oras sa pagtatrabaho upang makatulong sa pangangailangan ng pamilya. “Kapag may work ako na whole day, Sunday lamang ako naglalaro,” kuwento niya. Bagama’t limitado ang pagkakataong makapag-skate, hindi nangangahulugang nababawasan ang kaniyang pagmamahal dito. Nauunawaan niyang may mga responsibilidad na kailangang unahin at may mga pangarap na kailangang paglaanan ng panahon. Kaya naman, sa tuwing may pagkakataon, binabalikan niya ang kaniyang skateboard. Hindi man araw-araw na naisasagawa ang kaniyang hilig, nananatili itong bahagi ng kaniyang pagkatao. PANGARAP NA DI UMAATRAS Sa buhay, may mga pagkakataong kailangang ipagpaliban ang sariling kagustuhan upang unahin ang kapakanan ng mga mahal sa buhay. Ngunit para kay Padilla, hindi dapat maging dahilan ang mga pagsubok upang tuluyang talikuran ang mga pangarap. “Isa lang ang masasabi ko, kung mayroon kang pangarap na abutin, huwag kang titigil hangga’t wala ka pa sa dulo. Lalaruin ka lang ng panahon pero hindi ka iiwanan. Manalig ka lamang sa taas at magt

LATHALAIN TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 2026 angmedalyon Umaawit ang mga ibon habang sumasabay sa ritmo ng pag-iisang dibdib na ginanap sa Kasalang Katutubo noong ika-16 ng Oktubre 2026 sa Sitio Insulman, Barangay Batasan, San Jose, Occidental Mindoro. Makukulay na kuwento ng mga puso ang nagtipon sa luntiang bundok ng Devil’s Mountain na siyang bitbit ng mga katutubong bubuo ng sariling tahanan. KORDON NG SALUNGAT NA ANGKAN Swak sa timpla ng malakihang kasalan ang mag- asawang sina Ljohn Aquinde Cuizon at Princess Caballero Cuizon, suot ang katutubong kasuotan na kumakatawan sa kanilang lahing pinagmulan, ang mga Mangyan. Tampok ang magkasintahang ito sapagkat si Princess ay kabilang sa tribo ng Hanunuong Mangyan at si Ljohn naman ay isang Kristiyano. Taong 2021 nang una silang kinasal sa kasalang bayan. Subalit sa likod ng masayang pagdiriwang, natuklasan nilang ang unang seremonya ay walang bisa at hindi rehistrado sa munisipyo. Sa kabila nito, hindi ito naging hadlang sa tamis ng kanilang pagmamahalan. Sa halip, muli nilang pinatunayan na ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa isang seremonya o sa kapirasong papel. Muli silang humarap sa dambana sa pamamagitan ng Kasalang Katutubo upang pagtibayin ang kanilang sumpaan. Sa kabila ng pagsubok at magkaibang mundo, pinagsama pa rin sila ng pag- ibig na puro, tunay, at dalisay. Marka ng tuluyang pagsasama ng mga bagong kasal ang pagbabasbas ng mga nakatatanda mula sa kanilang tribo, gayundin ang pag-aalay ng malugod na pasasalamat sa kalikasan. “Hindi lamang ito simpleng seremonya. Paalala itong ang pag-ibig at pag-aasawa ay hindi lamang usapin ng dalawang tao, kung hindi pagkakaisa ng dalawa pamilya at ng ating mga ninunong nagdaan bago ang aming henerasyon,” ani Mr. Cuizon, isa sa mga lalaking ikinasal. “Kapag nawala ito, para na ring naputol ang ugat kung saan tayo kumukuha ng lakas,” dagdag pa niya. HINDI LAGING MATAMIS Ngunit gaya ng tanawin sa espesyal na okasyong ito, ang pagsasama nila bilang magkasintahan ay tila mga bato, nadaraanan din ang mga lubak at gaspang ng buhay. “Habang pinangangalagaan namin ang aming mga pamilya at ginagampanan ang tungkulin sa komunidad, nakaliligtan nang maglaan ng oras para sa isa’t isa,” kuwento ni Princess Caballero Cuizon, isa sa mga babaeng bagong kasal. Gayunpaman, mas pinili nilang magkaroon ng pasensya at pang-unawa sa isa’t isa. Ito ang naging sikretong pampalasa para sa matamis nilang pagsasama. “Sabay naming pinasan ang mga problema at naging pundasyon ito. Hindi na kami dalawang magkaibang tao isang pusong lumalaban para sa iisang layunin,” sambit naman ng kaniyang mister na si Ljohn. KULTURANG NAGPAPATIBAY SA PAGSASAMA Pagsusuot ng uno o beads ang isang ritwal ng lahi na naipasa hanggang sa kasalukuyang panahon. Simbolo ito ng pagbubuklod ng kanilang buhay sa hirap man o sa ginhawa. “Walang pamilyang nabubuo nang mag-isa. Kaya naman kasama sa tradisyon ang pagbabahagi ng pagkain bilang kaisa ng Diyos at ng komunidad. Pinahihiwatig nito na bahagi kami ng lahat,” paglalahad ni Mrs. Cuizon. Tulad ng malayang kalangitan, habambuhay nilang isasabuhay ang aral na nagtuturong ang pag-ibig ay hindi lamang damdamin. Bagkus, ito ay pangakong araw-araw nilang tutuparin. “Higit sa lahat, naka-angkla ang magandang pagsasama sa takot sa Diyos, paggalang sa mga magulang, at pagmamahal sa kapwa,” pagdiriin ni Mr. Cuizon. Sa kabila ng mga balakid na hindi maiiwasan sa kanilang tambalan, binigyang-lundo ng mga bagong kasal ang isang responsibilidad na pangatawanan nang walang sawa ang tahanang unti-unti nilang binubuo nang magkasama. “Nais naming iparating na marapat magmahal nang tapat ang bawat isa, lalo na sa mga kabataan, parte man ng tribong Hanunuo Mangyan o hindi,” paalala pa ng mag-asawang Cuizon. Wala sa kanilang bokabularyo ang ikahiya ang kanilang kultura sapagkat ito ang kaluluwa at pagkakakilanlan ng masa. Sa mabilis na paglipas ng mga araw, hindi dapat maglaho ang kaugaliang nakagisnan. Itaguyod ito, ipagmalaki ang pagkatao, dahil ang mga kabataan ang pag-asa at tagapag-ingat ng pamanang kultura. Sa pagtatahi ng istoryang puso ang puhunan at sandigan, ang Kasalang Katutubo ay isang patunay ng pangakong matutuldukan lamang sa huling hantungan. Hudyat din ang kasalang ito ng tahanang mag-aaruga sa kulturang pamana pa ng mga ninuno hanggang sa kaapu- apuhan. EKATangi-tanging kuwento ng pagsisikap para sa pangarap agkabiyak na kinagisnan. Pinag-ugnay ng pagmamahalan. M Sa ikalawang sumpaan, buklod ng walang hanggan Hindi lahat ng paglayo ay nangangahulugang pagtalikod. May mga pagkakataong kailangang iwan ang nakasanayang tahanan upang matagpuan ang pagkakataong matagal nang ipinagkakait ng buhay. Sa pagitan ng mga bundok ng Oriental at Occidental Mindoro, nagsimula ang kuwento ni Ekat R. Luson, isang Buhid Mangyan na dalawang ulit na naglakas- loob na lisanin ang kanilang pamayanan upang makamit ang matagal nang ipinaglalaban: ang makapag-aral. Sa e

LATHALAIN 0099 Bago pa man sumikat ang araw sa Bagong Sikat, San Jose, Occidental Mindoro, matagal nang nagsimula ang araw ni Rume Relos. Alas-singko pa lamang ng umaga, binabaybay na niya ang lansangang hindi pa lubusang nagigising, pasan ang mahigit tatlong daang piraso ng malunggay pandesal at ang pag-asang maubos ang mga ito.“Maganda ito kahit pagod, ito talaga ang pinagpopokusan ko,” marahang banggit ni Relos, na tatlong taon nang naglalako ng malunggay pandesal. Taga-Leyte si Relos, dating pangingisda ang pangunahing hanapbuhay. Naging manlalaot siya sa Masbate hanggang sa ipakilala sa kaniya ng mga kasamahan mula Leyte ang pagbebenta ng pandesal. Iniwan niya ang malalakas na alon upang subukan ang bagong buhay sa San Jose. “Mahirap kasi ang paglalaot kasi malaki ang alon,” paliwanag niya. “Dito kasi ang ganitong hanapbuhay, hindi gaano kahirap.” Nilisan niya ang mapanghamon na karagatan upang hamunin ang paglalako ng malunggay pandesal sa pag-asang mabibigyan ng mas maayos na buhay ang kaniyang pamilya. Ayon sa kaniya, mas malaki ang kinikita niya sa pagtitinda kaysa sa paglalaot, bagaman hindi ito palaging tiyak. May mga araw na umaabot ng 500 pesos ang kaniyang benta, ngunit mayroon ding mga araw na halos walang kinikita. Gayunman, kahit hindi nakikisama ang panahon at bumubuhos ang ulan, patuloy pa rin siyang naglalako upang kumita. Hindi biro ang bawat kilometrong nilalakad. “Mainit, kapag may ulan naman babad ka sa tubig,” wika niya. Hindi rin lahat ng pandesal ay napupunta sa mga mamimili. “Kapag hindi nabebenta, pinopowder namin ‘yan tapos ginigiling,” kuwento niya. Tulad ng iba, may hangganan din ang kaniyang lakas.” Siyempre pagod kasi buong araw akong nagbebenta,” sabi ni Relos. Ngunit sa gitna ng mahabang maghapon, iisa lamang ang hinihintay niyang sandali: ang makauwi. “Pahinga lang kapag nakauwi na.” Sa mga araw namang walang tinda, “pahinga lang kami sa bahay.” Sa bawat hakbang, pamilya ang dahilan kung bakit hindi siya sumusuko. “Tiyaga lang. Para din naman sa pamilya ko ‘to eh, gusto ko kasi sila makitang masaya,” sabi ni Relos. “Okay naman, walang problema, basta kayod lang.” Hindi man palaging malaki ang naiuuwing kita, hindi rin nasusukat sa pera ang kaniyang kasiyahan. “Masaya lang kahit mahina ang kita, masaya naman ang mga anak ko,” banayad niyang sambit habang nakaharap sa mga anak na may ngiti sa kanilang mga labi. Sa likod ng kaniyang araw-araw na paglalakad ay isang na nais niyang matupad: ang magkaroon ng sariling puwesto. “Sana makabuo kami ng sarili naming stand,” sabi ni Relos. Sa ngayon, wala pa mang sariling puwesto si Relos, mayroon naman siyang matibay na dahilan upang magpatuloy. Sa bawat umagang muli niyang tatahakin ang mga lansangan ng Bagong Sikat, hindi lamang pandesal ang dala niya, kung hindi pati na rin ang kaniyang pagtitiyaga at pangarap na balang-araw, ang kaniyang pamilya ay magkaroon ng mas maginhawang buhay. Kung ang pagluwas at pag-alis ng ating kamag-anak ay masakit na sa ating pakiramdam, tiyak na mas masakit kung ang itinuturing mong tahanan at pamilya ay iiwanan ka na. Tugma ito sa ideolohiyang, hindi lahat ng pagtatapos ay may kaakibat na lungkot bagkus ito ay nangangahulugang bagong simula at panibagong ligaya. Ganito ang konteksto ng pagpapaalam ng commercial flight ng Cebgo, Inc. o mas kilala bilang Cebu Pacific Airlines sa San Jose, Occidental Mindoro dahil sa hindi mabilang na dahilan. Sa halos dalawang dekada sa serbisyo, hindi maikakaila kung paano tumatak sa mga pasahero at mga manggagawa nito ang mga alaalang higit pa sa pagsakay sa pagaspas ng eroplano. Sa isipan ng nakararami, marahil ay munting pagtigil lamang ng operasyon sa partikular na lugar ang nangyari sa nasabing kumpanya. Subalit para sa mga nagmamahal dito, isa itong paalam na mas masahol pa sa batang iniwan ng mga kalaro niya. Ayon kay Mikaela Peñaflorida, isang loyal customer ng nasabing paliparan, ang pagtigil ng operasyon ay nakapanghihinayang. Maliban sa nagbibigay ito ng maayos na pag-akay patungong inaasam na destinasyon, ito rin daw ay naglalahad ng mas makatarungang serbisyo sa gitna ng mahaba- habang biyahe. “Sobrang light at relaxing lang sa pakiramdam,” paglalahad niya. Sa walong taong pagtangkilik ni Mikaela sa Cebgo San Jose Airport (SJI), para umano siyang tinanggalan ng isang parte sa kaniyang buhay. “Para na rin po kasing routine sa buhay ko ‘yung pagsakay namin d’yan ng pamilya ko kaya nakapanghihinayang po talaga,” sambit pa niya. Bilang isang mamamayan na madalas lumuwas patungong iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, isang dagok ito kay Mikaela sapagkat, ilang oras pa siyang magtitiis sa nakahihilong biyahe ng bus at nakalululang paglalayag ng barko. Sa kabilang banda, hindi maitatago sa mga naging empleyado nito ang pighati at kalungkutan. “Dito ko hinubog ang tibay ng loob ko, natuto, nag-grow, at humarap sa maraming hamon,” pahayag ni Marygrace Ysug, empleyado sa Cebgo SJI, mula sa kaniyang social media post patungkol sa pagtigil ng nabanggit na operasyon.

LATHALAIN TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 20261100 angmedalyon Maaaring mumunti lamang sa paningin ng iba ang mga anik-anik na nakasabit sa bag, ID lace, cellphone case, o maging sa buhok. Subalit sa likod ng bawat palamuti ay may mga hiblang pinagdugtong-dugtong, mga daliring paulit-ulit na kumikilos, at isang malikhaing isip na nakakakita ng ganda sa mga payak na bagay. Ganito umusbong ang sining ng crochet o paggagantsilyo, isang gawaing gumagamit ng panggantsilyo at sinulid upang makabuo ng iba’t ibang disenyo at produkto. Sa bawat ikot ng hibla at higpit ng tahi, hindi lamang palamuti ang nalilikha, kundi isang likhang maaaring magtaglay ng personal na kahulugan at maging daan sa pagkakakitaan. Sa San Jose National High School (SJNHS), isa sa mga kabataang patuloy na humahabi ng sariling kakayahan sa sining na ito ay si Andrea Nicole E. Moronio. Sa pamamagitan ng panggantsilyo at sinulid, unti-unti niyang binibigyang-buhay ang mga ideyang nagsisimula sa isang payak na hibla. KAWIT-KARIKIT Mula sa maliliit na keychain at hair clip hanggang sa mga pulseras na may palawit at mga bulaklak na maaaring ihandog sa mga espesyal na okasyon, nagiging daan ang simpleng mga materyales upang makabuo ng mga likhang may sariling karakter. Bagama’t maliit ang mga ito, hindi nangangahulugang kaunti rin ang pagsisikap na kailangan sa paggawa. Bawat produkto ay bunga ng maingat na pagbuo, paulit-ulit na pagtatahi, at sapat na panahong inilaan upang maisakatuparan ang ninanais na diseny KALAS-KABIT Hindi sapat ang marunong lamang humawak ng panggantsilyo upang maging mahusay sa sining na ito. Bukod sa kasanayan, nangangailangan din ito ng mahabang pasensiya, lalo na kapag hindi agad naaayon sa inaasahan ang kalalabasan ng isang likha. “Kailangan lang talagang maglaan ka ng patience at dapat gusto mo yung ginagawa mo para hindi siya nakaka-frustrate para sa’yo,” ani Andrea. Sa halip na madaliin ang bawat likha, natututuhan ang kahalagahan ng pagiging maingat at matiyaga. Sapagkat hindi lahat ng magandang yari ay nabubuo sa unang subok; kadalasan, ang husay ay bunga ng paulit-ulit na pagsisikap at panahong inilaan sa paglikha. INDAYOG NG PAGTATAHI Hindi kailangang maging tahimik ang paligid upang manatiling nakatuon si Andrea sa kaniyang ginagawa. Maaari niyang samahan ng musika o panonood ng palabas ang bawat sandali ng paggagantsilyo. Sa ganitong paraan, nagiging mas magaan ang oras na ginugugol sa paglikha. Habang tumutugtog ang musika o umaandar ang palabas, patuloy namang kumikilos ang kaniyang mga kamay sa pagbuo ng bawat disenyo. Sa bawat hiblang nadaragdag at bawat tahi na nabubuo, unti-unting nagkakaroon ng hugis ang mga ideyang dati’y nasa isip laman. HABI-KITA Para sa isang mag-aaral, maaari itong maging paraan upang kumita mula sa sariling kakayahan at makatulong sa ilang personal na pangangailangan. Sa bawat produktong nabibili, nabibigyan din ng halaga ang oras, pagsisikap, at pagkamalikhain na inilaan sa paggawa nito. Sa huli, higit pa sa panggantsilyo at sinulid ang tangan ni Andrea. Sa bawat hiblang kaniyang pinagdurugtong, nahahasa ang kaniyang pasensiya, napauunlad ang kaniyang kakayahan, at nabibigyan ng puwang ang kaniyang pagkamalikhain. Hindi kailangang gumamit ng mamahaling kagamitan upang makalikha ng sining na may halaga. Minsan, sapat na ang isang payak na hibla, dalawang kamay na handang lumikha, at isang malikhaing isip na marunong mangarap. Sa mga kamay ni Moronio, ang sinulid ay hindi lamang materyal na pinagdudugtong-dugtong—ito ay hiblang nag-uugnay sa pagkamalikhain, tiyaga, at mga posibilidad na maaari pang mahabi. S Higit pa sa simpleng larawan, nagsisilbing lalagyan ng mga alaala ang photo strips. Sa bawat kuha, nananatili ang mga sandaling hindi na mauulit at mga taong maaaring magbago o lumayo sa paglipas ng panahon. Sa kabila ng pag- usbong ng digital photography, may mga taong pinipiling itabi ang maliliit na piraso ng papel dahil may kakaibang halaga ang alaalang maaari nilang hawakan at balikan anumang oras. Higit pa ang halaga nito sa inaakala ng marami, marahil maaari lamang nila itong itabi sa tabi at kalimutan, subalit mayroong mga tao na pinipiling ilagay ito sa case ng cellphone, sa bag, sa wallet, at iba pang lagayan na agad nilang makikita sapagkat mahalaga ang ibig sabihin ng photo strip para sa kanila “Para sa akin kahit na sabihin nating ang cellphone ay kayang magtago ng mga litrato naming magkakasama mayroon paring parang malaking diperensya na hindi mo maipaliwanag, kahit parehas lang, kumuha ng litrato, ngumiti at nag pose parang mayroong gap kesa sa photo strip,” kuwento ni Ayesha Tabian, isang estudyante ng San Jose National High School (SJNHS) na kumuha ng litrato at inilagay sa photo strip kasama ang kaniyang pinsan, “mayroong saya na hindi mo talaga malilimutan.” Sa likod ng bawat photo strip ay may kuwentong hindi kayang ikuwento ng larawan lamang. May mga ngiting nabuo sa isang biglaang lakad,

AG-TEKangmedalyon TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 2026 11 Isang makabuluhang penomena ang nadiskubre ng mga mananaliksik ng West China Hospital of Sichuan University, Chengdu, Sichuan Province, People’s Republic of China matapos nilang malaman na nakakatulong sa paghahanap ng cancer cells sa katawan ang ilang mga gut microbial metabolites na galing sa iba’t ibang mga pagkain tulad ng mga grains, prutas, at gulay. Ayon kina Liu et al., ilan sa mga metabolites na gawa ng katawan ay nakaiimpluwensiya sa immune system ng katawan na maaaring makatulong sa pag-atake sa mga nakatagong cancer cells habang sumasailalim sa immunotherapy. Gut Microbial Metabolites, nakatutulong sa paghahanap ng kanser sa katawan Transboundary Haze, nagbadya ng peligro sa buhay ng mga taga-OcciMin AG-TEK BALITA Kumalat ang Transboundary Haze sa Occidental Mindoro, kabilang ang San Jose, nitong Agosto 2026, dulot ng hanging habagat na nagdala ng usok at alikabok mula sa malawakang forest at peatland fires sa Sumatra at Kalimantan, Indonesia na nagbunsod ng malaking pahamak sa kaligtasan ng mga mamamayan. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR- EMB), itinuturing ng mga dalubhasa bilang isang ‘silent killer’ ang hanging nakapalibot sa Occidental Mindoro. Dagdag pa rito, nagbabala rin ang Provincial Information Office (PIO) ng Occidental Mindoro sa mabilis na pagkalat ng nakalalasong hangin. Gayundin, nagbabala ang mga epidemiologist at health experts na hindi ito karaniwang usok na nagmumula sa karaniwang kalan o lokal na siga. Ayon sa mga ito, nagtataglay ang usok ng mapanganib na Particulate Matter 2.5 (PM 2.5). Paliwanag ng mga eksperto, ang PM 2.5 ay napinong alikabok, usok, at likidong lumulutang sa hangin na may sukat na 2.5 micrometers o mas maliit nang 97% kaysa sa isang hibla ng buhok. Dahil sa liit ng haze particles, hindi ito kayang salain ng mga balahibo sa ilong at mucous membranes, kaya malaking banta ito sa kalusugan. Ilan sa mga panganib nito ay internal inflammation, hika, hypertension, cardiac arrest, at stroke. Maliban sa kalusugan ng mga mamamayan, malaki rin ang pinasalang epekto nito sa ekonomiya, kalikasan, at sa mga pamayanan sa Occidental Mindoro, gaya ng pagkakaroon ng acid rains, bagsak na visibility na nagbubunga ng aksidente sa daan at laot, malawakang carbon emission, at karagdagang gastos sa ospital at gamot. Nagpaalala naman ang DENR-EMB na walang saysay ang pagsusuot ng cloth mask. Upang malutasan ang problemang ito, mabuti na gumamit ng N95 o KN95 mask at iwasan ang pagsusunog para mapangalagaan ang kalusugan at makatulong sa pagresolba ng problema. AG-TEK BALITA Healthcare Agencies, hinikayat ang publiko na makiisa sa paglilinis kontra dengue Patuloy na pinaaalalahanan ng mga healthcare workers ang publiko na pagbutihin ang paglilinis ng kapaligiran at pag-iwas sa mga pinamumugaran ng lamok upang makaiwas sa dengue, lalo na sa panahon ng tag- ulan. Ayon sa Department of Health, tumataas ang panganib ng dengue sa panahon ng pag-ulan dahil mas maraming naiipong tubig na pinangingitlugan ng mga lamok na Aedes aegypti. Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng pagpuksa sa mga breeding sites upang mapigilan ang pagdami ng mga insektong ito. Patuloy ding isinusulong ng DOH ang “4S Strategy” laban sa dengue na kinabibilangan ng Search and Destroy sa mga pinamumugaran ng lamok, Self-protection measures, Seek early consultation, at Support fogging sa mga lugar na may outbreak. Naglabas naman ng paalala ang Municipal Health Office (MHO) sa pamamagitan ng Local Government Unit ng San Jose, Occidental Mindoro upang atasan ang publiko na maging mapagmatyag laban sa dengue at panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran. Batay sa MHO, mahalagang maging mapagmatyag sa mga sintomas ng dengue at magpakonsulta agad sa pinakamalapit na healthcare facility para sa tamang pagsusuri at gamutan. “Kung nakararanas ng matinding pananakit ng tiyan, paulit-ulit na pagsusuka, pagdurugo, pagsusuka o pagdumi na may dugo, matinding panghihina, o pagiging balisa, huwag nang maghintay magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility upang maiwasan ang malubhang komplikasyon ng dengue,” pagbibigay-diin ng MHO. Hinimok ng mga awtoridad ang mga residente na gumamit ng mosquito repellent, magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon, at makiisa sa 4Ts (Taob, Taktak, Tuyo, Takip) upang maiwasan ang pagdami ng lamok na maaaring magdala ng dengue. Nanawagan naman ang mga opisyal ng kalusugan sa bayan ng San Jose na makiisa ang bawat mamamayan sa mga programang pangkalinisan at dengue prevention upang mapanatiling ligtas ang buong komunidad laban sa dengue. Sa huli, muling iginiit ng DOH na ang pag-iwas sa dengue ay nagsisimula sa tahanan sa pamamagitan ng regular na paglilinis at pag-aalis ng mga posibleng pamugaran ng lamok. AG-TEK BALITA Eco-bricks, inobatibong solusyon sa basura Ayon kay Municipal Envir

angmedalyon TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 20261122 AG-TEK Panakip butas sa gitna ng krisis Sa bawat pagtama ng El Niño at mga krisis sa kalikasan, paulit- ulit nating nasasaksihan ang pagmamalaki ng pamahalaan sa mga panandaliang solusyon. Kamakailan, ibinida ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng mga portable water filtration system. Ang mga kagamitang ito ay idinisenyo upang salain at alisin ang mga dumi o mikrobyo sa nakolektang tubig-ulan, upang maging ligtas itong inumin ng publiko sa panahon ng tagtuyot. Ibinalita pa sa Philippine Information Agency (PIA) ang epektibong sistema nito sa pamamagitan ng pag- inom nina Sec. Gatchalian at Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro ng maruming tubig na dumaan sa proseso ng paglinis gamit ang filtration kit. Ginawa pa nilang pampalubag-loob ang pagturo mismo ng ahensya sa publiko para sa taumbayan kung gaano kabisa ang materyal gamit lamang ang karaniwang balde para sa pangongolekta ng tubig-ulan, at hindi na kinakailangan ng kemikal para lamang gumana. Sa unang tingin, mukhang isang makabagong hakbang ito ng agham at teknolohiya para sa mamamayan. Subalit kung susuriing mabuti, isa itong insulto sa kakayahan ng estado at tahasang pagtakas sa tunay na obligasyon nitong magbigay ng pangmatagalang imprastraktura. Hindi kailanman magiging solusyon sa krisis sa tubig ang pag-asa lamang sa ulan habang pilit na isinisiksik sa maliit na “filtration kit” ang pasanin ng milyun- milyong Pilipino. Ayon sa agham ng kalikasan at pamamahala ng yaman ng tubig (water resource management), ang kakulangan sa tubig tuwing El Niño o tagtuyot ay hindi isang “surprise disaster” na kailangang tugunan ng mga panandaliang pantawid-gutom at pamatid-uhaw na kagamitan. Ito ay Structural Crisis na dulot ng palpak na sistema ng distribusyon, bulok na mga tubo, kawalan ng mga pasilidad para sa malakihang pag-iipon ng tubig-ulan at kapabayaan sa mga watershed at dam. Bagaman, ibinahagi ni Sec. Gatchalian na ang layunin ng materyal ay para sa mga sitwasyon na pang-emergency sa inuming tubig. Isiniwalat niya pa na mayroon ang bodega ng DSWD para sa mas marami pang suplay. Ang pagbibigay ng portable filters sa mga komunidad habang ang mga pangunahing gripo ay tuyo ay katumbas ng pagbibigay ng aspirin sa isang pasyenteng may kanser. Hindi nito nilulutas ang ugat ng problema. Pinatatahimik lamang nito ang taumbayan sa pamamagitan ng ilusyon ng pagkilos habang ang mga sanhi ng krisis ay nananatiling buo at hindi ginagalaw. Higit pa rito, may malaking panganib sa kalusugan at kapakanan ng publiko ang labis na pag-asa sa mga ganitong gadget-based intervention kung walang sapat na pangmatagalang monitoring at suporta. Hindi rin sapat na batayan ng kaligtasan ang malinaw na anyo ng tubig matapos itong dumaan sa salaan. May mga mikroorganismong at kemikal na hindi nakikita ng mata ngunit maaari pa ring manatili rito. Dahil dito, mahalagang malaman ang aktuwal na kakayahan at limitasyon ng bawat filtration system sa pag-aalis ng partikular na kontaminante. Kung walang regular na pagsusuri sa kalidad ng tubig at wastong pagpapanatili ng kagamitan, maaaring malagay sa panganib ang mga komunidad na umaasa rito. Oras na para huminto ang pamahalaan sa kanilang “band-aid solutions” na dinadaan sa photo- op at demonstrasyon. Ang pagwawakas nito ay dapat nakatutok sa pagtatayo ng matatag na imprastraktura, mga desalinasyon, modernong pasilidad ng tubig, matalinong sistema ng irigasyon, at mga imbakan na kayang sumalo sa bawat patak ng biyaya ng kalikasan bago pa man ito masayang sa dagat. Ang tubig ay karapatan, hindi pribilehiyo na ibinibigay lamang tuwing may bitbit na gadget ang isang opisyal sa harap ng kamera. Kung patuloy na aasa ang bansa sa mga pansamantalang salaan sa halip na sistematikong solusyon, patuloy rin nating sasalubungin ang bawat tagtuyot bitbit ang iisang sisidlan: ang basyong pangako ng gobyerno. Mula kalawakan hanggang komunidad Hindi na halos mawala-wala ang plastic sa buong mundo. Tunay na mas napapadali ng plastic ang buhay ng tao. Ito ang kadalasang materyal na ginagamit dahil ito ay mura, matibay, at madaling palitan. Ngunit, tiyak na kabaligtaran ang epekto nito sa tao at kalusugan. Ayon sa The World Bank, ang Pilipinas ay gumagamit ng halos 160 milyong tingi- tinging piraso ng plastic sa isang araw. Ang kadalasang bagsak nito ay sa dagat, kung saan napakaraming uri ng buhay ang naninirahan. Hindi lamang ang mga hayop ang apektado, maging ang tao ay may epekto rin itong nararanasan. Hinding-hindi magiging maganda sa paningin ang yamang tubig na puno ng basura, lalo na ng mga plastic. Hindi ito nakakaengganyo, at hindi masarap uminom ng kape sa umaga kasama ang mga mahal sa buhay kung ang bintanang dati ay kulay asul mula sa repleksyon ng malinis at malinaw na tubig ay puno na ngayon ng basura. Mula sa pagkasira ng malalaking pr

angmedalyon TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 2026 AG-TEK 1133 Sa pagpatak ng ulan, dahan-dahang tumataas ang tubig-baha. Sa ilalim ng maputik na tubig na tila bahagi lamang ng pag-ulan ay may bacteria na hindi nakikita ng mata, subalit may kakayahang magdulot masalimuot na impeksiyon. Sa likod ng simpleng paglusong sa baha, maaaring magsimula ang isang impeksiyong dulot ng Leptospirosis, bacteria na maaaring nagmula sa infected na hayop patungo sa tao. Karaniwang nasasakishan ang bacteria sa ihi ng mga daga, aso, baboy, baka, at iba. Sa pagkakataong mag halo ang ihi sa tubig o lupa, maaari mamalagi ang mikrobyo nang ilang linggo hanggang buwan sa mapagkakapitan nito. Dagdag pa rito, mas tumataas ang panganib ng exposure kapag may pagbaha o malakas na pag-ulan. Hindi kailangang magkaroon ng malaking sugat upang magkaroon ng panganib. Maaaring makapasok ang sakit sa katawan sa pamamagitan ng mga hiwa at gasgas sa balat. Maaari rin itong pumasok sa mata, ilong, at bibig. Dahil dito, ang isang simpleng paglusong sa kontaminadong tubig ay sapat na upang malagay sa panganib ang katawan kapag marumi ang tubig. Pagkatapos ng exposure, hindi agad nangangahulugang makikita ang sintomas. Maaaring lumitaw ang mga ito makalipas ang dalawa hanggang 30 araw. Kabilang sa mga karaniwang sakit ay lagnat, pananakit ng kalamnan, sakit ng ulo, panginginig, pagsusuka, pagtatae, pananakit ng tiyan, pagkapagod, at pamumula ng mga mata. Dahil hindi partikular sa leptospirosis ang marami sa mga sintomas na ito, maaaring mapagkamalan ang sakit bilang ibang uri ng impeksiyon. Mas nagiging seryoso ang leptospirosis kapag hindi naagapan. Maaaring maapektuhan ang mga bato at atay, habang maaari ring magkaroon ng meningitis at problema sa paghinga. Sa ilang malulubhang kaso, maaaring mangyari ang multiple organ failure. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, tinatayang isang milyong kaso ng leptospirosis ang nangyayari sa buong mundo bawat taon, na may halos 60,000 pagkamatay. Gayunpaman, hindi nangangahulugang magkakasakit agad ang lahat ng lumusong sa baha. Ang pagkakaroon ng exposure ay hindi katumbas ng pagkakaroon ng infection. Nakasalalay ang panganib sa posibilidad na kontaminado ang tubig o lupa at sa paraan ng pagkakadikit nito sa katawan. Dagdag pa rito ang kahalagahan ng oras kapag pinaghihinalaang may leptospirosis ang tao, maaaring magsimula ang healthcare professional ng antibiotic treatment nang maaga. Ayon sa CDC, maaaring makatulong ang maagang paggamot upang mabawasan ang tindi at tagal ng sakit. Para sa diagnosis, maaaring gumamit ng laboratory tests na tumutukoy sa bacteria o sa immune response ng katawan, depende sa tagal at sintomas ng pasyente. Subalit mas mabisa pa rin ang pag-iwas sa exposure. Kung maaari, huwag lumusong sa baha o sa tubig na maaaring kontaminado ng ihi ng hayop. Kung hindi maiiwasan ang pagdaan sa baha, makatutulong ang waterproof boots, protective clothing, at pagtatakip sa mga sugat gamit ang waterproof bandage. Pagkatapos ma- expose, mahalaga ring linisin ang katawan at mga bahaging nadikitaAn ng baha. May papel din ang kalinisan sa kapaligiran. Ang tamang pagtatago ng pagkain at basura ay makatutulong upang hindi dumami ang mga daga. Ang pagkontrol sa rodent population ay isa ring paraan upang mabawasan ang posibilidad ng bacterial contamination sa paligid. Sa panahon ng tag-ulan, ang baha ay nagdadala ng maraming pangamba na hindi agad natatagpuan. Isa na rito ang Leptospira. Sa pag-unawa kung paano ito kumakalat, paano nakikilala ang sintomas, at paano maiiwasan ang exposure, nagiging mas posible ang maagap na pagkilos bago ang isang simpleng paglusong sa baha ay mauwi sa malubhang impeksiyon. SpudCell: Munting selula, malaking tuklas para sa kinabukasan ng agham Sa isang munting estrukturang halos hindi matanaw ng mata, nagaganap ang isang pambihirang tagumpay. Mga sangkap na walang buhay ang nagsasama-sama, lumalaki, kumokopya ng materyal na henetiko, at naghahati upang makabuo ng panibagong selula. Sa ilalim ng mikroskopyo, tila nagkakaroon ng bagong kabanata ang biyolohiya, kung saan ang dating tila imposible ay nagiging realidad. Tinawag na SpudCell ang sintetikong selulang binuo ng mga mananaliksik mula sa University of Minnesota sa Estados Unidos, sa pangunguna nina Kate Adamala at Aaron Engelhart. Mula sa mga sangkap na kemikal na hindi nagmula sa mga buhay na organismo, nakabuo sila ng sistemang kayang magsagawa ng kumpletong siklo ng buhay ng selula. “This is likely the most exciting project I’ve ever worked on,” ani Adamala, na naglalarawan sa kahalagahan ng kanilang pananaliksik. Dagdag pa niya, “We’ve replicated in chemistry what only used to be possible in biology.” Hindi lamang sa kakayahang lumaki at magparami namumukod-tangi ang SpudCell. Mayroon itong genome na humigit-kumulang 90,000 kilobase pairs, na nahahati sa pitong DNA plasmid. Bilang paghahambing, nasa tatlong milyong kilobase pairs ang

Kung ang lapis ay nagbibigay- buhay sa isang manunulat, ang pagsasanay naman ang sumisindi ng apoy ng mga atletang gustong makamit ang pagkapanalo. Ngunit sa isang lugar na limitado ang kanilang bawat galaw, nagiging biyaya na lamang ito sa halip na isang kakayahan. Sa kasalukuyan, maraming pagbabago ang nasilayan at naranasan ng mga mag-aaral dahil sa binagong sistema ng edukasyon sa pangunguna ng Department of Education (DepEd). Isa na sa mga naapektuhan ng ganitong kurikulum ang pag-eensayo ng mga manlalaro sa paaralan dahil hindi na sila pwedeng maabala sa klase. Dahil sa mga limitasyong ito, ilan sa mga atleta ang napipilitang magsanay pagkatapos ng klase at kung kailan ang kanilang lakas ay unti-unti nang nauubos sa maghapong pakikipagsapalaran sa loob ng silid-aralan. Sa halip na maituon ang oras sa pagpapaunlad ng kakayahan, kailangan pa nilang pagkasyahin ang natitirang oras at lakas para sa paghahanda na inaasahang maghahatid sa kanila sa tagumpay. Kung ang bawat laro ay nangangailangan ng natatanging paghahanda, hindi dapat kailangang ipailalim sa iisang limitasyon ang pagkakataong mahasa ang kanilang kakayahan. Bilang isang mag-aaral, saksi ako sa mga manlalaro ng SJNHS na hindi naging sapat ang kanilang paglaan ng panahon sa pagsasanay pagkatapos ng klase na naging dahilan upang malimitahan ang pag-aaral at pahinga sa loob ng tahanan. Panahon ng tukuyin ng DepEd ang pagbabago ng sistemang ito lalo na sa mental health ng mga manlalarong pilit pinagkakasya ang oras at lakas sa pag- aaral at pagsasanay. Sa halip na isantabi ang isports at magbigay lamang ng pansin sa akademiko, dapat bumuo ng balanse ng pamamaraan na parehong magbibigay-halaga sa dalawang larangan. Hindi dapat maging hadlang ang mga patakarang naglalayong magtaguyod ng pagkatuto sa silid-aralan sa paglinang ng kanilang kakayahan sa larangan ng palakasan. Kundi, kailangan itong tumulong pa sa kanila upang hindi maging oras ang kanilang kalaban. Tila’y tumatak na sa isipan ng mga atleta na ang isports ay para lamang sa mga pisikal na laban, subalit may isang laro na kahit hindi pa masyadong kinikilala ay milyun-milyon ng kabataan ang gumagamit nito; ang e-sports na kasalukuyang sinama na sa bagong sistema ng edukasyon. Mahigit 67.7 milyong aktibong gamer ang naitala sa Pilipinas na nakikilahok sa elektronikong laro, patunay ng patuloy na lumalawak ang digital gaming sa bansa. Kaya naman, isinama ng Kagawaran ng Edukasyon sa bagong kurikulum ang e-sports upang magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral katulad na lamang ng matalas na pag-iisip at matibay na komunikasyon sa isa’t isa. Sa pag-usbong ng digital na laro, hindi na maituturing na simpleng libangan na lamang. Bahagi na ito ng larong pampalakasan upang maipamalas ng mga kabataan ang kanilang husay sa paglalaro at makatuntong sa nasyunal o internasyunal na laban. Nagiging mahalagang hakbang ang pagsasama ng e-sports sa kurikulum upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa makabagong larangan. Bilang isang mag-aaral, nakakatuwang isipin na ang larangan ng pampalakasan ay hindi lamang nasusukat sa tibay at lakas ng katawan, kundi sa talas ng isip at mapanlinlang na estratehiya. Sapagkat, isa ito sa paraan upang maipakita ng mga kabataan ang husay sa paglalaro ng elektronikong laro. Hindi lang libangan ang e-sports na puro pindot lamang sa selyular na telepono. Bagkus ito ay paraan ng paghubog sa disiplina, talino at kakayahang harapin ang hamon ng makabagong panahon. Hindi lamang isang pangkalahatang kakulangan ang kinahaharap ng mga manlalaro. Kapos sila sa maayos na espasyong maaaring gamitin nang regular para sa mga atleta, walang sapat na kagamitan para sa iba’t ibang isports, at ligtas na lugar na naaayon sa pangangailangan ng bawat laro. Bago makatuntong sa isang kompetisyon, dumaraan ang mga manlalaro sa mahabang oras ng paghahanda. Kasabay nito ang disiplina, konsentrasyon, tiyaga, at tibay ng loob. Subalit, paano nila lubos na mahahasa ang mga ito kung ang lugar at kagamitang kailangan nila ay hindi sapat? Sa isang paaralang may mga atletang kumakatawan sa iba’t ibang paligsahan, mahalaga ang pagkakaroon ng pasilidad na tunay na magagamit para sa pag-eensayo. Katulad na lamang ng volleyball, sepak takraw, table tennis, at badminton kung saan pinagkakasya ang iba’t ibang laro at sabay-sabay na nagsasanay sa isang bulwagan upang makakuha ng sapat ng pwesto para sa mga atleta. Isama na rin ang mga manlalaro ng dancesports na kahit gabi ay naglalaan pa ng oras upang mahasa lamang ang kanilang husay sa pagsasayaw at makakalap ng ibang teknik kung paano makapagbigay ng kapanapanabik na galaw. Hindi dapat isantabi ang usapin ng kaligtasan. Kapag ginagamit ang isang lugar na hindi sapat ang espasyo o hindi angkop sa isang partikular na laro, maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng aksidente. Isa pa rito, kapag hindi sapat ang ibinibigay na espasyo ay dapat pag-isipan kung paano ito mapapalawak, maayos, o maipaplano upang mas marami

ISPORTSangmedalyon TOMO XIII, Blg. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS Hunyo - November 2026 1155 Libro ang kaharap sa umaga, nagsasanay naman kapag hapon na. Iyan ang araw-araw na laban ng isang atletang pinagsasabay ang akademikong responsibilidad at pangarap sa larangan ng balibol. Sa likod ng bawat palo, takbo, at patak ng pawis ay sakripisyong hindi nakikita sa iskorbord, ngunit siyang humuhubog sa pusong handang lumaban hanggang dulo. Sa murang edad pa lamang, sumiklab ang pag-asa ni Mark Gerald Eoin R. Facun ng San Jose National High School dahil muling nakatungtong ang koponan sa Provincial Meet 2026. Higit sa pagkakataong makipagtagisan ng husay, ikinatuwa niyang makasama nang mas matagal ang kaniyang mga kakampi, habang tangan ang pangarap na makatungtong sa mas mataas na antas ng kompetisyon. Ngunit bago marating ang pagkakataong ito, hindi naging madali ang kaniyang naging paglalakbay. Sa pagitan ng mga pagsusulit at nakakapagod na pagsasanay, kinailangan niyang harapin ang pressure, stress, at pagod. May mga sandaling sumagi sa kaniyang isip ang pagsuko, ngunit nanaig ang alaala ng lahat ng kaniyang pinuhunang panahon, lakas, at gastos. Nagsilbing lakas niya ang suporta ng kaniyang mga magulang at ang pagkakataong makasama ang kaniyang kapatid sa pagsasanay. Bagama’t limitado ang oras na naibigay sa ibang kakampi, ikinatuwa pa rin niyang nabigyan ang mga ito ng pagkakataong makapaglaro. Sa likod ng bawat minutong ginugol sa kompetisyon ay ang mga oras ng pagsasanay na hindi nasusukat sa palakpakan ng mga manonood. Para kay Mark, higit sa medalya at pagkilala ang mahalagang maipamalas, ito ang kakayahang magtagumpay sa larong buong puso niyang kinahihiligan. “Ayaw kong ipagyabang ang tagumpay; gusto ko lang magkaroon ng maipagmamalaki sa larong kinahiligan ko,” aniya. Mula sa sakit ng mga nakaraang pagkatalo, ginawa nilang sandata ang disiplina at pagpapakumbaba. Sa maraming araw na pagsasanay, pinatatag ng koponan ni Facun na hindi lamang ang kanilang kakayahan kung hindi pati ang pagkakaisang kailangan sa bawat laban. “We always put God first,” mariing pahayag niya. Sa bawat umagang kaharap ang libro at bawat hapong inilalaan sa pag- eensayo, patuloy na sinusulat ni Facun ang kaniyang kuwento. Sapagkat sa pagitan ng silid-aralan at larangan ng pampalakasan, ang tunay na kampeon ay hindi lamang naghahangad ng tropeyo; dala rin niya ang pusong matatag, disiplinang hindi natitinag hanggang sa huling sandali Namayagpag ang husay at talino sa paggamit ng tako nina Sofia Pedraza at Mary Crisden Mallar ng San Jose National High School (SJNHS) upang masungkit ang mahahalagang medalya sa 9-balls at 8-balls billiards Girls Division sa Area Sports Meet 2026 na ginanap sa Bunso Sportsbar, Mabini Extension, San Jose, Occidental Mindoro, Oktubre 18. Pinangunahan ni Pedraza ang kampanya ng SJNHS matapos pagharian ang girls’ 9-balls division at angkinin ang gintong medalya. Sa kabuuan ng torneo, nanaig siya laban sa mga katunggali upang maselyuhan ang kampeonato at masungkit ang puwesto sa Palarong Occidental Mindoro. Ipinamalas ni Pedraza ang matatag na laro sa bawat yugto ng kompetisyon. Sa pamamagitan ng maingat na pagpupuwesto sa cue ball at tumpak na pagbitaw ng mga tira, napanatili niya ang kontrol sa mga laban hanggang sa huling yugto ng torneo. Dahil dito, matagumpay niyang naiangat ang bandera ng paaralan sa girls’ 9-ball event. Samantala, humataw rin si Mallar sa girls’ 8-ball division matapos sumungkit ng tansong medalya. Nakipagsabayan ang atleta sa mga mahuhusay na manlalaro mula sa iba’t ibang paaralan at nagawang makapasok sa hanay ng mga medalista. Nakatulong ang kanyang naging pagtatapos upang madagdagan ang medalya ng delegasyon ng SJNHS sa nasabing paligsahan. Hindi rin nagpahuli ang mga pambato ng SJNHS sa boys’ division. Lumusot ang mga kinatawan nito sa semifinal round ng 8-ball at 9-ball events matapos magpakita ng matinding determinasyon sa mga naunang laban. Subalit, hindi na nila naitawid ang kanilang kampanya tungo sa championship round. Sa kabila nito, nagpakitang- gilas ang mga manlalaro ng paaralan sa buong torneo. Nakipagbakbakan sila sa mga katunggali at nagpakita ng husay sa larong nangangailangan ng diskarte at disiplina sa paglalaro. Nagsilbi ring entablado ang San Jose Area Sports Meet upang matukoy ang mga atletang kakatawan sa mga susunod na antas ng kompetisyon sa lalawigan. Matagumpay na naipasa- kamay ng mga manlalaro ng SJNHS ang isang ginto at tansong medalya sa prestihiyosong laban ng billiards habang nagtala rin ng semifinals finish sa boys’ division, patunay sa matagumpay nitong kampanya sa Area Meet. Gayunpaman, kabilang si Pedraza sa mga nakakuha ng pagkakataong makuha ang pwesto patungo sa susunod na laban ng Palarong Occidental Mindoro na gaganapin sa Disyembre 8 hanggang 12. Akademya’t isports: lapis at bola tungo sa tagumpay ni Facun SJNHS, pumukol ng dalawang medalya sa billiards Mula sa indayog ng pangarap hanggang sa tanghala

GINTONGPALO SJNHS Volleyball Boys, dinomina ang kampeonato sa Area Meet 2026 GINTO PILAK TANSO Sa likod ng matinding opensa ni Dela Cruz at mahahalagang kontribusyon nina Obtinalla, Alga, Zabanal, Facun, at iba pang manlalaro ay pinatunayan ng SJNHS ang kanilang determinasyon sa isang dikdikang sagupaan upang maiuwi ang gintong medalya at makuha ang tiket patungo sa Palarong Occidental Mindoro 2026. Maagang rumatsada si Dela Cruz ng SJNHS sa unang set upang makapagbigay ng isang mabigat na palo sa bola at makapagtala ng isang puntos, 1-0. Subalit, agad namang pinaulanan ng walang mintis na atake ng DWCSJ upang maungusan ang kalaban at magbigay ng kalamangan, 5-9. Patuloy ang palitan ng hampas sa bola at mga matitibay na depensa mula sa dalawang koponan upang lalong painitin ang laban. Agresibong pumaibabaw si Dela Cruz upang hatawin ng malakas na palo ang bola mula sa set ni Facun at nag-iwan pa ng isang swag sa harap ng mga kalaban, 17-17. Naging dikit ang laban hanggang sa makalamang ang DWCSJ matapos ang sunod-sunod na matagumpay na atake, 20-22. Lalong uminit ang palitan ng palo sa bola ng magtala ang SJNHS ng back-to- back block na nagbigay sa kanila ng mataas na kumpiyansa upang maagang tapusin ang unang laro. Sa kabila ng pagtatangkang makabawi ng DWCSJ, nagawang isara ng SJNHS ang unang set, 25-23, matapos ang isang attack error mula sa katunggali. Sa ikalawang set, mas naging agresibo ang SJNHS sa pangunguna ni Dela Cruz, na nagpakawala ng sunod-sunod na malalakas na palo upang mapalayo ang kalamangan ng koponan, 9-6. Sinundan pa ito ng mga solidong atake at isang block na nagbigay sa kanila ng mas malaking bentahe. Sa bawat pagtatangka ng DWCSJ na makalapit sa iskor, agad na sumasagot ang SJNHS sa pamamagitan ng matatalinong atake at matatag na depensa, 13-8. Mula sa kalamangang bitbit ng SJNHS, sinikap ng DWCSJ na habulin ang kalaban sa pamamagitan ng sunod- sunod na puntos at pananamantala sa mga pagkakamali nito. Lalong naging dikdikan ang sagupaan ng makalamang ng isang puntos ang DWCSJ dahil sa attack error ng SJNHS, 23-24. Gayunpaman, nagawang itabla ng SJNHS ang iskor sa 24-24 bago muling nagpalitan ng puntos ang dalawang koponan. Sa mga kritikal na sandali, nagningning sina Obtinalla at Dela Cruz sa pamamagitan ng mahahalagang atake upang ipagpatuloy ang momentum sa laban. Ngunit, isang attack error naman mula sa DWCSJ ang tuluyang nagbigay sa SJNHS ng panalo sa ikalawang set, 27-25. Naging mas matindi ang naging laro ng DWCSJ sa ikatlong set at sinamantala ang mga pagkakamali ng SJNHS upang makabawi sa laban. Sa pangunguna ng kanilang matitibay na block at mahuhusay na service ace, nagawang baligtarin ng DWCSJ ang takbo ng laro at maitabla ang iskor sa 8-8. Sa kabila ng mga pagtatangka ng SJNHS na makabalik sa pamamagitan ng mga atake nina Dela Cruz at Alga, patuloy na nakahanap ng puwang ang DWCSJ sa depensa ng kalaban. Mula sa 14-10 na kalamangan ng SJNHS, unti-unting bumawi ang DWCSJ sa pamamagitan ng mga block, service ace, at mga atakeng nagpahirap sa depensa ng katunggali. Hindi rin nakatulong sa SJNHS ang sunod-sunod na pagkakamali at rotation error na nagbigay ng pagkakataon sa DWCSJ na makalamang at palawakin ang agwat sa mga huling puntos ng set. Nagtangkang humabol ang SJNHS sa mga iskor na naitatala ng kalaban, subalit hindi na napigilan ang pag-arangkada ng DWCSJ na tuluyang nagwagi sa ikatlong set upang buhayin ang kanilang pag-asang maagaw ang titulo, 21-25. Sa ikaapat na set, kapwa nagpakita ng walang humpay na opensa ang dalawang koponan, ngunit mas naging kapansin- pansin ang pag-angat ng SJNHS sa pangunguna ni Dela Cruz, 7-4. Sa bawat pagtatangkang makalusot sa panganib na dala ng kalaban ang DWCSJ at maitabla ang iskor, agad na sumasagot ang SJNHS sa pamamagitan ng mga atakeng nagbigay ng mahalagang kalamangan. Hindi nagpadaig ang kalaban at patuloy na nakipagsabayan hanggang sa umabot sa 19-17 ang iskor. Sa mga huling rally, muling umariba si Dela Cruz at sa pamamagitan ng isang back-row attack at mga matitibay na dig sa bola ni Zabanal upang mapanatiling buhay ang pag-asa ng SJNHS. Sa kabila ng pagbuo ng momentum ng SJNHS ay isang service error ang kanilang naitala at nagbigay ng kalamangan sa DWCSJ, 20-21. Sa huling bahagi ng set, tuluyan nang isinara ng SJNHS ang laban sa isang attack error ng DWCSJ upang makuha ang panalo sa larangan ng volleyball, 26-24. Matagumpay na nasungkit ng SJNHS ang gintong medalya matapos ang matinding bakbakan sa loob ng apat na set, 25-23, 27-25, 21-25, at 26-24 (3-1) ang huling iskor kontra sa DWCSJ na nagkamit naman ng pilak na medalya, habang naiuwi ng Central ang tansong medalya. Bitbit ang panibagong kampeonato, nakatuon na ngayon ang koponan sa paghahanda para sa Palarong Occidental Mindoro 2026 sa darating na Disyembre, tangan ang hangaring muling magbigay ng karangalan sa kanilang paaralan. agpasiklab ang koponan ng San Jose National High School (SJNHS) matapos magpakawala ng mababagsik na palo at matitibay na block laban sa Di