M a h i k aLopez, Alexha Lou Punong Patnugot/Dibuhista/ Tagasulat Nalo, Hannah Pearl Elaijah Tagapamahalang Editor/Dibuhista/ Tagasulat Cabrera, Veronica Denise Patnugot sa Disenyo/ Tagasulat Santiago, Marc Oneil Patnugot sa Disenyo/Dibuhista/ Tagasulat Pimo, Lincoln Howard Patnugot sa Pagwawasto/ Tagasulat Bautista, Raymond Brian Tagasulat Dalusung, Merrie Joi Tagasulat Leonardo, Kyrene Cate Tagasulat Loriezo, Gemark Tagasulat Mahinay, Christian Tagasulat2026 June Miyembro Panitikang Pilipino
Ang Mahika magasin ay isang publikasyon na naglalayong ipakita ang ganda ng malikhaing panitikan. Sa edisyong ito, tampok ang mahika, kathang-isip, at kultura sa pamamagitan ng ibat-ibang anyo ng malikhaing panitikan. Ang layunin ng magasin na ito ay hindi lamang magbigay-aliw, kundi maghatid ng inspirasyon at aral mula sa malikhaing imahinasyon ng mga manunulat. Sa mga sulat na nakapaloob dito, makikita ang kakayahan nitong magpabago ng pananaw, magbigay ng pag-asa, at magbukas ng damdamin. Lubos na pasasalamat sa lahat ng tumulong para maisakatuparan ang proyektong ito, mula sa mga manunulat, mga dibuhista, mga taga disenyo, hanggang sa mga mambabasa na patuloy na nagbibigay-buhay sa panitikan sa pamamagitan ng inyong pagtangkilik. Nawa'y magsilbing aliw at inspirasyon ang bawat pahina ng Mahika magasin. Samahan ninyo kami sa paglalakbay ng malikhaing panitikan, isang paglalakbay na puno ng mahika, kathang isip, at kultura. I II Paunang Salita Talaan ng NilalamanMaikling KwentoIII-Aggie MatVII-DagliIX-Tula-XIAgos ng Liwanag-XIIISanaysay-XVTanaga-XVIIPang Ilang Siglo-XIXPaunang SalitaI-
Dorothy Dimaculangan Si Dorothy ay isang batang musmos na walang kamalay-malay sa pagsasakripisyo ng kanyang mga magulang para Nang tuluyang namulaklak ang halaman, kumislap ang mga bulaklak na parang may liwanag na nakatago sa loob. Sa bawat talulot, tila may nakaukit na mga salitang itinanim niya: Sana, Tuloy, Lakas, Pahinga. Tila paalala na may mahikang dahan-dahan lang kung dumating, pero hindi madaling mawala. Kinabukasan, hindi dahon ang unang lumitaw, kundi mga titik. Umangat mula sa lupa ang maliliit na letra, parang usbong na gawa sa tinta. Nagdikit-dikit ang mga ito sa hangin at bumuo ng maikling pangungusap sa ibabaw ng paso: “Kaya mo.” Hanggang isang umaga, may napansin siyang kakaiba: may munting berdeng tuldok sa santan. Totoong usbong, hindi tinta, hindi letra. Doon naintindihan ni Lily na may mga panahong hindi tubig ang kulang sa atin, kundi mga salitang magpapaalala na buhay pa ang pag-asa at kaya pa nating magsimula, kahit paunti-unti. “Itanim mo ang ‘TULOY.’” “Itanim mo ang ‘LAKAS.’” “Itanim mo ang ‘PAHINGA.’” At sa bawat salitang ibinabaon niya, may umuusbong na mga letra at pangungusap na hindi maingay, pero tumatama sa tamang lugar. Kapag pagod siya, ang lumilitaw ay “Huminga.” Kapag nagdududa siya, ang lumilitaw ay “Simula pa lang.” Kapag gusto na niyang sumuko, ang lumilitaw ay “Isa pa.” Napaatras si Lily, pero hindi siya natakot. Parang may matagal nang nakasiksik sa dibdib niya na biglang lumuwag. Gabi-gabi, may dumarating na bagong paruparong papel. Iba-iba ang mensahe, pero pareho ang ritwal. Sa bintana ng apartment, may paso ng santan si Lily na matagal nang hindi namumulaklak, kahit anong dilig. Isang gabi, may mahinang katok siyang narinig, hindi sa pinto, kundi sa bintana. Paglingon ni Lily, may munting paruparong papel na lumulutang sa hangin, parang origaming gupit mula sa lumang pahina ng kuwaderno. Kumislap ang mga sulat sa pakpak nito: “Ilagay mo sa lupa ang isang salita.” Natawa si Lily. “Anong klaseng biro ’to?” bulong niya. Pero may kung anong lambing ang utos, kaya sinubukan pa rin niya. Natawa si Lily. “Anong klaseng biro ’to?” bulong niya. Pero may kung anong lambing ang utos, kaya sinubukan pa rin niya. lamang. Hindi siya nanghihinayang sa mga natitira niyang pagkain. Malakas din siyang mag-aksaya ng kuryente at tubig sa kanilang bahay. Sa sumunod na araw, sa kaniyang pag-gising ay nagtataka siya, ang mga biyas at braso nya ay mahahaba na, ngumiti siya nang malaman niya na siya ay lumaki na. Agad siyang tumayo sa kinahihigaan at tiningnan ang sarili sa salamin. Nang makita niya ang sarili sa salamin, biglang pumasok sa kaniyang isipan ang pagkarami-raming impormasyon at nagulumihanan siya nang makita niya ang mukha ng kaniyang ina sa salamin. "At pagkatapos ay kailangan ko ring ipaglaba si Aling Nena upang makakuha ako ng maidadagdag na pangbayad sa mga bayarin sa bahay!" Ang mga ito ay sunod-sunod na lumabas sa kaniyang bibig na para bang wala siyang kontrol Si Dorothy ay nagluto, namalantsa, at naglaba nang naglaba gamit ang katawan ng kaniyang ina hanggang sa siya'y mapagod. Habang siya’y naglalakag pauwi bigla namang pumasok sa isip niyang, "Kailangan ko pang magluto ng kakainin naming hapunan!" Maluha-luha niyang sinasabi. Natapos ang araw na damang-dama niya ang bigat ng katawan dahil sa pagod sa "Kailangan kong magluto ng aalmusalin ni Dorothy!", "Kailangan kong plantsahin ang mga uniporme niya at ng asawa ko!", pagtatrabaho. Sa muling pagmulat niya ay agad niyang tiningnan ang katawan niya at muli siyang napangiti dahil bumalik na siya sa sarili niyang katawan. Ngunit sa kabila ng pagngiti ay may halong paghagulgol dahil naranasan niya ang kahirapan ng pagsasakripisyo ng kaniyang ina. lamang maibigay ang kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan. Ang tingin niya sa maraming bagay ay maliit by Pimo, Lincoln Howard by Dalusung, Merrie Joi Ang Paso ni Lily Gaano man kalaki o kaliit ang mga bagay na nakikita niya sa ibang mga bata ay kinaiinggitan niya at agad-agaran niyang pinabibili rin sa kaniyang mga magulang. Si Dorothy ay mabilisang naglulupasay at nag-iiiyak sa tuwing hinihindian ng mga magulang ang kanyang mga hiling. Isang araw ay hindi siya napagbigyan sa kanyang kagustuhan. Kahit anong pagmamakaawa at pagpupumilit ay hindi tumatalab sa kaniyang ama't ina. Ito ang kauna-unahang pangyayari na hindi nakuha ni Dorothy ang kanyang gusto, kaya siya ay napaisip, "Sana lumaki na rin ako para mabili ko na lahat ng gusto ko!" sa sariling katawan. Wala siyang nagawa kundi sundin kung anong inuutos ng kanyang Magmula noon ay hindi na siya nagsasayang ng pagkain, hindi na siya nag-aaksaya ng kuryente at tubig, natuto na siyang makuntento sa kung anong mayroon siya, at naging mas magalang na siya sa kaniyang mga magulang. Lumipas ang maghapon nang kay- tamlay at bago matulog ay muli siyang napaisip, "Kung ganoon kahirap ang nararanasan ng aking ina sa araw-araw, paano pa kaya ang aking ama?" III IV
Si Tala at ang Bituin at tila tumatawag sa kanya. Dahil sa kaniyang kuryusidad, nagpasya Nang Humiling ang Isang Bituin May sabi-sabi na ang mga bituin sa langit ay tinutupad ang mga hiling ng bawat tao sa buong daigdig at ang bawat tao ay may sariling tinakdang bituin para sa kanila. Si Hoku, ang bituin na marami ring pangarap, ay Isang Tala Mayroong isang tala na nakatira sa isang bayan na tinatawag na constellation. Siya ay isa sa mga Sa listahang iyon ay nakita ni Tuin ang iba't ibang kasabihan at istorya ng mga tala. Habang tumitingin, may nakita si Bee:“Tuin, tingnan mo, oh, kamukha mo.” Lumapit si Tuin kay Bee at tiningnan nang mabuti. Ito pala ang lola ni Tuin. Binasa niya ang nakasulat: “Isa sa pinakatahimik pero isa sa pinakamalakas na wish givers.” Nagulat si Tuin sa nabasa niya at napasabi si Bee, “Ang galing pala ng lola mo!” Pagkatapos niyang sabihin ito, humarap siyang bigla kay Tuin. Nagulat si Tuin at biglang sabi ni Bee, “AHA! Tanungin natin ang lola mo , baka alam niya kung bakit mahina ang powers mo!”. Tumango si Tuin at sila ay nagtungo papunta sa bahay ni Tuin. Pagpasok nila sa bahay, nakita Sa pagpasok niya sa gubat, naramdaman niya na Tala. Kilala siya sa kanilang lugar bilang tahimik at laging Sa isang maliit na baryo, may isang dalagitang nagngangalang unti-unting nagbabago ang paligid. Ang mga puno ay tila gumagalaw at ang hangin ay tila may dalang Isang gabi, habang ang buong baryo ay natutulog, may napansin si Tala na kakaibang liwanag sa gitna ng gubat. Ang liwanag nito ay hindi tulad ng karaniwang alitaptap—parang may buhay itinakda na maging tagapagtupad ng pangarap ng isang babae na nagngangalang Haruka. Ang kaniyang pangarap ay maging sikat na mang-aawit. Lagi niyang kinakatahan si Hoku tungkol sa kaniyang mga hiling kahit hindi niya ito makita, alam niyang siya ay laging nakikinig sa kaniya. Sa bawat kanta ni Haruka ay siyang ikinakasaya ni Hoku. Sa bawat kanta ni Haruka, unti-unting nahuhulog ang puso ni Hoku kay Haruka. Hindi nagtagal ay tinupad din ang hiling ni Haruka na maging sikat siyang mang-aawit. Siya naman ay bigla namang napahiling din na gusto niyang makipagkita kay Haruka harap-harapan. Dahil dito, nakipag-usap si Hoku sa isa sa mga kakilala niyang nakatataas na tala na si Estelle para matupad man lang ang hiling niyang makipagkita kay Haruka, kahit na araw lamang. Sinabi ni Estelle na puwede itong matupad ngunit kailangan niyang bumalik bago magtakipsilim. Sa sobrang saya ni Hoku, pumayag siya at nagpakadaling magayos ng kanyang sarili. Nagpalit siya ng anyo na maging tao para hindi siya kapansin-pansin na isa siyang bituin. Pagkatapos ay agad siyang pumunta sa mundo ng mga tao. Nakipagkita siya kay Haruka at nagpakilala bilang si Nitori na gusto lamang siyang nakatingala sa langit tuwing gabi, tila may hinahanap sa mga bituin. siyang sundan ang liwanag. hiling ng mga tao. Si Tuin ay isa sa mga pinakamahiyain n a tala at dahil dito, wala masyadong tao ang estudyante na nag-aaral sa paaralan ng mga kahilingan kung saan hinihiling ng mga tala ang iba’t ibang ang humihingi ng hiling sa kanya. Lahat ng kanyang mga kaklase ay kilala ng mga tao bilang “the wishing stars,” ang group ng mga malalakas na wish givers, at dahil doon, pakiramdam niya na nasa ibaba siya sa klase. Nagtanong siya sa isang kaklase na ang ngalan ay Bee kung ano ang puwede niyang gawin para siya ay makasama sa kaniyang ibang mga kaklase. Ang sabi ni Bee ay “Hindi ko alam kung paano ’yan, Tuin, pero tutulungan kita. Natuwa si Tuin sa sinabi ni Bee at pareho silang umalis sa klase para maghanap ng paraan kung paano siya mas lalakas pa. Ang unang pinuntahan nila ay ang library kung saan nakalagay ang mga listahan ng mga sinaunang tala sa kanilang eskuwelahan. awitin. Nang makarating siya sa isang lihim na lugar, may nahanap siyang isang bilog na parang altar na napapalibutan ng kumikinang na mga bato. Sa gitna nito ay isang maliit na nilalang na may pakpak. Ang ibinigay ng mahiwagang nilalang kay Tala ay isang maliit na kristal na kumikislap na parang bituin. "Ikaw ang tagapangalaga ng liwanag," sabi nito. "Gamitin mo ito upang protektahan ang inyong baryo. Ito ang puso ng liwanag. Kailangan ninyong alagaan at gamitin ito sa tuwing dumilim ang mundo ninyo. Pagkahawak ni Tala sa kristal, bumalik siya sa baryo na parang panaginip lamang ang lahat. Hanggang sa napansin niya, sa kanyang kamay ay hawak niya pa rin ang kristal. Mula noon, tuwing may kadiliman na bumabalot sa baryo, ginagamit niya ang kristal. At sa bawat paggamit, may liwanag na bumabalot sa baryo na nagdadala ng pag-asa atnila agad ang lola ni Tuin. Lumapit si tuin sa kanyang lola at nasasabik na tinanong “ lola, paano po kayo naging pinaka malakas kahit kayo po ang pinakatahimik?” Sumagot naman ang lola niya at sinabing “kaya ako naging malakas dahil naniwala ako sa mga kakayahan ko” napasabi bigla si Bee ng “Ganun lang?” Sumagot naman ng patawa ang lola ni tuin at sinabi “Oo ganun lang ang ginawa ko, naniwala ako sa sarili ko na ma
AGGIE-MATVII VIII
Ang Aral ni Luna Si Luna ay apat na taong gulang na maraming laruan, ngunit salbahe siya sa kanyang ina at ama. Siya ay sumisigaw at naghahagis ng gamit kapag hindi nasusunod. Isang gabi, matapos siyang pagalitan nang mahinahon ng kanyang mga magulang, tumalikod si Luna at nagkulong sa kwarto. Habang tahimik na ang buong bahay, parang biglang lumamig ang hangin at dumilim ang gilid ng silid kahit bukas ang ilaw. Doon nagsalita ang kanyang manika, “Bukas, magiging buhay ang mga laruan mo, ngunit hindi na sila susunod sa’yo.” Kinabukasan, nagising si Luna sa kakaibang kaluskos. Umiikot ang tren nang mag-isa at dahan-dahang tumatayo ang mga stuffed toy. Tuwang-tuwa siyang ngumiti at nag-utos, “Halika!” Ngunit walang lumapit. Sa halip, ang teddy bear na inihagis niya kagabi ay lumabas ng kwarto at yumakap sa kanyang ina, habang ang tren ay huminto sa tabi ng kanyang ama, na parang bantay. Napatigil si Luna. Unti-unting nawala ang tuwa at napalitan ng hiya. Lumapit siya sa kanila at mahina niyang sabi, “Patawad…” At nang yakapin siya ng kanyang ina at ama, tumahimik ang bahay, na tila natulog muli ang mahika, ngunit naiwan kay Luna ang aral na mas mahalaga ang kabutihan kaysa sa dami ng laruan. Bato Bato sa Langit "Tigilan mo nga iyan at baka ika'y makatama" galit na tuon ni mama saakin sa tuwing ako'y nagbabato sa langit. "Wala naman po akong tatamaan inay!" "Hay, kay tigas ng ulo mo! Sinabihan na kitang huwag mo nang hintayin na may matamaan ka pa" banta ni inay sa akin. Ngunit maingat naman ako at aliw na aliw ako sa pag bato at pag salo ng mga bato, wala naman akong nasasaktan hindi ba? Isang araw ay naglalaro akong muli, nag bato ako ng hindi lamang isa, hindi lamang dalawa, kundi tatlo at higit pang bato sa langit. Hinaantay kong bumagsak ang mga ito para aking saluhin, ngunit pag tingala ko umuulan na ng mga bituin. Dahil ba ito sa sakin? Ang Gintong Kampanilya “Kapag tumunog ang kampanilya, huwag na huwag kang lilingon.” Iyon ang bilin ng lola ni Lia bago siya tumawid sa kagubatan. Ngunit likas na mausisa si Lia. Habang naglalakad, nakarinig siya ng mahinang ting... ting... ting.... Palakas nang palakas ang tunog hanggang sa tila nasa likuran niya lamang ito. Hindi niya napigilan ang sarili. Lumingon siya. Sa kanyang harapan ay nakatayo ang isang diwata na may pakpak na kumikislap na parang ginto. “Matapang ka,” sabi nito. “Ngunit ang sobrang kuryosidad ay maaaring magdala sa panganib.” Puno ng Balete Tawag nila sa puno na ito ay puno ng balete, ito raw ay dadalhin ka sa ibang mundo. Sino ba ang di mauusisa roon? Sa sobrang interes ko, ako ay tumakas noong gabing iyon at pumunta sa puno ng balete. Pagkapasok ko ay agad akong napunta sa ibang mundo at nakakilala ng mga naninirahan roon! Pakurba ang dulo ng kanilang tenga; hindi sila lumulutang; hindi rin matulis ang kanilang mga ngipin at kulay kayumanggi ang kanilang mga balat! Hindi sila nakakatakot tulad ng sabi ni ina ngunit, bakit sila ang natatakot sa akin? Ang Mahiwagang Aklat Isang araw, nakakita si Maya ng lumang aklat sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Nang buksan niya ito, biglang kumislap ang mga pahina at lumabas ang isang maliit na dragon. “Ako si Ember, ang tagapagbantay ng aklat na ito,” sabi nito. Nagulat si Maya ngunit hindi siya natakot. Ipinakita ni Ember ang isang mundong puno ng mahika, lumilipad na kastilyo, at nagsasalitang hayop. Ngunit sinabi rin nito na isang oras lamang siyang maaaring manatili roon. Nang matapos ang oras, kinailangan niyang bumalik. Pagbalik niya sa paaralan, wala na ang dragon at tila ordinaryong aklat na lamang ito. Ngunit sa huling pahina ay may nakasulat: "Ang tunay na mahika ay nagsisimula sa imahinasyon." Biglang nagbago ang paligid. Ang mga puno ay naging higante at ang daan ay naglaho. Napagtanto ni Lia na siya ay nasa mundo ng mga engkanto. Upang makauwi, kailangan niyang lutasin ang tatlong bugtong ng diwata bago sumikat ang araw. At kung mabibigo siya? Mananatili siyang bahagi ng kagubatan magpakailanman. "Huwag kang lalapit sa puno na iyan at delikado riyan!" sabi ng aking ina. Napaisip naman ako kung bakit naman?by Dalusung, Merrie Joiby Loriezo, Gemarkby Nalo, Hannah Pearl Elaijahby Loriezo, Gemarkby Lopez, Alexha Lou XIX
Ang Tunay na Mahika Sa kastilyong lumulutang sa ulap ng hatinggabi, May reyna ng buwan na tahimik magbantay sa gabi, Bawat bituin ay lihim na pangakong kumikislap, Kapag napapagod ka na, may ilaw pang hahawak Sa gubat ng salamangka, ang hangin ay may awit, Ang mga puno’y kumikindat, ang mga bulaklak ay bumubulong ng pag ibig, At sa bawat takot na parang halimaw sa dilim, May mahikang sinasabi, kaya mo rin, kaya mo rin Kung dumating ang unos at magwala ang panahon, At ang puso mo’y maligaw sa daan ng kahapon, Alalahanin mo ito, ang aral na di nawawala, Ang tunay na mahika ay ang pagpili mong maniwala, at muling bumangon sa bawat pagkadapa Makulay na Bituin Nagkakahanay ang mga bituin tulad ng isang ritmo Hindi nagbabago ang kanilang posisyon Nanatili silang pareho kahit na lumipas ang nakaraan Ngunit napatunayan nilang walang panahon Kahit minsan sa bawat asul na buwan Patuloy na nagniningning ang mga bituin na parang mahinang lampara Kahit kapag natakpan ng ulap ang lahat Ang mga bituin ay nariyan pa rin sa likod ng tabing Maaaring maglaho ang liwanag sa gabi Kahit sa gabi may liwanag pa rin Ang liwanag ay hindi nawala Ito ay basta muling inaayos ang ritmo nito Sa Dako-Paroon Sa dako-paroon Ano nga ba'ng makikita Ano nga ba'ng mayroon Na hindi pa nakikita Ang sabi sa balita May ilang nakakakita Ang buhok ay mahaba Pang-kabayong mga hita Nahahating katawan May pakpak sa likuran Maririnig sa bubongan Asin raw ang kahinaan Maririnig sa pampang Mga kantang humahalina Mga lalaking walang muwang Sa umaga'y di na makita Maliliit na nilalang Hindi mo makikita Magtabi-tabi ka Nang di magalit ang lamang lupa Naninirahan sa puno Mga usok ng tabako Sa dilim ay nagtatago Malaking tahimik sa dako Marahang sumasayaw sa lawa Ang natatanging ganda Mga tenga'y mahahaba Ang lahat ay masisinta Kaya ika'y mag-iingat Sa dako-paroon Maraming kwento na ang nasabi Magmula pa noon Hanggang sa Huling Pagkikita Kabilugan ng buwan isang nahahampis na diwata Ang nagninilay sa kanyang minamahal na sinta Nag tatanong bakit ganto ang kanyang tadhana At nag salita bakit ikaw sa akin ay kinuha Aking irog kaysaya nung ikay nasa aking tabi Ang naramdamang lungkot ikaw ang pumawi Aking hiling narito ka sa aking tabi kung sakali Ngunit ikay wala na at ngayon puso koy sawi Ika'y isang mortal na aking labis na minahal Alam ko ako'y masasaktan pero akin tong sinugal Dahil ako'y nabihag sa iyong maganda't mabuting asal Ako'y naging masaya sa iyong tabi kahit di nagtagal Ilang taon nagdurusa mukha mo'y di na malarawan Ngayon ay nakatulala at lumuluha ng nakaraan Hiling sa may kapal tayo ay hayaang magmahalan Makapiling sa kabilang buhay at bigyan ng kapayapaan Maikling oras Nung unang masilayan ang mata mong kumikinang Kagandahang taglay hindi inasahang mahumaling Diwatang nasilayan ay nais kong mapasaakin Hawakan ang iyong kamay at sabihin ang damdamin Hindi inaasahan diwata ay akin nang nakapiling Mundo ko’y tila bituing muling nagniningning Pangako mortal man ika'y aking papaligayahin Susulitin ang oras at ika'y aking mamahalin Kung sakali ako'y mawala ika'y tumingin sa buwan Ako'y di nakikita pero ika'y aking pinag mamasdan Hindi man nadarama pero ika'y aking sinusundan Na wala man ako ikaw parin ang minahal na tahananbyMahinay, Christianby Mahinay, Christianby Bautista, Raymond Brianby Dalusung, Merrie Joiby Pimo, Lincoln Howard XI XII
XIII XIV
Naniniwala ka sa Mahika? Ang mahika ay ang pagmanipula o kakayanang mag-impluwensiya ng isang bagay o pangyayari gamit ang isang mahiwaga o supernatural na puwersa. Sinasabi rin na gamit ang mahika , ang dating imposible ay magiging posible. Sa panahon ngayon maraming tao ang di naniniwala sa mahika pero ako ay naniniwala parin Naniniwala ako sa mahika dahil ang mahika ay isang uri ng pagtakas, pagtakas sa realidad. Paniniwala sa mahika ang ginagamit ko para pakalmahin ang sarili ko mula sa mga bagay na nangyayari sa akin, sa paniniwala sa mahika at sa supernatural. Napapanatiling tama ang pakiramdam ko. Ang mahika ay naging isang bagay na aking pinagkakatiwalaan upang hindi ako makaramdam ng kalungkutan. Ang mahika ay naging koneksyon ko sa mga tao. Naniniwala ako na dahil sa mahika ay nakilala ko ang mga kaibigan ko. Dahil sa mahika, naramdaman ko na kaya kong gawin ang lahat. Ang mahika ay ang kapangyarihang maging malaya at maipakita kung ano ang kaya kong gawin kahit na ito ay mukang imposible Sa madaling salita, ang mahika ay hindi lang pagtakas sa realidad; ito rin ang nagiging koneksyon sa iba’t ibang tao sa buhay ko . Ito rin ang rason kung bakit nakakaya kong gawin ang lahat kahit mukhang imposible ang tatahakin. Para sa'yo? Naniniwala ka rin ba sa mahika?by Santiago, Marc Oneil Mga Kwento ni Lola Naramdaman mo na ba na parang ang gabi mismo ay may binubulong na kuwento? Growing up, hindi simpleng tulog lang ang gabi para sa akin. Storytime ’yon, kasama si Lola, kung saan bumubukas ang mundo ng mga aswang, diwata, at kung saan bawat anino ay may dalang misteryo. Bago ko pa maintindihan ang science at reality, folklore na ng Pilipinas ang una kong naging “magic.” Bilang bata, nakaupo lang ako sa tabi ni Lola habang dahan- dahan niyang kinukuwento ang mga alamat. May tikbalang na naliligaw sa mga bundok at ginagambala ang mga taong naglalakad mag-isa sa dapit-hapon, at may kapre na tahimik na nakaupo sa malalaking puno, parang laging nagmamasid. Minsan pa nga, noong nag-brownout, biglang bumaba ang boses ni Lola at sabi niya, “Huwag kang lalabas, baka nandiyan na sila.” Grabe, buong katawan ko kinilabutan, kahit yung hangin sa labas parang may kwento. Takot ako, pero hindi ko mapigilan na makinig kasi bawat salita niya parang totoong-totoo. Habang tumatanda ako, na-realize ko na hindi lang pananakot ang mga kuwento ni Lola. May mga aral pala iyon tungkol sa respeto sa nature, pagiging maingat sa paligid, at pag-intindi sa mga bagay na hindi natin agad nakikita. Ngayon, tuwing may malamig na hangin o may gumagalaw na dahon sa gabi, hindi lang takot ang nararamdaman ko. May halo rin itong nostalgia at warmth ng mga gabing kasama si Lola. Ang Filipino folklore, para sa akin, hindi lang basta kuwento. Isa itong part ng childhood ko na hanggangby Cabrera, Veronica Denise Mitolohiya sa Pilipinas Mayaman ang Pilipinas sa mitolohiya. Hindi lamang umiikot ang mitolohiya natin sa mga manananggal, shokoy, at kapre; marami ring diyos-diyosan ang kasama sa ating mitolohiya. Ngunit kahit mayaman ang ating bansa sa mitolohiya, marami ang kakaunti lamang ang kaalaman tungkol dito. Ang mitolohiyang meron ang ating bansa ay may koneksyon sa kultura natin, ngunit bakit nga ba hindi lahat ay tumatangkilik dito? Marami sa kabataan ngayon ay walang interes na alamin ang mitolohiya ng ating bansa, dahil kapag sinabing mitolohiya, madalas ang nasa isip nila ay ang mga nilalang na katulad ng tiyanak, tikbalang, kapre, at iba pa. Pero hindi lamang limitado ang mitolohiyang meron tayo sa mga nilalang na iyon. Kasama sa mitolohiya natin ang mga diyos-diyosan na tulad ni Bathala, Mayari, Apolaki, at marami pang iba. Kung tatanungin mo ang kabataan ngayon, marami sa kanila ang hindi man lang kilala kung sino-sino ang mga nabanggit. Kulang sa kaalaman ang mga Pilipino pagdating sa mga ganitong bagay at dapat na simulan na nilang bigyan sila ng kaalaman patungkol dito. Malaking parte ng ating kultura ang mitolohiya at ang pagtangkilik dito ay magbibigay sa atin ng mas malalim na koneksyon sa ating pagiging Pilipino. Ang pagbabasa ng mitolohiyang meron tayo ay hindi lamang magbibigay-aliw sa atin; mapapalalim din nito ang ating koneksyon sa kultura na meron tayo at mas mahuhubog ang ating pagiging Pilipino.by Lopez, Alexha Lou Ang Kapangyarihang Gusto Kong Maranasan Naranasan mo na bang tumingala sa langit at isipin kung gaano kasarap lumipad tulad ng mga ibon? Bata pa lang ako, ang paborito kong magical power ay ang ability to fly. Tuwing may dumadaang airplane sa taas ng bahay namin, ini-imagine ko na ako naman ang lumilipad sa clouds. Sa lahat ng powers, flying talaga ang pinaka-exciting para sa akin kasi feeling ko simbolo ito ng freedom at adventure. Noong bata ako, minsan ginawa ko pang superhero cape ang kumot ko dahil convinced akong kaya kong lumipad. Isang mahangin na hapon, umakyat ako sa bubong ng garage namin at feeling ko talaga bubuhatin ako ng hangin. Kaso instead na lumipad, nahulog lang ako diretso sa mga halaman
Kapangyarihang tunay May kapangyarihan o Hindi man malalakas, Lahat tayo'y mayroong Tungkulin na kay wagas Liwanag sa Dilim Sa paglubog ng sinag Na handog ni Bathala Sa dilim ay liwanag Si Mayari'ng may dala Ang paglingap Gubat ng bathala Salamangkang dakila Mandirigma'y nag diwa Diwatang nag kalinga Nasan Ang Ningning? Nasaan na ang kinang Na minsan ay pumukaw Sa mga matang muwang Sa mahika ng butin Ganting-biyaya Mandirigmang sugatan Diwata'y nilapitan Pinawi ang nagdaan Diwata'y iingatan Tala, Tala, Paano ka Ginawa Sinindihang kandila Parusa't gantimpala Yumaong kaluluwa Liwanag ng pag-asa Mga Bato sa Bundok Tabor Mga prinsipeng sakim Puno ng Piedras Platas Huning may dalang llagim Ibong adarnang lutasby Mahinay, Christianby Lopez, Alexha Louby Pimo, Lincoln Howardby Mahinay, Christianby Nalo, Hannah Pearl Elaijahby Pimo, Lincoln Howardby Mahinay, Christian XVII XVIII
XIX XX