KAYQUIT IS STUDENT HANDBOOK (1)

Kayquit Integrated School is an academic institution that strongly upholds DepEd’s campaign for quality education. The school continuously innovates, develops, and improves its physical facilities, staff, and others to make it a “Child- Friendly School”. It ensures that all learning objectives are met, and students actively participate in the different school activities. The school continuously cares and protects the students; thus, it involves families and other institutions in the community by enlisting their support for projects and activities that are beneficial for the students.MissionMissionMissionVisionVisionVision We dream of Filipinos who passionately love their country and whose values and competencies enable them to realize their full potential and contribute meaningfully to building the nation. To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture- based, and complete basic education where: Students learn in a child-friendly, gender-sensitive, safe, and motivating environment; Teachers facilitate learning and constantly nurture every learner; Administrators and staff, as stewards of the institution, ensure an enabling and supportive environment for effective learning; Family, community, and other stakeholders are actively engaged and share responsibility for developing life-long learners.Core ValuesCore ValuesCore Values Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan, at Makabansa.

Ang Mababang Paaralan ng Kayquit ay itinatag noong 1905. Ang kauna- unahan at nag-iisang guro ng paaralan ay si G. Nicasio Soberano na may dalawampu't limang (25) mag-aaral. Ang mga nasabing mag-aaral ay nakatanggap ng mga libreng kagamitan na kailangan sa kanilang pag-aaral. Ang mga silid-aralan sa paaralan ay yari sa kugon. Ang mga sumusunod ang nagsilbing mga guro pagkatapos ng panunungkulan ni G. Soberano.KASAYSAYANKASAYSAYANKASAYSAYANPaaralangPaaralangPaaralangngKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED 1. Felix Creencia 2. Sulpicio Lezarda 3. MiguelFidel 4. Patricia Novero 5. Emilio Roderos Nagsilbi rin bilang guro sina Bb. Francisca Esguerra at G. Nezario Erni. Nang umalis si G. Erni ay pinalitan siya ni G. Pablo Feranil. Dahil sa pangangailangan ng pagsasaayos sa paaralan ay isinara muna ito sa loob ng tatlong (3) taon. Ang namayapang si G. Arturo Soriano ay nagpatayo ng gusali na may dalawang (2) matitibay na silid-aralan at nagbukas muli ang klase noong 1919. Sa muling pagbubukas nito, dalawang guro ang nagsilbi sa paaralan. Ang mga ito ay sina G. Feliciano Buhay at Bb. Victoria Hondo. Ang iba pang mga guro na kaagapay nila ay sina Bb. Felisa Reyes, Gng. Maria D. Maraan, G. Eusebio Baes at Bb. Mauricio. Taong 1946 ng ito ay maging ganap na paaralang elementarya kung saan si G. Feliciano Buhay ang itinalagang ulong-guro. Taong 1954, napalitan si G. Buhay ni Bb. Ana Erce matapos mapalipat sa Paaralang Elementarya ng Indang Central.

Sa kasalukuyan, ang Paaralang Elementarya ng Kayquit ay naging Paaralang Kayquit Integrated taong 2025 sa pamumuno ni Gng. Shirley T. San Juan, ito ay isa sa mga malalaking paaralan sa bayan ng Indang. Ang mga sumusununod ay ang mga natalagang Pinuno ng paaralan:KASAYSAYANKASAYSAYANKASAYSAYANPaaralangPaaralangPaaralangElementaryaElementaryaElementaryangngngngngngKAYQUITKAYQUITKAYQUIT 1. G. Nicasio Soberano 2. G. Feliciano Buhay-Ulong-guro (1946-1954) 3. Bb. Ana Erce- Ulong-guro 4. Bb. Macaria Feranil- Ulong-guro(1970-1971) 5. Bb. Francisca Fabilane-Punongguro(1971-1975) 6. Gng. Naomi Guevarra-Ulong-guro (1975-1977) 7. Gng. Natividad P. Dizol- Punongguro (1977-1987) 8. Gng. Herminia Diesta - Ulong-guro (1988-2000) 9. G. Isidro V. De Sagun- Punongguro (2000-2005) 10. Gng. Nenita N. Mojica-Punongguro (2005-2012) 11. Gng. Violeta M. Maligalig- Punongguro (2012- 2015) 12. Gng. Belen E. Lontoc- Punongguro (2015- 2018) 13. Gng. Flordeliza M. Jeciel- Punongguro (2018- 2020) 14. Gng. Reyciel L. Nuestro- Punongguro (2020- 2023) 15. Gng. Giezel V. Cueno- Punongguro (2023- 2023) 16. Gng. Shirley T. San Juan- Punongguro (2023- 2026) 17. Gng. Evelyn B. Marcelino- Punongguro (2026- present)

Barangay Kayquit came from the word "Ki-iwit," which means big shrimps and crabs, which were caught in abundance in its rivers. Later, it was changed to Kayquit, for which neither the old folks nor the Barangay Captain could find no reason for the change. Barangay Kayquit is bounded in the North by the town proper, in the South by Mahabang Kahoy Cerca, Buna Cerca in the East and Kaytambog inthe West. It is only 2.5 kms from the town proper.COMMUNITYCOMMUNITYCOMMUNITYofofof KAYQUITKAYQUITKAYQUIT ProfileProfileProfile Due to the ratification of the plebiscite, the barrio of Kayquit was divided into three (3) barangays on January 30, 1990, based on the legal basis of the creation of Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 23 s. 1990 dated November 15, 1990 namely: Kayquit I, Kayquit II, and Kayquit III. At present time, Kayquit I is headed by Mr. Bernardo M. Ambas, Kayquit II, Mr. Roberto G. Aterrado and Kayquit III, Mr. Reiner C. Ersando as Barangay Captains. Kayquit I has a land area of 309 hectares, Kayquit II has 319.973 hectares, and Kayquit III has 300.95 hectares, with hilly and plain terrain types. As of this time, the population of Kayquit I is 1,918, Kayquit II, 2,074 and Kayquit IIl, 2,692. The major sources of livelihood among the people are agriculture, followed by business and employment. Coconut, coffee, banana, and other fruit trees were the crops being produced by the people. Some farmers engage in planting corn and root crops like ube, gabi, and peanuts as well as seasonal vegetables like patola, chayote, and cucumber. The barrio is well-known for its piña candy, bukayo, and balikutsa for home industries. Barangay Kayquit has a high level of education among its citizenry. Most of the people have finished high school and college, as shown by the increasing number of professionals.

Ang Paaralang Kayquit Integrated ay tumutugon sa programang ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon.SERBISYOSERBISYOSERBISYOatatat PAMPAARALANPAMPAARALANPAMPAARALAN ImpormasyongImpormasyongImpormasyong 1. Serbisyo sa Pagpapa-unlad ng Moral Ang kahalagahan nito ay upang malaman ng kabataan ang mabuting pag-uugali at mabuting pang-unawa sa kanilang pag-aaral. 2. Serbisyong Pangkomunikasyon Ang layunin ng araling Ingles at Filipino ay upang mapaunlad ang kahusayan sa pakikipagtalastasan tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa. 3. Serbisyong PangMatematika Pagkakaroon ng pag-unlad at kaalaman sa Matematika na makatutulong sa aktwal na pamumuhay. 4. Serbisyong Pangkabuhayan Pagkakaroon ng kaalaman sa pangkabuhayan, pangsining, pangmusika at Edukasyong Pampalakas ng katawan na magpapaunlad sa bawat mag- aaral na pahahalagahan ang kanilang pagkatao. 5. Serbisyong Pangkantina Ang kantina ng paaralan ay pinamamahalaan ng guro sa EPP. Siya ay naghahanda ng wastong pagkain para sa kalusugan ng mga bata. 6. Serbisyo sa Pangfeeding Paghahanda ng mga pagkaing masustansiya para sa mga mag-aaral. Binibigyan ng mga libreng pagkain ang mga batang walang kakayahang bumili.

SERBISYOSERBISYOSERBISYOatatatPAMPAARALANPAMPAARALANPAMPAARALAN ImpormasyongImpormasyongImpormasyong 7. Agham at Kalusugan Pagkakaroon ng Programang Pangkalusugan at agham. 8. Serbisyong Pang- Aklatan Ang silid-aklatan ay bukas araw-araw mula sa ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon upang gamitin ng mga bata sa kanilang pangangailangan sa mga aklat na dapat nilang gamitin. 9. Serbisyong Pangmedikal Ang klinika ay bukas para sa paggamit ng dentista, nars at doktor na tumutulong sa mga mag-aaral na nangangailangan upang magamot at mabigyan ng lunas. 10. Serbisyong Sentro ng Pamamatnubay sa Pangangailangan ng Mag-aaral a. Indibidwal na pamamatnubay b. Pangkatauhang Pamamatnubay c. Pagsubaybay samga mag-aaralna may suliranin d. Nagtatago at namamahala sa mga Form 137, permanent records at diploma.

PANG- PAARALANGPANG- PAARALANGPANG- PAARALANGREGULASYON SA PAGPASOK AT PAG-ENROLLREGULASYON SA PAGPASOK AT PAG-ENROLLREGULASYON SA PAGPASOK AT PAG-ENROLL1. Kindergarten Mga batang 5 taong gulang hanggang Oktubre 2026 o hanggang Disyembre 2026 (ECCD Completer) - (Alinsunod ito sa Deped Order No. 015, s. 2025) Mga Kailangan 1.1. Authenticated Copy of Birth Certificate (photocopy) 1.2. Progress Report Card 1.3. Basic Education Enrollment Form (BEEF)2. Elementary a. Grade 1 2.a.1. Photocopy ng PSA Birth Certificate 2.a.2. Kindergarten Progress Report Card at ECCD b. Grade 2- Grade 6 2.b.1. Photocopy ng PSA Birth Certificate 2.b.2. Report Card c. For Transferees 2.c.1. Form 138 (SF9 - Learner Progress Report Card) 2.c.2 Formal request for Form 137 (SF10 - Learner Permanent Record) d. Inclusive Education Guarantee No learner shall be denied admission on account of gender, ethnic background, socio-economic status, religion, or disability. MGA KAILANGAN SA PAGPASOK Ang mga mag-aaral ng Paaralang Kayquit Integrated ay kailangang sumunod sa mga regulasyon at mga alituntunin ng paaralan.3. Secondary (Junior High School) 3.1. Photocopy ng PSA Birth Certificate 3.2. Photocopy of previous Progress Report Card

MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA MAG-AARALMGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA MAG-AARALMGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA MAG-AARAL Mga Karapatan ng Mag-aaral Alinsunod sa UN Convention on the Rights of the Child at sa mga DepEd Child Protection Policies, bawat mag-aaral sa Buck Estate ES ay may karapatang: 1.Tumanggap ng de-kalidad na edukasyon sa ligtas, malusog, suportado, at nakaka-inspirang kapaligiran. 2.Maprotektahan laban sa lahat ng uri ng pisikal, berbal, mental, sekswal, o emosyonal na karahasan, pang-aabuso, at pagsasamantala. 3.Tratuhin nang may dignidad, respeto, at katarungan nang walang diskriminasyon. 4.Maipahayag ang sariling opinyon at alalahanin sa maayos na paraan at marinig sa tamang daluyan ng paaralan. 5.Mabigyan ng pagiging kumpidensyal ang personal na tala tungkol sa akademiko, disiplina, at pamilya.

MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA MAG-AARALMGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA MAG-AARALMGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA MAG-AARAL Mga Tungkulin ng Mag-aaral Kasabay ng mga karapatan, bawat mag-aaral ay inaasahang gampanan ang mga sumusunod na tungkulin: 1.Dumalo sa klase nang regular at nasa oras, at aktibong makilahok sa mga gawain sa pagkatuto. 2.Igalang ang mga awtoridad ng paaralan, guro, kawani, bisita, at kapwa mag-aaral sa lahat ng pagkakataon. 3.Iwasan ang anumang uri ng pambubully, pangha-harass, karahasan, o hindi pagiging tapat. 4.Ingatan at pangalagaan ang mga pasilidad, kagamitan, ari-arian, at kapaligiran ng paaralan. 5.Isabuhay ang mga DepEd Core Values (Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan, Makabansa).

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang 1. Ang opisyal na oras ng pagpasok sa umaga ay 7:00. Sampung minuto (10) ang kaukulang palugit kapag ang bata ay huli. 2. Kapag tatlong beses na huli sa isang buwan ay kailangan na ang bata ay: a. Unang parusa- Pagbibigay ng babala b. Ikalawang Parusa - Ang magulang ay ipapatawag sa opisina ng sentro ng pamamatnubay para magkaroon ng pag-uusap. c. Ikatlong Parusa- Paglilinis ng kapaligiran sa eskwelahan. A. PAMANTAYAN SA PAGPASOK B. PAGSUSUOT NG I.D. SA LOOB NG PAARALAN Ang mga bata ay kailangang magsuot ng I.D. sa loob ng paaralan. Ang I.D. ay ipagkakaloob sa mga mag-aaral nang libre at kung sakaling ito ay mawala, ang magulang na ang magpapagawa ng I.D. para sa kanilang anak. a. Unang Paglabag- Pagbibigay ng babala b. lkalawang Paglabag - Ang magulang ay ipatatawag sa opisina ng sentro ng Pamamatnubay para magkaroon ng pag-uusap. c. Ikatlong Paglabag - Tuluyang hindi pagpapapasok sa mag-aaral sa araw na naiwan ang kaniyang I.D.

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang Upang mapanatili ang pagkakaisa, disiplina, at tamang representasyon ng paaralan, ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang magsuot ng kumpletong uniporme sa loob ng klase at sa mga opisyal na aktibidad ng paaralan. Pangkalahatang Alituntunin Laging malinis at maayos ang uniporme; hindi dapat gusot o marumi. Kumpletong suot mula ulo hanggang paa (blouse/shirt, pantalon/palda, sapatos). Tamang sukat – hindi masyadong masikip o maluwag. Sapatos – itim na leather o rubber shoes na sarado ang harap; kung maaari ay huwag mag-tsinelas o sandals. Medyas – puti at hanggang bukung-bukong. C. PAMANTAYAN SA PAGSUSUOT NG TAMANG UNIPORME

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang Para sa mga Babae Puting blouse na may tamang kwelyo at manggas. Palda na hanggang tuhod o mas mahaba. Walang sobrang aksesorya (earrings na simple lamang, bawal ang malalaki o makukulay). Buhok ay nakatali nang maayos kung mahaba. Para sa mga Lalaki Puting polo na may kwelyo at manggas. Itim o navy blue na pantalon. Walang sobrang aksesorya (bawal ang hikaw, kwintas na makikita). Ang buhok ay maayos at hindi lampas sa tainga o kuwelyo. C. PAMANTAYAN SA PAGSUSUOT NG TAMANG UNIPORME

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang 1. Ang mga mag-aaral ay dapat magdala ng liham paumanhin upang malaman kung ano ang kadahilanan ng kanilang pagliban o kaya naman ay ang pagtawag sa cellphone, SMS o chat. Ang batang lumiban sa klase ay hindi binibigyan ng espesyal na pagsusulit o anumang natapos na gawain sa loob ng silid- aralan. Kung ang bata ay lumiban ng mahigit pang tatlong (3) araw, kailangan niyang magdala ng medikal na sertipiko. Kung sakaling hindi makapagbigay nito ay kinakailangang makipag-usap ang magulang sa guro. D. PAMANTAYAN SA PAGLIBAN 2. Ang mga mag-aaral ay binibigyan lamang ng dalawang (2) araw na pagliban sa loob ng isang buwan, kung hindi ay dapat sundin ang nasasaad sa pamantayan ng paaralan a. Unang Paglabag - Kailangan ang sulat ng pagpapaliwanag galing sa mga magulang. b. Ikalawang Paglabag - Kailangan ang pakikipag-usap ng magulang para sa pagsuspinde sa bata. c. Ikatlong Paglabag- Inaasahang pagbaba ng marka ng mag- aaral sa naapektuhang asignatura

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang E. Mga Gadgets 1. Ang mga bata ay pinahihintulutang magdala ng cellphone at iba pang gadgets kung sila ay inatasan ng kanilang guro na dalhin ang mga ito para gamitin sa oras ng klase. 2. Kung ang mga cellular phone naman ay dala bilang komunikasyon ng mga mag-aaral sa kanilang magulang, ito ay nasa pangangalaga ng guro sa oras ng klase. 3. Ang pagcha-charge ng cellphone at iba pang gadgets ay hindi pinahihintulutan. 4. Ang mga bata ay pinagbabawalang magdala ng instrumentong pang- musikal kung hindi rin lang pinagdadala ng guro. 5. Kung ang bata ay nagdala ng kaniyang gamit pang-isports o anumang uri ng gamit, ang paaralan ay walang pananagutan sa mga insidenteng maaaring mangyari.

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang 1. Kapag hindi nakapagbigay o nakapagpasa ng takdang-aralin o proyekto, ay bibigyan ng kaukulang parusa. a. Unang Paglabag - Kailangan ang pakikipag-usap sa mga magulang. b. Ikalawang Paglabag - Paglilinis ng mga paligid ng paaralan. c. Ikatlong Paglabag- Pagbabawas sa marka ng bata. F. TAKDANG ARALIN O PROYEKTO 1. Pagdalo sa pagtataas ng watawat tuwing Lunes sa ganap na ika-6:30 ng umaga. 2. Lahat ng mag-aaral ay kailangang panatilihin ang kalinisan ng paaralan. 3. Ang mga mag-aaral ay kailangang may mabuting pag-uugali at pagiging magalang. G. PALAGIANG PAMANTAYAN

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang Ito ay tumutukoy sa mga kilos na hindi agad nagdudulot ng pisikal, sikolohikal, o emosyonal na pinsala ngunit nakakaistorbo sa kapaligiran ng pagkatuto. Ang mga ito ay maaaring resolbahin sa pamamagitan ng direktang interbensyon at paggabay ng guro o awtoridad. 1. Ipinagbabawal ang paninira ng anumang gamit at halaman o anumang tanim sa loob ng paaralan 2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagnanakaw ng pera o anumang bagay, maging pag-aari man ito ng paaralan, guro o ng mag-aaral. 3. Ang pagdadala ng malalaswang pahayagan, video ay ipinagbabawal sa paaralan. 4. Anumang nakakasakit at nakamamatay na gamit (kutsilyo, matutulis na bagay, four finger, etc.) ay mahigpit na ipinagbabawal. 5. Paggamit ng masasamang salita o pagmumura sa loob ng paaralan o sa online platforms. 6. Pagbabahagi ng pekeng balita o maling impormasyon na nagdudulot ng kalituhan o kaguluhan. 7.. Nakakaistorbong kilos o kalokohan sa klase o sa mga aktibidad ng paaralan. H. PAMANTAYANG PANDISIPLINA (UNANG LEBEL)

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang 8. Pagkuha ng gamit ng iba (hal. laruan, pagkain, gamit, atbp.). 9. Simpleng vandalism na may pinsalang hindi hihigit sa Php 500.00. 10. Pagsuntok o pagpitik sa kapwa mag-aaral na hindi nagdudulot ng pisikal na pinsala. 11. Pag-aaway sa klase o sa mga aktibidad ng paaralan na walang pisikal na pinsala. 12. Pagdadala o pagtatago ng alak, nakalalasong sangkap, sigarilyo/e- cigarette/vape, at pornograpikong materyales sa loob ng klase o paaralan. Ang sinumang mag-aaral na mapatunayang gumawa ng mga bagay na ito ay bibigyan ng karampatang parusa: Unang Paglabag: Nakasulat na reprimand at abiso sa magulang (sa pamamagitan ng pormal na komunikasyon). Ikalawang Paglabag: Nakasulat na reprimand at pagsusumon sa mga magulang sa pamamagitan ng Call Slip. Ikatlong Paglabag: Suspensyon na hindi lalampas sa limang (5) araw, na may kasamang alternatibong paraan ng pagkatuto.

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang Mga Paglabag (Serious Offenses) Ito ay tumutukoy sa mga kilos na malubha o paulit-ulit na lumalampas sa mga minor offenses at nangangailangan ng pormal na proseso mula sa Learner Formation Officer o iba pang kaukulang awtoridad. 1. Pagsubaybay (stalking) sa loob ng klase, paaralan, o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan. 2. Pambubugbog o pananakit na nagdudulot ng bahagyang pisikal na pinsala sa kapwa mag-aaral, guro, o kawani ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan. Ang bahagyang pinsala ay yaong nangangailangan ng medikal na gamutan sa loob ng 1–9 na araw. 3. Pagnanakaw ng gamit ng iba sa loob ng klase, paaralan, o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan. 4. Pananakot o pagbabanta sa guro, kawani, o kapwa mag-aaral, maging sa loob o labas ng paaralan. Kasama rito ang pananakot o pagbabanta na ginawa sa pamamagitan ng electronic o social media platforms. 5. Pagsusugal o pagdadala ng gamit na may kaugnayan sa pagsusugal sa loob ng klase, sa paaralan, o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan. I. PAMANTAYANG PANDISIPLINA (IKALAWANG LEBEL)

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang 6. Paninigarilyo ng sigarilyo/e-cigarette/vape sa loob ng paaralan o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan. 7. Malubhang vandalism sa loob ng klase o paaralan na may pinsalang higit sa Php 500.00. Ang vandalism ay tumutukoy sa pagmamarka o pagsira ng ari- arian ng paaralan. 8. Pagpapakita ng malaswang kilos o galaw ng katawan sa iba, kabilang ang pagpapakita ng pribadong bahagi ng katawan para sa sekswal na kasiyahan ng gumagawa, na nagreresulta sa pang-aalipusta, pangha-harass, pagbabanta o pananakot sa biktima. Kasama rito ang pagpapakita ng pribadong bahagi (flashing), pampublikong masturbasyon, paghipo (groping), at iba pang kahalintulad na malaswang aksyon na ginawa sa loob ng klase, paaralan, o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan.

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang Ang sinumang mag-aaral na mapatunayang gumawa ng mga bagay na ito ay bibigyan ng karampatang parusa: Unang Pagkakasala: Suspensyon na hindi lalampas sa limang (5) araw, na may kasamang alternatibong paraan ng pagkatuto, at pagre-refer sa Social Welfare Development Office. Ikalawang Pagkakasala: Hindi na muling tatanggapin sa paaralan (Non-readmission) at pagre-refer sa Social Welfare Development Office. Ikatlong Pagkakasala: Pagpapatalsik (Exclusion) at pagre-refer sa Social Welfare Development Office. J. PAMANTAYANG PANDISIPLINA (IKALAWANG LEBEL)

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang Ito ay tumutukoy sa mas malubha o mas komplikadong sitwasyon na nangangailangan ng mas mataas na antas ng interbensyon dahil sa posibleng epekto nito sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral. 1. Pagsali, pag-oorganisa, at/o pagrerekrut ng mga mag-aaral sa fraternities, sororities, street gangs, at kahalintulad na organisasyon. 2. Pandaraya o hindi pagiging tapat sa pagsusulit/assessment sa klase; o ang pagpapahintulot sa ibang mag-aaral na kopyahin ang sagot sa pagsusulit o takdang-aralin, maging para sa personal na dahilan, pakinabang, o kita (sagot for sale). 3. Paggawa ng biro o pagbabanta tungkol sa bomba. 4. Pagsasagawa ng pananakit na nagdudulot ng malubhang pisikal na pinsala sa kapwa mag-aaral o kawani ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan. Ang malubhang pinsala ay yaong nangangailangan ng medikal na gamutan nang sampung (10) araw o higit pa. 5. Paggamit, pagdadala, o pagbebenta ng ipinagbabawal na droga o sangkap sa loob ng paaralan o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan. K. PAMANTAYANG PANDISIPLINA (IKATLONG LEBEL)

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang 6. Pag-inom ng alak sa loob ng paaralan o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan, o pagpasok sa paaralan nang lasing. 7. Paggawa ng malaswang kilos, nakakasakit na galaw ng katawan, o pagpapakita ng pribadong bahagi ng katawan para sa sekswal na kasiyahan ng gumagawa, na nagreresulta sa pang-aalipusta, pangha-harass, pagbabanta o pananakot sa biktima. Kasama rito ang pagpapakita ng pribadong bahagi (flashing), pampublikong masturbasyon, paghipo (groping), at iba pang kahalintulad na malaswang aksyon sa loob ng klase, paaralan, o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan. 8. Sekswal na pagsasamantala, sekswal na pag-atake, o panggagahasa, maging sa loob o labas ng paaralan. 9. Pagdadala at pagtatago ng mga nakamamatay na sandata tulad ng baril, bala, pampasabog, patalim, matutulis o mapurol na armas sa loob ng paaralan o sa mga aktibidad na pinahintulutan ng paaralan, maging sa loob o labas ng paaralan.

MGA PATAKARANMGA PATAKARANMGA PATAKARAN ngngng KAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATEDKAYQUIT INTEGRATED PaaralangPaaralangPaaralang 10. Pagpatay o homicide/murder na ginawa sa loob o labas ng paaralan; Hazing sa anumang anyo sa loob o labas ng paaralan. 11. Pag-upload at pagbabahagi ng recorded o live na video na nakakaalipusta, nakakaapi, o nakakahiyang tingnan para sa ibang mag-aaral at kawani ng paaralan. 12. Pag-upload at pagbabahagi ng sariling o ibang mag-aaral na recorded/live video, larawan, o boses na may sekswal na nilalaman sa social media o sa sinumang handang magbayad para sa layunin ng pakinabang o kita (online sex for sale). Ang sinumang mag-aaral na mapatunayang gumawa ng mga bagay na ito ay bibigyan ng karampatang parusa: Unang Pagkakasala: Hindi na muling tatanggapin sa paaralan (Non- readmission) at pagre-refer sa nararapat na tanggapan (hal. PNP, Social Welfare Development Office). Ikalawang Pagkakasala: Pagpapatalsik (Exclusion) at pagre-refer sa nararapat na tanggapan (hal. PNP, Social Welfare Development Office).

PANG-PAARALANGPANG-PAARALANGPANG-PAARALANG sasasa PANGANGALAGAPANGANGALAGAPANGANGALAGA PolisiyaPolisiyaPolisiya 1. Ang mga batang mahilig mang-away, mang-inis, mang-bully ng mga kamag-aral ay dadaan sa "counselling" mula sa kanilang guro at school guidance counsellor kasama ng kanilang mga magulang. 2. Ang mga magulang ay hinihimok na basahing muli ang "Handbook ng Mag- aaral" sa kanilang mga anak at ipaliwanag sa abot ng kanilang makakaya ang bawat pahina ng nasabing handbook. 3. Ang mga batang mapapatunayan na siya ang laging pinanggagalingan ng gulo o away ay sasailalim sa "counselling" sa DSWD at sa barangay. 4. Kung ang nasabing bata ay hindi kinakitaan ng pagbabago sa kanyang pag- uugali ay puwede na siyang lumipat ng paaralan o.. 5. Ang paaralan ay hindi mag-aatubiling bigyan siya ng karampatang parusa tulad ng hindi na pagtanggap sa bata sa paaralan. 6. Ang samahan ng mga guro at magulang sa paaralang ito ay malayang nakapagpapahayag ng kanilang damdamin, malayang nakapagtatanong at malayang nakapagbibigay ng suhestiyon para sa kaunlaran ng kanilang mga anak at ng paaralan. ng mgang mgang mgaMAG-AARALMAG-AARALMAG-AARAL

PANG-PAARALANGPANG-PAARALANGPANG-PAARALANG batay sabatay sabatay sa DEPED’S ANTI-BULLYINGDEPED’S ANTI-BULLYINGDEPED’S ANTI-BULLYING PolisiyaPolisiyaPolisiya Unang Antas ng Disiplinaryong Interbensyon -Ito ay tumutukoy sa mga kilos na maaaring mauwi sa bullying o mga pag- uugali na maituturing na precursors to bullying. Para sa mga “minor bullying acts” gaya ng, ngunit hindi limitado sa: 1.Paggamit ng masasamang salita o pagmumura laban sa kapwa mag- aaral. 2.Pagpapakita ng nakakaistorbong kilos o paggawa ng kalokohan laban sa kapwa mag-aaral. 3.Pagkuha ng gamit ng ibang mag-aaral nang walang pahintulot. 4.Pagsuntok o pagpitik sa kapwa mag-aaral na hindi nagdudulot ng pisikal na pinsala. 5.Pag-aaway sa kapwa mag-aaral na hindi nagdudulot ng pisikal na pinsala. Mga Antas ng Disiplinaryong Interbensyon | Parusa Unang Paglabag: Nakasaad na may nakasulat na reprimand at pagsusumon sa mga magulang. Ikalawang Paglabag: Suspensyon sa klase ng tatlong (3) araw Ikatlo o susunod pang paglabag: Suspensyon sa klase ng limang (5) araw

PANG-PAARALANGPANG-PAARALANGPANG-PAARALANG DEPED’S ANTI-BULLYINGDEPED’S ANTI-BULLYINGDEPED’S ANTI-BULLYING PolisiyaPolisiyaPolisiya Ikalawang Antas ng Disiplinaryong Interbensyon -Ito ay tumutukoy sa mga kilos ng bullying na maituturing na “seryosong bullying acts” gaya ng, ngunit hindi limitado sa: 1.Pagsubaybay o stalking; 2.Pambabastos tulad ng catcalling, pagsipol, hindi kanais-nais na imbitasyon, paggamit ng misogynistic, transphobic, homophobic at sexist na pananalita, paulit-ulit na hindi hinihinging komento o kilos tungkol sa itsura ng isang tao, walang tigil na paghingi ng personal na detalye, pagbibigay ng sekswal na komento o mungkahi laban sa isang mag-aaral; 3.Pambubugbog o pananakit na nagdudulot ng bahagyang pisikal na pinsala sa kapwa mag-aaral; 4.Pagnanakaw ng gamit ng kapwa mag-aaral; at 5.Pananakot o pagbabanta sa kapwa mag-aaral. Mga Antas ng Disiplinaryong Interbensyon | Parusa Unang Paglabag: Suspensyon sa klase ng limang (5) araw, pagpapatawag sa mga magulang, at pagre-refer sa Social Welfare Development Office. Ikalawang Paglabag: Hindi na muling tatanggapin sa paaralan (Non- readmission). Ikatlo o susunod pang paglabag: Pagpapatalsik (Exclusion). batay sabatay sabatay sa

PANG-PAARALANGPANG-PAARALANGPANG-PAARALANG DEPED’S ANTI-BULLYINGDEPED’S ANTI-BULLYINGDEPED’S ANTI-BULLYING PolisiyaPolisiyaPolisiya Ikatlong Antas ng Disiplinaryong Interbensyon -Ito ay tumutukoy sa mga kilos ng bullying na hindi na kayang resolbahin ng guro sa loob ng klase o ng Learner Formation Officer, gaya ng, ngunit hindi limitado sa: 1.Pagsasagawa ng pananakit na nagdudulot ng pisikal na pinsala sa kapwa mag-aaral, kung saan ang biktima ay hindi makakilos o nangangailangan ng medikal na gamutan nang sampung (10) araw o higit pa. 2.Pagpapakita ng malaswang kilos o galaw ng katawan sa iba, kabilang ang pagpapakita ng pribadong bahagi ng katawan para sa sekswal na kasiyahan ng gumagawa, na nagreresulta sa pang-aalipusta, pangha-harass, pagbabanta o pananakot sa biktima. Kasama rito ang pagpapakita ng pribadong bahagi (flashing), pampublikong masturbasyon, paghipo (groping), at iba pang kahalintulad na malaswang aksyon. 3.Pag-upload at pagbabahagi ng mga recorded o live na video na nakakaalipusta, nakakaapi, o nakakahiyang tingnan para sa ibang mag- aaral. 4.Pag-upload at pagbabahagi ng sariling o ibang mag-aaral na recorded/live video, larawan, o boses na may sekswal na nilalaman sa social media o sa sinumang handang magbayad para sa layunin ng pakinabang o kita. Antas ng Disiplinaryong Interbensyon | Parusa Unang Pagkakasala: Pagpapatalsik (Exclusion) batay sabatay sabatay sa

MGA PINAGBATAYANMGA PINAGBATAYANMGA PINAGBATAYAN Republic Act No. 7610 (The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) Republic Act No. 9344 (The Juvenile Justice and Welfare Act (as amended) Republic Act No. 10627 (The Anti-Bullying Act of 2013) Republic Act No. 11930 (The Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAE) Act) Presidential Decree No. 603 (The Child and Youth Welfare Code) Republic Act No. 6972 (The Barangay-level Total Development and Protection of Children Act 1990) Republic Act No. 10173 (Data Privacy Act of 2012) DepEd Order No. 40, s. 2012 (Child Protection Policy) DepEd Order No. 57, s. 2017 (Policy on the Protection of Children in Armed Conflict) DepEd Order No. 017, s. 2025 (Revised Basic Education Enrollment Policy) Republic Act No. 10640 (An Act to Further Strengthen the Anti-Drug Campaign of the Government) DepEd Order No. 31, s. 2022 (Child Rights Policy) DepEd Order No. 006, S. 2026 (Ensuring Safe and Motivating Learning Environments in Philippine Schools)

SCHOOL CHILD PROTECTION COMMITTEESCHOOL CHILD PROTECTION COMMITTEESCHOOL CHILD PROTECTION COMMITTEE SCHOOL PRINCIPAL 1 EVELYN B. MARCELINO DIANNE C. HUAB MARIA CECILIA D. CRUZADA JOSEFINO B. RINT TRIXIE JOHNELLE S. TUAZON Public Schools District Supervisor ELIZABETH P. GARCIA Chairman Guidance Designate Vice Chairman- Elementary Department Teachers’ Club President SPTA President SELG President ELIZABETH R. EODULFA Barangay VAW Desk Officer CHRISTIAN JOSEPH P. HERRERA Guidance Designate Vice Chairman - Secondary Department GERBER B. CORTEZ Learner Formation Officer Indang District 1

APPENDIX: PARENT AND LEARNER ACKNOWLEDGMENT FORMAPPENDIX: PARENT AND LEARNER ACKNOWLEDGMENT FORMAPPENDIX: PARENT AND LEARNER ACKNOWLEDGMENT FORM PARENT AND LEARNER ACKNOWLEDGMENT FORM Kayquit Integrated School S.Y. 2026-2027 I ____________________________ parent/guardian of ____________________________of Grade & Section ___________________________ hereby acknowledge that I have received, read, and understood the contents of the Kayquit Integrated School Localized Student Handbook and Anti-Bullying Policy. I commit to supporting the school in upholding positive discipline, encouraging responsible learner conduct, and fostering a safe, respectful, and violence-free learning environment. Signature over Printed Name of Learner Date Signature over Printed Name of Parent/Guardian Date

APPENDIX: CALL SLIPAPPENDIX: CALL SLIPAPPENDIX: CALL SLIP

APPENDIX: RANDOM ROUTINE BAG SEARCH SCHOOL PLANAPPENDIX: RANDOM ROUTINE BAG SEARCH SCHOOL PLANAPPENDIX: RANDOM ROUTINE BAG SEARCH SCHOOL PLAN

APPENDIX: RANDOM ROUTINE BAG SEARCH SCHOOL PLANAPPENDIX: RANDOM ROUTINE BAG SEARCH SCHOOL PLANAPPENDIX: RANDOM ROUTINE BAG SEARCH SCHOOL PLAN

APPENDIX: CONFISCATION SLIP FOR PROHIBITED ITEMSAPPENDIX: CONFISCATION SLIP FOR PROHIBITED ITEMSAPPENDIX: CONFISCATION SLIP FOR PROHIBITED ITEMS

APPENDIX: CONFISCATION SLIP FOR VIOLATION OFAPPENDIX: CONFISCATION SLIP FOR VIOLATION OF RESPONSIBLE USE OF PORTABLE ELECTRONIC DEVICE POLICYRESPONSIBLE USE OF PORTABLE ELECTRONIC DEVICE POLICY APPENDIX: CONFISCATION SLIP FOR VIOLATION OF RESPONSIBLE USE OF PORTABLE ELECTRONIC DEVICE POLICY