Alfonso Integratd High School

Created in Canva

MGA ALITUNTUNIN NG MGA MAG-AARAL SA KAGANDAHANG ASAL, ANTI-BULLYING AT CHILD PROTECTION POLICIES Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON Alfonso Integratd High School Alfonso, Cavite

Halaw mula sa Tagaytay City National High School Isinalin sa wikang Filipino nina: G. Cris Noel U. Aure Gng. Janet P. Manlapaz Gng. Melanie R. Poblete G. Edilberto D. Vicedo Jr. Nirebisa ni: Gng. Chery Lyn D. Malco Lay-out ni: G. Renato Jr. M. Malco Nagwasto ng sipi: Gng. Yolanda B. Mojica

Vision We dream of Filipinos who passionately love their country and whose values and competencies enable them to realize their full potential and contribute meaningfully to building the nation. As a learner-centered public institution, the Department of Education continuously improves itselfto better serve its stakeholders. To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture-based, and complete basic education where: Students learn in a child-friendly, gender-sensitive, safe, and motivating environment. Teachers facilitate learning and constantly nurture every learner. Administrators and staff, as stewards of the institution, ensure an enabling and supportive environment for effective learning to happen. Family, community, and other stakeholders are actively engaged and share responsibility for developing life- long learners. 01 Mission

I. Panimula II. Kodigo ng Asal III. Patakaran ng Paaralan sa Pagtanggap ng Panauhin Ang handbook ng paaralan ay nagsisilbing gabay para sa lahat ng mag-aaral upang malinaw na maunawaan ang mga alituntunin at regulasyon na umiiral sa loob ng institusyon. Layunin nitong ipakita ang mga pamantayan ng disiplina, kaligtasan, at respeto na inaasahan mula sa bawat mag-aaral. Sa pamamagitan ng dokumentong ito, nagiging mas organisado ang pamamahala ng paaralan at mas nagiging maayos ang ugnayan ng mag-aaral, guro, at pamunuan. Alituntunin 1. Gawi at Asal ng Mag-aaral Alituntunin 2. Pagsusuot ng Pampaaralang Kasuotan/Uniporme kasama ang ID. Alituntunin 3. Pagdalo sa Klase at Pagpasok sa Takdang Oras Alituntunin 4. Antas ng Paglabag at Parusa (Violations and Sanctions) Magaang Paglabag Mabigat na Paglabag Matinding Paglabag Higit na Matinding Paglabag IV. Patakaran para sa Proteksiyng Pambata at Anti-Bullying V. Hakbang sa Pagtataas ng Kaso sa mga tamang opisinas VI. Kasunduan ukol sa School Learner Rights and Protection VII. Kalakip na mga dokumento a. Confiscation Slip (Annex F) For Prohibited Items b. Confiscation Slip (Annex J) For Electronic Device c. Mga Padron ng Kasunduan (Templates) - First Violation - Second Violation - Third Violation

Our Value I. PANIMULA Bilang isang institusyong pang-edukasyonal, ang paaralan ay may mandato na bumalangkas ng sariling patakaran na may kaugnayan sa itinakdang pamantayan ng gawi at asal na inaasahang susundin ng mga mag-aaral. Kung gayon, ang bawat mag-aaral ay kinakailangang may patnubay ng itinakdang pamantayan ng gawi at asal habang sila ay nasa ilalim ng nasasaklawan ng paaralan. Ang lahat ng mag- aaral ng Alfonso Integrated High School, anuman ang kanilang katayuan ay nasasakupan ng patakarang ito at ang anumang uri ng paglabag na gagawin ay hahantong sa aksiyong pagdidisiplina na nakabatay sa umiiral na patakaran ng DepEd at sa ibang may kinalamang batas sa kapakanan at poteksiyon ng mga bata. Ang Lupong Pandisiplina, kasama lahat ng guro at kawani ng paaralan ay may mandato, kapangyarihan, pananagutan at katungkulan para sa paglikha ng kapaligirang kaaya-aya sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga naatasan ng katungkulan ay ipinapalagay na otoridad sa pagganap ng kanilang tungkulin. Ang Lupon, kung magkagayon ay binibigyang ng kapangyarihan sa pagtitiyak at pagpapatupad nang nararapat na hakbang na itinatadhana sa patakaran at tuntunin ng paaralan. Sa pagganap nang tamang pagpapasya na ipinagkakaloob sa Lupon, ang lahat ng iniharap na ulat at mungkahi ng mga opisyal ng iba’t ibang antas ay ituturing na pantulong at patnubay para sa wastong batayan ng pantay at makatarungang pagpapasya. II. KODIGO NG ASAL Pinagkunan: Deped Order No. 006, 2.2026: Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment ALITUNTUNIN 1. Gawi At Asal Ng Mag-Aaral Ang mga mag-aaral ay inaasahang magpakita nang tamang gawi at asal sa loob ng paaralan bilang bahagi ng kanilang paghubog bilang mabuting mamamayan. Kabilang dito ang pagiging magalang sa guro, kapwa mag-aaral, at iba pang kawani ng paaralan, pati na rin ang pagsunod sa mga patakaran at regulasyon na ipinatutupad. Ang pagpapakita ng disiplina sa oras, pananamit, at pagganap ng tungkulin ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan. Bukod dito, nararapat na isabuhay ng mga mag-aaral ang pagrespeto sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan at wastong paggamit ng pasilidad ng paaralan. Sa kabuuan, ang tamang gawi at asal ay hindi lamang nakatutulong sa maayos na pamumuhay sa loob ng paaralan kundi nagsisilbing pundasyon ng kanilang pagkatao at pakikisalamuha sa lipunan.

Ang bawat MAG-AARAL ay DAPAT: 1.Makitungo sa lahat ng guro nang pantay-pantay at may paggalang sa dignidad. 2.Lumapit sa gurong tagapayo o sinuman sa miyembro ng School Learner Rights and Protection Committee ng paaralan kung may karanasan sa loob ng paaralan na naghatid ng pangamba o peligro na idinulot ng kapwa kamag- aral, guro o kawani. 3.Gumalang at makitungo sa kapwa mag-aaral nang may dignidad. 4.Tumanggi sa alok o paghikayat para sa pangyayari o sitwasyong hindi karapat-dapat o kanais-nais (halimbawa: pagtanggi sa masasamang gawain na magdudulot ng masama sa kapwa). 5.Sumunod sa guro sa lahat ng panahon kung ito ay may kinalaman sa akademikong pagkatuto. Ang bawat MAG-AARAL ay HINDI MAAARING: 1.Mangutya o gumamit ng salitang nagpapakita ng kawalang paggalang sa kawani/empleyado ng paaralan o kapwa mag-aaral katulad ng paggamit ng bansag o palayaw sa kahit na anong pamamaraan kagaya ng text messaging, social media at iba pa (Iwasan ang lahat ng uri ng pambu-bully o pangugutya sa kapwa mag-aaral, guro at kawani ng paaralan). 2.Gumamit ng mobile phone sa paaralan maliban kung may pahintulot ng guro na gamit sa kanilang pag-aaral. 3.Magtungo sa bahay ng guro, faculty room at iba pang silid-tanggapan na walang permiso o sapat na dahilan. 4.Manigarilyo/paggamit ng vape o uminom sa loob ng paaralan o isandaang metro sa labas ng paaralan, at pumasok ng nakainom ng alak. 5.Gumamit, magdala o magbenta ng ipinagbabawal na gamot o marijuana, sigarilyo/vape/e-cigarette sa paaralan. 6.Makitungo sa kapwa mag-aaral na maaaring humantong sa sekswal na pang-aabuso katulad ng paghipo sa maseselang parte ng katawan, magbiro nang may temang sekswal, magdala o manood ng pornographic materials o video at iba pang katulad nito.

06 Unang Uri ng Uniporme (Type A) a. Junior High School Batay sa Itinadhana ng Paaralan BOYS Light gray polo with school patch. Black Pants White socks Black Shoes and not black rubber shoes GIRLS Light pink sleeve with pink checkered ribbon with logo on the left part of the uniform. Belt like type on the upper uniform. Pink checkered skirt. White regular socks Black Shoes BOYS Light gray polo with school patch and with gray sleeve lines. Black Pants White socks Black Shoes and not black rubber shoes GIRLS Light pink sleeve with pink checkered ribbon with logo on the left part of the uniform. Belt like type on the upper uniform. Pink checkered skirt. White regular socks Black Shoes Regular Class Science Class ALITUNTUNIN 2. Pagsusuot ng Pampaaralang Kasuotan/Uniporme kasama ang ID. Seksyon I. Kasuotang Pampaaralan/ Uniporme Ang mga mag-aaral ay inaasahang magsuot ng itinakdang uniporme /tamang kasuotan sa lahat ng oras ng kanilang pananatili sa loob ng paaralan.

b. Senior High School BOYS White polo with black necktie. Tucked-in) Light gray chaleco vest with school patch on the left. Black Pants White socks Black Shoes and not black rubber shoes GIRLS White polo with pink chekered necktie. Tucked-in) Light gray chaleco with school patch on the left. Pink checkered skirt. White regular socks Black Shoes BOYS White polo without pocket but instead a school patch with black necktie.(Tucked-in) Black Pants Black socks Black Shoes and not black rubber shoes GIRLS White polo with sleeve buttons in each side; with school patch. Tucked-in) Maroon scarf on the left side. Gray skirt below the knee with 3 flitz. At least 1-inch heel black shoes with skin color/nude color sock or stockings. Special Class Ang cross dressing ay mahigpit na ipinagbabawal. Ikalawang Uri ng Uniporme (Type B) A. Junior High School Itinakdang kasuotan/uniporme ng mga pangkat/samahan (sa tagubilin ng tagapayo) B. Senior High School Unipormeng Pang-Immersion (Maayos na pantalon, puting pangtaas at rubber shoes)

LALAKI BABAE Malinis at disenteng gupit ng buhok. 3x4 na gupit na hindi makapal ang ibabaw. Walang ibang kulay ang buhok. Walang ibang kulay ang buhok. Ikatlong Uri ng Uniporme (PE) Ang itinakdang uniporme sa PE class ay kailangan lamang isuot sa takdang araw ng nasabing asignatura. Seksyon 2: TAMANG KAAYUSAN NG BUHOK Mahigpit na ipinagbabawal din ang paglalagay ng anumang ahit sa ulo at kilay upang hindi makaagaw ng atensyon sa ibang mag-aaral. Ang pagsusot ng Identification Card ay mahalaga sa paaralan bilang pagsunod sa alituntunin ng paaralan at magsisilbing pagkakakilanlan ng mag-aaral, kung kaya’t: A. Nararapat na magsuot ng ID sa lahat ng pagkakataon. B. Pinagkalooban ang bawat mag-aaral ng ID upang magkaroon sila ng pagkakakilanlan sa loob ng paaralan na hindi humingi ng kaukulang bayad kung kaya't inaasahan na ito ay pangangalagaan ng mga mag-aaral. C. Kapag ang nasabing ID ay nawala at hindi mahanap sa anumang kaparaanan, ito ay nararapat na ipagbigay alam sa kanilang gurong tagapayo upang ito ay mapalitan ngunit sa pagakakataong ito babayaran nila ang karampatang halagang itinakda. D. Anumang palamuti at stickers na ididikit sa kanilang ID ay mahigit na ipinagbabawal. Seksyon 3: IDENTIFICATION CARD (ID)

ALITUNTUNIN 3. Pagdalo sa Klase at Pagpasok sa Takdang Oras Seksiyon 1: KAHULUGAN NG ATTENDANCE A. Present (Nakasama/Dumalo): Ang mag-aaral ay pisikal na nasa loob ng silid-aralan o nakadalo sa itinakdang online class sa buong oras ng klase. B. Absent (Liban): Ang mag-aaral ay hindi nakapasok sa klase sa itinakdang oras. C. Tardy (Huli): Ang mag-aaral ay dumating sa klase pagkatapos ng itinakdang oras ng pagsisimula. D. Cutting Classes (Pagliban sa Klase nang Walang Paalam): Ang mag- aaral ay lumiban sa isang partikular na klase o mga klase sa loob ng araw ng paaralan nang walang pahintulot ng guro o awtoridad ng paaralan. Ito ay itinuturing na grave offense. E. Over the Bakod: Ang mga mag- aaral ay nagpumilit na lumabas sa paaralan nang walang pahintulot ng awtoridad. Seksiyon 2: PAGPASOK SA KLASE AT PAARALAN Nararapat na dumalo nang maagap at regular ang bawat mag-aaral sa kanilang klase. Sa mga pagkakataon ng pagliban sa klase lalo at ito ay di maiiwasan, kinakailangang magsumite ng liham na nagpapaliwanag ng kadahilanan ng pagliban sa klase pirmado ng kanilang magulang o tagapangalaga. Kapag ang mga mag-aaral, ay dumating nang lagpas sa oras na itinakda para sa unang asignatura/sabjek sa umaga o tanghali, ipaaalam ito ng gurong tagapayo o gurong tagapamatnubay sa magulang o tagapangalaga. Ang sumusunod ay itinuturing na paglabag sa polisiya, alituntunin at tuntunin sa Atendans at Pagiging Maagap. A. Madalas na pagiging huli sa klase (Habitual Tardiness) (Ang mga mag- aaral ay itinuturing na huli (LATE) sa klase kapag siya ay dumating sa klase ng 5 minuto pagkatapos ng takdang oras sa bawat asignatura.) - Isa o dalawang (1-2) araw na pagliban/pagpasok nang huli sa klase - Magdala ng sulat galing sa magulang at pirmado ng gurong tagapayo. - Sa pangatlong pagkakataon na pagliban/pagpasok nang huli sa klase - Magkakaroon ng community service kung hindi katanggap-tanggap ang dahilan. - Kung dahil naman sa karamdaman, KAILANGAN na magsumite ng medical Certificate kasabay ng pagpasok.

B. Hindi pagdalo sa oras ng klase (Cutting Classes) C. Madalas na pagliban sa klase (Absenteeism) 1. Hindi hihigit sa sampung (10) araw na magkakasunod maaaring lumiban ang mga mag-aaral. 2. Kapag humigit sa ibinigay na bilang ng araw ng pagliban sa klase, ang mag- aaral at ang kanyang magulang o tagapangalaga ay maaring ipatawag sa kalinawan ng sitwasyon tingkol sa attendance. 3. Kung ang mag-aaral ay may bilang na apatnapung (40) beses ng pagliban sa buong isang taon, maaring ibilang ang mag-aaral na huminto na sa pag- aaral (dropped out) maliban na lamang kung may matibay na dahilang ibinigay at ito ay nararapat makaabot sa kaalaman ng gurong tagapayo sa pamamagitan ng liham o text ng magulang o tagapangalaga. Seksyon 3: HINDI PAGDALO SA FLAG CEREMONY Ang flag ceremony ay isa sa pinakamahalagang gawain sa paaralan na hindi lamang simpleng ritwal kundi isang makabuluhang bahagi ng paghubog sa kabataan. Ito ay importante dahil ito ay: Pagpapakita ng nasyonalismo – Ang pag-awit ng pambansang awit at paggalang sa watawat ay nagpapalalim ng pagmamahal sa bayan at pagkakakilanlan bilang Pilipino. Pagpapatibay ng disiplina – Ang maayos na pagdalo at pagsunod sa mga panuntunan ng seremonya ay nagtataguyod ng disiplina at respeto sa mga alituntunin ng paaralan. Pagkakaisa ng komunidad – Ang sabayang pagdalo ng guro at mag-aaral ay nagpapakita ng pagkakaisa at kolektibong pagkilos tungo sa iisang layunin. Paglinang ng respeto – Ang pagbibigay-galang sa watawat ay tanda ng respeto sa kasaysayan, kultura, at mga sakripisyo ng mga bayani. Pagpapalakas ng pagkatao – Ang regular na pagdalo sa seremonya ay nakatutulong sa paghubog ng karakter, pananagutan, at malasakit sa kapwa. Ang hindi pagdalo sa nasabing oras ay may kaukulang disiplina na nakasalig sa patakaran ng paaralan maliban sa mga mag-aaral na nag-uumpisa ng 6:30 ng umaga sa kanilang klase.

ALITUNTUNIN 4. PAGDISIPLINA SA MGA MAG-AARAL SA LOOB NG PAARALAN Seksyon 1: ANTAS NG PAGLABAG AT PARUSA (VIOLATIONS AND SANCTIONS) Ang Alfonso Integrated High School (AIHS) ay may karapatang magpatupad ng anumang disiplina sa mga mag-aaral na lumalabag sa patakaran ng paaralan. Maaaring magkaroon ng “sanction” o “intervention” ang isang mag-aaral na mapatutunayang lumabag sa patakaran ng paaralan na may mabigat na kasalanan. Ang sumusunod ay ang mga itinuturing na paglabag sa polisiya at tuntunin ng paaralan kaugnay ng tamang asal at pag-uugali ng mga mag-aaral. MGA MAGAGAANG NA PAGLABAG (FIRST LEVEL - MINOR OFFENSE) 1.Pagpasok nang huli sa oras ng klase ng 2-3 beses. 2.Madalas na pagliban sa klase nang walang abiso sa guro. 3.Paggamit ng mga electronic gadgets at iba pang kagamitang pangmusika na hindi pinahihintulutan ng guro. 4.Pagsusuot ng maraming palamuti sa katawan tulad ng hikaw at iba pa. 5.Pagsusuot ng hairbands sa mga kalalakihan at sumbrero sa loob ng paaralan. 6.Pagpasok sa mga lugar na hindi pinahihintulutang puntahan (off limits premises) 7.Pagkakalat at maling pagtatapon ng basura. 8.Paglalagay ng makapal na make- up, nail- polish extension, fake nails at contact lens maliban kung kinakailangan. 9.Hindi pagsusuot ng ID. 10.Hindi pinahihintulutang pagpapaskil sa mga dingding ng paaralan. 11.Paglikha ng ingay o pagsigaw sa labas ng silid habang may nagkaklase. 12.Hindi pagsunod sa itinakdang gupit at kulay ng buhok. 13.Hindi pagsusuot ng tamang kasuotang pampaaralan 14.Hindi pagdalo sa flag ceremony ng dalawang beses. 15.Paglalagay ng ibang kulay sa buhok. 16.Pagsusuot ng sumbrero sa loob o labas ng silid-aralan. 17.Pagpunta sa school building, ibang classroom, at corridor/ hallway na hindi kinabibilangan ng may 2-3 beses. 18.Pagdadala ng vape or e-cigarette sa loob ng silid-aralan, sa loob ng paaralan, o habang may gawaing pampaaralan 19.Pagmumura sa loob o labas ng paaralan na may koneksiyon sa gawaing pampaaralan. 20.Pagpapakalat ng maling impormasyon na maaring magdulot ng kaguluhan at kalituhan sa paaralan. 21.Pakikipag-away sa loob at labas ng paaralan na hindi nagdulot ng physical injuries.

PAGLABAG SANCTION/INTERVENTION UNA Kausapin ang mag-aaral ng gurong tagapayo at ipapaalam sa pamamagitan ng pormal na komunikasyon. Maari ring magkaroon ng Community Service ang mag- aaral sa loob ng paaralan. PANGALAWA Ipatawag ang mag-aaral sa Guidance Office kasama ang magulang gamit ang “Call Slip” (Annex K) Ang mag-aaral ay magkakaroon ng kasunduan at pangako ayon sa kanyang nagawang paglabag na pirmado ng magulang, gurong tagapayo at pinuno ng konseho na maaring may karamapatang parusa tulad ng suspension ngunit may kaakibat na mga gawaing pampaaralan o community service sa itatakdang bilang ng oras ng Learner Formation Officer (LFO) Kung sakaling ang bata ay myembro ng isang organisasyon sa eskwelahan, siya ay awtomatikong maaalis sa nasabing samahan. PANGATLO Suspensiyon nang hindi hihigit sa limang (5) araw sa pagpasok ngunit may kaakibat na mga gawaing pampaaralan sa paggabay ng magulang. Kailangang maipasa ang nasabing gawain sa kanyang pagbalik sa paaralan upang tanggapin sa pagpapatuloy ng pag-aaral MGA MAGAGANG NA PAGLABAG (FIRST LEVEL -MINOR OFFENSE) MGA MABIGAT NA PAGLABAG (SECOND LEVEL – MAJOR/ SERIOUS OFFENSE) 1.Paulit-ulit na hindi pagdalo sa flag ceremony nang tatlo o higit pa. 2.Maling paggamit ng cellphone sa oras ng klase tulad ng paglalaro, panonood ng pornograpiya o malaswang video at pagsusugal. 3.Pagpapakita ng kalaswaan sa publiko (tulad ng paghawak ng kamay, pagtatabi ng sobrang magkalapit sa isa’t isa at iba pang aksyong magbibigay malisya sa ibang mag-aaral. 4.Pagpapakita ng malaswang pisikal na kilos ng katawan kabilang ang hayagang pagpapakita ng pribadong bahagi ng katawan para sa layuning seksuwal.

5.Paggamit ng vape or e-cigarette sa loob ng silid-aralan, sa loob ng paaralan, o habang may gawaing pampaaralan 6.agbibigay pahintulot at pakikipagtulungan sa mga outsider na maglibot sa loob ng paaralan nang walang opisyal na pahintulot mula sa kawani ng paaralan. 7.Pagsusugal sa kahit anong pamamaraan (maging pag- iingat ng mga gamit sa pagsusugal). 8.Paninira ng gamit ng paaralan/ pagsira, pagsusulat, pagguhit o pagpinta sa mga upuan, dingding, pader at iba pang gamit ng paaralan (vandalism). 9.Panunulsol o pang-uudyok ng away o kaguluhan sa paaralan. 10.Pakikipag-away sa loob at labas ng paaralan na nagdulot ng slight physical injuries sa kamag-aral, guro at kawani ng paaralan. 11.Hindi pagdalo sa oras ng klase (Cutting classes), pagtambay sa loob ng paaralan 12.Paglabas nang walang pahintulot sa pamamagitan ng pagtalon sa bakod ng paaralan (over the bakod) 13.Pagpapakilala ng hindi tunay na magulang o tagapangalaga sa kahit sinong tao na may karapatan sa paaralan. 14.Pananakot sa kapwa mag-aaral guro o sa ibang kawani ng paaralan at maging sa mga panauhin.(threatening) 15.Kawalan ng paggalang sa pananalita o mga kilos na may posibilidad na maglagay sa sinumang miyembro ng administrasyon, mga guro at mga tauhan sa kahihiyan. (student to teacher) 16.Pagnanakaw, pangunguha ng gamit o pagmamay-ari ng kaklase sa loob at labas ng paaralan. 17.Pagsubaybay o pang-uusig sa loob ng silid-aralan, sa loob ng paaralan, o habang may gawaing pampaaralan (Stalking). 18.Pananakot o pagbabanta laban sa mga kawani ng paaralan o mag-aaral, na maaaring sa pamamagitan ng elektronikong kagamitan o sa paggamit ng mga platapormang panlipunan (social media). PAGLABAG SANCTION/INTERVENTION UNA Suspensiyon nang hindi hihigit sa limang (5) araw sa pagpasok ngunit may kaakibat na mga gawaing pampaaralan sa paggabay ng magulang. Kailangan na maipasa ang nasabing gawain sa kanyang pagbalik sa paaralan upang tanggapin sa klase. Maaari ring irekomenda sa Social Welfare Development Office (DSWD) kung kinakailangan. Kung sakaling ang bata ay myembro ng isang organisasyon sa eskwelahan, siya ay awtomatikong maaalis sa nasabing samahan. MGA PAMAMARAAN NA MAAARING GAWIN SA MGA MABIGAT NA PAGLABAG (SECOND LEVEL – MAJOR/ SERIOUS OFFENSE)

PANGALAWA Non- readmission at maaari ring irekomenda sa Social Welfare Development Office (DSWD) kung kinakailangan. PANGATLO Rekomendasyon sa pagpapalipat sa ibang paaralan at maaari ring irekomenda sa Social Welfare Development Office (DSWD) kung kinakailangan. Paalaala: Ang mag-aaral na makakalabag sa mga nabanggit na paglabag ay maaring tapusin ang taong panuruan ngunit sa susunod ay inirerekomenda ang paglipat sa ibang paaralan. MGA MATINDING PAGLABAG 1.Pagsali at pangangalap ng kasapi ng fraternities/sororities, gang, initiation/hazing. Mula sa Deped Order No. 7, series of 2006, R.A. No. 8049 (Anti- Hazing Law of 1995) RA 11053 (Anti-Hazing Act of 2018) 2.Pag-iingat o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, marijuana, shabu o iba pang nagdudulot ng adiksyon. 3.Pangingikil o sapilitang panghihingi ng pera sa ibang mag- aaral o pagnanakaw sa kahit anong pamamaraan. 4.Iligal na pagpasok sa isang lugar na ang layunin ay pagnanakaw. 5.Pamemeke ng anumang dokumento at iba pang tala o rekord ng paaralan. 6.Pagpapakita ng kalaswaan sa harap ng publiko o indecent proposal (tulad ng pagpapakita ng maselang bahagi ng katawan, malaswang bagay, pagyayakapan, malaswang gawa at iba pa) para takutin, mang-insulto, abusuhin o apihin ang isang tao. 7.Pandaraya sa kahit anong paraang pang-akademiko (cheating). 8.Pagdadala o paggamit ng paputok sa loob ng paaralan. 9.Pagdadala, pagpapakita, panoood at pamimigay ng pornograpikong bagay o video sa loob ng paaralan 10.Pagdadala o pagmamay- ari ng mga nakakamatay na sandata (deadly weapon tulad ng kitchen knife, brass knuckles, handgun at iba pang gamit na maaring magamit sa pananakit). 11.Pagdadalan ng inuming nakakalasing sa loob ng paaralan. 12.Pangunguna sa paglahok sa anumang away at pananakit ng ibang mag- aaral. 13.Pakikipag- away sa loob at labas ng paaralan na nagging dahilan ng serious physical injuries. (THIRD LEVEL – MORE SEVERE OFFENSE)

PAGLABAG SANCTION/INTERVENTION UNA Non- readmission at maaari ring irekomenda sa Social Welfare Development Office (DSWD), PNP kung kinakailangan. PANGALAWA Rekomendasyon sa pagpapalipat sa ibang paaralan at maaari ring irekomenda sa Social Welfare Development Office (DSWD) kung kinakailangan. MGA PAMAMARAAN NA MAAARING GAWIN SA MGA MABIGAT NA PAGLABAG (THIRD LEVEL – MORE SEVERE OFFENSE) For School Personnel: Any personnel who commit the aforementioned acts shall be subject to appropriate administrative actions and/ or sanctions on accordance with the existing rules and regulations of the Department of Education or in the private school, without prejudice to any civil or criminal action. Para sa mga kawani ng paaralan: Ang sinumang kawani na gumawa ng nabanggit na mga gawain ay sasailalim sa nararapat na mga hakbang administratibo at/o kaparusahan, alinsunod sa umiiral na mga tuntunin at regulasyon ng Kagawaran ng Edukasyon o ng pribadong paaralan, nang hindi nakakaapekto sa anumang kasong sibil o kriminal na maaaring isampa. 14.Pagpasok sa paaralan ng lasing o pagdadala ng alak sa loob ng paaralan. 15.Paggamit o pagmamay- ari ng sigarilyo, vape at pagbebenta nito sa loob ng paaralan. 16.Pagpatay sa loob at labas ng paaralan katulad ng pagsasagawa ng hazing sa anumang paraan, sa loob or labas man ng paaralan. 17.Seksuwal na pagsasamantala, seksuwal na pag-atake, o panggagahasa na nagaganap sa loob man o labas ng paaralan. 18.1Pag-upload at pagbabahagi ng sarili o ng ibang estudyante ng naitalang live na video, larawanm o boses na may seksuwal na nilalaman sa social media or online sex for sale.

III. PATAKARAN NG PAARALAN SA PAGTANGGAP NG PANAUHIN Ang sinumang panauhin ay nararapat na itala sa logbook ng paaralan ang kanilang pangalan, lagda, petsa, oras at layunin ng pagdalaw. Ang lahat ng panauhin ay aatasang magsuot ng ID para sa mga bisita at kinakailangang nakikita ito sa buong panahon ng pagdalaw. Gayunman, ang mga panauhin ay hindi maaaring: 1.Makipag-usap sa mga mag-aaral nang walang kaharap na mga guro o kawani ng paaralan. 2.Pumasok sa loob ng paaralan na nasa ilalim ng impluwensiya ng inuming nakalalasing at iba pang katulad nito, kabilang dito ang pagdadala ng sigarilyo/vape. 3.Makipag-usap nang mahalay at may paggamit ng malalaswa at masakit na salita na maaring makapagpahiya sa mag-aaral. 4.Mang-abala o kausapin ang mag-aaral sa oras ng klase. 5.Pumasok sa paligid ng paaralan nang hindi nagsusuot nang tamang kasuotan gaya ng shorts, spaghetti strap, plunging neckline, mini-skirt, sleeveless, at mga katulad nito ay mahigpit na ipinagbabawal, kapag dadalaw o makikipag- ugnayan sa sinumang kawani ng paaralan. Ang sinumang panauhin ay maaring lamang makapasok kung may appointment na dadaluhan sa paaralan. Maaari silang manatili sa holding area ng paaralan hanggang sunduin o bigyan ng hudyat ng gurong tagapayo kung saan ang mismong lugar ng pagkikita. IV. PATAKARAN PARA SA PROTEKSIYONG PAMBATA AT ANTI- BULLYING Paghahalaw sa Polisiya ng Anti- Bullying Alinsunod sa DepEd Order No. 55 s. 2013 na kilala sa tawag na ”Implementing Rules and Regulation (IRR) of Republic Act No. 10627 o Anti- Bullying Act of 2013”, ang Alfonso Integrated High School ay gagamitin ang polisiyang ito upang masolusyunan ang pag- iral ng bullying sa loob ng paaralan. Ito ay patuloy na isasaayos at magsasama ng mga probisyon sa mga ipinagbabawal na gawain, programa ng pag- iwas, mekanismo at pamamaraan.

Seksyon I. Kahulugan ng mga Tuntunin – Tulad ng nabangit sa polisiyang ito, ang mga sumusunod na tuntunin ay dapat tukuyin bilang: A.Bullying - tumutukoy sa malala o paulit- ulit na paggamit ng isa o maraming mga mag- aaral sa pasulat, pasalita o elektronikong pagpapahayag, pisikal na pagkilos o ang pagsasama- sama ng mga ito laban sa ibang mag- aaral na nagiging epekto ng kanilang pagkatakot na masaktan pisikal man emosyonal o pagkasira sa kanyang ari- arian; paglikha ng isang hindi kaaya- ayang kapaligiran sa paaralan para sa mga mag- aaral; paglabag sa mga karapatan ng iba pang mag-aaral sa paaralan; at ang pagkatawan sa lubusang pagkasira sa proseso ng edukasyon o sa maayos na operasyon ng isang paaralan; tulad ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod: 1.Ang anumang hindi kanais-nais na pisikal na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng bully at biktima tulad ng pagsuntok, pagtulak, pagsalya, pagsipa, pagsampal, pangingiliti, pagsakal, pagbibiro sa paaralan, panunukso, pakikipaglaban at paggamit ng anumang bagay bilang mga sandata; 2.Anumang gawi na nagdudulot ng kapinsalaan sa pag-iisip ng isang biktima o emosyonal na kalagayan; 3.Anumang mapanlinlang na pahayag o akusasyon na nagdudulot sa biktima ng hindi kanais-nais na emosyonal na pagkabalisa tulad ng paggamit ng masamang salita o kalapastanganan sa tao, pagbibigay ng ibang pangalan, pagtuligsa at pagkomento ng negatibo sa hitsura, damit at katawan ng biktima; 4.“Cyber- bullying” o ang pambubulas gamit ang teknolohiya o elektronikong pamamaraan. Kasama rin sa alituntunin ang anumang pag-uugali na nagreresulta sa panggigipit, pananakot o pagpapahiya, sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang mga anyo ng teknolohiya, ngunit hindi limitado sa pagtetext, pag- email, pakikipag-chat, pag- internet, pag gamit ng social media, online games, o iba pang mga plataporma o ayos na tumutukoy sa DepED Order No. 40, s. 2012; at 5.Iba pang anyo ng bullying na nakapaloob sa patakaran sa proteksyon ng bata sa paaralan o patakarang laban sa bullying (Child Protection and Anti- Bullying Policy), alinsunod sa DO No.55, s. 2013 o ang IRR. B. Ang terminong “bullying” ay nangangahulugan ding: 1.“Social bullying” - ay tumutukoy sa anumang sinadya, mapanikis, paulit-ulit, at agresibong pag-uugali laban s kapwa na may layong sadyang pananakit o pagmamalabis sa ibang tao o sa isang grupo. 2.Gender- based bullying” - ay tumutukoy sa anumang gawa na nagpapahiya o nagbubukod sa isang tao batay sa pinaghihinalaan o aktwal na oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian. C. “Bully” - ay tumutukoy sa sinumang mag-aaral na nang-aapi sa kapwa mag- aaral gaya ng nilinaw ng DO No.55, s. 2013 o ang IRR. D. “Bullied” o “Biktima” - ay tumutukoy sa sinumang mag-aaral na nakakaranas ng mga gawaing pang-aapi o paghihiganti gaya ng nilinaw ng DO No.55, s. 2013 o ang IRR.

Seskyon II. Ipinagbabawal na Gawi At karampatang pagtatama sa asal Ang Anti-bullying policy ay ipinagbabawal ang: 1.Bullying o pambubulas sa mga sumusunod: a. School ground o paligid ng paaralan Mga lugar na malapit at nasasakupan ng paaralan. Mga activities o gawain ng paaralan na ginaganap sa loob o labas ng eskwelahan. Sa mga sasakyang gamit ng paaralan, pag-aari man o nirentahan. 2.Bullying sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya o anumang electronic device at iba pang uri ng midya. 3.Pagganti sa mga tao na nag-ulat, nagpakita ng ebidensya patungkol sa pambubulas, o sa mga taong nagsilbing saksi o nakakaalam ng pangyayari.

MGA HAKBANGIN SA PAGBIBIGAY NG KARAMPATANG DISIPLINA PARA SA IBA’T- IBANG URI NG PAGLABAG: 1.Magaang paglabag (minor violations/offenses)– para sa una at pangalawang paglabag na ginawa sa loob ng silid aralan, ito ay lulutasin ng tagapayo kasama ang magulang ng batang sangkot. 2.Mabigat na paglabag (major violations/ offenses)- Haharapin at isasaayos ng Tagapayo, Tagapangulo ng Bawat Baitang. Kung sakaling hindi maisaayos ang problema sa dahilang nangangailangan ng higit pang imbestigasyon at rekomendasyon, maaari nang itaas sa Designated Guidance Advocate o Tanggapan ng Punongguro. 3.Lahat ng kasunduan sa paglabag ay itatala sa “Record notebook” ng tagapayo o Tagapangulo ng Baitang ng pagdidisiplina. 4. Lahat ng kaukulang hakbang o karampatang pagdidisiplina sa ilalim ng letrang d, e, f at g ay pagdedesisyunan ng Learner Formation Group at ng Punongguro. a. Babala/mahigpit na pangaral (para sa minor at major na pagkakasala- ito ay lulutasin sa loob ng silid-aralan kasama ang Tagapangulo ng Baitang. b. Interview/Counseling (para sa pagkakasala na nangangailangan ng pagpapayo sa rekomendasyon ng Tagapangulo sa pagdidislina na nakatalaga sa Baitang. c. Pakikipagpulong sa magulang o tagapangalaga at pagbisita sa bahay ng mag-aaral. Ang pagbisita sa bahay ng mag-aaral ay gagawin kung ang magulang o tagapangalaga ng batang nagkasala ay hindi darating kung may patawag o kung kinakailangan. d. Pagtatamang hakbang sa tahanan. e. Limitasyon ng pribilehiyo ng mag-aaral f. Pagsuspinde sa pribilehiyo ng mag-aaral na makilahok sa mga gawaing pampaaralan sa itakdang oras. g. Ipinapayo ang paglipat ng paaralan para sa bagong kapaligiran (para sa mag-aaral na patuloy na lumalabag)

Hakbang ng pagtataas ng kaso o Due process mula sa guro hanggang sa punong guro. 1.Kung nagkaroon nang kaguluhan sa loob ng silid-aralan, ang gurong tagapayo ang in-charge na maiayos ito. 2.Ngunit kung ang kaso sa loob ng paaralan ay hindi mabigyang solusyon o aksyon ng gurong tagapayo, ang grade level chairperson ay maaring manghimasok sa usapin para matulungan ang gurong tagapayo hinggil sa usapin ng mag-aaral. 3.Kung sa pagkakataon na ang grade level chairperson ay magpasya na kakailanganin ang tulong mula sa guidance designates, maaari niyang dalhin ang usapin o kaso ng mag-aaral para mabigyan ng guidance at mga paalaala ang ito. 4.Sa pagkakataon na ang mag-aaral ay hindi pa rin nakasunod o lumabag sa alituntunin ng paaralan, maari siyang mapatawan ng parusa/sanction ng miyembro ng Learner Formation Group batay sa bigat ng nalabag na polisiya. Ang maipapataw na parusa ay naayon sa handbook na ito at sa Deped Memorandum. 5.Matapos ang pag-uusap mula sa gurong tagapayo hanggang sa Learner Formation Officer, ang aksyon na gagawin ay ipapaalam sa punongguro ng paaralan sa pamamagitan ng kasunduan ng mag-aaral, magulang, gurong tagapayo at ng guidance designate. Paalaala: Kung ang mag-aaral ay dumiretso sa pagtataas na kaso o pagsusumbong sa guidance designates ng paaralan, ito ay magiging katanggap tanggap kung ito ay URGENT. Walang malalabag sa due process ang guidance designates dahil sa katagang URGENT o higit na kinakailangan ng pansin.

SCHOOL LEARNER RIGHTS AND PROTECTION Ako si , ay nabasa at naunawaan ang mga nakasaad na panuntunan sa AIHS School Learner Rights and Protection. Sumasang-ayon ako sa mga prinsipyo na nakasaad dito at tinatanggap ko ang kahalagahan ng pagpapatupad ng School Learner Rights and Protection. Susundin ko ang mga nakasaad dito sa buong panahon na ako ay bahagi ng Alfonso Integrated High School. Nauunawaan ko na ang aking paglagda sa kasunduang ito ay nangangahulugan ng aking lubos na pagsang-ayon sa mga nakasaad na mga “sanction” at “intervention”. Gayunpaman, hindi man ako lumagda ay may legal na pananagutan pa rin ako sa nakasaad sa DepEd Order no. 40, s. 2012. Ito ay katunayan na ang nakasaad sa binasa ay kapwa namin naunawaan ng mga magulang /guardian. Bilang mag-aaral at magulang sa ALFONSO INTEGRATED HIGH SCHOOL ay aking tutuparin ang lahat ng patakaran ng paaralang ito. Pangalan at lagda ng mag-aaral. Pangalan at lagda ng magulang Lagda ng Gurong Tagapayo Petsa Pinagtibay: LIBERTY M. FLORES, PhD Principal IV Kasunduan ng Pagsang-ayon ukol sa Alfonso Integrated School Learner Rights and Protection.

I. Kalakip na mga dokumento a. Confiscation Slip (Annex F) For Prohibited Items b. Confiscation Slip (Annex J) For Electronic Device c. Kasunduan sa Una hanggang Ikatlong Beses ng Paglabag