ngAngAlamatPinya
Noong unang panahon, may mag-ina na nakatira sa isang malayang baryo. Ang ina ay si Aling Rosa at ang nag-isa niyang anak ay si Pinang. Dahil sa sobrang pagpapalayaw, lumaking palaasa si Pinang at laging naghahanap ng dahilan kapag may inuutos sa kanya.
Isang araw, biglang nagkasakit nang malubha si Aling Rosa. Hindi siya makabangon upang magluto ng pagkain. Kaya nakiusap siya kay Pinang na magluto ng lugaw para sa kanila.
Napilitang pumunta si Pinang sa kasina, ngunit hindi siya sanay gumawa ng gawaing-bahay. Habang nagluluto ng lugaw, hindi niya mahanap ang sandok at palagi siyang nagrereklamo. Paulit-ulit niyang tinanong ang kanyang inang may sakit, "Ina, nasaan po ba ang sandok? Hindi ko po mahanap!"
Galit at abala sa pag-ubo si Aling Rosa, ngunit nagtiyaga pa rin siyang ituro kung nasaan ang mga gamit. Dahil sa ingay, pagrereklamo, at kawalan ng sipag ni Pinang, nawalan ng pasensya ang ina at sinabi, "Sana magkaroon ka ng maraming mata para makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na paulit-ulit na nagtatanong!"
Tahimik na umalis si Pinang at hindi na muling narinig ng kanyang ina. Pagkaraan ng ilang oras at nang gumaling-galing si Aling Rosa, tumayo siya upang tingnan ang kasina. Nakita niya ang lugaw na napabayaan sa kolan at ang sandok sa nakatagong sulok, ngunit wala na si Pinang.
Pagkaraan ng ilang araw, may napansin si Aling Rosa na isang kakaibang halaman na tumutubo sa kanyang bakuran. Ito ay may hugis-ulo at natatakpan ng napakaraming tila "mata." Biglang naalala ni Aling Rosa ang kanyang huling sinabi sa anak at napaiyak sa pagsisisi.
Inalagaan niya ang halaman at tinawag itong "Pinang" bilang alaala sa kanyang anak. Sa paglipas ng panahon, ang salitang Pinang ay naging "Pinya."