Aralin 7: Konseptuwal na Balangkas

PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 7: Konseptuwal na BalangkasINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10

INTEGRATED SCHOOLKONSEPTUWALKONSEPTUWAL NANA BALANGKASBALANGKAS KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

INTEGRATED SCHOOLKONSEPTUWALKONSEPTUWAL NANA BALANGKASBALANGKASKONSEPTUWAL NA BALANGKASAng konseptuwal na balangkas ay isang biswal na representasyon ng mga pangunahing konsepto sa isang pananaliksik at ng lohikal na ugnayan ng mga ito. Naglalaman ito ng mga ideya ng mananaliksik tungkol sa kaniyang pag- aaral. Ipinakikita nito kung ano ang mga pangunahing konseptong susuriin at kung paano maaaring magkaugnay ang mga ito upang matugunan ang suliranin o layunin ng pananaliksik.

INTEGRATED SCHOOLKONSEPTUWALKONSEPTUWAL NANA BALANGKASBALANGKASKONSEPTUWAL NA BALANGKASBakit Mahalaga ang Konseptuwal na Balangkas? Mahalaga ang konseptuwal na balangkas dahil: Nagbibigay ito ng direksiyon sa pananaliksik. Nagpapakita ito ng saklaw ng mga konseptong pag-aaralan. Nagpapalinaw ito ng ugnayan ng mga ideya. Nagsisilbi itong gabay sa pangangalap at pagsusuri ng datos. Nagbibigay ito ng kabuuang larawan ng pananaliksik sa maikli at biswal na paraan.

INTEGRATED SCHOOLKONSEPTUWALKONSEPTUWAL NANA BALANGKASBALANGKASKONSEPTUWAL NA BALANGKASHakbang sa Pagbuo ng Konseptuwal ng Balangkas 1. Tukuyin ang pangunahing suliranin ng pananaliksik. Balikan ang pamagat, layunin, at mga tanong sa pananaliksik upang matukoy ang pangunahing paksang nais siyasatin. 2. Kilalanin ang mga pangunahing konsepto o baryabol. Tukuyin ang mahahalagang salik na may kaugnayan sa pag-aaral. 3. Suriin ang ugnayan ng mga konsepto. Tukuyin kung paano nagkakaugnay ang mga konsepto at kung paano nakaaapekto ang isang salik sa iba pang salik batay sa layunin at teoretikal na batayan ng pananaliksik.

INTEGRATED SCHOOLKONSEPTUWALKONSEPTUWAL NANA BALANGKASBALANGKASKONSEPTUWAL NA BALANGKASHakbang sa Pagbuo ng Konseptuwal ng Balangkas 4. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga konsepto. Ipakita ang lohikal na daloy ng mga konsepto. Maaaring gamitin ang Input- Process-Output (IPO) o iba pang angkop na modelo depende sa disenyo ng pananaliksik. 5. Gumuhit ng dayagram o biswal na representasyon. Gumamit ng mga kahon, linya, at palaso upang malinaw na maipakita ang mga konsepto at ang kanilang ugnayan. Tiyaking madaling maunawaan ang direksiyon ng daloy.

INTEGRATED SCHOOLKONSEPTUWALKONSEPTUWAL NANA BALANGKASBALANGKASKONSEPTUWAL NA BALANGKASHakbang sa Pagbuo ng Konseptuwal ng Balangkas 6. Lagyan ng angkop na label ang bawat bahagi. Bigyan ng malinaw at tiyak na pangalan ang bawat konsepto o baryabol. Kung kinakailangan, magdagdag ng maikling paliwanag upang higit na maunawaan ang ipinakikitang ugnayan. 7. Suriin at rebisahin ang konseptuwal na balangkas. Tiyaking ang bawat konsepto ay may kaugnayan sa mga tanong at layunin ng pananaliksik. Iwasan ang paglalagay ng mga salik na hindi naman saklaw ng pag-aaral.

PAPELPAPEL PANANALIKSIKPANANALIKSIK PAPEL PANANALIKSIKUNANGUNANG BAHAGIBAHAGIUNANG BAHAGIAralin 7: Konseptuwal na BalangkasINTEGRATED SCHOOLG. Jio Orense, G. Erdy Falcutila at Dr. Princess Gissel Servo Filipino 10