View ANG PLUMA flipbook.
ISU-C, Isinagawa ang Mental Health Caravan para sa mga mag-aaral sa unang taonKRISTAL-CLAIRE P. SAQUINGMARK JHON D. MAGAWAYTomo 2 | Isyu 2 | Hulyo - November 2026 Ang opisyal na pahayagang Filipino ng mag-aaral ng BSEd 3B Filipino Kolehiyo ng Edukasyon, Isabela State University - Cabagan6BalitaMARK JHON D. MAGAWAYISU-C, opisyal nang pinoklama ang mga bagong Student Leaders sa ginanap na Mass Induction 2025ormal nang kinilala ng Isabela State University-Cabagan Campus (ISU-C) ang mga bagong halal na opisyal ng iba't ibang organisasyong pampag-aaral para sa Taong Panuruan 2026-2027 sa ginanap na Mass Induction sa Andaya Multi-Purpose Hall noong Setyembre 11.PBitbit ang temang “One ISU, One Legacy: United by Vision, Driven by Purpose, Committed to Leadership,” tinanggap sa naturang kaganapan ang mga lider- estudyante na nangakong paninindigan ang responsibilidad ng pamumuno sa kani- kanilang organisasyon at mag-aambag ng pagbabago sa komunidad ng ISU.Sa pambungad na pananalita, ipinaalala ni Prof. Ivy M. Tarun, Director of Academic Affairs, na kapag mabigat ang pamumuno, nakahanda ang pamunuan at ang buong organisasyon na magkaisa at lampasan ang mga pagsubok. "There will be days when leadership feels heavy, and your schedules are packed. In those moments, look at each other, look at your adviser, and remember that the entire administration has your back," pahayag ni Tarun.Samantala, ipinaalala ng panauhing tagapagsalita na si Bb. Alma Matias, RSW II at Local Youth Development Officer Designate, na ang pamumuno ay wala sa posisyon kundi sa pagbabagong maidudulot nito.Matapos ang oathtaking at pagbibigay ng sertipikasyon sa mga kinilalang organisasyon, binigyang-diin ni G. Jhon Louie M. Balatbat, Pangulo ng Supreme Student Council at Supreme Student Council Federation, na ang araw na iyon ay simula ng isang paglalakbay na nagtataglay ng pangako na higit pa sa kanilang hawak na posisyon.Sa pagwawakas ng programa, ipinaalala ni G. Rez Janroe S. Bautista, Director ng Office of Student Affairs and Services (OSAS), na ang mga lider- estudyante ay dapat maglingkod nang may disiplina, kababaang-loob, at dedikasyon."I hope that hindi ito ang una at huling pagkakataon na makikita namin kayo as student leaders. I hope that next time when you are asked to serve, when you are called to serve, and when you are needed to serve, you will be there," pagtatapos ng OSAS Director.Bilang pagdiriwang ng Suicide Prevention Month nitong Setyembre, nagsagawa ang Isabela State University- Cabagan (ISUC) ng Mental Health Caravan 2026 na may temang "Pause, Reflect, Thrive. Empowering Minds, Nurture Well-Being, Unleashing Potential" sa Andaya Multi- Purpose Hall noong Setyembre 11.Lumahok sa naturang aktibidad ang mga estudyante sa unang taon. Ito ay inorganisa ng tanggapan ng Guidance katuwang ang iba't ibang organisasyon sa kolehiyo at kampus, sa ilalim ng gabay ni Margie P. Vinasoy, Ph.D., ang Campus Guidance Counselor.Sa kaniyang pambungad na pananalita, pinaalalahanan ni Rez Janroe S. Bautista, ang Direktor ng Office of Student Affairs and Services (OSAS), ang mga bagong mag-aral na huwag matakot na humingi ng tulong at matutong huminto sandali.Ipinunto naman ni Cluster Executive Officer Prof. Jane G. Cabauatan, Ph.D., sa kaniyang mensaheng insperasyonal na ang pamamahinga ay hindi pag-uko, ang paghingi ng saklolo ay hindi kahinaan, at ang pag-aalaga sa sarili ay hindi katumbas ng pagiging makasarili.Samantala, tinalakay ng tagapagsalitang si G. Jay Paolo C. Dumlao, RPM, RGC, ang iba't ibang"You have to welcome stress, because stress allows you to grow, will allow you to develop things. Be kind to yourself when you're stressed. Yung mga coping na ginagawa mo, ginagawa mo yun for a reason. Patawarin mo ang sarili mo pag alam mong negative ang consequence," ayon kay Dumlao.Binigyang-diin din niya sa pagtatapos ng kaniyang talumpati ang kahalagahan ng pagpapahinga matapos makaranas ng stress at ang paggamit ng panahong iyon upang magnilay sa mga paraan ng pagpapabuti sa sarili.Itinampok din sa programa ang “Light of Hope: Candle Lighting Ceremony for Suicide Prevention,” na kinabilangan ng isang panalangin bilang pag- alala sa mga pumanaw dahil sa pagpapakamatay at sa mga nakaranas ng krisis na ito.Nagtapos ang programa sa pagpili ng Mr. and Ms. Mental Health Advocate 2026 na nilahukan ng mga unang taong mag-aaral mula sa kani- kanilang kolehiyo. Kinoronahan bilang Mr. Mental Health Advocate 2026 si Ivan Bernard R. Tuliao ng College of Engineering, habang si Imonah Elize M. Tamang naman ng College of Science ang tinanghal na Ms. Mental Health Advocate 2026.uri ng stress na nararanasan ng mga mag-aaral pati na rin ang mga salik at sitwasyong pinagmumulan nito.Litrato mula sa The Geyser𝗥𝗛𝗨 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜, nagbigay-linaw sa reklamo hinggil sa Emergency Assisstance at ambulansiyaLitrato mula sa Raicy RicaTUMAUINI, ISABELA — Nagbigay- linaw ang Rural Health Unit (RHU) ng Tumauini sa reklamo ng isang pamilya hinggil sa umano’y pagkaantal
Editoryal2angplumaTOMO | 2 Ang opisyal na pahayagang Filipino ng mag-aaral ng BSEd 3B Filipino Hulyo – November 2026KRISTAL-CLAIRE P. SAQUINGBawat Piso, Mahalaga: Pamilyang Pilipino sa Gitna ng mahal na Bilihin a bawat pagpasok sa palengke, tila unti-unting numinipis ang laman ng pitaka ng bawat Pilipino. Ang dating sapat na badyet para sa pagkain ng familya ay ngayo'y kailangang pagkasyahin sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, gulay, isda, karne, pamasahe at maging ang mga simpleng pangangailangan sa tahanan ay nagiging mabigat na panahin para sa maraming mamamayan. So panahong ang bawat piso ay mahalaga, hanggang kailan kakayanin ng pamilyang Pilipino ang ganitong kalagayan? S Hindi Makakaila na ang pagtaas ng presyo ng maga bilihin malaking epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga magulang na nagsisikap sa araw-araw para kumita May mga pamilyang pinagkakasya ang kanilang pera sa isang buwan para pagkasyahin sa bawat bilihin, nagtitiyaga sa murang pagkain o isinasantabi ang ibang pangangailangan upang may maihain lamang sa kapag kainan. Sa ganitong sitwasyon, hindi lamang para ang nauubos pati na rin ang lakas ng katawan at pag-asang magkaroon ng mas maginhawang buhay. Ang pagtaas mg presyo ng mga bilihin ay hindi lamang usapin ng pera, kundi usapin ng dignidad at kapakanan ng bawat pamilya Pilipino. Ang bawat piso ay bunga ng pawis at pagsisikap, kaya nararapat lamang na ito ay magkaroon ng sapat na halaga.Panahon nang kumilos, hindi lamang magsalita. Kapag hindi sapat g kinikita upang matugunan ang pagkain, kuryente, tubig at edukasyon, nararapat lamang na magkaroon ng masusing pagbabantay sa presyo ng mga bilihin pagpapatupad ng mga batas laban sa mapagsamantalang pagtaas ng presyo at mga programang Sapagkat sa gitna ng mahal na bilihin, ang tunay na sukatan ng pag- unlad ay hindi lamang ang pagtaas ng ekonomiya, kundi ang kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino na makakain nang sapat, mamuhay nang marangal, at harapin ang kinabukasan nang hindi nangangambang kapusin sa bawat piso. ng para sa kanilang pamilya ay napipilitang napipilitang magbawas mg gastusin, samantalang ang mga estudyante ay kailangang magtipid sa araw-araw. tunay ka makakatulog sa bawat pamilyang Pilipino."Teknolohiyang Ginto O Sakripisyo ng Tao?" Ang Dalawang Mukha ng Pax SilicaANALYN B. BATARAO Sa gitna ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya sa buong mundo, umiinit ngayon ang usapin hinggil sa Pax Silica —ang estratehikong hakbang na pinangunahan ng Estados Unidos upang patatagin ang suplay ng semiconductors, artificial intelligence (AI), at mga kritikal na mineral. Para sa pamahalaan, ito ay isang ginintuang pagkakataon upang ilagay ang Pilipinas sa tuktok ng pandaigdigang industriya ng makabagong teknolohiya. Ngunit sa kabilang banda, ang pangakong ito ng modernisasyon ay nag-iiwan ng matinding pangamba sa mga komunidad, magsasaka, at mga katutubo. Hindi matatawaran ang pangakong yaman ng proyektong ito. Sa balangkas ng Luzon Economic Corridor, inaasahang magdadala ito ng bilyun- bilyong dolyar na pamumuhunan at libu-libong trabaho. Subalit ang malaking tanong: Sino ang tunay na makikinabang? Habang abala ang mga opisyal sa pag-akit ng mga dayuhang opisyal sa pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan, mistulang napag- iwanan sa dilim ang taumbayan—lalo na ang mga naninirahan sa New Clark City at mga karatig-lugar na nangangambang mawalan ng kabuhayan, lupa, at malinis na tubig. Ang kawalan ng sapat at tapat na konsultasyon ang nagpapaningas sa galit ng publiko. Paano yayabong ang tinatawag na "kapayapaan sa pamamagitan ng silikon" kung ang mismong mga mamamayan ay iniiwan sa kawalan ng kaalaman? Ang pag- unlad na nakasandig sa sikreto at sapilitang lagda ay huwad na kaunlaran. Hindi natin maikakaila ang pangangailangan ng bansa na sumabay sa takbo ng makabagong panahon, ngunit hindi ito dapat mangyari sa pamamagitan ng pagyurak sa karapatan at kabuhayan ng maliliit na mamamayan . Panahon na upang gisingin ang pamahalaan: ang tunay na Pax Silica ay hindi lamang dapat nakatutok sa mga microchip at artipisyal na katalinuhan. Dapat din itong nakasalalay sa katalinuhang panlipunan—na pinapakinggan ang hinaing ng masa, pinoprotektahan ang kalikasan, at sinisigurong walang Pilipinong mapag-iwanan sa ngalan ng global na kompetisyon.
Lathalain3angplumaTOMO | 2 Ang opisyal na pahayagang Filipino ng mag-aaral ng BSEd 3B FilipinoHulyo – November 2026ARAW NG HATAW, SINING, AT PARANGAL: ANG SIGLA NG BUWAN NG WIKA SA ISU-CABAGANago pa man opisyal na magsimula ang programa noong Agosto 26,ANALYN B. BATARAOBumaalingawngaw na ang hiwayan sa loob ng Andaya Multi-purpose Hall sa Garita Heights, Cabagan.Mga boses ito ng mga estudyanteng nagmula sa iba't ibang kurso at kolehiyonna sama-samang nagtipon at nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Sa temang "Wikang Filipino at Al: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," naging saksi ang andaya sa isang makulay na araw ng talento, kultura, at pagkakaisa.Hindi rin nagpahuli ang iba't ibang kolehiyo tulad ng College of Communication and Social Sciences (CCSS) na nagpamalas ng husay sa pagtugtog ng mga instrumento. Idagdag pa rito ang kaaliw-aliw at malikhaing pampasiglang bilang ng mga mag-aaral ng Bachelor of Physical Education (BPEd) mula sa Kolehiyo ng Edukasyon, kung saan pinagsama nila ang husay sa pagkanta at nakatutuwang pag-arte na nagpatawa sa mga nanonood.Namangha ang mga manonood sa mga pampasiglang bilang na tunay na nagpayanig sa entablado. Nagbigay ng natatanging sigla ang Alab Pangkat Mananayaw at ang Kannaway Dance Troupe sa pamamagitan ng kanilang mabilis at sabay-sabay na galaw na nagpakita ng yaman ng kulturang Pilipino.Parangal at ang Kaabang-abang na Lakan at Lakambini Bukod sa mga pagtatanghal, naging highlight din ng programa ang opisyal na pagbibigay ng sertipiko at pagkilala sa mga nagwagi sa mga naunang patimpalak na natapos, tulad ng Digital at Tradisyonal na Paskilan at iba pang mga pampalakasan na naganap . Ngunit ang pinakakaabang-abang sa lahat ay ang kumpetisyon ng Lakan at Lakambini.Ang bawat kolehiyo ay may kani- kanilang pambato na buong-pusong nagrepresenta ng iba't ibang kilalang festival . Sa gitna ng makukulay at grandyosong kasuotan, ipinarating ng bawat lakan at lakambini ang kanilang mahuhusay na adbokasiya na nakatutok sa tema ng pagdiriwang-ang pagpapayaman sa Wikang Filipino kasabay ng pag- usbong ng makabagong teknolohiya at Al.Isang Unibersidad, lisang Puso Sa kabila ng pagkakaiba ng mga kurso-mula sa edukasyon, hanggang sa iba pang mga departamento- napatunayan ng mga estudyante na ang wika at kultura ang pinakamalakas na nagbubuklod sa lahat.Pagsapit ng dulo ng kaganapan, bitbit ng bawat mag-aaral ang saya, parangal, at inspirasyon. Ang selebrasyong ito sa Andaya Multi- purposeHall ay hindi lamang naging isang simpleng palatuntunan; ito ay naging malinaw na patunay na ang talentong Pilipino, kapag pinagsama-sama, ay walang katulad na nag-aalab at nagbibigay-liwanag sa kinabukasan.MAGANDANG ALAALAMICHELLE GONZALEZoong ika-26 ng Agosto 2026 ay ipinagdiriwang ng ISU-CABAGANNang Buwan ng Wika na kung saan ay may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon” na pinangunahan ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon na Medyor sa Filipino.Dito ay binigyang pansin ang modernong panahon na patuloy na umuunlad dahil sa teknolohiya, kasabay ng paglaganap ng makabagong kaalaman ang pag- usbong ng artipisyal na intelihensiya o Artificial Intelligence (AI). Sa ilang pindot lamang, maaari na tayong makakuha ng impormasyon, makabuo ng mga ideya, at makahanap ng kasagutan sa mga tanong na dati ay nangangailangan ng mahabang oras ng pananaliksik.Ngunit sa likod ng mabilis na pag- unlad na ito ay may isang mahalagang tanong na winika ng isa sa mga Panauhing Pandangal na si G. Mark John Prestoza "Paano natin magagamit ang AI upang mapalawak ang ating kaalaman nang hindi isinasantabi ang sariling kakayahang mag-isip at ang kahalagahan ng Wikang Filipino?"Ang wika ay hindi lamang instrumento ng pakikipagtalastasan. Ito ay salamin ng ating pagkakakilanlan, tagapagdala ng kultura, at sisidlan ng karunungan ng ating mga ninuno. Sa pamamagitan nito, naipahahayag natin ang ating mga kaisipan, damdamin, at pananaw sa buhay.BUWAN NG WIKA 2026LUPONG PAMATNUGUTANangplumaMARK JHON D. MAGAWAYPunong Patnugot Patnugot sa Balita Punong Taga-Anyo at Taga-Disenyo ng PahinaKRISTAL-CLAIRE P. SAQUINGANALYN B. BATARAOKatuwang na Patnugot Patnugot sa Balita Patnugot sa Opinyon Patnugot sa LathalainPatnugot sa Opinyon Patnugot sa Lathalain Patnugot sa IsportJACKIE A. DATULPatnugot sa Lathalain Patnugot sa IsportMICHELLE GONZALEZPatnugot sa LathalainDYAN B. VALDAPEÑASTagapayo
TOMO | 2 Ang opisyal na pahayagang Filipino ng mag-aaral ng BSEd 3B FilipinoLathalain4 Hulyo – November 2026angplumaWikang Filipino sa Panahon ng AI, Sandigan ng Kaalaman at Pag-unladKRISTAL-CLAIRE P. SAQUINGSa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, muling Spinaalalahanan ng Isabela State University–Cabagan ang bawat mag- aaral na ang tunay na yaman ng kaalaman ay hindi lamang nasusukat sa dami ng impormasyong nakukuha, kundi sa kakayahang mag-isip, umunawa, at magpahalaga sa sariling wika.Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto 26, 2026, naging sentro ng talakayan sa Isabela State University–Cabagan (ISUC) ang makabuluhang ugnayan ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI). Sa pangunguna ng Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino (STWF), binigyang-diin ng programa ang temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”Tarun, Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, na hindi dapat ipagpalit ang sariling kakayahan sa teknolohiyang nilikha upang makatulong sa tao. Aniya, ang AI ay dapat gamitin bilang kasangkapan upang mapalawak ang kaalaman, mapatalas ang pag-iisip, at malinang ang kakayahan ng bawat mag-aaral.“Tayo ang huhubog sa susunod na henerasyon. Hindi lamang kung ano ang malaman, kundi kung paano mag- isip at magtanong upang mapalago ang kakayahan nating harapin ang mga panganib na dulot ng teknolohiya,” ani Tarun.Hindi lamang ito isang pagdiriwang ng wikang pambansa, kundi isang paalala na sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, nararapat na manatiling buhay ang wikang Filipino bilang daluyan ng kaalaman, pagkakakilanlan, at malayang pagpapahayag.Sa pahayag na ito, malinaw na ang teknolohiya ay hindi dapat ituring na kalaban ng edukasyon o ng wikang Filipino. Sa halip, maaari itong maging katuwang sa pagsasalin, pagpapalawak ng talasalitaan,pagbuo ng mga materyal sa pagkatuto, at pagsasaliksik ng mga impormasyong makatutulong sa pag- aaral. Gayunman, kailangang gamitin ito nang may pananagutan, wastong paghusga, at paggalang sa katotohanan.bawat salitang ginagamit sa pakikipag-usap, pagsulat, at pagpapahayag ng saloobin, nananatiling buhay ang kulturang nag-uugnay sa bawat Pilipino. Hindi man mapipigilan ang pagdating ng mas makabagong teknolohiya, maaari pa ring tiyakin na hindi nito matatakpan ang tinig ng ating sariling wika.Sa huli, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ISUC ay nagsilbing paalala na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nakikita sa husay ng teknolohiya, kundi sa talino at pagpapahalagang taglay ng taong gumagamit nito. Maaaring magbukas ng maraming pintuan ang AI, ngunit ang kakayahang mag-isip, umunawa, at magpasya ang mananatiling susi sa wastong paggamit nito.Sa kanyang pambungad na pananalita, iginiit ni Prop. Jaine Z.Higit sa lahat, hindi dapat mawala sa kamalayan ng kabataan ang kahalagahan ng sariling wika. SaWikang Filipino sa Panahon ng AI, Sandigan ng Kaalaman at Pag-unladJACKIE A. DATUL Makulay, masigla, at puno ng pagkakaisa ang naging pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Isabela State University–Cabagan Campusnoong ika-26 ng Agosto 2026. Sa pangunguna ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon, Medyor sa Filipino, nagsama-sama ang mga estudyante upang bigyang-pugay ang Wikang Filipino at ipakita ang kahalagahan nito sa buhay ng bawat Pilipino.Sa loob ng gymnasium ng pamantasan, kapansin-pansin ang masayang kapaligiran na pinalamutian ng makukulay na banderitas. Napuno rin ang mga upuan ng mga mag-aaral na sabik na makiisa at manood sa mga inihandang gawain. Sa bawat ngiti, palakpak, at pakikilahok ng mga dumalo, makikita ang diwa ng pagkakaisa na siyang nagbibigay- buhay sa pagdiriwang.Hindi lamang paggunita sa ating wika ang naging sentro ng programa, kundi pati na rin ang pagpapamalas ng talento at kakayahan ng mga mag- aaral. Isa sa mga tampok na makikita sa pagdiriwang ang pagtatanghal ng isang banda na naghatid ng musika at saya sa mga manonood. Sa pamamagitan ng kanilang pagtugtog, naipakita na ang talento ng kabataan ay isa ring paraan upang maipahayag ang kanilang sarili at makabuo ng masasayang alaala kasama ang kapwa mag-aaral.Higit pa sa mga palamuti at pagtatanghal, ang tunay na diwa ng Buwan ng Wika ay matatagpuan sa pagpapahalaga sa wikang nag-uugnay sa bawat isa. Ang Wikang Filipino ay hindi lamang ginagamit sa pakikipag- usap, kundi nagsisilbi ring tulay upang maibahagi ang ating mga saloobin, karanasan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.Sa kabila ng patuloy na pagbabago ng panahon at pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mahalagang patuloy nating gamitin at payabungin ang sariling wika. Bilang mga mag-aaral, may tungkulin tayong pahalagahan ito hindi lamang tuwing buwan ng Agosto, kundi maging sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at pakikisalamuha sa ating kapwa.Sa huli, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ISU-Cabagan ay nagsilbing paalala na ang wika ay hindi lamang binibigkas o isinusulat—ito ay isinasabuhay. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, talento, at aktibong pakikilahok ng mga
Isports5angplumaTOMO | 2 Ang opisyal na pahayagang Filipino ng mag-aaral ng BSEd 3B Filipino Hulyo – November 2026 CBM, NAGWAGI LABAN SA CCJE SA 3x3 BASKETBALL; 17–12 ANG ISKORJACKIE A. DATULpinamalas ng College of Business Management (CBM) ang kanilang Ihusay at determinasyon matapos talunin ang College of Criminal Justice Education (CCJE) sa 3x3 Basketball Competition na ginanap noong Oktubre 8 bilang bahagi ng Intramurals ng Isabela State University–Cabagan Campus, sa iskor na 17–12.Sa isang sagupaang puno ng aksiyon at tensiyon, ipinakita ng CBM ang kanilang kahandaan at kahusayan sa loob ng basketball court. Sa pamamagitan ng mabilis na pag-atake, maayos na pagpapasa ng bola, at matibay na depensa, nagawa nilang makuha ang kalamangan laban sa CCJE.Sa halip na umasa lamang sa indibidwal na galing, pinairal ng koponan ang disiplina at estratehiya upang makalikha ng mga pagkakataong makapuntos at mapigilan ang pag-atake ng kanilang katunggali.Samantala, hindi rin nagpatinag ang CCJE at patuloy na nakipagsabayan sa kabila ng hamon ng laro. Gayunman, nanaig ang CBM sa pamamagitan ng kanilang mas epektibong paglalaro, na nagbigay sa kanila ng limang puntos na kalamangan sa pagtatapos ng laban.Higit pa sa panalo, nagsilbing pagkakataon ang kompetisyon upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento, sportsmanship, at pagpapahalaga sa pagkakaisa. Sa bawat laban ng Intramurals, patuloy na naipamamalas ng mga atleta na ang tunay na diwa ng palakasan ay hindi lamang nakasalalay sa pagwawagi, kundi pati sa respeto sa kalaban at pagbibigay ng buong kakayahan para sa kanilang koponan.Naging mahalagang sandata ng CBM ang kanilang koordinasyon at pagtutulungan sa bawat pagkakataon.Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa kahalagahan ng paghahanda, mabilis na pagpapasya, at matibay na samahan sa larangan ng palakasan. Sa 3x3 basketball, kung saan mahalaga ang bawat galaw at bawat puntos, napatunayan ng CBM na ang mahusay na koordinasyon at sama-samang pagsisikap ay maaaring maging susi sa tagumpay.Sa huli, pinatunayan ng CBM na sa likod ng bawat puntos ay naroon ang pagsisikap, disiplina, at pagkakaisa—mga katangiang mahalaga hindi lamang sa basketball court kundi maging sa buhay ng bawat mag-aaral.BPED Students, Ginawang Katatawanan ang Basketball Match Kontra BTLED; Tawanan, Umalingawngaw sa Kolehiyo ng Edukasyon!ANALYN B. BATARAO Isang hindi pangkaraniwan ngunit nakaaaliw na tagpo ang naganapnoong umaga ng Setyembre 9, 2026, sa basketball court ng Kolehiyo ng Edukasyon nang magsagupa ang mga mag-aaral ng Bachelor of Physical Education (BPED) at Bachelor of Technology and Livelihood Education (BTLED) sa isang laro ng basketball. Sa halip na maging isang seryosong kompetisyon, nauwi ang kanilang paghaharap sa tawanan at kasiyahan na nagbigay-aliw sa mga estudyante at gurong nanonood.Dahil sa kakulangan ng mga manlalaro ng BPED para sa basketball, nagpasya ang ilang mag- aaral mula sa kanilang programa na sumalang sa laro upang punan ang kakulangan sa koponan. Kabilang sa mga lumahok ang mga LGBTQ+ na estudyante ng BPED na nagpakita ng pagiging palabiro at malikhain sa gitna ng laro. Sa halip na ituon ang pansin sa mahigpit na kompetisyon, ginawa nilang pagkakataon ang laban upang maghatid ng aliw sa mga nanonood.Lalong naging masaya ang tagpo nang ang ilang galaw ng mga manlalaro ay tila hango sa volleyball, gaya ng setting at spiking, sa halip na sa karaniwang paglalaro ng basketball. Ang mga kakaibang galaw at nakatatawang eksena sa loob ng court ay naging dahilan upang mapuno ng tawanan ang paligid. Sa halip na seryosohin ang sitwasyon, nakisabay na rin sa katuwaan ang mga mag-aaral ng BTLED, kaya naging mas masigla at masaya ang palitan ng galaw ng dalawang koponan.Hindi rin nagpahuli ang mga estudyante at gurong nanonood na nasiyahan sa kakaibang tagpong kanilang nasaksihan. Ang dapat sana ay isang karaniwang basketball match ay naging isang di- malilimutang karanasan na nagpakita ng pagiging palakaibigan, pagkamalikhain, at pakikisama ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon.Sa huli, ipinakita ng naturang laro na ang pampalakasan ay hindi lamang tungkol sa pagwawagi at pagkatalo. Maaari rin itong maging daan upang mapalakas ang samahan, maipakita ang talento at personalidad ng mga mag-aaral, at makalikha ng masasayang alaala sa loob ng paaralan. Sa kabila ng kakulangan sa manlalaro, nagawa ng mga BPED at BTLED students na gawing makabuluhan at nakaaaliw ang kanilang paghaharap.
LiteraturaPALAGIANG PAGGUNITAMARK JHON D. MAGAWAYHindi naman nangangahulugang palabas lamang ang kalugurang ibinabahagi ng mga estudyante sa tuwing araw ng mga guro. Marahil, hindi lamang nila mahanap ang nararapat na mga salita’t pagkakataon upang ipahiwatig ang kanilang pagkilala.Tandaang hindi lamang sa magagarbong regalo, sulat, at tsokolate nasusukat ang pasasalamat na maaari nating maibigay - sapat nang masuklian ng patuloy na pagpupursigi sa pag-aaral ang kanilang ‘di mabilang na mga kontribusyon sa paghulma ng ating pagkatao sa kasalukuyan.Tangay ng hanging habagat, Ang trahedyang tila'y punyal kung sumugat.adilim na naman ang alapaap, Asahang ulan ang matinding kayakap.BagMARK JHON D. MAGAWAY6angpluma TOMO | 2 Ang opisyal na pahayagang Filipino ng mag-aaral ng BSEd 3B Filipino Hulyo – November 2026 MIapupuno na namang muli ang lamesa ni titser dulot ng pagdagsa ng mga regalo. Mag-aaway na namangmuli ang mga estudyante sa silid upang siya’y mapabalikwas at magmadali. At masusurpresa na naman siyang muli dahil hindi away ang kanyang madaratnan, kundi ang inihandang selebrasyon upang gunitahin ang espesyal na araw na ito.Kapansin-pansin ang walang-katapusang siklo nito, hindi ba? Nakadepende sa iisang takdang araw ang pagragasa ng mga mensahe ng pagpapahalaga at pasasalamat, samantalang sa nalalabing panahong magkakasama sa loob ng sampung buwan ay tila ba tipikal na mga araw lamang.Siguro nga’y iyon din ang dahilan kung bakit itinuturing na “espesyal” ang araw ng mga guro - sapagkat hindinabibigyan ng karampatang oras ang pagkilala sa lahat ng mga sakripisyong ipinagkaloob nila sa atin. Isinisiksik ito sa kakaunting panahon sa halip na ipinagbubunyi araw-araw.Ngunit sabi nga nila, hindi sapat ang pahiwatig lamang - at lalong hindi sapat ang isang araw na pagdiriwang kung ikukumpara sa lahat ng leksiyong kanilang walang-sawang ibinabahagi’t itinatatak sa ating puso’t isipan. Nalunod sa Tambak na AralinKRISTAL-CLAIRE P. SAQUINGAri-aria'y nawasak, Mga puno'y bumagsak. Hinawi ng baha ang pangkabuhayan, Maging buhay sinalanta't binawian.Ngayong nilisan na ni Kristine, Ang lupang winasak niya sa atin, Heto na naman ang lumulutang kong isip, Patuloy inaalala kung may araling isasaisip.Oo nga pala! Takdang-aralin? 'Di pa nagagawa. Inuna ang paghahanda, Sa 'di inaasahang bagyong nagbabanta.Dulot ng pinsalang inabot, Tahanan naming may putik sa palibot, Higit piniling hawakan ang walis, Sa halip na dapat kaharap ang papel at lapis.Paparating na naman ang isang kalamidad, Sa tingin ko'y hirap na naman ang isip-abilidad. Naisalba nga ang uniporme, Ngunit 'di batid kung may takdang gawain pang isusumite.'Di nalunod sa baha, Ngunit lunod naman sa sandamakmak na problema. Di na bale ako'y ligtas, Kahit nalunod sa tambak na araling walang takas. MJACKIE A. DATUL Mascara ng mga Luhang Tinatago SSa likod ng ngiting laging nakikita, May pusong tahimik na nagdurusa.Sa bawat pahid ng itim na mascara, Tinatakpan ang lungkot na ayaw ipakita.At ang mukhang masaya ay lungkot ang nakukubkob, May mga salitang sa dibdib ay nakakulong. Sa likod ng mga matang tila walang problema, May pagod na kaluluwang naghahanap ng pahinga.Kaya sa likod ng mascara, sana'y makita, Ang pusong naghahangad na maunawaan siya. Hindi lang ang ganda ang dapat pinapansin, Kundi ang damdaming pilit niyang ikinukubli.Dahil higit sa ganda at matang pinaganda, May pusong nais ding mahalin nang kusa. May taong gustong yakapin sa oras ng panghihina, At sabihang,“Hindi mo kailangang magpanggap na masaya.”At kung dumaloy man ang luha sa pisngi, Hayaang mabura ang maskarang nakatali. Hindi kailangang itago ang sakit at pangamba, Dahil ang pag-iyak ay hindi tanda ng pagiging mahina.Sapagkat ang tunay na ganda ay hindi sa mata nasusukat, Kundi sa pusong sugatan ngunit patuloy na lumalaban sa lahat. At kahit minsan ay tila wala nang pag-asa, May liwanag pa ring naghihintay sa dulo ng luha.Kaya sa bawat babaeng nagtatago ng sakit, Sa likod ng mascara at ngiting pilit, Tandaan mong hindi mo kailangang maging matatag palagi, Dahil karapatan mo ring mapagod, umiyak, at piliin ang sarili.At balang araw, kapag handa ka nang ngumiti, Hindi na dahil kailangan, kundi dahil tunay na ang ngiti. Mawawala rin ang luha, hihilom ang sugat, At ang pusong dating wasak ay muling matututong magmahal nang tapat.Madalas sumasagi sa aking isipan ang aking nakaraan; Nag-aaral ako bitbit ang gamit at munting lalagyan. Akala ko okay na nang makarating sa aking paaralan; Subalit ako ay muling pinagtawanan.Ganoon pala kahirap ang buhay sa mundong ito; Marami ang naninita sa kung ano ang kilos at ginagawa mo. Pati gamit mo sa paaralan pinagtripan, di na nakuntento; Ganyan ang naging kalakaran sa pagiging estudyante ko. Minsan pumasok ako sa aming eskuwelahan; Di pa ako nakakarating, punit at pigtas na ang hawakan. Ang bag na aking gamit ay gawa sa plastik lamang; Ngunit kahit kailan di iyon naging dahilan at hadlang. Ipinagpatuloy ko ang aking pagpasok sa paaralan; Masayang kasama ko ang mga
TOMO | 2 Ang opisyal na pahayagang Filipino ng mag-aaral ng BSEd 3B FilipinoLiteraturaBinagyong Pag-ibigANALYN B. BATARAOKomplikado kung ating ilalarawan, At masasabi na isa ngang kahibangan. Ngunit mahiwaga ang aking nararamdaman, Hindi natitinag, anuman ang dumaan. Binabagyong Pag-ibig — isang tulang nagsasalaysay ng damdaming mahirap aminin, pagmamahal na sinusubok ng mga hadlang, at pusong patuloy na kumakapit sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan. Bawat taludtod ay may kuwentong nakatago, bawat saknong ay may damdaming nais ipahayag. Sapagkat minsan, ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa pagtatagpo, kundi sa pagharap sa unos na kasama nito. Dahil kahit gaano man kalakas ang bagyo, may pusong mananatiling nakatayo — naghihintay, kumakapit, at patuloy na magmamahal hanggang sa muling sumikat ang araw at ang bawat alon ay maging kalmado.7Hulyo – November 2026angplumaMICHELLE GONZALEZ𝙋𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜 𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙣𝙪𝙣𝙪𝙡𝙖𝙩Naituturan nila, magmahal ka ng isang manunulat; 'pagkat hindi ka raw kailanman mamamatay sa kaniyang mga akda.Makikita sa bawat tula at novela, na ikaw ay siyang tanging mahalaga. Kumbaga, isang gintong letra nagbibigay ilaw at kinang sa bawat pahina. Gamit ang pluma at papel, ikaw ay mananatiling buhay sa mundo ng kaniyang literatura. Lahat ng iyong alaala, walang sinumang makabubura Immortal, kumbaga. Ngunit paano kung hindi mo naman ibig maging immortal? Ang mahalin ng isang manunulat ay isang karangalan, na maging mutya sa kaniyang nobela at tula—na maging kwento ng kaniyang mga salita. Kahit ang mga bawat pagkakataon na makasama ka sa tricycle—ay iyong sinusulatan pa ng taludtod at saknong. Subalit ika'y isang mortal na kayang abutin ng hangganan, at hindi mo nais maging walang hanggan. Ang maging buhay sa kaniyang mga akda ay tila isang tasa ng kape na hinihigop tuwing umaga—pinapainit nito ang sikmura sabay hawak ng papel, pluma at pagsuot ng antipara At muli, maghahandog na naman ang manunulat ng kaniyang natatanging pagsintang akda.Sa bawat alon ng karagatan, may pusong naghahanap ng patutunguhan. Gaya ng dagat na hindi laging payapa, ang pag-ibig ay dumaraan din sa mga unos ng buhay.“Hinahangaan ko ang mga alon sa karagatan, Itoʼy may tiyak na patutunguhan. Humahampas hanggang sa dalampasigan, Nakakarating sa kaniyang paroroonan. Mahirap pigilan ang silakbo ng damdamin, Kapag itoʼy matagal nang ʼdi pinapansin. Pilit ko man itong itanggi, Subalit mahirap talagang ikubli. Oo, magulo ang mga kaganapan, Na para bang walang katotohanan. Kay hirap talagang paniwalaan, Ngunit ito naman ay hindi kasinungalingan. Maraming dahilan upang itoʼy tigilan, At aaminin ko na akin ngang pinakinggan. Marami tayong hindi pagkakaunawaan, Maihahalintulad sa liwanag at kadiliman. Hindi ko alam kung ako ba ay nauunahan, O baka sadyang pinipigilan. Hindi ko alam kung paano patutunayan, Na tunay ang aking nararamdaman. Sa tuwing ikaʼy aking pipiliin, Biglang umuusbong ang isang hidwaan. Kapag naman akin na muling susubukin, Palagi namang may kalaban.
TOMO | 2 Ang opisyal na pahayagang Filipino ng mag-aaral ng BSEd 3B FilipinoAliwan8Hulyo – November 2026angplumaKABUUANGKABUUANGSIMBOLOSIMBOLOangplumaLETRANG “A”LETRANG “A”LETRANG “P”LETRANG “P”PLUMAPLUMASumasagisag sa pamamahayag, malayang pagpapahayag, at panulat na nagbibigay tinig sa mga kuwento, katotohanan, at pananaw ng buong komunidad ng paaralan.Kumakatawan sa "Pluma," na sumisimbolo sa panulat bilang kasangkapan ng katotohanan, pananagutan, at kapangyarihang maglahad ng makabuluhang kuwento.Kumakatawan sa "Ang" at sumisimbolo sa pagkakakilanlan, kamalayan, adhikain, at aktibong tinig ng mga batang mamamahayag sa loob ng paaralan.SODOKUSODOKUangplumaLUPONG PAMATNUGUTANMARK JHON D. MAGAWAY | KRISTAL-CLAIRE P. SAQUING | ANALYN B. BATARAO | MICHELLE GONZALEZ | JACKIE A. DATUL