Mga Aral

PAGMAMAHALPAGMAMAHALPAGMAMAHALMGA PAKPAK NGMGA PAKPAK NGMGA PAKPAK NGMGA PAKPAK NGMGA PAKPAK NGMGA PAKPAK NGMGA PAKPAK NGPAGMAMAHALPAGMAMAHALPAGMAMAHALPAGMAMAHALANG KWENTO NI TRINA AT LOLA SITA

Si trininararenina ay isang makulit, pasaway, at maingay na bata. Siya ay nakatira kasama ang kaniyang magulang at kaniyang Lola sita. Dahil sa mga trabaho ng magulang ni trina ay kay Lola sita siya lagi naiiwan. Tuwing siya ay pinagsasabihan ng kaniyang lola na huwag gawin ang mga bagay na makakasakit sa kaniya, ito lamang ay kaniyang pinagpapaliban, at hindi sineseryoso.

Umuwi si trina galing eskwelahan ng may sugat sa tuhod. Lola: “Ano nanaman iyan trina apo, saan ka nasugat” Trina: “ Wala ‘to lola, nag try lang akong tumalon duon galing sa puno” Lola: “Aba ‘di ba sabi ko sa’yo tumigil ka sa mga ganiyan at baka sa susunod ay hindi ko na iyan magamot, at diretso na agad sa ospital. Trina: “Maliit lang naman po ito lola, at grade 2 naman na ako at nag-aaral, kaya ko na po ang kahit anong sugat”

Kahit na hindi mapagsabihan na bata si trina at madalas na sinasaway ang kaniyang lola ay pianghahandaan ng pagkain at inaasakiso pa rin siya nito. Lola: “trina, eto na ang iyong baon ha. Ubusin moi to.” Trina: “lola ‘di po ba sabi ko ‘wag niyo pagbabaunin ng mga ulam na maamoy, kagaya niyang paksiw” Lola: “Masarap ito, pumasok ka na at baka mahuli ka pa sa pagpasok.”

ghost project?HAHAHA -T

Habang nagliligpit si Trina ng kaniyang mga laruan, napansin n’ya ang isang maliit na kahon sa silid ni Lola Sita. Nang buksan niya ito, nakita n’ya ang isang lumang kuwaderno. Sa unang pahina ay may sulat kamay ng kaniyang lola. Trina: “Para po kaya sa akin ito?”

Dahan dahang binuksan ni Trina ang kuwaderno. Bago pa n’ya mabasa ang buong sulat, nakita n’ya ang isang maikling mensahe sa unang pahina. “Mahal kong Trina, sana ay lagi kang maging mabait, makinig sa iyong mga magulang, at alagaan mo ang iyong sarili. Tandaan mo, ang bawat paalala ay galing sa pusong nagmamahal sa iyo.”

Matapos basahin ang mensahe, niyakap ni Trina ang kuwaderno. Ramdam niya na kahit wala na ang kaniyang lola, mananatili ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng mga alaala at payo na iniwan nito. Trina: “Hindi ko na po sasayangin ang mga payo ninyo, Lola. Pangako po.

Isang hapon, inilagay ni Trina ang kuwaderno sa isang ligtas na lugar bilang alaala ng kaniyang lola. Tumingala siya sa langit at buong puso siyang nagpasalamat sa lahat ng pagmamahal at gabay na kaniyang natanggap. Trina: “Salamat po, Lola. Hindi ko po kayo malilimutan. Dadalhin ko po habambuhay ang inyong mga aral at pagmamahal.”

Pagpasok ni Trina sa paaralan kinabukasan, napansin ng kaklase niya na tahimik lang siya. Hindi na siya katulad noon na laging nakikipaghabulan sa loob ng silid bago magsimula ang klase. Umupo na lang siya sa kaniyang upuan habang inaayos ang kaniyang mga gamit. Kaklase: "Trina, tara laro muna tayo." Trina: "Mamaya na lang, baka mapagalitan tayo."

Pagpasok sa paaralan, unang beses na nagtaas ng kamay si Trina para sumagot sa klase. Dati nahihiya siya, ngayon gusto na niyang makinig at matuto. Guro: Tama, Trina! Ang galing naman ng sagot mo. Trina: Salamat po, Ma'am. Tinuruan po kasi ako ni Lola Sita na magsikap.

Pagpasok sa paaralan, unang beses na nagtaas ng kamay si Trina para sumagot sa klase. Dati nahihiya siya, ngayon gusto na niyang makinig at matuto. Guro: Tama, Trina! Ang galing naman ng sagot mo. Trina: Salamat po, Ma'am. Tinuruan po kasi ako ni Lola Sita na magsikap.

Pag-uwi, nakita ni Trina na pagod si Nanay galing trabaho. Agad niyang inabot ang tuwalya at malamig na tubig. Trina: Nay, pahinga po muna kayo. Ako na po bahala sa hapunan ngayon. Nanay: Marunong ka na ba magluto, anak? Trina: Hindi po, pero pwede niyo po Ituro sakin kung paano ang gagawin. Gaya ng pagtuturo sakin ni Lola Sita.

Isang gabi, habang nagbabasa si Trina ng kuwaderno, may narinig siyang mahinang hangin sa bintana. Tumingin siya at may isang puting paru-paro ulit na dumapo doon. Trina: Lola Sita Ikaw po ba yan? Parang sumagot ang hangin. Kumindat ang ilaw sa kwarto at ngumiti si Trina. Trina: Lola pangako po hindi ko po kayo bibiguin.

Lumipas ang mga linggo. Si Trina na ang tinatawag ng mga guro na modelo ng klase dahil sa pagbabago at sa kasipagan niya mag-aral. Tinutulungan niya ang mga batang tulad niya na maging mabuting bata sa lahat ng tao, gaya ng ginawa niya kay Ben.

Sa araw ng Grandparents Day sa paaralan, tumayo si Trina sa harap ng klase kahit wala na ang lola niya. Trina: Wala man dito ngayon ang Lola Sita ko, pero sa puso ko, lagi siyang kasama. Siya ang nagturo sa'kin na ang pagmamahal, kahit wala na ang tao, hindi namamatay. At ako, gagamitin ko ang buhay ko para maging karapat- dapat sa pagmamahal na 'yon. Palakpakan ang buong klase. Tahimik na napaluha si Nanay sa likod habang nakatingin kay Trina. (Sa isip ni Trina) Salamat po Lola sa lahat ng itunuro at iniwan mong alaala Sakin, palagi ko po itong isasapuso sa araw araw.

Kinabukasan Sabado ng umaga nakita ni Trina ang paru-paru, kaya naman naalala niya ang kanyang lola na walang ivang ginawa kundi ang mahalin at alagaan siya, napa luha siya ng maalala niya ang masasaya at magandang ala-ala niya kasama ang kanyang lola.

Habang nakikipag laro si Trina sa paru-paru ay tinawag siya ng kanyang nanay upang kumain na, kaya naman pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Nanay: Trina kumain na Trina: Opo nay papunta na po Nag paalam na si Trina sa paru- paru

Dumating ang ika 40 days ng kanyang lola kaya naman nag karoon sila ng kong ting salu-salo para sa pag-ala ala sa namayapang lola niya. Habang kumakain si Trina dumapo sa kanyang balikat ang paru-paru, kaya naman muli niyang naalala ang kanyang lola.