Ang Malusog na Pamilya.pdf

Created in Canva

Ang Malusog na Pamilya Ni: Bb. Janice S. Raga

Masiglang bumabangon ang kambal na sina Leo at Lea tuwing umaga. Ang una nilang ginagawa ay ang magtungo sa banyo upang magsipilyo. “Maganda ang pagsisipilyo paggising sa umaga para malinis ang ating ngipin at hindi maging mabaho ang hininga,” sabi ni Leo habang hawak ang kanyang makulay na sipilyo. 1

Pagkatapos mag-ayos, dumeretso sila sa hapag-kainan para sa masustansyang almusal. Paborito nina Leo at Lea ang saging, itlog, at isang basong gatas. "Huwag nating kalimutan ang uminom ng maraming tubig sa buong araw para manatiling malakas ang ating katawan,” paalala ni Lea sa kanyang kapatid habang nagsasalin ng inumin. 2

JAN ICE S. RAGA Tuwang-tuwa sina Mama Hiraya at Papa Lakan dahil nakikita nilang lumalaking malusog ang kanilang mga anak. Sila ang naghahanda ng baon nina Leo at Lea na puno ng makukulay na gulay at sariwang prutas para sa paaralan."Ang mga prutas at gulay ang magbibigay sa inyo ng lakas para sa inyong mga aralin,” mungkahi ni Mama Hiraya. 3

JANI CE S. RAG A Pagdating ng Sabado, ang pamilya ay pumupunta sa parke upang mag-ehersisyo. Hilig ni Leo at Papa Lakan ang mag-jogging at mag-bisekleta sa paligid. “Kay sarap talaga mag- ehersisyo sa ilalim ng araw, Papa!” wika ni Leo habang mabilis na pumapadyak sa kanyang bisekleta. 4

Sa kabilang bahagi ng parke, si Lea at si Mama Hiraya naman ay masayang sumasali sa Zumba. Sumasayaw sila sa indayog ng masayang musika upang palakasin ang kanilang kalamnan. “Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang maging malakas ang ating puso, Mama!” sabi ni Lea habang masayang itinataas ang kanyang mga kamay sa pagsunod ng dance steps. 5

JAN1CE S. RAGA Matapos ang pag-eehersisyo, muling umino ang kambal ng maraming tubig mula sa kanilang mga tumbler. Alam nina Leo at Le ang tubig ay mahalaga upang maibalik ang lakas ng katawan matapos pagpawisan."Ah napakaginhawa sa pakiramdam!" masayan ni Leo habang pinupunasan ang kanyang pawis. 6

Pag-uwi sa bahay, agad silang nagtungo sa lababo upang maghugas ng kamay. “Dapat sabunin ng mabuti ang bawat daliri para siguradong patay ang mga mikrobyo bago tayo kumain,” turo ni Lea sa kanyang kapatid. Ang paghuhugas ng kamay ay mahalagang bahagi ng kanilang araw- araw na gawain upang makaiwas sa sakit. 7

Hindi lang ang katawan ang dapat malinis, kundi pati na rin ang kapaligiran. Tinutulungan ni Lea si Papa Lakan na maglinis ng kanilang hardin tuwing hapon. Namumulot sila ng mga tuyong dahon para hindi pamahayan ng mga lamok."Ang malinis na paligid ay ligtas sa anunang sakit," paalala ni Papa Lakan sa kanyang anak. 8

Bago matulog sa gabi, hindi nakakalimutan nina Leo at Lea ang muling magsipilyo ng ngipin. "Ito ang pinakamahalagang oras para magsipilyo para hindi masira ang ating mga ngipin," sabi ni Lea habang maingat na nililinis ang kanyang mga ngipin sa harap ng malaking salamin. 9

Pagkatapos ng lahat ng gawain, sapat na tulog ang kailangan ng kambal para sa muling paglakas ng kanilang katawan. Dahil sa kanilang disiplina sa pagkain, kalinisan, at ehersisyo, sina Leo at Lea ay laging masigla araw-araw. "Ang malusog na pamilya ay isang masayang pamilya!" sabay na sabi ng kambal bago sila tuluyang nakatulog nang mahimbing. 10