Created in Canva
AngPagkababae, atMilitansyaKababaihan,Carmell Aguinaldo & Kaya Novicio
Ang Pagkababe, Kababaihan, at MilitansyaPagtatama sa mga Pangkaraniwan na Kuro-kuro Patungkol sa Peminismo
1Chikahan at salusalolang angginagawa ngmga peministang grupo
Bagaman nais nga nating mamuhay sa isang malayang mundo kung saan ang ganitong pagtitipon ng kababaihan ay pawang pagkain ng keyk, tsaa, at pagpinta ng rainbows at sparkles na parang nasa isang tea party, sa ngayo’y hindi pa ito ang ating reyalidad. Ang pagsali sa mga peministang pagkilos, taliwas sa karaniwang kaisipan, ay lagi’t laging nakakabit sa militanteng pagharap sa mga isyung panlipunan na siyang dahilan din ng bawat represibo at mapanupil na karanasan ng bawat Pilipino.
Peministang MidyaPeministang MidyaPeministang MidyaLiteratura Pelikula
MusikaGabriela ng Iyong PanahonGabriela Women's PartyBabaeInang LayaBabaylanTalahib People's Music
2Ang peminismo aypara sakababaihan lamang
Maraming kalalakihan ang pinipiling hindi makiisa sa laban ng kababaihan sa kadahilanang sa tingin nila’y hindi naman sila apektado sa mga isyung ito– isang karaniwan na pagtingin ukol sa peminismo. Gayunpaman, hindi makakamit ang tunay na liberasyon para sa kababaihan kung hindi nagkakaroon ng pagbabago sa panig ng patriyarka. Hangga’t walang motibasyon at inisyatibong makialam ang kalalakihan sa mga suliraning pinangungunahan ng macho pyudal na sistema, hindi tuluyang lalaya ang uring kababaihan, at hindi makakamit ang tunay na pangkalahatang kalayaan at tagumpay.
Makiisa sa iba't ibang porma ng peministang pagkilos! Makiisa sa iba't ibang porma ng peministang pagkilos!Sumali sa mgaEducational Discussion
Lumabas sa lansangan;makiisa sa mgakilos-protestaDumalo sa mgapangkultural nakaganapan(benefit gigs, theater shows, at iba pa!)
3Ang pakikibakalaban sa patriyarkaay nahihiwalaysa labankontraiba pangmga mapaniil na sistema
Ang laban ng kababaihan ay hindi nahihiwalay sa laban ng masang Pilipino. Bukod sa patriyarkal na sistema, ang iba pang mga mapang-api na sistema tulad ng kapitalismo, pyudalismo, at imperyalismo, ay pangunahing tinatarget ang kababaihan. Sa bawat produktong ‘pampaganda’ na ipinipilit sa mga babaeng konsyumer, o kaya naman ay sa marahas na mga kaso ng gender-based violence sa mga base militar ng U.S. sa Pilipinas, makikita na ang mga isyu ng kababaihan ay laganap at konektado sa iba’t ibang mga pwersang namumuno at nagpapasakit sa bansa.
Kilalanin ang ilan sa mga peministang rebolusyonaryo ng Pilipinas! Kilalanin ang ilan sa mga peministang rebolusyonaryo ng Pilipinas!MariaMaria LorenaLorena BarrosBarros Maria Lorena BarrosLiliosaLiliosa HilaoHilao Liliosa Hilaopeminista, student activist, manunulat, tagapatatag ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) Marso 18, 1948 - Marso 24, 1976 student-journalist sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, aktibista, pinakaunang naitalang pagkamatay noong Martial Law sa ilalim ng diktadurang Marcos Jr. Marso 14, 1950 - Abril 5, 1973
GabrielaGabriela SilangSilang Gabriela Silangpeministang unang namuno sa himagsikan noong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, isinulong ang anti-kolonyal na pakikibaka Marso 19, 1731 - Setyembre 20, 1763 rebolusyonaryong makata, mamamahayag, aktibista, at nangungunang kadre ng Bagong Hukbong Bayan Mayo 19, 1979 - Agosto 20, 2021KerimaKerima LorenaLorena TarimanTariman Kerima Lorena TarimanAlyssaAlyssa AlanoAlano Alyssa Alano aktibista, lider-estudyanteng isinusulong ang pakikibaka laban sa imperyalismo, kikay at bayani ng sambayanan! #HustisyaParaSaToboso19 Nobyembre 3, 2003 - Abril 19, 2026
4Ang Peminismoay katumbas ng Misandry
Hindi naman basta laban sa ibang kasarian o kalalakihan ang laban ng kababaihan. Dapat nating unawain na ang peminismo ay isang pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng bawat tao, hindi lamang ng kasarian, bagkus ng bawat Pilipino sa iba’t ibang sektor. Dahil sa isang macho-pyudal na sistema ng ating bansa, hangad natin ang pagkalaya ng kababaihan sa mapang-abusong sistema nito, pati na rin ang mapanakal na pagpapataw nito ng isang inaasahang mukha ng kalalakihan. Aanhin pa ng kababaihan ang pagbaba sa kalalakihan kung sistemiko naman ang sanhi ng panunupil ng mga tao? At ano lang ba ang misandry o kapootang-lalaki sa totoong mapanakit na sistema na siyang kumukulong sa lahat at pinipigilan silang mapalaya?
Babae, ang lugar moBabae, ang lugar mo
ay sa pakikibaka!ay sa pakikibaka!