View DYARO 26 27 flipbook.
anGtanGlawTOMO I, BLG. X | Hunyo 2026 - Oktubre 2026 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG RAMON MAGSAYSAY (CUBAO) HIGH SCHOOL I-SCAN ANG QR CODE NA ITO Upang magpatuloy sa opisyal na Facebook page/account ng Ang Tanglaw. Saksihan ang iba’t ibang tampok na istorya at mga kuwentong kapupulutan ng aral sa loob ng pahayagan. Pluma ng Kabataan, Tanglaw ng Katotohanan 🔎 nilalaman: BALITA | 02 EDITORYAL | 04 LATHALAIN | 07 AG·TEK | 12 Isinagawa ang National Simultaneous School Safety Drill (NSSD) sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS) nitong Lunes, ika-7 ng Setyembre, upang gabayan ang mga estudyante, guro, at mga kawani sa wastong pagkilos at pag- likas sakaling magkaroon ng pamamaril. Nagsimula ang aktibidad sa New Sonny Belmonte (NSB) building kung saan tinipon at pinangkat ang mga mag-aaral sa Junior High School na kabilang sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program bago sila binigyan ng learning sheets at mga bilin para sa gaganapin na drill. Umalingawngaw ang morse code bilang hudyat ng pagsisimula ng safety drill bandang 11:20 ng umaga, kung saan isinara at hinarangan ang mga pinto at kurtina habang nagtago sa ilalim ng mga mesa ang mga mag- aaral bilang bahagi ng itinurong safety procedures. Lumabas ang mga estudyante nang mahinahon at nakataas ang mga kamay matapos ideklarang ligtas ang lugar, habang isinagawa ang atten- dance checking bago sama-samang bumaba patungo sa covered court. Nagbantay ang mga kapulisan at iba pang security personnel habang isinagawa ang evacuation, na natapos bandang 11:30 ng umaga. Nagbigay rin ng paalala sina SFO1 A. R. Cantos at Police Captain Feby Madrid hinggil sa kahalagahan ng pagiging alerto, pagpapanatili ng se- guridad at kapayapaan, at pag-alam sa wastong pamamaraan upang maprotek- tahan ang sarili sa panahon ng sakuna o emergency. Naisakatuparan ang drill alin- sunod sa Department of Education (DepEd) Memorandum No. 1138, series of 2026 Monitoring for the Conduct of the NSSD on Active Attack Incidents na plinano sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Aljun B. Belista ng Kamuning Police Station of the Quezon City Police District (QCPD) noong ika-3 ng Setyembre. National School Safety Week 2026, umarangkada sa RMCHS Sinimulan ang National Scnool Safety Week (NSSW) 2026 sa Ramon Magsaysay Cubao High School (RMCHS) noong ika-12 ng Oktubre, 2026 upang magbigay impor- masyon sa mga mag-aaral patungkol sa kanilang kaligtasan. Alinsunod ito sa Department of Education (DepEd) Order No. 006, series of 2026 Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE) sa pangu- nguna ni DepEd Secretary Sonny Angara. Pinangunahan ni Values Education Department Husay ng Monsay... PISAra Kung kailan tumigil... Lagas dito, lagas doon It’s not perfect yet, you still have the room for improvement. “ LIGTAS ANG MAY ALAMSafety Drill, ikinasa sa RMCHS para sa seguridad ✒Isinulat ni: Mark Jiuan T. Mallari Officer-In-Charge at Master II Dr. Ruby P. Trinidad ang prog- rama sa pagbabahagi ng ‘My Buddy System: LIGTAS MAG- AARAL KAPAG MAY KAAGAPAY’ na tumutukoy sa safety net ng mga mag-aaral. Ibinahagi rin ng dalubguro na isa sa tatlong mag- aaral ang nakararanas ng diskriminasyon, pag-iisa at pam- bubulas kaya ipinagtitibay ang DepEd Child Protection, zero bullying, at mental health. Nagbigay mensahe si Police Master Sergeant (PMSg) Rizaldy Nunag ng Philippine National Police at Fire Ifficer 1 (FO1) Julie Marie Lusuegro ng Bureau of Fire Pro- tection (BFP) sa mga mag-aaral na nawa’y patuloy na mag- karoon ng aktibong partisipasyon ang mga kabataan sa mga usapin ng kaligtasan, pambubulas, at diskriminasyon. Nanumpa ang mga mag-aaral, guro, stakeholders, non-teaching personnel, at staff ng paaralan sa Panata ng Komunidad para sa Mas Ligtas na Paaralan sa pangunguna ni Master Teacher I Lorna Martin na naglalaman ng pangako ng komunidad na pangalagaan ang kaligtasan. Lumagda ang mga guro sa iba’t ibang kagawaran, stakeholders, Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officers, club officers at School Parent-Teacher Association (SPTA) officers sa commitment wall, tanda ng matinding paninindigan sa pakikipaglaban sa anumang uri ng pambubulas at diskriminasyon sa paaralan. Patuloy ang pagdiriwang ng NSSW sa buong bansa hanggang sa ika-16 ng Oktubre. Police Captain Febie P. Madrid Chief Station Community Affairs Development Section (SCADS) samganumero Tumaas ng 232 ang mga naiulat na kaso ng bullying at karahasan sa DepEd NCR mula SY 2023–2024 hanggang SY 2024–2025, na nagpapakita ng pangangailangan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga programang pangkaligtasan sa paaralan. S.Y. 2023 - 2024 S.Y. 2024 - 2025 ✒Isinulat ni: Bjorn Adrianne N. Umbao KAAGAPAY
Taunang NCAE orientation, isinagawa RMCHS, Sumasailalim sa Bagong Three-Term School Calendar ng DepEd Project P.U.L.S.E, pinulsuhan ng kabataan 1st Term ARAL Program, isinagawa ng Monsay ✒Isinulat ni: Bjorn Adrianne N. Umbao 02 BALITA angtanglaw | TOMO I, BLG. X | Hunyo 2026 - Oktubre 2026 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG RAMON MAGSAYSAY (CUBAO) HIGH SCHOOL ✒Isinulat ni: Princess Elyza F. Marcelino Isinagawa noong Setyem- bre 23, 2026 ang taunang oryentasyon ng National Career Assessment Examination (NCAE) para sa Baitang 10 ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School na pinangunahan nina Gng. Ma. Gina Anama, Dr. Ruby Trinidad, at G. Adonis Rumbaoa. Unang ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagkuha ng nasabing pagsusulit, at kung paano ito ay kinakaila- ngan at makatutulong para sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ng mga nasabing mag-aaral. Sunod nito ay inilatag na nila ang mga regulasyon at magiging parusa sa paglabag nito. Nagbahagi ng personal na karanasan si Dr. Trinidad upang magsilbing halimbawa sa kung gaano kaseryoso ang mga regulasyong ito. Nilinaw na ang NCAE para sa taong ito ay magiging computerized na upang mas maging mabilis ang pagsagot ng mga mag-aaral. Para naman masi- guro ang maayos na daloy sa mismong araw ng pagsusulit, pinayuhan ni G. Rumbaoa ang mga mag-aaral na asikasuhin at kausapin na ang mga ad- visers nila para sa account na gagamitin nila. Isinara ni Gng. Anama ang orientation sa pama- magitan ng pagbibigay pa- sasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakinig. ✒Isinulat ni: Rhianna Kershel L. Polmo Ipinatupad sa Ramon Mag- saysay (Cubao) High School (RMCHS) ang three-term school calendar para sa School Year 2026–2027 na sumasaklaw sa basic educa- tion simula Hunyo 8, 2026, alinsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2026. Layunin ng bagong sistema na mapahaba at maging mas maluwag ang oras ng pagtuturo, maba- wasan ang pagkaantala sa klase at agwat sa pagkatuto, at mapagaan ang gawain ng mga guro. “The objective is to ensure that learning is deli- vered in a more organized and consistent manner through- out the school year.” ani ni Education Secretary Sonny Angara hinggil sa bagong sistema ng school calendar. Hinati ang school year sa tatlong termino na may Opening Block, Instructional Block, at End-of-Term Block para sa paghahanda, tuloy- tuloy na pagtuturo, academic intervention, pagtataya at iba pang gawaing pang-akade- miko. Itinakda ang unang termino mula Hunyo hang- gang Setyembre, ikalawa mula Setyembre hanggang Disyembre, at ikatlo mula Ene- ro hanggang Abril 2027 bago tuluyang matapos ang taong panuruan sa Abril 8. Nakikibahagi ang RMCHS sa naturang pag- babago sa pamamagitan ng pagsunod sa bagong school calendar at mga itinakdang gawain sa bawat termino upang mapanatili ang tu- loy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral. Tiniyak ng DepEd na susubaybayan nito ang unang pagpapatupad ng bagong kalendaryo at isasaayos ang polisiya batay sa mga puna at karanasan ng mga paaralan upang matiyak na magiging epektibo ito para sa mga mag-aaral at guro. RMCHS, Sumasailalim sa Bagong Three-Term School Calendar ng DepEd Inilunsad ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ang Proj- ect P.U.L.S.E (Platform for Un- derstanding, Learning, Safety, and Expression) noong Disy- embre 2025 bilang tugon sa isyu ng pambubulas sa loob ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS). Isinulong nina SSLG President Janiah Melize Florendo at Bea Bianca Aban ng Science, Tech- nology, Engineering, and Math- ematics (STEM) ang nasabing proyekto. Anila, ang Project P.U.L.S.E ay isang online plat- form kung saan maaaring ipagbigay-alam ng mga mag- aaral nang walang panga- ngamba sa data privacy ang tungkol sa mga insiden- teng nagaganap sa loob ng paaralan, partikular na ang pambubulas. Patuloy na nagsa- sagawa ng mga proyekto ang komite ng paaralan upang malutas ang mga isyu kaugnay rito. ✒Isinulat ni: Lhian Joyce M. Magdaraog Isinakatuparan sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS) ang first term Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program na learning intervention program nitong ika-7 ng Setyembre. Alinsunod ito sa Batas Republika bilang 12028 o ang ARAL Program Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong ika-16 ng Oktubre, 2024 upang matugunan ang learning loss na nagpapababa ng antas ng pagkatuto at pagbasa ng mga estudyante sa Pilipinas. Ayon kay ARAL Filipino Coordinator Andrea Jemina Basa, ang pagpapatupad ng ARAL Program ay ginagawa upang palakasin ang reading comprehension ng kabataan lalo na’t hindi na sila madalas magbasa. “Dito sa ARAL Program, mas palalakasin natin ang kahiligan nila magbasa at umunawa sa binabasa,” aniya. Nakabatay ang pagsasagawa ng ARAL Program sa Department of Education (DepEd) Order No. 009, series of Pag-asa sa pagbasa 2026 o ang Three-Term School Calendar in Basic Education na kung saan ay maaari lamang isagawa ang programa tuwing End of Block Term. Ikinatuwa ni Bb. Basa ang pag-unlad ng programa sa paaralan dahil unti-unti nang nababawasan an
Dr. Gaspar, kwalipikado sa NASH; Pag-angat sa School Leadership, Naiselyo Kap. Dab Saab, ipinahayag ang mga nagawa ng Barangay Pinagkaisahan ✒Isinulat ni: Bjorn Adrianne N. Umbao 03 balita BCDA, pinasa na ang Pax Silica framework kay PBBM ✒Isinulat ni: Bjorn Adrianne N. Umbao Aniya ni Castro,lalagda ang pangulo sa planong Artificial Intelligence (AI) industrial hub sa ilalim ng inisyatibong Pax Silica bago mata- pos ang taon. Sinabi ni Castro na pinag-uusapan pa rin ng BCDA at kompanya ng Estados Unidos ang planong pakikipagsosyo para sa inisyatibo. Matatandaang naging malaking kon- trobersiya ang inisyatibong Pax Silica sa bansa dahil sa nakababahalang paggamit ng libu- libong ektarya ng lupa ng mga katutubo para sa industrial hub. Inaasahan na magaganap ang paglagda sa inisyatibo sa magaganap na Association of South East Asian Nations (ASEAN) summit sa buwan ng Nobyembre ngunit hindi pa ito kinu- kumpirma ng palasyo. Isinumite na ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa pangungu- na ni Chief Executive Officer Joshua Bingcang ang Pax Silica framework kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong ika- 13 ng Oktubre, 2026 ayon kay Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Malacañang. Inilunsad ng School Parent- Teacher Association (SPTA) ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School ang Proyektong GABAY para sa taong panuruan 2026–2027, isang inisyatiba na naglalayong magbigay ng ligtas at kompidensyal na espasyo para sa mga mag-aaral. Binuo ang proyekto upang tulungan ang mga kabataan na maka- pagbukas ng kanilang saloobin sa mga tagapangasiwa ng gabay, lalo na sa mga pagkakataong nahihirapan silang sabihin ang kanilang nararamdaman sa mga magulang, guro, o kaibigan. Ayon sa isang kasapi ng SPTA, layunin ng proyektong GABAY na maging sandigan ng mga mag-aaral sa pagbabahagi ng kanilang personal na karanasan nang walang pangamba na sila ay mahuhusgahan. Ang lahat ng usapan sa pagi- tan ng mag-aaral at tagapangasiwa ay mananatiling kompidensyal. Sa pamamagitan ng prog- ramang ito, inaasahan ng pamunuan ng paaralan na mas magiging kam- pante at bukas ang mga kabataan sa pagharap sa kanilang emosyonal na pangangailangan, at magkakaroon ng dagdag na suporta sa kanilang pagla- lakbay bilang mga mag-aaral. Proyektong GABAY,Proyektong GABAY, inilunsad ng SPTA ng RMCHS ✒Isinulat ni: Krisha Camille A. Balais Isinagawa ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School Supreme Student Learner Government (RMCHS SSLG) ang Club Day 2026 na may temang “Clubs Unleashed: Find Your Circle” sa nasabing paaralan nitong ika-3 ng Setyembre 2026. Lumahok ang iba’t ibang organisasyon tulad ng English Club, Filipino Club, Values Club, BSP, GSP, MAPEH Club, CIC Club, AP Club, Math Club, at YES-O. Kasama rin dito ang Science, Research, BIZAP, TLE Club, at SSLG upang ipakilala ang kanilang mga layunin at aktibidad sa mga mag- aaral. Dumagsa ang mga estudyante sa iba’t ibang booth upang tuklasin ang kanilang mga interes at makahanap ng mga organisasyong maaari nilang salihan. Layunin ng programa na hikayatin ang mga Ramonian na makibahagi sa mga orga- nisasyon, makakilala ng mga bagong tao, at mapaunlad ang kanilang mga kakayahan. Sa pagtatapos ng Club Day 2026, pina- salamatan ng RMCHS SSLG ang mga guro at lahat ng mag-aaral na nakiisa sa programa. Bukod dito ay hinikayat din nila ang mga naging kalahok na gawing inspirasyon ang kani- lang pagsali sa Club Day upang matuklasan ang kanilang mga hilig at makagawa ng positibong pagbabago sa komunidad. RMCHS,RMCHS, inilunsad anginilunsad ang Club Day 2026Club Day 2026 ✒Isinulat ni: Sheila Mae P. Quisaba ✒Isinulat ni: Mark Jiuan T. Mallari Nakapasa sa 3 domains ng National Assessment for School Heads (NASH) noong ika-17 ng Mayo si Dr. Winnaflor G. Gaspar na isinagawa sa Caloocan Science High School (CSHS). Natapos ni Dr. Gaspar ang application process at assess- ment ng Department of Education (DepEd) ngayong taon, kung saan sumailalim sa NASH na sumusu- kat sa kakayahan ng mga aspir- ing school heads batay sa mga pamantayan para sa school leader- ship. Isinagawa ang NASH Batch 2 matapos ipagpaliban ng DepEd ang pagsusulit, kung saan itinakda ang mock assessment na nagsil- bing pagsasanay ng mga kalahok noong ika-10 ng Mayo bago ang aktuwal na pagsusulit ng sumunod na linggo. Ayon kay Dr. Gaspar, na- ganap ang kaniyang pagsusulit sa Caloocan habang may iba pang ka- lahok mula sa iba’t ibang lungsod. Matapos ang assessment ay nakatakda siyang sumailalim sa humigit-kumulang tatlong buwang pagsasanay na magsisimula sa Oktubre. Ibinahagi ni Dr. Gaspar na mahirap ang pagsusulit dahil hindi madaling matukoy ang mga tanong at sitwasyon na lalabas. Dagdag pa niya, may tatlong domain na tinasa, kung saan nakakamit siya ng mataas na resulta ngunit nagkulang ng isang puntos sa isang domain. “Mahirap maging princi- pal... Ito iyong kailangang mindset, kailangan alam niya iyong mga pasikot-sikot.” saad ng guro. Binigyang-diin ni Dr. Gaspar na mas malawak ang responsibili- dad ng p
04 EDITORYAL angtanglaw | Bolyum 1, Tomo 1 | Hunyo 2026 - Oktubre 2026 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG RAMON MAGSAYSAY (CUBAO) HIGH SCHOOL At sa kabila ng iba’t ibang rebisyon at hakbang sa kasalukuyang kurikulum, may mga anino na naging pangunahing pundasyon at sandigan ng bawat mag-aaral. Kaya upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-ahon ng Pilipinas, narara- pat lang na bigyang-pansin ang mga anino sa likod ng kaunlaran. Ayon sa isang pag-aaral, 79% ng mga mag-aaral ay naitalang“curious” o maraming gustong malaman. Samantalang 78% ay tumugon na ang pagdagdag ng “effort” ay solusyon sa pagkabigo sa halip na pagsuko. Kaugnay nito ang pahayag ng isang guro tungkol sa dalawang kalidad na kailangang taglayin ng isang mama- mahayag, ang “curiosity” at “perseverance.” Aniya, hindi sapat ang isang sagot, at kailangang magtanong nang mag tanong para sa karagdagang datos. Kung saan ang pagkuha ng impormasyon ay komplikado at nangangailangan ng katatagan at kasipagan, wika nga “Walang bundok na mata- as sa taong matiyagang umakyat.” Karagdagan, 44% ng mag-aaral ang may “growth mindset” o positibong pananaw sa paglutas ng mga pag- subok. Dito naipakikita ang halaga ng isang guro bil ang tagagabay at impluwensya sa determinasyon ng kabataan. Ang mga guro ang unang nakikinig sa bawat ideya, unang pumupuna sa dapat pang pagbutihin, naaa- pektuhan ng bawat pagbabago sa sistema o patakaran, at takbuhan tuwing may hindi maintindihan. Ang kaguruan ang direktang nagtuturo at gumagabay sa kabataan ukol sa mga dapat matutuhan, mapa-akademiko man o reyalidad ng buhay. Hindi lamang sa oras ng pangangailan pinupuntahan ang mga guro, sila rin ang dapat isa sa unang lalapitan tuwing may na- kamit na tagumpay. May tatlong paraan upang sila ay pasalamatan ; Una ay Show Up, maging handa at magpatuloy sa kabila ng mga hamon. Ikalawa ay Step Up, linangin ang paninindigan at pa- nanagutan sa mga responsibilidad. At ikatlo ay Pass It On, ipasa sa susunod na yapak ng henerasyon. Sa kabuoan, ang resulta ng PISA 2025 ay hin di nangangahulugang tapos na ang ating laban. Bagkus, paalala ito na may nagbukas na oportunidad upang magbigay motibasyon sa mag-aaral na magsumikap sa pag- aaral. Hangga’t may PISAra na nagagamit ang guro upang magturo, walang mag-aaral na maiiwan sa patuloy na pag- babago ng mundo. Hindi kasalanan ng kabataan ang mababang kalidad ng edukasyon, ngunit kasalanan ng karami- han kung walang gagawing hakbang laban sa patuloy na pagkalunod. “Worst State” kung ituring ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas nang makamit ng bansa ang ika-77 na puwesto sa 2022 Programme for International Student Assessment o PISA. Bilang tugon, nagsulong ng pagbabago ang Department of Education (DepEd) upang mas linangin ang Literacy, Numeracy, at Reading Comprehension ng kabataang Pilipino. Kaya naman ang re- sulta ng PISA 2025 ay hindi lamang numero, ito ay hudyat na ang Pilipinas ay makasasabay sa pandaigdigang pag-unlad ng edukasyon, sa tulong ng mga repormang naglalayong mas pagyamanin ang natututuhan ng kabataan. PISAra anGTanGlaw PatnuGutan RHEA JANE B. BANAWAN PUNONG PATNUGOT ANDREA ELYZA G. BA-ALAN KAWAKSING PATNUGOT JAY-AR B. GOPEZ TAGAPAMAHALANG PATNUGOT RHIANNA KERSHEL L. POLMO KAWAKSING TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PRINCESS ELYZA F. MARCELINO PATNUGOT SA PAGWAWASTO NG SIPI LHIAN JOYCE M. MAGDARAOG KAWAKSING PATNUGOT SA PAGWAWASTO NG SIPI ADRIEL MAE P. JULIO PATNUGOT SA PAGLALAPAT NG DISENYO EEVHIA RON NHAYR S. EVA KAWAKSING PATNUGOT SA PAGLALAPAT NG DISENYO SHEILA MAE P. QUISABA PATNUGOT SA BALITA REIGNA ANGELA T. PRIMAVERA PATNUGOT SA EDITORYAL FRANCIS JAMES F. MARCELINO PATNUGOT SA KOLUM JORJA REGINA Z. SABINORIO PATNUGOT SA LATHALAIN CARMELA C. MARUNDAN PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA KHYZIEL ROSE V. BALSOMO PATNUGOT SA BALITANG PAMPALAKASAN JHANE VINCE S. SOMIDO PATNUGOT SA PAGLALARAWANG TUDLING MGA KONTRIBYUTOR PRINCE JARRED U. VERDILLO EREKA CHLOE T. VIRTUDES CARMELA JAMIE M. PATARAY SKYE ANAIS R. AGUILA JULIUS D. ESTEBAN KHATE YURIANN CIRIACO MA. ANGEL JOY A. GATCHO CRIZHA MAZE A. GAYO LIAN O. TERO MOLEE A. VIRAY KAISER JOHN M. ESPINO PRECIOUS JANNAH P. ROSCO JUDE SOFIELLE F. DIZON BJORN ADRIANNE N. UMBAO GNG. EVANGELINE S. GAGARIN TAGAPAYO, ANG TANGLAW FLORIAN L. RUIZ, PhD FILIPINO, PUNO NG KAGAWARAN VI JOSEPHINE M. MANINGAS, PhD PUNONGGURO IV PAALALA: Ang mga pananaw at opinyon na nakapaloob sa mga artikulo ng Ang Tanglaw, ang opisyal na publikasyon ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School, ay hindi nangangahulugang sumasalamin sa paninindigan ng administrasyon ng paaralan. Liham sa Patnugot Mahal na Patnugot, Nais kong ipaabot ang aking karaingan tungkol sa vaping na nakapipinsala sa kalusugan ng mga mag-aaral. Maraming nakalalam- pas sa ispeksyon ng bag na isinasagawa sa gate, kung kaya’t umaabot sa loob ng silid-aralan o palikuran ang usok ng vape. Ako’y naba- bahala dahil maaari itong makaapekto sa paghinga ng mga nakala- langhap, lalo na sa mga may asthma o allergy. Ang seguridad at tuntunin ng paaralan ay nalalabag at i
✒Isinulat ni: Justin Kyle M. Bajacan ✒Isinulat ni: Juan Carloz Antonio C. Bautista ✒Isinulat ni: Marian A. Sabilao Sa totoo lang 05 opinyon LuksaKlase Malayo pa sa katotohanan ang paniniwalang ligtas na lugar para sa kabataan ang ating mga paaralan. Palagi nating naririnig ang pangako ng pamunuan ng eskwelahan na nakatutok sila sa kaligtasan ng mga mag-aaral, ngunit ang trahedyang nagaganap sa kasalukuyan ay malinaw na patunay na manipis at kulang na kulang ang ating mga sistema. Hindi na lamang pambubulas o simpleng away-kabataan ang kinakaharap ngayon, kundi ang nakalulunos at matitinding insidente ng pamamaril sa loob mismo ng kampus. Hindi maitatanggi na pumasok na sa ating bansa ang nakatatakot na banta ng school shootings na dating sa ibang lugar lamang nababalitaan. Ang naganap na pama- maril at banta ng karahasan sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bayan ay tahasang nagpapakita ng malaking bitak sa seguri- dad. Paano nakapasok ang baril sa loob ng paaralan? Ang mga pangyayaring ito ay malinaw na resibo na ang mga kasalukuyang patakaran ay hindi sapat upang maagapan ang ganitong uri ng matinding karahasan. Ang isa pang pangunahing dahilan kung bakit hindi handa ang paaralan ay ang matinding kakulangan sa mga propesyonal na makatutulong sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), mayroong mahigit kumulang 4,000 bakanteng posisyon para sa mga lisensyadong guidance counselors sa buong bansa dahil sa mababang pasahod at kawalan ng aplikante. Sa kabila ng ulat na halos 65% ng mga estudyanteng Pilipino ang nakararanas ng pambubulas batay sa datos ng Programme for International Student As- sessment (PISA), nananatiling walang sapat na lalapitan ang mga bata para sa counseling, dahilan upang ang galit, depresyon, at trauma ay magbunga ng matinding violent acts. Sa usapin naman ng pisikal na seguri- dad at modernong pagtugon, kitang-kita ang pagiging huli ng ating mga pasilidad. Karami- han sa mga paaralan ay walang sapat na in- spection equipment gaya ng metal detectors o bihasang security personnel na nakatutok sa pag-inspeksyon ng mga gamit. Bagaman nagsimula na kamakailan ang DepEd sa pag- papatupad ng mga safety shooting drill, ma- linaw na reaktibo lamang ito at ginawa lang kung kailan may mga buhay nang nawala. Sa aking palagay, walang-kabuluhan din ang kagustuhan nilang ipatupad ang drill dahil mismong estudyante na ang gumagawa ng krimen. Naniniwala rin ako na hindi rin ga- nap na naagapan ang cyberbullying at online violent extremism na nag-uudyok sa ilang kabataan na gumawa ng krimen. Sa kabuoan nito, naniniwala akong pormalidad lamang sa papel ang karami- han sa mga Child Protection Policy ng mga paaralan. Kumikilos lamang ang sistema ka- pag dumanak ang dugo o kapag nag-viral na ang isang insidente sa social media. Hangga’t hindi itinataas ang pondo para sa totoong seguridad sa mga pinto ng paaralan, hindi naglalagay ng sapat na guidance counselors, at hindi proactively natutukoy ang problema ng mga estudyante, mananatiling kulang ang paghahanda ng ating mga paaralan laban sa karahasan. Kaligtasan o Pag-aaral? Sa tuwing inaanunsyo ang suspensyon ng klase, maraming mag- aaral ang napangingiti. Para sa ilan, ito ay pagkakataong maka- pagpahinga, makatulog nang mas mahaba, at makaiwas muna sa sunod-sunod na gawain sa paaralan. Ngunit sa likod ng saya ng isang araw na walang klase, may mga epekto rin itong hindi agad napapansin. Malaking epekto ng class suspension ang pagkaantala sa pag-aaral. Kapag nasuspinde ang klase, hindi naituturo ang mga araling nakatakda para sa araw na iyon. Maaaring habulin ito sa susu- nod na mga araw, kaya minsan ay nagiging mas mabilis at mas marami ang kailangang matutu- han ng mga mag-aaral. Dahil dito, maaaring makaramdam ng pre- ssure ang ilan upang makahabol sa mga aralin at gawain. Hindi rin pare-pareho ang sitwasyon ng bawat mag-aaral. Kapag ipinagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng online o mo- dyular na paraan, may mga es- tudyanteng maaaring magkaroon ng problema sa internet, gadgets, kuryente, o tahimik na lugar para makapag-aral. Dahil dito, hindi lahat ay nabibigyan ng pantay na pagkakataong makasabay sa klase. Gayunpaman, mahalaga rin ang suspensyon ng klase, lalo na kung ito ay dulot ng bagyo, matinding init, baha, o iba pang panganib. Mas mahalaga ang ka- ligtasan ng mga mag-aaral kaysa sa isang araw na pag-aaral. Ang suspensyon ay nagbibigay rin ng pagkakataong makapagpahinga ang mga estudyante at guro mula sa pagod at stress. Para sa akin, hindi dapat tingnan ang class suspension bi- lang simpleng “walang pasok.” Ito ay isang hakbang na kinakailangan kapag may banta sa kaligtasan, ngunit dapat ding tiyaking hindi lubos na napag-iiwanan ang mga mag-aaral. Kailangang magkaroon nang maayos at patas na paraan upang makahabol sa mga aralin nang hindi nadaragdagang sobra ang kanilang pressure. Sa huli, ang isang araw na walang klase ay maaaring mag- ing pahinga, ngunit maaari din itong maging dagdag
SakriPRESYO! Pax-asa ✒Isinulat ni: Francis James F. Marcelino Tuluyang sumali ang Pilipinas sa Pax Initiative o mas kilala bilang Pax Silica ng Estados Unidos. Isang malaking Artificial Intelli- gence (AI) at industrial hub na may layuning tanggalin ang patuloy na pag-asa ng mga kasaling bansa sa mga rare earth minerals na halos karamihan ay nakukuha lamang sa Tsina. Sa patuloy na agresyon ng Tsina sa Pilipinas lalo na sa isyu ng West Philippine Sea, naniniwala akong ang pagsali ng Pilipinas sa inisyatiba ng kaalyadong bansa’y hustong makatutulong sa ekonomikal, heopolitikal at sariling depen- sa na hustong kinakailangan ng ating bansa. Umaapaw na Pondo ✒Isinulat ni: Reigna Angela T. Primavera Taon-taon, bilyon-bilyong piso ang inilalabas para labanan ang baha. Ngunit sa tuwing bumubuhos ang ulan, hindi na bago ang tanawin ng mga kalsadang nagiging ilog at mga tahanang nilalamon ng baha. At kasabay ng pagtaas ng baha, lulutang ang isang tanong: Saan napupunta ang mga flood control na pinaglalaanan ng napakalaking pondo? Para sa akin, hindi na dapat itu- ring na simpleng abala ang pagbaha. Isa itong problemang paulit-ulit na huma- hamon sa kakayahan ng pamahalaan na protektahan ang mamamayan. Walang saysay ang paglaan ng bilyon-bilyong piso kung baha pa rin ang makikita sa bawat pag-ulan. Lalong nakababahala ang mga natuklasan ng Commision on Audit (COA) nitong nakaraang mga buwan. Sa Bulacan, apat na flood control projects na nagkakahalaga ng mahigit P325 mil- yon ang na-flag dahil sa mga iregula- ridad. Ang bawat “ghost” flood control projects ay nagdudulot ng pagkalugi sa ekonomiya. Gayunpaman, hindi ko sinasa- bing walang silbi ang mga flood control. Hindi naman masama ang paglalaan ng pondo para rito. Katunayan, mahalaga ang mga proyektong ito upang maba- wasan ang pagbaha. Ngunit ang punto ko, hindi dapat sinusukat ang tagumpay sa laki ng pondong inilalabas kundi sa laki ng problemang nalulutas. Sa ganang akin, dapat maging bukas sa publiko ang impormasyon tungkol sa bawat proyekto — mula sa halaga ng inilalaan, saan ito tunay na ginagamit, sino ang kontratista, hang- gang sa ano talaga ang aktuwal na resulta. Dapat imbestigahan ang mga iregularidad at managot ang sinumang mapatunayang lumabag. Hindi dapat bulsa ng iilan ang umapaw habang ang bayan ay lumulubog. Sa huli, hindi dapat baha ang palaging sumasalubong sa Pilipino. Hindi dapat tubig ang kailangan nating kontrolin. Kung bilyon-bilyong piso ang inilalabas ngunit baha pa rin ang buma- balik, nakapagtataka kung nagagamit ba nang tama ang ating buwis o gina- gamit na sa pansariling interes. Sa flood control, ang bawat piso ay maaaring magrepresenta sa bawat pamilyang mu- ling lulubog sa pagharap sa kalamidad. Sa kabila ng mga paliwanag ukol sa batas ng suplay at demand, nanana- tiling mabigat na pasanin para sa milyon-milyong mahihirap na Pilipino ang patuloy na pagtaas ng implasyon ng mga pangunahing bilihin, pagkain, at pangangailangan ng tao. Katunayan, maraming insiden- te sa bansa kung saan ang sinasa- bing “kakulangan sa suplay” ay hindi dahil sa kawalan ng ani, kundi dahil sa pagtatago ng suplay (hoarding) at manipulasyon ng mga kartel at middlemen sa merkado. Sa aking pananaw, isang malaking kabalintunaan na sabihing kusa lamang ang paggalaw ng im- plasyon habang ang ating mga lokal na magsasaka ay nabubulukan ng ani dahil sa murang farmgate price, ngunit napakamahal naman ng benta sa mga palengke. Maling-mali na iasa na lamang sa mga puwersa ng merkado ang kapalaran ng gutom na taumbayan. Ang kawalan ng matibay na kontrol sa presyo (price control) at kakula- ngan sa pagpaparusa sa mga parte ng sindikato ng hoarding ay malinaw na kapabayaan ng estado. Nasaan ang sinasabing proteksyon sa mga mamimili kung ang suweldo ng mga ordinaryong mamamayan at manggagawa ay hindi naman sumasabay sa bilis ng pagtaas ng implasyon? Ang bawat pagtaas ng presyo ay direktang pag- baba sa kalidad ng pamumuhay ng pamilyang Pilipino. Hindi rin sapat ang paminsan-minsang pagpapatayo ng mga pop-up market dahil hindi naman nito naaabot ang buong kapuluan. Ang kailangan ng bansa ay perma- nenteng estratehiya upang sugpuin ang mga middlemen at protektahan ang mga prodyuser. Hangga’t hindi nasusugpo ang manipulasyon sa supply at kawalan ng tunay na suporta sa agrikultura, ang implasyon ay mananatiling lason na patuloy na papatay sa bulsa at hapag-kainan ng mamamayan. Suri-tek Tinig ni Juan Tapik sa balikat ✒Isinulat ni: Juan Carloz Antonio C. Bautista 06opinyon Unang-una, maraming oportunidad at trabaho ang ibibigay ng inisyatibang ito. Sa katunayan, magdadala ng malaking puhunan mula sa pinakamayamang bansa sa kasalukuyan ang nasabing usapin. Padadaliin ang pagpasok ng dolyar sa pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa buong mundo. Karagdagan pa rito, para sa akin, mas palalawakin at palalakasin ang sektor ng industriya, lokal na produksyon, teknolohiya at inobasyon na magreresulta sa paglakas ng iba pang sektor lalo na sa edukasyon at kalusugan. Ikalawa, napapanahon ang
07LATHALAIN angtanglaw | Bolyum 1, Tomo 1 | Hunyo 2026 - Oktubre 2026 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG RAMON MAGSAYSAY (CUBAO) HIGH SCHOOL Marahil maraming sasalungat sa akin kung sasabihin kong mas masaya kapag umuulan. Hindi dahil may posi- bilidad na walang pasok o kaya naman ay dahil may pag- kakataon ako upang makawala sa buhay na araw-araw kinagisnan. Bagkus ay dahil ulan ang nagpapaalala na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong sabayan ang liwanag ng araw, minsan, maaari ka ring lumuha ma- tapos ang mahabang panahon na nagbigay ka ng ilaw sa kadiliman. Ngunit, kahit na paborito ko ang ulan, ayoko pa ring nagpapayong kahit lagi akong may dala nito. Gusto ko kasing panindigan ang aking pagmamahal sa ulan. Hindi gaya ng mga taong magsasabing mahal ka nila ngunit unang magsi- silong sa sarili kapag dumating ang gulo sa iyong mundo. Sa kabilang banda, mas masarap din kasi sa pakiramdam ang marahang pagbagsak nito sa aking balat na para bang nagpapaalala na kasama ko siyang lumuha at sumaya. Noon, hanggang ngayon, ganito pa rin ang kalagayan ko—ulan pa rin ang aking kanlungan, ngunit natuto na akong umasa na may tao pang handang payungan ako sa kabila ng bawat pagluha ko kasabay ng patak ng tubig nang makilala ko ang isang taong hindi nag-atubiling mag-alala sa aking paglusong sa ulan. Sa bawat araw na pinipilit ko siyang hayaan akong maglakad nang mag-isa rito, pinipili niya pa ring sundan ako’t samahan. Ipinaramdam niya sa akin ang mga bagay na akala ko ay hindi ko na mararam- daman, iyong pakiramdam na kahit hindi mo sabihin, batid niya ang nilalaman ng kalooban at ang paraan ng kaniyang pananatili. Binigyan niya ako ng pag-ibig na nagbibigay ng dahilan kung bakit mas nakabubu- ting manatili kaysa umalis kahit na mayroong hidwaan sa isa’t isa. Siya ang nagpaalala sa akin na ang pagsasama ay hindi lang tumatatag sa salitang “mahal kita” kundi maging sa pagkakaroon ng pasensya, pagbibigay ng pagkakataong ang pagkakamali ay maitama at pagiging mas mabuti para sa isa’t isa. Sa kaniyang pananatili, naunawaan ko na ang pagsisilong ay hindi nangangahulugan pagtakas sa ulan. Minsan, ito pala ay paraan din ng isang tao upang damayan ka sa paglalakbay kahit na mabasa ka pa. Noon ayaw ‘kong magpayong, ngunit da- hil sa kanya, minahal Hat pagkalma niya sa nalulunod kong puso. Handa na akong magpayong kasama siya, handa na akong sumulong sa piling niya, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, tumigil ang ulan at sumikat ang araw kasabay ng pagbadya nito ng paghihiwalay naming dalawa. Kung kailan handa na akong magmahal nang buo, siya namang pag- usbong ng responsibilidad na kailangan ‘kong ipapasan sa aking mundo. Sa pagsikat ng araw, mga kamay nami’y unti-unting nagkawalay. Dahil hindi sa lahat ng pagkaka- taon ay kailangan ‘kong hayaan ang sarili kong manatili sa ulan. Kailangan ko rin magsilbing gabay at magbigay ng tulong sa aming tahanan. Ang araw na siyang dapat nagbibigay pag-asa, ay naging madilim na sa aking mata. At kung sa pag-ulan ko lang siya maka- kasama, handa akong magpakalunod sa baha, kung sa paghupa nito’y siya ang aking matatamasa. Mahal ko pa rin ang ulan — mahal na ma- hal. Kahit na ang kapalit nito ay ang ating paglisan. Ngunit sa pagkakataong ito, sana tumigil na ang ulan. Hindi dahil ayoko nang makita ka o makasama kun’di dahil alam kong hindi pa ngayon ang tamang panahon upang makapiling ka. Darating ang susunod na pagkakataon na muling uulan, muli tayong magkakasama sa gitna ng kawalan. At sana, sa panahong iyon, magkapiling na tayo mapa-tag-araw o tag-ulan, sa lugar na tatawagin nating tahanan. ✒Isinulat ni: Andrea Elyza G. Ba-alanLumang Sapatos ✒Isinulat ni: Jay-ar B. Gopez Ang isang SPA ay may pares ng sapatos na saksi sa bawat panalo at pagkatalong natatamo. Ang sapatos na ito’y ma- layo na ang nilakad at siya na ring nababad sa baha’t nabilad sa araw. Patuloy itong lumalakad para gabayan ang mga mamama- hayag na malayo pa ang mararating. Animo’y antigo ngunit ito’y patuloy pa ring gagamitin para maging saksi sa paglalakbay ng isang musmos na nagsisimula pa lang. Ang ilalim nito’y pudpod na subalit siya ring dahilan sa pagtatasa ng kaisi- pan. Ito’y malapit nang masira pero patuloy pa rin bumubuo ng pangarap. Ito’y halos mahati na sa dalawa pero gumagabay pa rin sa batang mamamahayag sa pagsulat ng balitang nagbubuklod sa bawat isa. Ang lumang sapatos ay simbolo ng hamon ng isang SPA o guro—oras at salapi, subalit walang hamong hindi madaraan sa punyagi para sa taong may nais marating. Para sa batang nagsisimula pa lang, baha ng problema’y susuuungin suot ang lumang sapatos.Pagkakataon sa Pagitan ng Hamon ✒Isinulat ni: Hannah Trixei S. Solomon Lahat tayo’y hindi pareho ng nabubuksang pahina sa isang aklat. May mga pahina sa librong maayos at malinis, at iba na tila hindi na mawari ang mga titik. Ganiyan ang buhay na puno ng pangarap, subalit sa balakid ng buhay namulat. At kung marahang sisilipin ang balakid, makikitang pursigido itong salungatin. Mga taong una’y napilit
08lathalain Maingay noon sapagkat nagtipon-tipon ang mga mamamahayag pampaaralan ng anim na distrito ng Kyusi. Nagkalat ang Mojo sa labas na kumakapanayam ng mga guro at pati na rin iba’t iba pang mga mag-aaral para sa iba’t ibang dahilan. Habang ang mga mata ng iba’y nakatingin sa lente ng kung sinong naglilitrato o ‘di naman kaya ay sa mga mapang-agaw tingin na pakulo ng paaralang pinagdausan, napatingin ako sa mga mata ni ginang at sa salamin niyang pilit na lang dinudugtong ng tape na dose isa sa tindahang pinakamalapit. Si ginang marahil ang isa sa saksi sa mga trip ko sa buhay. Mula sa pagpapa- haba ng buhok dahil pangarap kong maging kagaya si Kurt Cobain hanggang sa pagsu- suot ng baggy jeans dahil Gen Z ako. Madalas niya rin ipayo na ayusin ko ang aking sulat-kamay ‘pagkat hindi na raw ito mabasa. Kaya naman minsa’y sinubukan kong silip- in ang kaniyang pagkatao—bakit pagiging guro? Sabi niya ay hindi naman daw talaga niya naisip sa simula kung anong pangarap niya, may punto pa nga kung saan muntikan pa siyang maging dentista. Sa huli, siya ay nakapagdesisyon na maging guro tulad ng kaniyang ilaw at haligi. Sa una nga’y kursong may kinalaman sa pagbubutingting ang tumatakbo sa kanyang isipan pero ang asigna- turang Filipino pa rin ang kaniyang pinili. Ngayon, siya ang school paper adviser ng publikasyong Filipino ng paaralan ko na dahil may aircon at malapit sa isang mall. Marahil ay ‘di malalim ang takbo ng kuwen- to dahil ‘yan lang ang alam ko sa kaniya, pero kung titingin ka sa kaniyang mata’y may angkin itong lalim. Sa tinagal-tagal niyang nagsilbing guro at SPA, napapaisip ako kung minsan ba’y may kirot kapag nakikita mong may sasakyan na ang minsan mong estudyante habang ika’y patuloy na sumasakay sa jeep na mausok at patuloy nilalakad ang EDSA kahit ma- sakit na ang balakang? May kirot ba kapag minsa’y nasa estudyante o punongguro ang parangal habang ang sisi ay nasa kaniya na para bang siya’y isang hangal? May kirot ba kapag nakikita mong sa tinagal-tagal mong paglilingkod sa paaralan kung saan minsa’y pupunta ka rito ng araw at ang paglubog nito’y madadatnan na hindi pa rin halos abot ang marangyang buhay sapagkat ang sahod ay nananatiling kapos? May kirot ba na sa sariling bulsa kinukuha ang panggastos sa ilang gawain, pamasahe, at pagkain ng mga bata? May kirot ba kapag sa dinami-rami ng mag-aaral mong hinawaka’y iilan lang sa iyo’y makakaalala kapag tumuntong na sa labas ng paaralan? Hindi ba nga’t mas mata- gal pa ang kaniyang pinaglalagi rito kumpara sa sariling tahanang may dalawang anak na naghihintay? Pero marahil mababaw iyan na ang aking naiisip, sapagkat hindi iyan ang matatagpuan sa lalim ng kaniyang mata—ligaya ang masisilayan. Sa kaniyang mga ma- ta’y sapat na ang makitang maabot ng isang mag-aaral ang pinipithaya nitong pangarap, at nakalulungkot kapag hindi. Sapat na ang lambing at biro ng mga mag-aaral kahit isa lamang itong sandal kung ikukumpara sa tagal na kaniyang makitang nakukuha ng mag- aaral ang kaniyang pananatili. Sapat na ang makapagtapos ang isa nang matiwasay at makitang inaabot ng mag-aaral ang kanyang diploma habang nakatoga na kaytagal din niyang inantay. Sapat na ito sa kaniya kahit pa minsa’y wala nang natitira para sa kaniya, maski pampagawa ng salamin. Sa kaniyang mga mata, nakikita niya ang pag-asa na ang bawat isa’y mas ma- giging mas magaling pa, at ang pagsali niya sa akin sa aming publikasyon ang matibay na patunay niyan ‘pagkat ako ‘yong mag-aaral na ‘di sumusunod sa tamang pananamit o buhok sa paaralan. Marahil sira ang salamin ni ginang, pero malinaw na nakikita niya ang liwanag sa bawat mamamahayag na minsa’y pagsisilbihan niya bilang school paper adviser. SIRA NA ANG SALAMIN NI GINANG Puno ang silid ng mga kiskis sa papel ng lapis, tunog nito’y tila kinukus- kos sa papel de liha nang labis. Sa kabilang sulok naman ay may grupong nag-eensayo, sa mga mata’t ngiti nila’y maki- kita ang pangarap habang tinitipa ang pahinang gina- gawa. Mayroon ding mga ineensayo ang kanilang pagbaba- lita, bawat bigkas nila’y para kang hinehele ngunit madalas ay minumulat. At sa iyong paglingon, makikita ang mga estudyan- teng nag-aabang sa pintuan—hinihintay ang bawat yapak ng isang tao, taong lubos nilang pinagkaka- SaLikod NgArtikulo ✒Isinulat ni: Jay-ar B. Gopez tiwalaan. Isa. Dalawa. Tatlo. “Narito na siya!” Sigaw ng estudyanteng hawak ang kaniyang artikulong nakasulat sa pirasong papel, nagnining- ning ang mata habang sa mukha niya’y nakaimprinta ang ligaya. Kasunod na magbibigay ng matamis na bati, sabay maamong ngiti. Narito na si Ginang—si Binibini. Maikli at kulot ang kaniyang buhok, habang ang ka- niyang labi’y laging nakangiti—ganiyan mo makikilala si Ginang sa koridor ng aming paaralan. Nang siya’y pumasok sa silid ng mga kabataang mamamahayag, katulad ng nau- na’y mainit na bati’t kasunod ay matamis na ngiti ang bumu- ngad. At nagmamadaling mag-unahan sa kaniyang harapan, upang magpasuri ng artikulong kanilang ginawa. Sa kaniyang pagsusuri, ika’y uup
09 lathalain The Glass is Half Full✒Isinulat ni: Jay-ar B. Gopez Blankong papel. Ubos na tinta. Isipang salat sa kaalaman. Ganito nagsimula ang aking buhay bilang manunulat. Para akong sanggol na isang beses pa lamang hu- mawak ng pluma at kung ano-ano ang kinatha. Sa tuwing humahawak ako nito, dama kong tila walang patutu- nguhan ang lahat. Yung pakiramdam na, susulat ako para lang may maisulat. Gagawa ako para lang may ma- gawa. Hindi para magsilbing tinig sa iba o magbigay katotohanan sa mundong puno ng kasinungalingan. Mada- li para sa akin ang mag-isip kung anong ibig kong isulat, ngunit gaya ng batang isang beses pa lamang mamu- lat, pluma ang bagay na hinawakan kong lubos na nagdulot sa akin ng pagkabagabag. Matagal akong naging bata sa mga bagay na nagbibigay sa’kin ng labis ng ligaya. At sa mga pagkakata- ong iyon, ang hirap isipin na hindi mo kayang gawin ang bagay na alam mong kaya namang isakatuparan. Sa kabila ng lahat ng mga blankong papel, walang tintang bolpen, at pundidong ilaw sa isipan, na- roon ang nagbigay nilalaman, naghandog ng tinta, at nagsindi sa pundidong kaalaman—si Ginang, ang gurong hindi kailanman nagsawang maging nanay sa mga batang naliligaw ng landas sa pagha- wak ng pluma. May mga pagkakataon na maging sarili ko ay hindi ko mapakinggan, ngunit siya ang mahinang tinig na nagsasabing “Kaya mo ‘yan, nak!” Matalo man o manalo sa patimpalak, sa artikulo man ay ngumiti o umiyak, nariyan siya palagi, gumagabay sa marahang paggayak. Nanay rin si Ginang sa kanilang tahanan, ngunit sa mga salitang nagmu- mula sa kaniya, oras na inilalaan sa bawat pag-eensayo kahit sa klase’y pagod na at sa pagtitiwala na mayroon siya sa aming mga bata, tila ba’y iisang dugo lamang ang dumadaloy sa aming katawan. Kaya kung makita n’yo man akong nakapagsulat sa isang papel ng iba’t ibang karunungan at nagsisilbing tinig ng katotohanan, alalahanin ninyo na ito ay hindi bunga ng sariling pagsisikap lamang, kundi maging ng pag-aalay ng aking mama upang bawat pagsubok ay malampasan. Patuloy pa rin akong magsusulat, ipamamalas ang kakayahang pinasibol ni mama nang buong ingat. Malimutan ko man ang pamagat o nilalaman ng bawat artikulong matagumpay kong nilikha, ngunit hinding-hindi ko malilimutan ang tao sa likod ng bawat pagdududa at takot habang kinaktha ko ang bawat salita. Kakayanin ko pang maging mas mahusay na mamamahayag, sa tulong ng aking mama na gumagabay sa bawat hamon na sa amin ay ihahayag bilang mga batang MAMAmahayag. Mamamahayag ✒Isinulat ni: Andrea Elyza G. Ba-alan Sa pasilyong di pinagpala sa sinag ng araw, isang gurong may mga matang saksi sa iba’t ibang pang- yayari sa paglipas ng panahon. Isang gurong ang sasabihin ay “The Glass is half full” kaysa “The Glass is half empty.” Si ma’am Miguela Clarit ay isang guro sa TLE department ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School. Sa edad na 63 anyos ay patuloy na nagtuturo, dala-dala ang kaalamang hango sa libro at karanansang ‘di matu- tumbasan. Sa isang baryo sa Botolan, Zambales, isinilang si Miguela Clarit, o na noo’y kilalang Ela. Luntian ang tanawin at payapa ang kapaligiran, malamig na simoy ng hangin na nilala- sap doon ng karamihan. Mula sa lamparang kaagapay ni Ela sa pag-aaral at mga larong limot na ng kabataan, ‘yan ang mga bagay na hu- mubog sa gurong kalauna’y naging gabay sa mga mag-aaral sa loob ng humigit-kumulang apat na dekada kung saan tatlo dito ay sa Monsay. Mula Rizal patungong Kyusi ang biyahe ni ma’am, halos 25km biyahe araw-araw ang kanyang nilalakbay makarating lang sa paaralang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga estudyanteng kung minsa’y magalang at mabait, subalit mayroon ding may taingang mistulang bingi’t di nakaririnig. Simple — hindi malungkot si ma’am dito. Bilang sumusulat ng lathalain, ang orihinal na plano sana’y magpaiyak ng mambabasa, subalit mistulang wala sa kanya ang hirap ng trabahong dala-dala. Habang nagkukuwento si ma’am ng kanyang karananasan, para bang natutuwa pa nga siya imbes na maluha o malungkot, at marahil ito ang aral na aking napulot — pagiging optimista. Paniguradong puno ng kirot at buhay niya bilang guro, subalit kung titignan mo ang kanyang mata’y mga ma- sasayang karanasan ang matatanaw dito. Mga alaalang binuo ng mga estudyanteng malambing, masipag, malinis, nagtagumpay na at magtatagumpay pa lamang, at mga gurong naging kaagapay sa bawat proyekto, ga- wain, at pagbabago ng panahon — ‘yan ang mga ganap at mukhang di niya malilimutan, at gaya ng kanyang pagtanda’y nais din niya matandaan bilang isang mabait na guro at bilang marunong makisama na tao. Sa tinagal-tagal niya sa Monsay, pagiging kuntento at pananalig sa Diyos ang mga pagpapahalagang mapupulot sa kanya, mga bagay rin na siyang dahilan ba’t siya tumagal dito. At sa hinaba-haba ng kanyang pa- nanatli dito, ganap ng magre- retiro si ma’am sa paparating na Enero. Sa huli, simple lang ang kanyang hiling sa bawat kabataan — maging mabait at mag- aral mabuti. . Isip. Sulat. Bura. Datapwat gusto alitan ang salitang at palitan i
10lathalainMa,Pasok na AKo “Ma, anong ulam?” “Ma, pahingi pera.” “Ma, pasok na po ako.” Kung isa kang ilaw ng tahanan, madalas mo maririnig ang mga katagang iyan, subalit para sa iilan, ang mga katagang ‘yan ay hindi na maririnig pa. Nitong ika-22 ng Hunyo, tatlo ang patay sa nangyaring pamamaril ng dalawang mag-aaral sa kanilang kapwa mag-aaral sa Tacloban City, Leyte. Ang paaralan ay lugar na kung saan hindi lamang Agham o Sipnayang nakalilito ang inaaral, bagkus kasama rin ang kahalagahan ng buhay—taliwas sa nangyaring pangyayari sa yaring paaralan na yan sa yaring kaalaman at pag-ibig. Ano kaya ang pakiramdam ng isang ina na nawalan ng minsang dinala niya sa loob ng sinapupunan ng siyam na buwan? Ano kayang pakiramdam suotin ang kanilang sapatos? May bubog bang tumutusok sa kanilang puso sa bawat pagtapak? May batong matulis ba? Hindi ko tuwirang alam ang nangyari, pero paniguradong paulit-ulit nag-rereplay sa kanilang isipan ang pag-alis ng kanyang sanggol noong umaga na iyon para pu- masok. Hindi eksaktong ganito, pero marahil ang huling katagang narinig ng ma- gulang ay “Ma, pasok na po ako.” Hindi tahasang sinabi, pero ito’y may kaakibat na “ Ma, babalik ako.” At sasagot si nanay ng “Ingat ka, anak.” Kung iisipin, natupad naman ang dalawa–bumalik ang anak nang nasa kabaong habang dahan-dahang itong pinapasok nang may pag-iingat sa tahanang kanyang nilisan para mag-aral. Mistulang natutulog lamang ito gaya ng kung paano ito natutulog noong umaga na iyon, subalit kahit anong “Nak, gising na.” ay hindi na mumulat ang talukap sa pagkapikit. Ang mga pagkain sa kanyang paligid ay marahil ang paborito niyang candy, biskuit, o inumin, pero ito’y para sa mga bisitang nakikiramay upang makita siya sa huling pagkakataon. Lilipas ang oras, mawawala sa isip nilang mga nakiramay ang trahedyang hindi malilimot ni nanay. Hindi niya malilimot ang pagsasawalang-kibo ni anak habang pilit niya itong ginigising nang nagmamakaawa. Maninibago si nanay na kulang ng isang pansipilyo sa lalagyan nito. Maninibago si nanay na bakante ang isang upuan sa hapag- kainan at gayon din sa nakahaing pinggan. Maninibago si nanay na kulang ng isang uniporme ang kanyang nilalabhan. Maninibago si nanay na wala nang nagpapamamaya ng utos niya. Lilipas ang araw, linggo, buwan, at taon nang hindi pa rin tanggap ang trahedyang kinali- mutan na ng lahat. Nasanay na lang si nanay na lunukin ang hikbi sa mga pagkakataong nababanggit pa rin ang pangalan ng anak na yumao. Gaya nga ng sabi ko, hindi nga eksaktong ganyan pagkat marahil mas malala pa diyan. Mananatiling buhay ang alaalang hindi na magkakaroon ng alaalang aakyat si nanay sa entablado habang kinukunan ng litratong minsan lang ang anak na naka- toga dala-dala ang kanyang diplomang may kaakibat na, “Nakapagtapos na ako, Ma.” Mananatili itong buhay sa bawat kalamnan ng katawan ni nanay na pilit inaalala ang init ng yakap ng anak na nanlamig na. Matututo na lang si nanay na pumalakpak sa anak ng iba pagkat wala na ang mahal na anak niyang minsang nangarap. Sa huli, ang sakit lang isipin na hindi mensahe ng pananatili kundi mensahe ng paglisan ang huling sinabi ng anak na sa litrato na lamang makikita. Gagawin ni nanay ang lahat para bumalik sa eksaktong oras na sinabi ng anak na, “Ma, pasok na ako.” Para sabihing, “Huwag na at matulog na lang.” Sapagkat baka sa paraang ito, siya’y gumising pa. Nawa’y sa bawat “Ma, pasok na po ako.” ay may, “Ma, ako’y nakauwi na.” Sumalangit nawa ang tatlong anghel na maagang lumisan sa mundong ibabaw. Bawat yapak, ano ang pakay ✒Isinulat ni: Molee A. Viray Isang malamig na guhit ng takot ang gumagapang sa likod ng bawat leeg ng mga estudyante sa tuwing hahakbang sila papasok sa pintuan ng paaralan. Ang silid- aralan na dating punong-puno ng ingay, tawanan, at mga pangarap ay tila naging apat na sulok ng pag-aalinlangan at matinding kaba. Sa bawat pagbukas ng pinto, hindi pamilyar na yabag sa pasilyo, at biglaang pagbagsak ng gamit sa sahig, napa- sisinghap ang mga kalamnan at napalilingon ang mga ulo—nag-aabang kung iyon na ba ang simula ng isang bangungot na hindi natin akalaing pwedeng mangyari sa ating paligid. Hindi ko na maiwasang magtanong sa sarili habang nakaupo sa aking upuan: Sino sa mga kasama ko rito ang may bitbit na galit na hindi natin nakikita? Safe pa ba talaga ako rito? Ang mga balita tungkol sa lumalalang karahasan at pagpasok ng mga mapanganib na sandata sa loob ng mga paaralan ay parang isang matalim na kutsilyo na pumatid sa ating ilusyon ng kaligtasan. Biglang napunit ang kumpiyansang ang ating mga pader at pintuan ay sapat upang protektahan tayo mula sa panganib, at ang katotohanang iyon ay nakapangingilabot tanggapin. Sa bawat oras ng klase, ang aking isip ay hindi na lamang nakatutok sa leksyon ng guro, kundi maging sa mga posibleng daanan palabas kung sakaling magkaroon ng kaguluhan. Tinitingnan ko ang ilalim ng aking mesa—hindi na bilang lugar kung saan ako nagtatago kapag naglalaro, kundi bilang ang tanging manipis na harang sa
11 lathalain Crush mo raw ako, p’re? ✒Isinulat ni: Crystal Avril P. Rosco Hindi ko alam kung kailan eksaktong nagsimula. Itago na lang natin siya sa pangalang Jose. Kaklase ko lang siya. At noong una, kaklase lang talaga. Sa totoo lang, hindi nga dapat ako ang nasa kuwento. Dahil may nauna nang pangalang binabanggit tuwing aasarin siya. Ibang taong sinasabing may gusto sa kaniya. At ako? Kaklase niya lang. Hanggang sa nagkaroon kami ng training program sa P.E. kung saan kailangan naming mag-cardio araw-araw. Si Juno, isa sa aming kaklase at malapit na kai- bigan, niyaya ako na sumama sa kanila nina Jose at Diana para tumakbo paikot sa Kamuning. “Sige” ang sagot ko. Simple at walang malisya, kahit papaano, iyon ang akala ko. Dahil si Diana, may gusto na kay Jose noon. Kaya ang plano, si Juno ang matchmaker, si Diana at Jose ang paglalapitin, at ako, sobrang karakter lang na nasama dahil inaya. Pero mukhang may ibang plano pala ang sansinukob. Bandang alas-siyete nang matapos kami sa pagtakbo, hindi raw ako masusundo ng aking ama, at dahil hindi ako marunong umuwi mag-isa, pilit akong tinuturuan ni papa kung saan sasakay at bababa. Ngunit natatakot ako. Hanggang sa nagboluntaryo si Jose para ihatid ako. Alam daw niya ang sakayan papunta sa amin. May mga jeep na dumaraan, pero hindi niya pinapara dahil masikip daw. Nang may humintong jeep, ang tanging sabi niya lang ay, “Sakay.” Akala ko naman ay hanggang doon lang, ngunit sumakay rin siya sa tabi ng driver at nagbayad. Kinalabit ko siya para iabot ang bayad ko, pero tinang- gihan niya, “Okay na.” Ang hindi ko alam noon ay sa Kamuning lang pala ang bahay niya. Lumayo pa siya para lang ihatid ako. Ang daming simpleng bagay na hindi mo agad mapapansin. Tulad ng isang taong hihinto sa pag- takbo dahil nahuhuli ka na o isang taong alam ang daan pauwi sa’yo. Habang naglalakad ako papunta sa aming silid-aralan, nakita niya ako at ngumiti. Paglabas ng aming guro, nagkatinginan muli kami at siya’y ngumiti. Ako naman, syempre, nagkunwaring normal lang ang lahat. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ba iyon. Baka ganoon lang talaga siya. Baka mabait at palakaibigan lang. Baka ako lang ang masyado itong pinag- iisipan. Pero pagkatapos noon, parang paulit-ulit na siyang lumilitaw sa utak ko. Isang araw pa, matapos ng aming pagsusulit, nagpaalam na ako sa aking mga kaibigan na uuwi na nang bigla niya akong tawagin. “Uwi ka na?” Tumango lamang ako nang dinugtungan niya pa ng, “Sabay na tayo.” Dapat sana iyon na. Subalit tinawag ako ng guro namin sa kaniyang silid-aralan. Naiwan siya sa labas, naghihintay. Hindi ko rin naman ito inasahan, dahil kilala siya sa pag-uwi nang maaga kaya nagulat din ang aming guro at nagbiro pa kung siya raw ba ang nobyo ko. “Hindi po.” Sa aming paglalakad, madalas ko siyang sabihan ng: “Hoy! Nang-iiwan ka!” Dahil mas matangkad siya, mas mahaba ang hakbang at mas mabilis. Tatawanan niya lang ako. Ngunit sa tuwing makitid ang dina- raanan namin, bigla siyang hihinto at pinapauna ako. Napunta ang usapan namin sa bakasyon. Tinanong niya kung ano ang gagawin ko, sabi ko, malamang research pa rin. Tinatanong niya ako kung tungkol saan ‘yon, sabay kuwento niya rin sa mga plano niya. Isang buwan daw siyang hindi gagamit ng telepono, ang sabi ko naman ay kaya ko rin ‘yon basta may libro. At sa isang salita na iyon, mas nakilala ko pa siya. Kafka, Fyodor, Camus, Dazai, Mga pangalan na akala ko ay kailangan ko pang ipaliwanag. Ngunit sila’y kilala niya, binabasa niya, at higit sa lahat, siya’y nag-aanotasyon. Hin- di ko alam kung bakit malaking bagay ‘yon sa akin. Siguro dahil siya pa lang ang lalaking kilala kong gumagawa noon. Siguro kasi may taong nakaiin- tindi kung bakit ka nag-iiwan ng marka sa isang pangungusap, kung bakit may mga pahinang ayaw mong tiklupin o baka hindi naman talaga tungkol sa pagmamahal namin pareho sa libro ang dahilan. May mga bagay na mas madaling itago kapag ikaw lang ang nakakaalam. Mas madaling isipin na guni-guni lang ang mga iyon. Ngunit dumating ang gabing hindi ko inaasahan. Isang maikling mensahe, direkta, at sapat para mapahinto ako. “Crush mo raw ako, p’re?” Matagal kong tinitigan ang screen. At sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang sagutin iyon o ang aminin sa sarili kong matagal ko nang alam ang sagot. Siguro hindi naman kailan- gan magkaroon agad ng pangalan ang nararamdaman. Hindi kailangang tawagin itong pag-ibig para maging mahalaga. Minsan, sapat nang aminin mong may isang taong unti-unting naging espesyal sa paraang hindi mo inaasahan. At kung sakaling tanungin ako ngayon kung kailan ko siya unang nagustuhan, marahil hindi ko pa rin masasagot. Dahil paano mo ba ituturo ang eksaktong sandali kung kailan nagsimulang magbago ang isang ordi- naryong tao sa paningin mo? Paano mo susukatin kung kailan naging ma- halaga ang isang presensya? O kung kailan naging paborito ng iyong tenga ang isang boses na dati nama’y isa lamang sa ingay ng silid-aralan? Baka, tulad ng isang magandang libr
12 AG-TEK angtanglaw | Bolyum 1, Tomo 1 | Hunyo 2026 - Oktubre 2026 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG RAMON MAGSAYSAY (CUBAO) HIGH SCHOOL Kalugusang Mental, Pahalagahan ✒Isinulat ni: Bjorn Adrianne N. Umbao Sa Pilipinas, tinatayang 3.3 milyong tao ang umiinda sa sakit na ito at mahigit 300 milyong tao ang may depresyon, sa buong mundo. Ang kalusugang mental ang susi sa kakayahang makapag-isip nang malinaw, at malabanan ang iba’t ibang stress sa buhay. Inilunsad ng Pola Municipal Police Station ang Project Gabay Kaisipan sa Oriental Mindoro, ang programang nakatuon sa kalusugang mental bilang bahagi ng pag- iwas sa krimen. Sa pagtutulungan nina Mayor Jennifer “Ina Alegre” Cruz at PCpt. Bernie Ortega, hepe ng Pola Municipal Police Sta- tion, isinasama ng programa ang kamalayan sa kalusugang mental sa mga hakbang para sa pampublikong kaligtasan at pag-iwas sa krimen. Binigyang-diin ni Ortega na hindi layunin ng proyekto na magsagawa ng diagnosis sa mga kondisyon sa kalusugang mental.Katulad ng pangunahing first aid, nakatuon ang inisyatiba sa pagtukoy at pagtatala ng mga nakikitang sintomas, pag-uugali, o kilos na maaaring magpahi- watig na nangangailangan ng karagdagang tulong ang isang estudyante. Ang mga impormasyong makakalap ay magsisilbing gabay sa angkop na pro- seso ng referral, na maaaring isagawa sa tulong ng mga lisensiyadong psychologist, health professional, pulis, o social worker. Ayon sa kanila, layunin nitong matu- koy ang nagpapakita ng mga senyales ng emosyonal na paghihirap, makatulong na maiwasan ang mga insidenteng karahasan sa mga paaralan, at tulungan na makilala ang mga maagang senyales ng matinding emosyonal na paghihirap at mabigyan ng angkop na propesyonal na tulong. ✒Isinulat ni: Prince Nathan B. Rubina May kirot sa dibdib kung makita ang mga hibla ng buhok sa iyong pagsusuklay. Sa bawat pagligo, ang pag-agos ng tubig na may kasamang tumpok ng naputol na buhok ay tila isang tahimik na babala; unti-unting ninipis ang ating korona. Likas sa katawan ang maglagas ng 50 hanggang 100 hibla ng buhok araw-araw bilang natural na proseso ng pagtubo, subalit ang kapansin-pansing pagnipis ng buhok o alopecia ay isang malinaw na men- sahe ng ating katawan tungkol sa ating kalusugan. Mga Lihim na Salarin sa Paglaho ng Kapal ng Buhok Sa anit ng ating ulo nakatago ang libo-libong hair follicles o ang maliliit na ugat na siyang dahilan ng bawat hibla ng buhok. Kapag naapektuhan ang mga ugat na ito, nagsisimula ang hindi mapigilang pagkala- gas. Kung ang pagkapanot ay nasa lahi, androgenic alopecia ang salarin kung saan ang hormone na Dihydrotestosterone o DHT ang pangunahing dahilan sapagkat pinaliliit at pinahihina nito ang mga ugat na siyang nagdudulot ng pagtubo ng buhok. Kung stressed lagi, telogen effluvium ang salarin. Ang matagal na pagpupuyat, lanis na pagod, o mabigat na problemang emosyonal ay nagdudulot ng gulat sa katawan na nagdudulot ng pahinto sa paglago ng buhok. Nadaragdag din sa sanhi ang kawalan ng sapat na protina at iron sa pang-araw-araw na pagkain. Dahil ang ating buhok ay gawa sa protinang tinatawag na keratin, ang kulang na nutrisyon ay nag-aalis ng kinakailangang pataba sa ugat ng buhok kaya mabilis itong mabaluktot, maputol, at malagas. Iba Pang Kondisyon at Gawi na Nagpapalagas ng Buhok Ang karamdaman sa thyroid kung saan ang masyadong mabilis o mabagal na daloy ng metabolism ay nakaaabala sa pagbuo ng mga selula, na nagdudulot ng pantay ngunit kapansin-pansing pagnipis sa buong balat ng ulo. Isa pa ang biglaang pagbaba ng estrogen pag- kapanganak o labis na androgen dulot ng Polycystic Ovary Syndrome o PCOS ay sanhi din ng paglalagas ng buhok.. May mga pagkakataon namang dulot ito ng autoimmune condition tulad ng alopecia areata na nagdudulot para atakihin ng sariling immune system ang mga ugat ng buhok at ang mahigpit na pagtatali ng buhok, pagpapakulay o pagpaparebond. Hakbang Tungo sa Pagpapatubo at Pagbabalik-Sigla Ang topical solution na Minoxidil ay kayang buksan ang daluyan ng ugat. Para naman sa kalalakihan, ang Finasteride sa gabay ng doktor ay tumutulong upang pigilan ang pagkasirang dulot ng DHT. Napakalaking tulong din ng tamang pagkain. Ang mga gaya ng isda, itlog at monggo na mayaman sa pro- tina, at isama na rin ang mga luntiang gulay na mayaman sa iron ay nakatutulong sa pagbuo ng keratin. Ang pagpapanatili ng makapal at malusog na buhok ay hindi nakukuha sa mabilisang miracle sham- poo lamang, kundi sa pang-araw-araw na disiplina sa nutrisyon at tamang pangangalaga. Sa huli, ang bawat tamang hakbang para sa iyong kalusugan ang pinakama- tibay na pamumuhunan upang maibalik ang kapal, ganda, at tiwala sa sarili na dala ng iyong korona. Lagas dito, lagas doon Banta sa likod ng matinding baha W.I.L.D.: ✒Isinulat ni: Carmela C. Marundan Kapag umuulan, payong ang unang hinahanap ng karamihan, sapatos ang unang inaalala, at baha ang unang iniiwasan. Ngunit sa likod ng malamig na patak at madilim na ulap, may mga panganib na hindi nakikita ng mata. Sa panaho
Halamang Gamot,Halamang Gamot, iyan ang sagot!iyan ang sagot! 13 ag-tek KAYANG-KAYA KANG IPAGLABAN ✒Isinulat ni: Carl Israel S. Afan Pampagising ng diwa ng manggagawang Pilipino ang isang tasa ng mainit na kape habang sinasalubong ang bukang liwayway. Wika nga ng sikat na patalastas, “piliin mo iyong kapeng matapang, iyong kayang-kaya ka ipaglaban,” sa paglipas ng panahon, na umaantig sa puso ng bawat Pilipino. Sino nga ba ang mag-aakala na ang ordinaryong kapeng matatagpuan natin sa bawat hapag-kainan ay may natatagong katangian upang pagandahin ang ating kalu- sugan.Benepisyo ng Kape sa Kalusugan Ayon sa ilang pagsusuri at pag-aaral ng Texas A&M College of Veterinary Medi- cine and Biomedical Sciences (VBMS), ang kape ay nakatutulong upang bawasan ang tyansa ng katawan na makakuha ng chro- nic illnesses tulad ng Alzheimer’s Disease, Parkinson’s disease, at iba pang metabolic diseases. Dagdag pa rito, ayon sa mga pag-aaral ni Dr. Stephen Safe, isang professor sa VMBS Department of Veterinary Physiolo- gy and Pharmacology, ang bisa ng kape ay nakatutulong upang paganahin ang Nuclear Receptor Subfamily 4 Group A Member 1 o NR4A1. Ito’y isang “nuclear receptor” na namamahala sa kung paano kinokontrol ng katawan ang pamamaga, pagtanda, at stress. Epekto ng NR4A1 sa Kalusugan Ang Kape ay nagsisilbing gasolina ng NR4A1 dahil tuwing ang isang tao ay umiinom nito, ang NR4A1 ay gumagana na parang isang makina. Ayon kay Dr. Safe, ang NR4A1 ay mabilis na rumiresponde tuwing may na- sisirang “tissue,” at pinababagal nito ang tuluyang pagkasira at pinipigilan ang implamasyon. Sa pamamagitan nito, mas napananatili ang kalusugan ng katawan gayundin sa pagpa- pabata ng panlabas na kaanyuan ng isang indibidwal. Hango ito sa salitang “Caffeine” na pinakamalaking bahaging bumubuo sa kape, kung saan ang pag-inom nito ay nagbibigay ng pakiramdam na tila nanununtok sa bawat paghigop. Subalit ayon sa pag-aaral, maliit lamang ang epekto ng caffeine sa pagpapagana ng NR4A1, kaya ha- los walang pinagkaiba ang kape na mayroong caffeine, at kape na walang caffeine. Bagamat maganda ang epekto ng kape sa katawan ng bawat indibidwal, paalala ni Dr. Safe na hindi pa rin tuluyang natatapos ang nasabing pag-aaral. Kahit na maraming benepisyo ang kape sa kalusugan ng isang tao, hindi direktang ibig sabihin nito ay lubos-lubusin na ng bawat isa ang pag-inom ng kape, dahil ang katawan ay may iba’t ibang pamamaraan kung papaano tumutugon dito. Sa huli ang mga pag-aaral na ito’y hindi tuluyang masasayang. Ang mga impormasyong nakalap ng mga mahuhusay na dalub-agham ay ang daan upang mas palawigin pa ang ating kaala- man sa bawat pagsubok at laban ng buhay. Sa Bawat Subo, Tagumpay Ang Puso ✒Isinulat ni: Princess Elyza F. Marcelino Alas-tres ng madaling-araw. Mabilis ang patak ng oras, mabilis din ang pag-type sa keyboard, at lumalabo na ang mga mata sa harap ng reviewers. Sa ganitong mga sanda- li ng pakikipaglaban ng mga estudyanteng Pilipino, instant noodles, tsokolate, at malamig na soda ang paboritong salbabida—mabilis na pantawid-gutom, murang pambawi sa antok. Ngunit gaano man katindi ang iyong sipag, paano ka mananalo sa laban kung ang mismong panggatong mo ay dahan-dahang pumapatay sa apoy ng iyong utak? Ang akalang kakampi sa puyatan ay ang mismong nagiging sanhi ng brain fog, panlalabo ng pokus, at pagbagsak ng katawan sa oras ng mismong pagsusulit. Sa huli, ang tamang nutrisyon ang tunay na baluti ng mag- aaral—dahil ang bawat masustansyang pagpili sa hapag ay hindi lang simpleng pagkain, kundi ang pinakamatibay na pamumuhunan upang ang bawat puyat at sakripisyo ay magbunga ng matalas na pag-iisip at tagumpay sa pangarap.Ang Kalagayan ng Kalusugan ng mga Mag- aaral Ayon sa data ng Department of Health (DOH) at DOST-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) sa GMA News Online, humigit-kumulang 29.5% ng mga batang Pilipi- no ang nagdurusa sa stunting o pagkabansot dulot ng matagal na kawalan ng sapat na nutri- syon. Ang problemang ito ay direktang nagdu- dulot ng mababang konsentrasyon, mabilis na pagkapagod, at madalas na pagliban sa klase. Gaya ng binigyang-diin ni Dr. Maria Rosario Vergeire, dating Office-in-Charge ng DOH “29.5% of Filipino children under 5 are stunted. Our issues with nutrition go beyond access to food... youth is the hope of our nation, but if our youth today are stunted, these young people will eventually run our economy.” Paano Tumutulong ang “Pinggang Pinoy” sa Utak at Katawan Upang magkaroon ng malinaw na pamantayan sa tamang pagkain, binuo ng DOST-FNRI ang Pinggang Pinoy: Glow Foods (50% ng Plato): Prutas at gulay tu- lad ng malunggay, kangkong, at saging. Maya- man ito sa bitamina, mineral, at antioxidants na nagpoprotekta sa mga selula ng utak at nagpa- titibay ng immune system. Grow Foods (25% ng Plato): Pagkaing maya- man sa protina gaya ng isda, itlog, manok, at tokwa. Kailangan ito sa pagbuo ng neurotrans- mitters na responsable sa memorya at mabilis na pag-iisip. Go Foods (25% ng Plato): Complex
14ag-tek NASA TAO ANG TANONG, NASA MAKINA ANG SAGOT ✒Isinulat ni: Carmela C. Marundan Hindi lahat ng sagot ay nangangailangan ng lapis, papel, at mahabang pag- hahanap sa mga pahina ng aklat. Sa panahong isang pindot lang ang pag- itan ng tanong at sagot, tila unti-unting nagbabago ang mukha ng pagkatuto. Sa silid-aralan, isang mag-aaral ang nahihirapan sa kom- plikadong equation, katabi ang chatbot na handang magpaliwa- nag, magbigay ng halimbawa, at sumagot sa mga tanong. Ito ang bagong realidad ng edukasyon: ang pagpasok ng artificial intelli- gence (AI) sa mundong dating nakasandig sa mga aklat, pisara, at talakayan. Sa likod ng mabilis na pagtugon ng AI ay ang makaba- gong agham at teknolohiyang nagbibigay-daan sa mga makinang magsuri ng impormasyon at lumikha ng mga tugon gamit ang machine learning at natural language processing. Kung kaya’t katuwang ng mag-aaral ang AI sa pag-unawa sa mahihirap na aralin, komplikadong konsepto sa mas payak na paraan at magbigay ng karagdagang pagsasanay ayon sa pangangai- langan ng bawat isa. Hindi lahat ng sagot ng AI ay tama. May pagkakataong nag- bibigay ito ng impormasyong tila kapani-paniwala ngunit mali, isang limitasyong tinatawag na AI hallu- cintion. Kaya mahalagang suriin ang mga sagot, tiyakin ang mga sang- gunian, at huwag basta umasa sa teknolohiya. Sa agham, hindi nagtatapos ang proseso sa isang sagot. Nagsisimula ito sa pagtatanong, nagpapatuloy sa pagsisi- yasat, at nagiging makabuluhan sa pa- mamagitan ng ebidensiya. Gayundin, ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng tamang sagot, kundi sa paglinang ng kakaya- hang mag-isip, magsuri, at umunawa. Hindi rin na- nganga- hulugang dapat ta- likuran ang AI. Maaari itong mag- ing makapangya- rihang kasangkapan sa pagkatuto, ngunit hindi nito dapat pa- litan ang sariling pag- sisikap ng mag-aaral. Maha- laga pa rin ang papel ng guro sa paggabay, paghubog ng disiplina, at pagtuturo ng mga pagpapahalagang hindi kayang ituro ng makina sa pamamagi- tan lamang ng datos. Sa huli, ang tunay na sukatan ng pagkatuto ay hindi kung gaano kabilis makasagot ang isang mag-aaral sa tulong ng AI, kundi kung gaano niya nauunawaan ang sagot at kung kaya niya itong gamitin nang may pananagutan. Maaaring ituro ng teknolohiya ang daan, ngunit ang sariling pag-unawa pa rin natin ang nagbibigay-liwanag sa pagkatuto. Sapagkat kahit gaano katalino ang makinang nilikha ng tao, ang kinabukasan ng edukasyon ay ma- nanatiling nakasalalay sa kung paano pinipili ng tao na matuto at gamitin nang may disiplina. Sa huli, hindi teknolohi- ya ang humuhubog sa isang mahusay na mag-aaral, kundi ang estudyanteng marunong gumamit nang may pananagutan at tunay na hangaring matuto. MONSAY RESEARCHERS, wagi sa RSTF ✒Isinulat ni: Bjorn Adrianne N. Umbao Namayagpag ang husay at talino ng mga students researchers ng Ramon Magsaysay Cubao High School (RMCHS) sa ginanap na Division Science and Technology Fair (DSTF) noong Setyembre 11, 2026. Sinelyuhan sa pangalawang pagkakataon ng Physical Science - Team (PS-T) Researchers na sina Eevhia Ron Nhayr S. Eva, Lhian Joyce M. Magdaraog at Bjorn Adrianne N. Umbao ang unang pwesto sa Science Investigatory Project (SIP) at magpapatuloy upang katawanin ang Lungsod Quezon sa Regionals Science and Technology Fair (RSTF) na magaganap sa Disyembre. Nasungkit ng Mathematics and Computational Sciences - Individ- ual (MCS-I) Researcher Edwin Junior G. Daez ang ikaapat na puwesto sa SIP habang nakamit ng Mathematics and Computational Sciences - Team (MCS-T) Researchers Jorja Regina Z. Sabinorio, Sean Alec Nikolai A. San Agustin, at Raphael Gerard B. Seriosa ang ikalawang puwesto sa parehong SIP at best display board award. Nakuha ng Robotics and Intelligent Machines - Individual (RIM-I) Re- searcher Miguel Gabriel C. Arididon ang ikatlong puwesto sa SIP at unang pu- westo sa best in display board award habang nakalusot sa ikalimang puwesto ang Robotics and Intelligent Machines - Team (RIM-T) Researchers Ryle M. Fajardo, Zeckieriah Giehan P. Medallada, at Benegreghory Siman. Nakamit din ng Life Science - Team (LS-T) Researchers Krisha Camille A. Balais, Hanzelle Khate S. Esperos, at Hannah Remegia M. Soriano ang ikatlong puwesto sa SIP. Naiuwi ng RMCHS ang ikalawang puwesto sa best in shout-out award sa tulong ng mga researchers. Nagpapasalamat ang mga RMCHS Researchers sa kanilang mga gurong tagapagsanay at konsultant na sina Veronica E. Niar, Ma. Josefa C. Quiñones, Ryan P. Varona, Melvic C. Borja, Jury P. Cerbito, Rey John Caballero at Marc Andrie Bermundo at sa suporta sa namumuno sa Kagawaran ng Agham Gng. Anabel Mejia at Punongguro Dr. Josehpine M. Maningas. Isang AI robot para sa awtomatikong pagbubukod ng basura. Binuo ito ng mga mag-aaral mula sa SLU, PUP, at UC, at naging finalist sa Ecothon Phili- ppines 2026. Isang maliit at kasukat-sarong molecular diagnostic de- vice ng Manila HealthTek Inc. Gumagamit ito ng LAMP technology para mabilis na matukoy ang mga sakit sa malalayong lugar. Isang platform n
15ISPORTS angtanglaw | Bolyum 1, Tomo 1 | Hunyo 2026 - Oktubre 2026 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG RAMON MAGSAYSAY (CUBAO) HIGH SCHOOL Alternatibong Landas tungo Sa tagumpay ✒Isinulat ni: Krisha Camille A. Balais Ang Alternative Learning System (ALS) ng Ramon Magsaysay Cubao High School ay nagsisilbing tulay para sa mga kabataang out-of-school youth at mga adult learners na nagnanais makapagtapos ng kanilang pag- aaral. Sa tala ng paaralan hanggang Setyembre 20, 2026, umabot na sa 145 na mag-aaral ang nakalista sa Learner Information System (LIS). Layunin ng programa na bigyan ng pagkakataon ang mga hindi na makapag-enroll sa regular na klase dahil sa iba’t ibang kadahila- nan. Para sa mga working students na may pabago-bagong schedule, handog ang ALS Connect online classes na maaari ring pasukan kahit weekends. Para naman sa mga magulang na inu- una ang responsibilidad sa pamilya, may night classes mula 6:30 PM hanggang 9:30 PM— isang natatanging programa na RMCHS lamang ang nag-aalok sa Quezon City. Bukod dito, tinutugunan din ng ALS ang pangangailangan ng mga diverse learners gaya ng dating nakulong o galing sa rehabilitation, sa pamamagitan ng flexible schedule at contextu- alized lessons. Sa ilalim ng teach-all system, isang guro ang nagtuturo ng lahat ng asignatura at naaangkop ang mga aralin sa karanasan ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, ang ALS program ng RMCHS ay patunay na walang hadlang sa kagustuhang abutin ang pangarap na makat- apos ng pag-aaral, anuman ang pinagmulan o sitwasyon ng bawat mag-aaral.